Home / Fantasy / Into the Wishing Well / Chapter 4: Welcome to Lowlands

Share

Chapter 4: Welcome to Lowlands

Author: KameyLeonard
last update Last Updated: 2023-08-11 19:32:07

SIMPLE kong pinagmasdan ang kapaligiran upang awtomatikong mapanganga sa sobrang mangha. Surrounded by lush trees, the whole area is covered with white flowers, many birds chirping and the weather is so clear.

Napatingin ako sa aking kasuotan at napangiti dahil ito pa rin ang bigay sa akin ni Lola, isang white boat neck gown.

Hindi ko mapigilang umikot-ikot sa sobrang ganda ng lugar. Mas lalo akong namangha nang nagsimulang lumakas ang ihip ng hangin at nagsiliparan ang mga puting petals. Sumasayaw ang mga ito sa ere na para bang sinasabayan ang aking galaw. Napahiyaw ako sa sobrang saya, kahit papano ay naibsan ang aking lungkot.

Ilang sandali pa ay nakaramdam na ako ng pagod sa kakaikot at kakaindak. Itinaas ang dalawang kamay at binagsak sa damuhan ang aking katawan. Parang nagslow-motion ang lahat kung kaya't napangiti ako ng malapad at ipinikit ang mata.

Sa aking pagbagsak, napawi ang aking ngiti dahil parang nakatama ako sa kahoy—hindi ito kahoy!

Darn. Tila'y nabuhusan ako ng malamig na tubig dahil parang nakapatong ako sa isang tao. Sa sobrang kaba, dahan-dahan kong kinapa ito. May nahawakan akong kamay, tiyan at paitaas naman ay mukha.

Napanganga ako, "What in the world—"

"Bakit ang bigat?"

Awtomatikong napasigaw ako at hindi nagdalawang isip na sampalin ang mukha kahit hindi ito nakikita! Umalingawngaw ang kanyang pag-aray sa buong paligid.

Ilang sandali mas nagulat ako nang nagsimulang... I don't know the exact term but it's like someone is appearing from nowhere!

Isang lalaking dahan-dahang inalis ang kanyang piring sa mata.

"Artemis?!"

"Yabang?!"

Sabay turo sa isa't isa.

Magsasalita pa sana kami nang bumagsak sa amin ang sandamakmak na petals mula sa ere. Mabilis akong umalis mula sa pagkakapatong sa kanya at umupo sa damuhan. Hindi ko na rin mapigilan mainis habang inaalis ang mga petals na sumabit sa aking buhok at mukha. Nang naalis ko na ang lahat, halos napatalon ako sa gulat dahil nasa harapan ko na ang lalaking ito!

"Bakit ka naririto?? At—bakit ka nakapatong sa akin?!" kunut-noo niyang hiyaw sa akin upang tumaas ang aking kilay at matapang na tumayo para harapin siya.

"Aba malay ko! Hindi ko alam ang nangyayari...at kung paano ako napunta rito—why are you shouting me pala?!"

Mas lalo siyang napakunut-noo. Hindi ko na siya binigyan ng pagkakataon na magsalita. "A-And nakapatong sa'yo?!" 

I did not hesitate to flip my golden hair. "Binagsak ko lang naman yung katawan ko on these grasses without knowing you are there! You just popped up in front of me—wait!" sigaw ko sabay turo sa kanya at bahagya siyang nagulat at napaatras dahil doon.

All of a sudden, I remembered something. I was crying next to the well and my hairclip fell then...I also fell to the well and after that, I am here na, on top of this arrogant guy!

Goodness gracious. Nagsisimula nang magsink-in ang lahat sa akin.

Am I freaking dead?!

"Sandali, Binibini, ako ay naguguluhan na sa iyo. Ano ang mga pinagsasabi mo—" hindi ko na siya pinatapos at tumalikod sa kanya.

