Share

Kabanata 51

Who Killed Kristel

"K-kilala po ninyo ang tunay kong mga magulang?"

Naikuyom ko ang aking kamao. Sa paraan ng pagpapalaki sa akin ni Lola ay wala na akong mahihiling pa. Hindi ko kailanman man naramdamang may kulang sa akin dahil sa pagmamahal at kalinga na naibibigay sa akin ni Lola. Ngunit sa oras na ito ay gusto kong mag tampo. Gusto kong mag tanong at manumbat kung bakit itinago niya sa akin ang katotohanan. Kahit na ano pa ang naging rason nila ay karapatan kong malaman ang katotohanan kahit na hindi ko iyon kinakailangan.

"I'm sorry, apo, kung itinago ko sa iyo ang katotohanan. We all wanted to protect you—"

"Naiintindihan ko po, La," saad ko kahit na ang totoo ay may kurot pa rin sa aking puso ang pagtatago nila sa totoong pagkatao ko.

Matagal bago sumagot si Lola, tinatantiya pa ang aking timpla. Yumuko ako para hindi niya makita ang aking tinatagong emosyon.

"Nasa librong iyan lahat ng kailangan mong malaman tungkol sa mga magulang mo at kay Tharia, apo," sabi ni Lola ha
CG Tomodachi

Please read my one shot story, "Into The Other Side" for better understanding of Kristel and Zandrex story. :)

| Like
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status