The Billionaire's Widow Got An Affair

The Billionaire's Widow Got An Affair

last updateLast Updated : 2025-11-06
By:  Bluemoon22Updated just now
Language: Filipino
goodnovel18goodnovel
Not enough ratings
6Chapters
6views
Read
Add to library

Share:  

Report
Overview
Catalog
SCAN CODE TO READ ON APP

Arielle Voss thought she was a wife. For three years, she wore the name Davenhart, loving a man who never truly saw her. When illness brings her to the edge of death, she asks for the one thing Lucian Davenhart will never give—freedom. But freedom comes not from him, but from the man he fears the most—Magnus Davenhart, his estranged uncle. Magnus unveils a truth that rips Arielle’s world apart: Her marriage was a lie. Her vows were never real. And now, every secret the Davenharts tried to bury is clawing its way to the surface. Trapped between a husband who won’t let go and a man who knows too much, Arielle must choose which darkness to face— the one she married… or the one she can’t resist.

View More

Chapter 1

kabanata 1

KABANATA 1 — Ang Gabi ng Pagpapalaya

Ramdam ko ang bawat patak ng orasan. Mabagal. Mabigat. Para bang binibilang nito ang bawat segundo ng isang buhay na unti-unting nauupos.

Tahimik ang buong suite. Malamig, maluwang, at tila walang bakas ng kaluluwa. Ang mga ilaw ng siyudad sa labas ng salaming pader ay kumikislap na parang mga bituing matagal nang napagod sa langit. Ang mga alon ng ilaw ay bumabalot sa akin, ngunit ni isa roon ay hindi kayang pawiin ang lamig sa dibdib ko.

Tatlong taon na akong nakakulong dito — sa ginto, sa karangyaan, sa apelyidong minsan kong pinangarap ngunit ngayon ay tila isang sumpa.

Wala pa rin siya. Sanay na akong maghintay, sa wala.

Isang mahinang click ng pinto ang sumira sa katahimikan, ayun siya.

Si Lucian Davenhart — ang lalaking minahal ko nang buong buo, ngunit unti-unting pumapatay sa akin. Matangkad, maayos, makapangyarihan. Suot ang mamahaling suit na amoy tagumpay, amoy kayamanan, amoy ng isang lalaking tila walang kailangang ipaliwanag dahil alam niyang siya na ang may hawak ng mundo.

Ang bawat hakbang niya ay may kumpiyansa, kahit ang paghinga niya ay malamig. Bago pa siya tumingin sa direksyon ko, dama ko na ang bigat ng presensya niya na gusto kong takasan pero hindi magawa.

“Gising ka pa?” malamig niyang tanong, walang bakas ng kahit anong emosyon.

“Hinintay lang kita,” mahina kong sagot.

Niluwagan niya ang kanyang kurbata, hindi man lang ako tinitingnan. “Hindi mo kailangang gawin ‘yan.”

Kailangan. Sapagkat ito lang ang tanging paraan para maramdaman kong buhay pa ako — ang maghintay. Kahit alam kong walang darating.

Tatlong taon na kaming kasal.

Tatlong taong tahimik na digmaan.

Tatlong taon ng pag-aasam sa isang pag-ibig na hindi kailanman dumating.

At sa bawat taon, natutunan kong basahin ang katahimikan niya — kung kailan siya galit, kung kailan siya sawa at kung kailan siya may iniisip na iba. Ngunit ngayong gabi, hindi ko na kayang magpanggap. Nasa bag ko pa ang papel mula sa ospital. Isang salita ang paulit-ulit na bumabagabag sa isip ko, parang isang sentensyang hindi ko matakasan. Cancer. May taning na ang buhay ko. Higit pa roon, mas matagal na akong patay. Patay sa piling niya.

“Lucian,” bulong ko, tila takot masira ang katahimikan.

Huminto siya sa tapat ng salamin. Tinitigan ang sarili, “Ano na naman?”

“Gusto kong makipaghiwalay.”

Katahimikan. Ilang salita ang tila naging granadang sumabog sa gitna naming dalawa.

Dahan-dahan siyang lumingon. Mabagal, tila mapanganib. Ang malamig niyang mga mata ay tumingin sa akin na para bang isa akong bagay na hindi karapat-dapat umalis.

“Ano?” malamig niyang tugon.

“Gusto kong makalaya,” mariin kong sabi habang nanginginig ang mga kamay. “Ayoko nang mabuhay sa ganito.”

Tumawa siya. Mababa at tila nanghahamon. “Makipaghiwalay? Sa akin?”

