The Beginning of an End
"Nakikiramay ako, Faith."
Hindi na ako nag-angat ng tingin sa babaeng nagsabi niyon. Masyado na akong pagod para igalaw pa ang aking ulo. Wala na rin akong pakialam kung sabihin nilang bastos ako. Pagod na ako. Pagod na akong mag-isip, pagod na rin akong mabuhay. Pagod na ako sa lahat bagay.
"Nakikiramay kami sa iyo, Lexcel Faith."
Mapakla akong napangiti dahil sa narinig. Ayan na naman. Ilang beses ko na bang narinig ang salitang iyan ngayong gabi ngunit pakiramdam ko ay wala akong karamay sa sakit na nararamdaman ko.
Si Lola Kristel lang ang kinikilala kong pamilya. Namatay ang nanay ko sa panganganak sa akin habang ang tatay ko naman ay nag pakamatay dahil hindi nakayanan ang depresyon.
Palaging sinasabi ni lola na isa akong regalo ng Panginoon sa kanya ngunit hanggang ngayon ay hindi ko pinaniniwalaan. Hindi ako bulag, at sa lahat nang nakikita ko ay hindi ko na alam kong saan doon ang totoo. Sana ang kamatayan ni lola ay kasama sa mga bagay na hindi totoo.
Sana.
"Nakikiramay ako, Faith."
Naihilamos ko ang dalawa kong kamay sa aking mukha. Kung sana lang ay kayang maibsan ang sakit na nararamdaman ko gamit ang mga salitang iyan.
Lahat sila ay hindi ko magawang tingnan. Kung sabagay ay hindi ko naman sila kilala maliban sa ilang ka-klase kong narito. Siguro ay maraming naging kaibigan si lola dahil na rin sa angking kabaitan at pagkamatulungin nito.
Aside from being a psychologist, Lola Kristel has psychic ability. She can see and do things that normal people cannot. Hindi siya baliw, sadyang may mga bagay lamang na hindi kayang intindihin ng mga normal na tao at kasama na ako sa mga normal na iyon.
"So what's your plan now, Faith?"
Nag dalawang isip pa ako kung lilingunin ko ba si Gabby o hindi. Sa huli ay pagod ko siyang nitingnan. Namumula at namamaga na rin ang kanyang mga mata sanhi ng kakulangan sa tulog.Huminga ako ng malalim. "Hindi ko pa alam sa ngayon, Gab."
"Gusto mo sa bahay ka nalang muna tumira habang naghahanap ng magiging legal guardian mo? Or maybe, sina Mommy nalang ang gawin mong guardian, siguradong matutuwa ang mga iyon."
Tanging hingang malalim lamang ang naitugon ko. Tatlong buwan pa bago ang aking kaarawan at habang hindi pa dumarating iyon ay kailangan ko ng legal guardian.
"I never thought that Sandrex would do it," saad ni Gabby. Kasunod 'non ay isang malalim na paghinga.
Naikuyom ko ang aking kamao. Ang animal na iyon! ang kapal ng mukha niya para hilinging pumunta sa lamay ni lola matapos ang ginawa niya kahapon. Wala sa mukha niya ang pagiging mamamatay tao pero hindi mawala sa isip ko ang dinatnan ko kahapon sa opisina ni lola. Noon pa man ay masama na ang kutob ko sa lalaking iyon.
Si Sandrex ay naging kliyente ni lola sa loob ng anim na buwan at sa loob ng mga panahong iyon ay hindi ko maipaliwanang ang kakaibang kaba at pagkamuhing nararamdaman ko sa kanya. Wala naman siyang ginagawa sa akin pero nakikita ko pa lamang ang kanyang sasakyan buhat sa malayo ay nanginginig na ang aking kalamnan. Hindi ko lang matukoy noon kung para saan iyon ngunit kahapon ay alam ko na. Sa kabila ng kabutihan ni lola sa kanya ay nagawa pa rin niya iyong patayin.
"Wala ka ba talagang naaalala sa nangyari kahapon, Faith?" Kunot-noo akong napatitig kay Gabby. Umiling-iling siya, siguro ay nagsisisi sa kanyang naging tanong. "I'm sorry," pabulong niyang dagdag.
