Means
Nabitin ang pagtulak ko sa doorknob para tuluyang mabuksan ang pintuan ng condo dahil sa ungol na naririnig ko mula sa loob.
Bakit may mga ungol? Anong nangyayari?
Minumulto ba ang unit ko?! O lutang lang talaga ako?
Kakatapos ko lang sa trabaho at medyo pagod kahit maaga akong umuwi kaysa sa nakasanayan nitong nakaraang linggo.
Si ate Dasha, simula nang umuwi siya last week, ay halos sa boyfriend niya naman natutulog kaya minsan ako lang talaga ang tao sa condo 'pag gabi. Hindi pa rin kasi nabisita si kuya sa unit hanggang ngayon.
Kahit nahintatakutan na ay naglakas-loob akong silipin man lang ang loob ng unit. Kahit sa sala lang.
Maingat kong itinulak ang pintuan gamit ang doorknob, iniiwasang gumawa ng kung ano mang ingay maliban sa mga ungol na palakas ng palakas.
Nakita ko ang isang pamilyar na pigura ng isang lalakeng naka-topless at halos malaglag na sa sahig ang suot na cargo pants.
Si kuya!
Nakatalikod siya mula sa kinatatayuan ko habang nag-aatras-abante siya. Anong ginagawa ni kuya?
Parang may sinasalpok siyang kung ano... namilog ang pagod kong mga mata nang makita na babae pala 'yong sinasalpok niya!
Hindi pala ano kun'di ay sino!
Napakurap-kurap ako nang may matanto.
Ginagawa ba nila kung ano ang nasa isipan ko? Ginagawa ba ni kuya sa harapan ko ngayon kung ano man 'tong iniisip kong ginagawa nila?
"Uhm! Ahh! S-sandali— ah, fuck! Ohh!! Ah!"
Lahat yata ng dugo ko ay umakyat sa aking mukha nang madinig 'yon.
Nag-echo pa yata sa isipan ko!
Hindi na yata maipinta 'yong mukha ko sa pagkaasiwa.
Nagmadali akong lumabas ng condo nang hindi gumagawa ng ingay. Feeling ko masusuka yata ako sa nasaksihan.
Did I just saw my brother doing nasty stuff with a woman?
Grabe naman si kuya! Sa sofa bed pa talaga! Hindi ko na yata kayang maupo o matitigan man lang ang sofa bed nang hindi iniisip 'yong milagrong ginagawa nila!
Ang sagwa naman ni kuya!
Minsan na nga lang mauwi sa amin, ibang milagro pa ang ginagawa.
Mukhang matagal pa yata bago matapos 'yong ginagawa nilang milagro. Napabuntong-hininga nalang ako.
Summer na nga pero pagpapainit pa rin ang ginagawa ni kuya.
Tumitig naman ako sa nakasaradong pintuan ng unit ni Theus habang padaosdos akong sumandal sa pintuan ng unit namin at sumalampak sa sahig. Bahala na kung makita ako ng mga kapitbahay!
Kaysa naman sa loob ako ng unit ko 'no!
Ilang beses akong napabuntong-hininga. Inilagay ko ang bitbit na tote bag sa ibabaw ng kandungan.
Oo nga pala. Nasa akin 'yong spare keycard para sa unit ni Theus at alam ko 'yong passcode... puwede kayang manatili na muna ako sa unit niya?
Pero baka wala siya! Pero baka andiyan. Gabi na eh... unless umuwi siya sa mansion nila.
Ayaw ko namang basta nalang pumasok sa unit niya kahit na may permiso niya lalo na’t baka wala siya sa unit niya.
At baka may kamilagrohan din siya sa unit niya! Kung sakali! Ayaw ko nang magkamali 'no! Pero hindi naman gano’n si Theus.
Ano ba 'tong mga pinagiisip ko!
I stand up hesitantly in front of Theus’ unit. Agaran ko na ring pinindot ang doorbell. Dalawang beses ko lang pinindot at nagbukas naman siya kaagad.
"Uh.... hello." Nahihiya akong ngumiti sa kaniya nang naguguluhan siyang tumingin sa 'kin pagkabukas niya ng pintuan.
Naka brown sweater siya at naka shorts. Magulo naman ang slight curly hair niya. Suot niya pa 'yong anti-radiation eye-glasses niya. Nagtratrabaho ba siya?