I accidentally fell into the well and afterwards, here I am. To a place similar to heaven! Pero napailing-iling naman ako agad sa iniisip na iyon. This guy is also here with me. Is he dead too? Or baka part lang 'to ng mga hallucinations ko since patay na ako? May nabasa akong article na visual or auditory hallucinations daw are often part of the dying experience. 

Confused and shocked, bakit sa lahat ng taong makikita ngayon ay siya pa?!

"Huwag mong sabihin na tumalon ka sa balon?!"

Mabilis akong lumingon sa kanya. I just noticed that he is wearing his usual outfit which is a three piece suit. The difference right now is that it is a bit torn and dirty.

Saan na naman kaya nagsususuot ang lalaking ito?

"Yes, tumalon ako and boom, I'm alone and dead," biro ko. Ayaw ko naman sabihin na dahil sa kabobohan ko kung kaya't nahulog ako. 

Napatingin naman ako sa itaas at narealize na patay na nga ako. Hindi ko man lang nagawang maging masaya at kuntento bago kinuha ni Lord. Magsasalita pa sana ako nang nagsimula siyang maglakad papalapit sa akin. Tumigil ito nang dalawang talampakan na lamang ang layo namin sa isa't isa.

"B-Bakit ka umiyak?" sincere na tanong niya para mapakunut-noo ako.

"H-Ha? U-Umi—"

Tila'y tumigil ang mundo ko nang naramdaman ko ang kanyang kamay sa aking buhok. May petal pang natitira at marahan niyang inalis ito. Kinakabahan naman akong napatingala sa kanya at nagkita ang aming mga mata... nasilayan ko na naman ng malapitan ang kanyang grayish blue eyes sa pangalawang pagkakataon.

I should be protesting for what he did! One of the body parts that shouldn't be touched on me besides my stylists is my hair, but I just...let him. Artemis, why, why?

"Ako ay natutuwa dahil ligtas kang napunta rito ngunit ako ay nalulungkot din dahil sobrang maga ng iyong mga mata. Hindi ko alam ang dahilan kung bakit ka umiyak at ngayon ay nabibigla ka pa sa mga nangyayari. Huwag kang mag-alala. Hindi ka pa patay and hindi ka nag-iisa. Nandito ako para gabayan at samahan ka."

Namilog ang aking mga mata sa sobrang gulat. This man just brought up light and shade of him. His voice is serious yet sounds assuring.

"Handa akong pakinggan ang mga sasabihin mo, lahat ng tanong na bumabagabag sa isipan mo ay sasagutin ko at bibigyan ng linaw. Sasamahan kita, binibini." Mga salitang lumabas sa bibig ni Stalwart na tumagos sa aking puso.

Nagtagpo muli ang aming mga mata.

"Bago tayo magsimula, gusto ko lang sana na batiin ka muna. Maligayang kaarawan, binibining Artemis."

His words touch my heart. Suddenly, I feel fulfilled. Nagsimula naman na uminit ang aking mga mata. 

Gusto ko sana siyang pasalamatan ngunit biglang lumakas ang ihip ang hangin na siyang gumising sa akin. Bahagyang lumayo ako sa kanya. Kung tunay na buhay pa ako, bakit napunta ako sa isang mala-paraisong lugar pagkatapos kong mahulog sa balon?

Goodness gracious. Don't tell me... That wishing well is haunted indeed!

Without hesitation, I started to scream na siyang nagdulot kay Stalwart hindi mapakali sabay saway. "Maghunos dili ka! Ipapaliwanag ko ang—"

"I have been teleported with you through the well! What planet is this? How far are we? Makakabalik pa ba tayo?? And freaking how?! Is there a rocketship—"

"Mising!"

Hindi man pasigaw ngunit may diin ang pagkakasabi upang matigilan ako. Napalingon-lingon siya sa paligid at mabilis akong hinarap. "Oo, masasabing nagteleport ka--"

Mas napanganga ako at 'di nagdalawang isip na sumigaw muli. "What in the world—" ngunit natigilan muli ako nang napabuga siya ng hininga at biglang napaupo sa damuhan. It's obvious that his patience with me has run out.