"Hindi ko na maalala ang detalye, Gab. Hindi ko alam, siguro ay natakot ako o ano… hindi ko alam. Basta pagdating ko doon, kalong-kalong niya si lola habang..." hindi ko na naituloy ang sasabihin ko dahil sa lalaking literal na nanginginig hindi kalayuan sa inuupuan ko. Nakikita ko pa ang pagtaas-baba ng kanyang balikat dahil sa bilis ng paghinga nito.
Mas lalo siyang tinakasan ng dugo sa mukha nang tumayo ako at sinubukang maglakad papunta sa kanya ngunit sa aking paghakbang ay mabilis siyang umatras at kumaripas ng takbo.
"Kilala mo ba iyon?" tanong ko sabay turo sa daang tinahak noong lalaki.
"Iyon yata ang bagong lipat sa subdivision natin, Faith. He's weird, though," medyo natawa pa siya ng bahagya.
Tumango ako at tinapunan ng tingin ang mga nandoon hanggang sa dumapo ang paningin ko sa bagong dating na nakaposas kasama ang dalawang alagad ng batas— si Sandrex.
Nararamdaman ko na naman ang pamilyar na pag baliktad ng aking sikmura, wala akong ibang naririnig kundi ang malakas na tibok ng aking puso. Hindi ko maigalaw ang aking katawan at maging pag sigaw ay hindi ko magawa. Mas lalo pang lumalim at bumilis ang aking paghinga hanggang sa kusang humakbang ang aking mga paa papunta sa taong lubos kong kinamumuhian.
XxXCGTXxX
Twin"Hindi ko rin alam. Tanging ang Nanay mo lang ang nakakaalam kung nasaan ang kakambal mo."Paulit-ulit na sagot ni Gladys nang tinanong ko kung nasaan ang kapatid ko. Kung ang katulad ko ay bahagi ng plano ni Tharia, malamang ang kapatid ko rin.“Or maybe, it was your Mother’s plan to save you both from the Hekka Cover- from the trial!” Si Zandrex. Ramdamo sa tono ng boses niya ang pagka-inis.Hindi ko maiwasang tingnan siya ng masama.“Ofcourse, I’m also concern with your brother, Faith, it just that, we need to solve our problems one step at a time. We don’t know where’s your brother, yet!” aniya nang mabasa ang aking expresyon.Humugot ako ng malalim na hininga. May point din naman ang aking Ama kahit paaano.Hekkatua, isa sa tatlong magkakapatid na bihasa sa pag gamit ng itim na kapangyarihan. Naging obsessed siya sa kapangyarihan hanggang umabot sa puntong sinakripisyo niya ang buhay ng dalawang kapatid para mas lumakas pa. At sa ngayon ay ito lamang ang impormasyong mayroon
Twin "Hindi ko rin alam. Tanging ang Nanay mo lang ang nakakaalam kung nasaan ang kakambal mo." Paulit-ulit na sagot ni Gladys nang tinanong ko kung nasaan ang kapatid ko. Kung ang katulad ko ay bahagi ng plano ni Tharia, malamang ang kapatid ko rin. “Or maybe, it was your Mother’s plan to save you both from the Hekka Cover- from the trial!” Si Zandrex. Ramdamo sa tono ng boses niya ang pagka-inis. Hindi ko maiwasang tingnan siya ng masama. “Ofcourse, I’m also concern with your brother, Faith, it just that, we need to solve our problems one step at a time. We don’t know where’s your brother, yet!” aniya nang mabasa ang aking expresyon. Humugot ako ng malalim na hininga. May point din naman ang aking Ama kahit paaano. Hekkatua, isa sa tatlong magkakapatid na bihasa sa pag gamit ng itim na kapangyarihan. Naging obsessed siya sa kapangyarihan hanggang umabot sa puntong sinakripisyo niya ang buhay ng dalawang kapatid para mas lumakas pa. At sa ngayon ay ito lamang ang impormasyong m