Hala... naistorbo ko ba siya?
"Come," anyaya niya at sumunod na lamang ako sa kaniya.
Hindi niya ba man lang ako tatanungin kong bakit ako nandito ngayon?
Naka-dim lang ang light ng sala kaya hindi masiyadong maliwanag ang unit niya. Nakita kong may kinuha siyang maliit na remote sa isang tukador at itinutok sa ilaw at mayâ-mayâ pa ay lumiwanag ang salas. Naglalaro ang dark at light na kulay sa unit ni Theus. Mula sa grayish na color ng wall, sa mga dark blue couch at sa dirty white marble coffee table.
"Are you okay? Why do you look flushed? Something happened?" tanong niya sa akin at nagpatuloy kami sa paglalakad patungo sa kung saan naka puwesto ang balcony.
"Ha? A-ah... a-ano..." nautal ako dahil bigla nalang nag-flash sa isipan ko iyong ginagawa ni kuya!
Iniwasan ko ang tingin niya at napabaling sa working place niya.
"Hala, nakakaabala ba ako sa 'yo?" pagtatanong ko nang makita na may iilang papel na nakakalat sa workplace niya at nakabukas ang laptop niya.
"No, I’m just reviewing something in my presentation to the board. Nothing to worry about," aniya at iginiya ako papalapit sa balcony.
Engineer ang propesiyon niya at nagtratrabaho siya sa kompanya nila. Kahit nga kanila ang kompanya, si Theus ay walang kinuha na kahit na anong privilege 'gaya ng pagkakaroon ng high position.
"Sigurado ka bang hindi ako nakakaabala? Baka naman sinasabi mo lang 'yan dahil mukha akong kawawa kanina," saad ko.
"Really, it’s not a bother to me. Stop worrying. Sei così carino, piccola."
Nangunot naman ang noo ko nang mag-Italian na naman ulit siya sa akin. Alam naman niyang kaunti lang ang alam ko ro’n eh!
"Anong ibig sabihin no’n?" tanong ko.
Iginiya niya ako sa isang cushion bed na sinadya niya yatang ilagay sa tapat lang ng balcony. Kita kasi sa pwesto na ito ang city lights.
"It means, You’re so cute, baby," ngumisi siya at tinabihan ako.
Baby?
Baby?
"Baby?" pangungumpirma ko.
Bakit niya naman ako tatawagin ng gano’n? Napanguso ako.
"Yes, baby?" Lumaki ang pagkakangisi niya. Napatanga naman ako sa sinabi niya.
Ito ba 'yong mga galawang pa-fall?
Nako naman, Jianna, 'wag mag-aasume. Nakakasama 'yan sa heart.
"Theus! Huwag ka ngang ganiyan. 'Di ako nakikipagbiruan sa 'yo," sabi ko nang makabawi sa tinuran niya.
Gusto ko rin sana siyang hampasin sa balikat kaso feeling ko kung tatampalin ko siya parang magmumukhang nagustuhan ko 'yong sinabi niya dahil parang nanginig 'yong kaloob-looban ko!
Baka hindi ko siya mahampas sa inis kun’di sa kilig!
"Tss, it’s baby because you smell like one," saad niya.
Napasinghap ako at inamoy-amoy ang sarili. Oo nga! Amoy baby ako! Kumapit pa yata sa 'kin ang amoy ni baby G.
Nakakahiya kay Theus!
"Sorry," ani ko.
"Perche? Why? Because you smell like a baby?" Tumango lang ako sa tanong niya.
"I mean it in a good way, piccola," sabi niya at kinabig ako palapit sa kaniya! No space between us!
Nakasandal kaming dalawa sa cushion bed habang nakatingin sa city lights. Nakaakbay siya sa 'kin at ang pisngi niya ay nasa gilid ng ulo ko. Nararamdaman kong parang inaamoy niya ako.
I slightly shivered when his hand, that was resting on my shoulder, trailed off down to my arms. Nag-init ang mga pisngi ko sa paglandas lang ng braso niya. Heto siya at mukhang komportable habang ako ay maihi na sa kaba o sa..... kilig?
Mariin ko namang tinikom ang bibig nang parang hinahalukay ang kaloob-looban ko.