Isang nakakabinging katahimikan tuloy ang bumalot sa buong lugar.

"Tapos ka na?" masungit na singhal niya habang nakatingala sa akin. Gusto ko sanang sumigaw ulit pero napaiwas na ako ng tingin. This is the first time seeing him mad and it scares me.

Napabuga muli siya ng hininga. "Ang iyong reaksyon ngayon ay natural lamang. Sino ba naman ang hindi mapapraning nang pagkatapos mahulog sa balon ay nasa kakaibang lugar na?"

"Hindi ako napapraning," buwelta ko.

Natawa at napakamot siya sa kanyang ulo. "Masasabi ngang nagteleport ka ngunit hindi sa ibang planeta. Mas mahirap kapag ganoon ang nangyari," patuloy niya upang bumalik ang lahat ng inis ko sa kanya. Kuhang kuha ng lalaking ito ang inis ko.

"Paligoy-ligoy ka pa! Just say it!"inis ko, natawa naman siya roon.

"Gusto ko sanang sabihin agad sa iyo ngayon ngunit mas maiintindihan mo kapag masisilayan mo ito mismo," seryosong aniya sabay tayo at inayos ang sarili.

"Halika, gagabayan at sasamahan kita sa Salamanca."

This guy is also haunted. I need to get away from him and warn Lola Athena and Ate Maria.

HINDI ko naramdaman yung pagod mula sa mahabang paglalakad at init ng panahon dahil sa mga nakikita ko ngayon.

"It seems I did not teleport but go back in time." Mahinang wika ko sa kanya. Napangisi siya at bahagyang nagbow sa akin.

"Maligayang pagdating sa kabisera ng Salamanca, ang Lowlands"

It looks like old London when everyone is completely covered. The men are dressed in long coats and hats like those worn by Rizal. The women, on the other hand, are donning long gowns and protect their heads with triangular-shaped hats similar to witches. Their infrastructures were tall, all-stone and brick buildings. And all I see as their mode of transportation is a carriage. But these weren't just any carriage; they were flying carriage. I'm not sure if this is a nightmare or a dream, but I can't argue that I'm here, freaking alive!

"S-Salamanca? At L-Lowlands?"

Lumapit siya sa akin at sinabayan sa paglalakad. "Sa pamamagitan ng wishing well, isang makapangyarihang lagusan, napunta ka sa gitnang parte ng mundo, binibini. Ang Salamanca, kung saan nakatira ang mga Salamangkero't Salamangkera. Kaya kung maaari ay sundin mo ang mga sasabihin ko kung gusto mong malinawagan at higit sa lahat, ang mabuhay," mahinang saad niya na upang manigas ang aking katawan.

He's threatening me? I knew it. He's also a bad guy. All I have to do is to just go with the flow and escape if I have a chance to.

"W-Why? May chance ba akong mamatay rito?"

He nodded. "Oo. Saka huwag ka muna gumamit ng ibang linguwahe rito. Mahahalatang hindi ka taga Salamanca."

"Sige. I have no—" hindi ko na naituloy nang pinanlakihan niya ako ng mata.

"Pupunta tayo sa ligtas na lugar at doon ko ipapaliwanag ang lahat, huwag lang dito." Masungit na aniya.

"Sandali!"

Lumapit pa ako sa kanya, "Hindi ba pwedeng bumalik na lang tayo sa E-Earth at doon mo ipaliwanag ang lahat? Today is my debut celebration and I should be there!"

Even without Mom and Dad, my debut will still happen. Of course the place, the guests, and the debut itself are all set! What must I do to get myself out of here?

Napatigil siya sa paglalakad at lumingon sa akin. "Medyo malas ang iyong kaarawan dahil kamakailan lang isinarado ang mga lagusan patungo sa mundo niyo."

"Kelan muli magbubukas? Kelan ako makakabalik?"

"Isang linggo."