“Hindi mo ‘yan makukuha.” Palapit niyang tugon.

Ang dibdib ko’y tila piniga. “Hindi mo ako pwedeng ikulong sa kasal na matagal mo nang iniwan, Lucian.”

Umangat ang kilay niya, may ngiti ng panunuya. “Iniwan? Nasa iyo na ang lahat, Arielle. Hindi mo ba alam na lahat ng babae ay pangarap ang buhay mo ngayon—pera, pangalan, luho, at… ako.”

“Lahat,” tugon kong puno ng pait, “maliban sa pag-ibig.”

Sandaling natahimik siya. Ang mga daliri niyang nasa bulsa ay bahagyang gumalaw. Tumingin ako sa kanya, at marahang idinugtong, “Binigay mo sa akin ang lahat, oo. Pero ‘yung tanging hiling kong mahalin mo ako… hindi mo kayang ibigay.”

Isang kisap ang dumaan sa mga mata niya na agad ding naglaho. Galit ba ‘yon? Awa? Hindi ko alam.

“Akala mo ba makakatakas ka sa pangalang dala mo?” aniya, malamig ang tinig. “Davenhart ka, Arielle. Hindi basta-basta napuputol ‘yon.”

“Kung alam mo lang,” sagot ko, halos pabulong, “matagal na akong naputol sa mundong ‘to.”

Tahimik. Mabigat. Ang bawat hinga ay parang kasalanan. “Alam mo ba kung bakit kita pinakasalan?” tanong ko, tinig na puno ng basag na tapang. “Dahil naniwala akong kaya kitang mahalin kahit hindi mo ako kayang mahalin pabalik. Pero mali ako. Hindi ko kayang ipaglaban ang isang taong matagal nang wala rito. Ang taong kahit kailan, hindi man lang ako tinuring na asawa. Isa lang akong multo sa tabi mo, Lucian.”

“Tama na,” mariin niyang putol, ngunit hindi ko tinigilan.

“Hindi.” Lumingon siya, ang panga niya’y humigpit at ang mga mata’y nagdilim.

“Hindi mo nga maalala, ‘di ba? Nung araw ng kasal natin… hindi mo man lang ako tiningnan. Kasi siya ang tinitingnan mo — ‘yung babaeng iniwan ka.” Huminga ako nang malalim, pinilit ngumiti sa gitna ng pagguho. “Ako lang ang pamalit.”

Nanginginig ang kamao niya. “Tama na, Arielle.”

“Gusto ko lang marinig mo,” bulong ko, nakangiti habang pilit na pinipigilan ang pagbagsak ng mga luha. “Hindi mo ako kailanman minahal.”

Tahimik siyang nakatitig. Ilang segundo ang lumipas bago siya muling nagsalita — mababa, malamig, pero may talim ng banta. “Gusto mong umalis? Sige. Pero tandaan mo, hindi ko ‘yan gagawing madali.”

Lumakad siya papalayo, binuksan ang pinto, at bago tuluyang lumabas, tumigil sandali, tila may gustong sabihin ngunit di na itinuloy. Isinara niya ang pinto ng malakas.

Naiwan akong nakatayo sa gitna ng silid. Ang mga papel ng divorce draft at diagnosis mula sa ospital ay nasa kamay ko. Tatlong salita. Divorce. Disease. Despair. At ako lang ang nagdadala ng bigat ng lahat.

Napaluhod ako, hinayaan ang mga luha na matagal nang pinipigilan. Minsan, hindi sigaw ang nagpapalaya sa tao — kundi ang katahimikan.

“Hindi ko na kaya,” mahina kong bulong. “Kung ito man ang huling pagkakataon na pipiliin ko ang sarili ko… sana patawarin mo ako, Lucian.”

Huminga ako nang malalim, tinitigan ang mga ilaw ng lungsod. Malamig, malungkot at tila malayo. Ngunit sa ilalim ng lahat ng takot, may kumislot na kakaiba sa dibdib ko. Hindi galit at hindi rin pag-ibig. Ito ay tapang o marahil desperasyon.

Sa unang pagkakataon, pipiliin kong mabuhay. Kahit sa kaunting panahon na lang. At sa labas ng pader ng salamin, ang siyudad ay tila sumabay sa tibok ng puso kong matagal nang natutulog. Baka ito na nga ang gabi ng pagpapalaya — hindi lang sa kanya, kundi sa sarili kong matagal ng nakakadena sa pangalang Davenhart.

Expand
Next Chapter
Download

Latest chapter

More Chapters

To Readers

Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang  manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.

Comments

No Comments
6 Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status