"Adoro il tuo odore... Profuma come il mio futuro," ibinulong niya iyon sa akin habang nasa gilid ng buhok ko pa rin siya. Napapikit nalang ako at dinama ang mainit na presensiya niya.
Nawalan na ako ng pake na itanong kung anong ibig sabihin ng sinabi niya basta nag-focus nalang ako sa nararamdaman.
Napapiksi ako sa inuupuan nang maalala si kuya. Tumingin ako kay Theus na kuryusong nakatingin sa akin.
"Uh.. p'wede ba muna akong mag-stay dito saglit? Kaya kasi ako kumatok kanina... ano... uhm... si kuya k-kasi..."
"What about Rino? Did you two argue again?" anas niya sa pangalan ni kuya.
"Hindi! Hindi," umiling-iling ako at malalim na humugot ng hininga, "M-may... ano... may kaanuhan kasi siya sa unit namin.. kaya heto at napunta sa 'yo." Bumaba ang tingin ko sa mga kamay na bahagya kong kinakalikot out of habit.
"Oh, you saw him doing something you didn’t want to see in the first place, right? Oh my poor, piccola," he cooed.
Inilayo niya ang mukha niya sa uluhan ko at ginulo ang buhok ko. Napasimangot naman ako pero... iba eh.... ang hirap kagalitan ni Theus.
"Ah, i-te-text ko muna si kuya," sambit ko at umayos ng upo.
To Kuya:
Hi, kuya. Nandito ako sa katapat na unit, kay Theus. Kapag tapos ka na sa ginagawa niyo ng kasama mo r’yan, sana mabenditahan mo 'yong sofa bed (smiley emoticon) Hindi ko na kayo inostorbo kasi nakakahiya naman (grinning-face-and-squinting-eyes emoji)
To Kuya:
At kung magkakainan pa kayo (literally) please 'wag niyo galawin 'yong gawa kong ice cream. Merong ibang dessert jan, yon nalang galawin niyo. Hmp.
"Want to eat some ice cream?"
Napabaling ako kay Theus nang bigla niya iyong iniusal.
"Sige." Ngumiti ako at tumango sa kaniya.
Agaran naman siyang nagtungo papuntang kitchen. Pagbalik niya ay nakita kong may hawak siyang pamilyar na lalagyan ng ice cream. Dalawang pint iyon.
"Hala, 'di ba ito 'yong gawa ko?" sabi ko nang maibigay niya sa akin ang isang pint.
Ito talaga 'yon eh! Ito 'yong gawa ko na ibinigay ko sa kaniya last month pa 'ata! Hindi pa niya nakakain?
"Yup, the mango with many, many cheese ice cream." Humalakhak siya at nagsimulang kainin ang ice cream.
Alam niyang adik na adik ako sa cheese, kahit anong klase pa 'yan, at mahilig akong lagyan ng sangkatutak na cheese ang halos lahat ng kinakain ko kaya nga minsan napagkakamalan ni Theus na cheese ice cream 'yong mango ice cream with cheese lang sana dahil halos mas marami pang cheese kaysa sa mangga.
"I’ll go with you tomorrow," usal niya. Nahinto ang kamay ko sa paghugot sa kutsarang nasa bibig.
"Ha? Saan?" Ibinaba ko ang tingin sa hawak na pint.
"Private cemetery. To visit your mom. We’ll visit her. It’s... it’s her death anniversary tomorrow, right?" maingat siya sa bawat salita na para bang mabibiyak ako ng mga iyon.
Oo nga pala. Ang bilis ng panahon. Isang taon na rin pala pero parang araw pa lang ang nakalipas. Sana... sana man lang nagtagal pa si mama rito. Ang lakas-lakas pa niya no’n nang mawala siya o baka mali lang ako ng akala? Mukha lang yatang malakas si mama no’n pero paano naman ang naramdaman niya? Siguro sobra pa sa inaakala ko ang pagdibdib ni mama sa nangyari sa kanila ni papa.
"Hey, what’s bothering you? Mind to share your thoughts with me?" he nudged me and gave me a comforting smile with his dimple on show.