Habang tinatahak namin ang direksyon patungo sa sinasabi niyang ligtas na lugar at kung saan siya nagtatrabaho, hindi ko na magawang manlumo dahil sa aking mga nakikita. Nang makakita akong mga tinitindang pulang bulaklak sa gilid  ay agad akong lumapit para suriin ito ngunit mabilis akong hinila ni Stalwart papalayo. Nagulat ako nang bumuka ang halaman at ngumuya na para bang isang halimaw. Ang halaman daw na iyon ay isang ginagawang trap sa mga peste. Ngunit kaya rin nito kumain ng tao. Napalunok ako ng ilang beses dahil doon. Tapos ang mga iba't ibang klase ng hayop na mababasa mo lang sa stories ay naririto rin. Nagtago ako sa likod niya nang makakita ako ng higanteng dragon!

In my entire life, hanggang How to train your Dragon lang ako nakakita ng mga gumagalaw na dragon!

Halos himatayin na nga rin ako nang bumuga ito ng apoy. Sabi ni Stalwart, bakunawa ang tawag rito sa Salamanca. Kung ano raw ang kulay nito, iyon din ang kulay ng binubuga nitong apoy. Ginagamit din nila daw ito bilang transportasyon at isinasabak sa mga digmaan. May nakita rin akong mga unicorn at pegasus! Ang mga ito ay ang nagsisilbing sasakyan daw ng mga kawal o mas kilala bilang Armada ng kaharian ng Salamanca.

Ilang sandali ay tumigil na siya sa paglalakad at mukhang nandito na kami sa sinasabi niyang ligtas na lugar at pinagtatrabuhan, ang Konseho. I began to understand what had been going on. I recall the first time I met Stalwart.

Ilang sandali, napakunut-noo ako nang may maliliit na liwanag mula sa balon. Napalunok ako sa sobrang takot. What is that thing?!

Akmang titingin muli ako para i-confirm ang nakita ko—

"Kung tatalon ka, maaari bang iyong bilisan Binibini dahil ako'y susunod? Hinahanap na ako ng Konseho." Napatalon ako sa sobrang gulat dahil sa nagsalita mula sa likod.

Ang Konseho. It is a tall structure surrounded by a white flag with two swords engraved. According to Stalwart, Konseho is a mix of a police station and a court. Sinners and violators are reported to be taken here. And then the judgement or verdict is normally carried out by Konseho's superiors and some members of their Kingdom. Tinanong ko naman ang tungkol sa Kaharian since nabanggit niya rin ito. Ayon sa kanya, medyo malayo pa rito ang Kaharian pero matatagpuan ito sa pagitan ng huling bahagi ng Lowlands at unang bahagi ng Soliver, isa sa limang rehiyon ng Salamanca. Sila naman ang maituturing na pinakamakapangyarihang pamilya dahil sila ang nagpapanukala at gumagawa ng batas, humahawak sa Konseho at namumuno sa buong Salamanca. Monakirya rin pala ang form of government ng Salamanca.

"Yumuko ka ng kaunti para 'di ka nila mapansin at makilala," paalala niya sa akin, wala akong nagawa kundi tumango bilang tugon.

Nang pumasok na kami, normal naman tignan ang mga tao at ang ambiance sa loob. Parang opisina lang ang peg, an old version. Napansin kong nagbo-bow ang mga tao rito kapag dadaan si Stalwart. Sinabayan ko siya sa paglalakad habang nakayuko ang ulo.

"Sabihin mo nga, general ka ba rito? Or chief?" curious kong tanong. Napalingon naman ito sa akin habang naglalakad.

"Hindi. Isa akong Valkier. Pulis kung tawagin sainyo sa Pangaea," tipid na sagot nito habang pumasok na kami sa elevator na yari sa kahoy. Pangaea raw ang tawag nila sa earth at taga lupa ang tawag nila sa mga nakatira roon.