"Kung hindi makakaalis si Lilia roon, walang sasanib kay Margareth. Wala tayong magiging problema, hindi ba?" tanong ko habang binubuklat ang lumang libro na may pangalan ni Santander Danielson. It’s in cursive gold letter, luma na at hindi ko alam kung dugo ba ang kaunting kulay pulang nasa ibang pahina nito o sadyang sinadya lamang habang isinulat. "Paano kung hindi na niya kailangan si Lilia dahil nagpatuloy naman henerasyon nito? Isa pa, kapag namatay si Lilia habang nasa sistema niya ang dugo ni Santander, magiging makapangyarihang bampira siya. Malamang, isa iyan sa mga rason kung bakit hindi siya pinatay ni Tharia?" "And he fancies Lilia, anyone who hurt the love of his life will suffered pain greater than death." "Ibig sabihin, walang laban ang kapangyarihan ni Tharia laban sa mga bampira?" "Most likely..." si Zandrex. "Hindi rin. Tharia is also one of the most powerful witch in the history of witchcraft, one of the oldest. Vampires are strong, and fast, but the elders of
Lilia's in Prison "Anong magiging pwedeng dahilan para magising si Lilia Delcan at sumanib sa katawan ni Margareth? She's already eighteen, been using magic since I don't know— she's ready to be taken over. Bakit hanggang ngayon ay wala pa?" Nilapag ko ang baso ng mainit na tsokolate bago sumadal sa kinauupuan ko. Si Zandrex ay abala sa isang lumang libro galing sa aking Ina. "Anong magiging triggering factor para magising ang isang Lilia Delcan?" Matagal akong tinitigan ni Gladys na tila ba naninimbang kung sasabihin niya ang naiisip. "No! I know what you're thinking Gladys!" "I will guide her, Zandrex!" Tumikhim ako para awatin silang dalawa. "Pwede akong bumalik sa nakaraan. I mean, dumalaw, or whatever the term basta nagawa ko na iyon dati. Nagawa kong makabalik... ng maayos at ligtas." "Mapapahamak-" "Hindi ako masasaktan ni Tharia roon at walang nakakakita sa akin," putol ko sa reklamo ng aking Ama. Pinanliitan niya ako ng mata. "How can you be so sure about that?" M
"Oh!" tanging nasabi ni Margareth nang marinig ang suhestiyon ni Marcus. Ang gusto niya kasing mangyari ay magkaroon ng isa pang ritwal ng sakripisyo sa susunod na kabilugan ng buwan. Pagkatapos kasing isagawa iyon ay magiging mahina si Tharia kaya ito magtatago sa alaala ng babaeng sinakripisyo. Ang plano niya ay ikulong si Tharia sa alaala ni Margareth gamit ang isang spell na tinuro ng isang babaylan. "No," saad ko. Kahit na iyon na lang ang natatanging paraan ay hindi ko iyon gagawin. Ang buhay ni Dahlia ay ang huling buhay na makukuha ni Tharia sa panahong ito- sisiguraduhin ko ito. "There's no other way! We can actually end this right-" "Kapalit ang buhay ng isang inosente? Hindi pwede Marcus! May isang buwan pa tayo para sa susunod na fullmoon, makakaisip pa tayo ng paraan-" "At sa tingin mo ay walang krimeng gagawin si Tharia sa loob ng isang buwan?" putol ni Lola Josephine sa akin. Napalunok ako. Base sa naging itsura ng silid kanina ay mas lalo na ngang lumakas si Thar
Nang bahagyang kumalma si Marcus ay pinahiram siya ng damit ni Levi na nakita niya sa sasakyan, siguro ay kay Zandrex iyon basi na rin sa laki ng mga ito. Ininom niya ang inalok kong tubig at tumulong na rin na ayusin ang mga naglakat na sala. "Dios por santo, anong nangyari dine?" Sabay halos kaming napalingon sa pintuan kung saan naroon sina Lola Josephine at Aling Mumay. Ang matalim na titig ni Lola ay naroon kaagad sa akin. Napalunok ako. "Faith..." Siniko ako ni Margareth. "Ha? Uhm, yeah... pasok po," saad ko nang maisip na may kultura pala ang mga witch or mga manggagamot na huwag pumasok sa isang tahanan kapag hindi iniimbita. Opisina nga ito ni Lola Kristel ngunit nang malipat ito sa aking pangalan ay parang naging tirahan ko na rin. Umupo kami sa maayos nang mga sofa, ilang minutong nagpakilala kay Marcus at Lola Josephine bago nag simula ang mga seryosong tanong. "Lola Pina, hindi po iyan si Tharia," si Aling Mumay nang mapansing kanina pa matalim ang mga titig ni Lola