"Wala. Ano lang.... iniisip si mama. 'Tsaka kong pupunta rin sila ate at kuya. Nasabi ko kasi na pupunta si papa at.... at isasama niya 'yong girlfriend niya 'ata," ani ko sa maliit na tinig.
We spent minutes or so sitting on the cushion bed looking at the city lights while eating the home-made mango with cheese ice cream that I made.
Hindi ko alam kong late na bang nakita ni kuya 'yong text ko o sadyang naging busy pa siya... dahil halos mag-iisang oras rin akong naghintay sa kaniya bago namin narinig ni Theus ang tunog ng doorbell.
"Baka si kuya na 'yon." Tayo ko at sumunod naman si Theus.
Tama nga ako dahil pagkabukas ni Theus ng pintuan ay bumungad sa amin ang may damit ng si kuya. Maayos naman ang mukha ni kuya at parang 'di halatang sumabak sa gyera kanina.
"Theus! Hindi ko alam na nakabalik ka na!" maligayang bungad ni kuya at ginawa na naman nila 'yong nakakahilong pagbati sa isa’t isa gamit ang isang kamay nila.
"Last week pa. How’s life with cars anyway?"
"Still running. Yeah, baby!" si kuya at um-action pa na parang kumakambyo. Napalabi nalang ako. Nasiraan na naman sa ulo si kuya, kailangang ipa-vulcanize.
Nagtawanan silang dalawa.
"Oh, kunin ko na 'tong kapatid ko ah? Baka nagsawa ka na sa mukha nitong si liit!" Humalakhak si kuya at hinila ako papunta sa tabi niya at nanggigigil na kinulong ang ulo’t leeg ko sa matikas niyang braso at ginulo ang buhok ko.
Ano ba 'yan! Ang asal kalye pa rin ni kuya! Nakakahiya! Tinawag ba naman akong maliit.
Halatang halata na nga dahil halos nagmumukha akong nuno kapag kasama ko sila tapos ipamukha ba naman?
"Ano ba, kuya!" Kinurot ko ang tagiliran niya at natatawa niya akong pinakawalan.
Nagpaalam na kami kay Theus at nagpasalamat na rin ako sa pagpapatuloy niya sa akin sa unit niya. Nag-mental note ako na gawan siya ng ice cream ulit as a thank you.
After all the hardships, this is where I'll end up. Walking down the aisle, I can't help but to feel emotional. I didn't expect this day to come much this soon. Neither did I imagined something like this... I looked at my father beside me. Naiiyak si papa pero pinipigilan niya ito. Inangkla ko ang kamay ko sa nakalahad niyang braso. We continued walking slowly. Hindi maka-focus ang mata ko sa lahat ng mga matang nakatingin sa akin. Kinakabahan ako. I guess ganito talaga. Wedding jitters. Three years had passed. Nagkaayos naman kami ni papa. Sinabi ko sa kaniya iyong problema ko tungkol sa bagong pamilya niya. Naging maayos naman kami ni tita Dina. Masakit mang aminin pero nakikita ko iyong sulyap at tingin ni papa kay tita Dina na katulad kung paano siya tumingin kay mama noon. My father is really in love with her. At alam kong wala na akong magagaw
"Huh? Buntis na ulit si Nica? Lagot sila. Tatlong buwan pa raw bago ang kasal, 'di ba? Grabe talaga si Massimo," bulong ko sa huling pangungusap. Hindi ko nanguya ng maayos ang kinakain na fishcakes dahil sa nalaman.Kausap ko si Monique sa kabilang linya na nasa ospital ngayon dahil kay Nica na hinimatay raw kanina habang nasa isang gym sila.Mas nauna niya pa akong tinawagan kaysa kay Massimo. Ewan ko ba rito sa kanila. Suki kasi si Monique sa pag-ji-gym kaya noong malaman iyon ni Nica noong nakaraang buwan ay nagpa-member ito sa gym na member si Monique kasi gusto raw nito mag-loss ng kaunting weight kasi raw tumataba na raw siya, iyon naman pala buntis na ulit!Mabuti nalang at walang masamang nangyari sa baby sa tiyan niya. Tinatawagan na ngayon ni Nica si Massimo para ibalita rito ang nalaman. Nako, lagot talaga sila kay tita Masi. Sabi nang kasal muna bago bigyan ng kapatid si Winon