Nandito na kami sa 5th floor kung saan ang sinasabi niyang opisina niya. As usual, nagbobow at bumabati ng magandang araw ang mga tao kay Stalwart. Pero kalauna'y napansin na rin ako ng mga tao rito. I started to get worried about what they might do to me. I'm fortunate to be wearing a boatneck long dress right now because it provides full cover for my body, pero sa ganda kong ito? I worry about myself.

"Kapatid, kay ganda naman ng iyong kasama," bulong ng lalaki na nakisabay sa amin sa paglalakad. Bumulong pa, e rinig na rinig ko rito mula sa likod.

"Tapos na ba yung pinapagawa ko sa'yo?" nakakatakot na tanong ni Stalwart dito. Nakangiting napailing ito kung kaya't binigyan siya ni Stalwart ng isang matalim na tingin. As a result, the man returned to his table. Patuloy pa rin kaming naglalakad dahil nasa dulo ng corridor daw ang kanyang opisina.

He's not just arrogant and haunted, he's also strict and powerful.

Ilang sandali pa, naiilang na ako dahil sa mga tinginan ng mga nakakasalubong namin at parang pinag-uusapan rin ako ng mga kababaihan dito kaya diretso lang akong tumingin sabay flip ng aking blonde hair! Hanggang dito pa naman ay may mga chismosa?

"Hindi ba't sinabi ko sa'yo na yumuko ka lang," paalala ni Stalwart.

"Bakit ganyan sila makatingin sa akin?" napalingon naman siya sa mahina kong tanong.

"Dalawang uri ng babae ang dinadala rito sa Konseho, ang isa ay mamamatay-tao o kriminal, ang isa naman ay maaaring babaeng bayaran," tugon nito at namilog ang aking mata dahil doon. Magpapaliwanag sana ako nang muli siyang nagsalita.

"Nandito na tayo..."

Interrupting me became a habit of his. Nakakainis.

Agad akong pumasok and in fairness, malinis ang opisina niya. Naka-organize lahat ng libro sa shelves, may mga maliliit na halaman at mayroong typewriter sa kanyang mesa. Napatingin ako sa may taas, merong hawla at may isang puting kalapati ang nakakulong doon.

Umupo ako sa may mini sofa. It's been a while na makapaglakad ako ng malayo. Naramdaman ko na ang pagod.

"Criminal and p****k agad? Uso rin pala dito ang stereoptyping. Bawal bang mapadaan sa lugar na ito ang isang magandang babae katulad ko?" sambit ko pero hindi niya ito pinansin. Attitude rin talaga nito.

"Dito kita dinala dahil ligtas ang lugar na ito mula sa mga espiya. Bago ko ipaliwanag sa'yo ang lahat, kailangan magbigay-alam muna tayo kay Lola Tinay na nandito ka. Mag-aalala iyon sa'yo ng sobra," wika ni Stalwart habang may kinukuha sa cabinet niya. Isang papel, makalumang papel.

Umupo ito sa kanyang table at nagsimulang magsulat gamit ang itim na lapis. Nang natapos na siya ay kinuha niya yung kalapati at nilagay ang sulat na nakarolyo sa paa nito.

"Ibigay mo ito kay Lola Tinay...mag-iingat ka, Tweety." 

Tuluyang lumipad na ang kalapati palabas. Sandali...Tweety?!

"Seriously? Tweety yung pangalan ng ibon mo?" napahawak ako sa aking tiyan sa sobrang pagtawa.

Naningkit naman ang mata nito sa akin. "Ano naman kung Tweety ang kanyang pangalan? Paano kung iyon ang ipinangalan sa kanya nang nagbigay sa akin?"

Napatikhim naman ako sa sinabi niya. Tuwing magsasalita or nagsasalita siya, nakakatakot. Parang any moment mapapa 'Yes, Sir' ako.

I will tolerate his unpleasant attitude as much as I can. He's the only one who can help me here.

Umupo naman siya sa harap ko at seryoso akong tinignan. "Ipapaliwanag ko sa'yo ang lahat sa pamamagitan ng iyong mga tanong. Ano ang gusto mong malaman upang ika'y maliwanagan?"

