MasukMga Anino ng Krimen Buong buhay ni Aurora Vale ay itinago niya ang isang mapanganib na kapangyarihan. Sa tuwing hahawakan niya ang isang taong may kaugnayan sa namatay, para siyang hinihila pabalik sa nakaraan, napipilitang masaksihan ang huling sandali ng isang krimen. Para sa mga pamilyang nagluluksa, siya ang kanilang huling pag-asa upang malaman ang katotohanan. Ngunit para sa mga mamamatay-tao, siya ang saksing hindi nila kailanman inaasahan. Ngunit sa bawat pagbabalik ni Aurora sa nakaraan, lalo pang nagiging madilim at mapanganib ang mga pangitain na kanyang nakikita… dahil may isang taong nagsisimula nang makapansin sa kanyang kakaibang kakayahan. At ang susunod na krimen na kanyang masisilayan… maaaring siya na mismo ang magiging biktima.
Lihat lebih banyakDARUIS POV:Mabigat ang katahimikan sa loob ng opisina nang muli akong humarap kina Gabriel at Elena Velasco.Pareho silang mukhang hindi pa rin nakakabangon sa pagkawala ng anak nila.At ngayong hawak ko na ang panibagong findings.Mas lalo kong alam na dudurog ang natitira nilang pag-asa.Dahan-dahan kong inilapag ang folder sa ibabaw ng mesa.Tahimik silang parehong nakatingin sa akin.“May lumabas na pong bagong resulta mula sa forensic investigation,” diretso kong sabi.Napahigpit agad ang hawak ni Mrs. Velasco sa panyo.“Ano pong ibig sabihin no’n?” nanginginig niyang tanong.Huminga ako nang malalim bago nagsalita.“May nakita pong traces ng illegal substance sa katawan ni Adrian.”Agad nanlaki ang mga mata nilang dalawa.“Ano?” halos pabulong na sambit ni Gabriel.“Mababa lang po ang level,” dagdag ko agad. “At base sa assessment ng medico-legal… posible pong hindi siya regular na gumagamit.”“Hindi…” mabilis na umiling si Elena habang unti-unting naiiyak. “Hindi gumagamit ng
DARUIS POV:“Sir.”Napalingon ako sa isa sa mga kasamahan ko.Si Forensic Officer Miguel Ramos.May hawak itong ilang papeles at seryoso ang mukha.“May initial report na po mula sa medico-legal.”Agad akong tumayo.“Lumabas na po ang initial toxicology screening.”Tahimik kong binuklat ang papel.At doon bahagyang kumunot ang noo ko.“Positive?” mababa kong tanong.Tumango si Ramos.“May traces po ng illegal substance sa system ng biktima.”Saglit akong natahimik.“Mataas?”“Hindi po,” sagot niya agad. “Actually… mababa lang ang level.”Napatingin ako sa kanya.“At base sa assessment ng medico-legal…” dagdag niya, “posibleng hindi po siya regular user.”“Meaning?”“Possible na first time… o hindi madalas gumagamit.”Tahimik akong napaisip.Posible pala iyon.Sa toxicology kasi, may mga pagkakataong nakikita kung gaano karami ang substance sa katawan, at minsan nagbibigay iyon ng ideya kung regular bang gumagamit ang isang tao o hindi.At sa kaso ni Adrian parang may hindi tugma.“Ano
AURORA VALE POV:Mahigpit kong hawak ang lumang family picture habang tahimik na nakaupo sa gilid ng kama.Bata pa ako roon.Nasa gitna nina Mama at Papa habang mahigpit nila akong yakap at parehong nakangiti sa camera.Masaya at buo.Isang pamilyang wala pang bahid ng lungkot.Ngunit ngayon tanging larawan na lang ang natitira sa alaala ng gabing iyon.Dahan-dahang pumatak ang luha ko sa ibabaw ng litrato habang nanginginig ang mga daliri kong humahawak dito.Minsan iniisip ko pa rin…Ano kaya ang pakiramdam ng normal na buhay?Iyong hindi kailangang makakita ng dugo.Hindi kailangang marinig ang mga sigaw ng mga patay.Hindi kailangang pasanin ang sakit ng ibang tao.Napapikit ako nang mariin.At sa katahimikan ng kwartong iyon isang mahinang katok ang narinig ko mula sa pinto.“Bakit?” mahina kong tanong habang mabilis na pinupunasan ang luha ko.Dahan-dahan kong ibinalik ang family picture sa ibabaw ng lamisita bago tumingin sa pinto.Pagkabukas no’n bumungad si Rodney na may hawak
AURORA VALE POV:Pagkasakay ko sa loob ng sasakyan, agad kong isinandal ang likod ko sa upuan habang tahimik na nakatanaw sa madilim na kalsada sa labas.Tahimik ang paligid.Tanging mahinang ugong ng makina ang maririnig habang dahan-dahang umaandar ang sasakyan palayo sa presinto.Pero sa isip ko paulit-ulit na bumabalik ang sinabi ni Tito kanina.Magreretiro na siya.“Tuloy na talaga ang pagreretiro ng Tito mo?”Basag ni Rodney sa katahimikan habang nakatuon pa rin ang tingin nito sa kalsada.Bahagya akong napabuntong-hininga bago marahang hinilot ang aking noo.“Uhm.”Mabagal akong tumango bago ipinikit sandali ang mga mata at inihilig ang ulo sa sandalan.“Paano na ’yan?” tanong niya muli. “Tutuloy ka pa rin ba?”Bahagya akong napangiti.Pero kahit ako, ramdam kong walang buhay ang ngiting iyon.“Nandito na ako sa buhay na ’to, Rodney,” mahina kong sagot. “Wala nang dahilan para hindi ko ituloy.”Dahil kahit gustuhin ko mang umiwas, hindi ko kayang pabayaan ang mga kasong humihin
Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
Ulasan-ulasan