With all of the things that are happening in my life right now, I thought of my loving mother.Ang mama ko na palaging nandiyan para sa akin. Na sinusubaybayan ako. Na palagi akong gina-guide sa lahat ng ginagawa ko. Nakakapanghinayang. Ni hindi man lang naabutan ni mama na magkaroon ako ng boyfriend.Noong nalaman kong namatay si mama.. naisip ko na, masaya ba siya? Maayos ba ang ikinahantungan niya? Hindi.. hindi na ba siya malungkot kung nasaan man siya? Hindi na ba siya nasasaktan? Pa'no na kami ngayong wala na siya?Nakakapanibago kapag hindi ko nakikita ang mukha ni mama sa umaga, kapag tinatawag niya kami nila kuya Rino para kumain, tuwing sinisermunan kami ni mama kapag naaabutan niya kaming nagpupuyat, iyong luto ni mama, ang amoy ni mama na palagi kong hanap-hanap, ang palaging pagpapaalala sa amin ni mama na huwag walain iyong mga payong namin, at ang lahat pa ng ibang bagay na kinalakihan
Hindi ako mapakali sa passenger seat ng sasakyan ni Theus. Nanlalamig na ang mga kamay ko sa kaba. Nababagot ako sa kinauupuan ko sa tagal ng usad ng traffic, na ikinapapasalamat ko pa pero ang isipin kung saan kami pupunta ay 'di ako magawang maperme.Napatingin ako kay Theus na nag-da-drive. Ngayong araw kasi namin sasabihin sa pamilya niya na kami na. Syempre, nakakakaba iyon lalo na na hindi lang pamilya lang talaga ni Theus. Pati iyong iba pang kamag-anak ni Theus. Sa mansion kasi kami patungo kung saan nandoon nagtitipon-tipon iyong mga relative niya.Panigurado 'ando'n din sila Nica. Nandoon din kaya sila kuya Pyramus?Simpleng plain bodycon dress at flat pointed shoes lang ang suot ko. Theus' fam surely wouldn't mind my outfit pero syempre, dahil gusto kong maging presentable, nag-ayos na rin sa mukha ng kaunti. I even took my time ironing my hair. Mabuti nalang at maayos ang kinal
"Good morning, girlfriend," ngiting-ngiting bati ni Theus pagkabukas ko ng pinto."Tigilan mo nga ako sa pagtawag ng ganiyan!" apila ko sa kaniya pero tinawanan niya lang ako. Ang aga-aga niya talaga!Lumapit siya sa akin at hinalikan ako sa noo ko. Nasamyo ko ang bango niyang kakaligo lang. Nahiya naman ako sa kaniya! Hindi pa ako nakakaligo! Naghilamos lang ako kanina kasi mamayang 10 A.M. pa naman ako pupunta kila ate Alice.Simula nang sinagot ko siya noong isang araw ay panay tawag siya sa akin ng “girlfriend”, hindi lang daw kasi siya makapaniwala na kami na raw, pa'no pa kaya ako?It's like a wildest dream coming true and it really did came true."I still can't believe it, girlfriend. Nag-breakfast ka na ba?"Nilakihan ko ang bukas ng pinto at pinapasok na siya.
Napakabobo ko talaga. Napakabobo mo, Jianna Ranne Abrantes. Noong nagpaulan siguro si Lord ng kabobohan, sinaulo ko siguro lahat, nagbabad yata ako.Nasaktan ko na naman si ate. Ano bang problema sa akin at halos lahat ng iniisip ko ay mali? Masiyado na talaga ako. Sobra nga talaga akong mag-isip.. pero bakit hindi ko mapigilan? Nagkamali na naman ako. Nainsulto ko na naman si ate Dasha. I jumped into the conclusion kahit naman hindi ako sure... well, akala ko talaga...All this time, mali pala ako nang akala?Ang tanga ko. Grabeng katangahan naman 'yon, Jia.I was so dense. Ni hindi ko man lang kinuhang hint iyong mga hirit ni ate na akala ko ay sarcastic. Diyos ko, ang tanga, Jia. Ni hindi ko man lang naisip ang ibang dahilan, puro nalang hindi kaaya-aya ang naiisip ko pero syempre, it was too good to be true. Sa panahon ngayon, ang hirap nang magtiwala kaaga