Napaisip naman ako kung ano ang unang question ko sa kanya, ang daming bumabagabag sa isip ko e. Napansin kong napabuga siya ng hininga na para bang ang tagal kong mag-isip.

I just rolled my eyes. "Heto na!" 

Tumikhim ako. "Una, bakit kailangan mong ibigay ang letter sa Tweety bird mo? Makakarating ba talaga 'yon sa bahay namin?"

"Oo naman, si Tweety ang mensahero ng ating pamilya. Daan para kamustahin sina Lola Tinay mula rito."

Namilog ang aking mata dahil sa sinabi niya.

"What do you mean? Kung ipapaalam mo ako kay Lola Athena na nandito ako, so alam niya ang lugar na ito?"

"Oo naman. Alam na alam niya ang lugar na ito dahil dito siya nabibilang. Isa siya sa mga Salamangkera ng Salamanca," diretsong sagot niya, napahawak ako sa aking ulo dahil sa biglaang sakit na naramdaman.

"S-Salamangkera?"

"Tawag sa mga babaeng nakatira rito sa Salamanca at mayroong natural na mahika." Muling tugon niya.

"Sarili man ay maligaw o pagkakilanlan ay matunaw. Ang iyong kapangyarihan ay sumasalamin sa totoong ikaw..."

Habang nag-eexplain si Stalwart, lahat ng questions at confusions ko tungkol sa wishing well, kay Ate Maria and Lola Athena ay unti-unting nasasagot na. Pinagpapawisan na ako ng husto dahil kinakabahan ako sa mga susunod na sasabihin niya.

"... isa ka ring Salamangkera at dito ang iyong tunay na tahanan," mga huling salita na aking narinig dahil unti-unting lumabo na ang aking paningin. I just heard Stalwart yelling my name and felt him quickly lift me out.

Dahan-dahan kong minulat ang aking mata. Napatingin ako sa buong paligid. Puro kulay puti ang aking nakikita. Nasa langit na ba ako? Patay na ba ako for real?!

"Mising..."

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Into the Wishing Well   Note

    "Wishing is not even enough to make our dreams into reality. If you don't do anything to make it happen, the wish will just be a bunch of words." - Artemis Velasquez This novel is dedicated to my younger self, who adored fantasy works to the extent that she wanted to create her own. You did it; you crafted your own world and completed your first book after four years. Thank you self for not giving up, and to my readers who support me all the way and love my characters. I appreciate you all! This is also for you guys! (⁠ ⁠◜⁠‿⁠◝⁠ ⁠)⁠♡ See you in the second part of the Into Duology, "Into the Forbidden World"!

  • Into the Wishing Well   Epilogue

    MARAHAN kong binaba ang diary ni Stalwart at nagsimulang maglakad palabas sabay hawak sa aking puso. Napaluhod ako, dahan-dahang isinandal ang ulo sa balon at hindi ko na napigilan ang pagbuhos muli ng aking mga luha. "Wishing well, 'pag humiling ba ako ulit sa'yo, matutupad mo ba ulit 'yon? Pwede bang pumunta si Stalwart kahit ngayong araw lang? Kasi ang lungkot ko, kasi masakit, kasi... gusto ko lang naman matupad ang wish ko—to be genuinely happy with him. It's not difficult, isn't it?" I'm still not used to it. I've been with him since I entered Salamanca, and even though he's been gone for two years, it still so painful. Halos humagulhol at guluhin ang buhok dahil sa sakit na nararamdaman. Sa dahilang iyon ay 'di sinasadyang matanggal sa aking ulo ang binigay niyang belo at ito'y mahulog. Mabilis kong sinalo ito ngunit sabay din nito ang pagkahulog ko sa balon. Naramdaman ko na ang sobrang lamig na tubig, sobrang dilim na lugar at sobrang lungkot na pakiramdam. Hinayaan ko lan

  • Into the Wishing Well   Chapter 70: Battle of Olympia

    WARNING: LONG CHAPTER AHEAD"Ang Ginoo ng Aethelmagia ay si... ang Prinsipe ng Salamanca—Janus Wrikleson!" anunsyo ng host na si Maestra Gemira. Dumagundong ang malakas na hiyawan at sigawan ng lahat dito sa Quadrado. Lalo na ang nasa unahang kambal na hindi na maawat ni Jandel sa kakatalon at kakatili. Kahit kaming mga ibang kalahok ay ganoon din habang ako lang yata ang nakangiti ng malapad. I just smiled, it's so obvious that Janus will win. Not because of his lineage but his presence and appearance. Parang mga kuko lang niya ang mga kalaban mula sa Segundar at Trercer. "Ngayon naman ay ang mga nagagandahang Mutya!" sigaw ni Maestra Gemira upang umabante kaming tatlong kababaihan. Wala silang runner ups dito, isa lang ang nanalo bilang Ginoo at Mutya. Binalot muli ng ingay ang paligid. Ang dalawa kong kalaban mula sa higher levels ay nakangiti pero halatang peke. Alam kong kinakabahan na sila sa akin. They're beginning to acknowledge me as their greatest adversary. "Ang Mutya

  • Into the Wishing Well   Chapter 69: Fulfilling Our Promises

    SUHAYAG: Isusulat at ipapahayag ang Katotohanan sa mga taga SalamancaPagpatay sa Pang limang Komandante ng Valhalla—daan sa katotohanan, hustisya at kapayapaan!Maraming kaganapan noong nakaraang linggo—muling pag-atake ng mga brujo't bruja sa Lowlands sa kabila ng kanilang pangako na hindi na gagambala sa Salamanca kailanman, paglabas ng sinaunang nilalang na Bakeneko, at ang kakaibang itim na mahika na bumalot sa buong Kaharian. Ito ay pakana ng isang espiya at mamalarang mula sa Valhalla, ang panglimang Komandante ng Valhalla na si Florentin na nagbabalat-kayong personal na kasambahay ni Mutya Mercedes sa bilang Ponty Renti sa loob ng ilang dekada. Siya rin ang nagpasimuno sa biglaang atake ng mga brujo't bruja sa Kaharian at ang pumatay sa yumaong Pangalawang Mutya na si Mutya Susanna noong Disyembre Dalawang libo't walo. Isang patunay na inosente ang dating Punong Armada na si Adolfo Persalez at ang pamilya nito. Hindi ko na tinapos basahin ang buong laman ng diyaryo ng Suh

  • Into the Wishing Well   Chapter 68: Invading the Kingdom of Salamanca Part 3

    KUSANG GUMALAW paitaas ang aking mga kamay upang nagsiliparan ang mga nilalang sa ere. Kita sa kanyang mukha ang pagkagulat ngunit napalitan din ito ng isang sarkastikong reaksyon."Hindi ko inaakalang may natitira ka pang lakas, Binibini. Gusto man na makipaglaro pa sa iyo subalit... nagmamadali ako. Hindi dapat ako nag-aaksaya ng panahon dito," aniya sabay paglabas ng napakaraming itim na mahika. Bukod sa nasisira ang mga nadadaanan nito tulad ng mga halaman at bulaklak saka mga brujo at bruja, sobrang lawak din nito upang wala na akong kawala.It's the same attack she did earlier. "Paalam, Binibining Artemis Velasquez!"Muli siyang tumalikod at naglakad papalayo. I should be worrying or do something but my body got stiff as well as my mind seemed blank and thoughtless.Except for killing her.I closed my eyes and opened them, sending her a cold sensation. As a result, all the power she release simply vanished. Nawala ng parang bula. Kinuha ko na rin ang pagkakataong iyon para lapi

  • Into the Wishing Well   Chapter 67: Invading the Kingdom of Salamanca Part 2

    NAUNAHAN KAMI ni Ponty nang gumawa siya ng harang na nakapalibot sa sarili at may itim na usok ang lumabas sa kanyang mga kamay. Unti-unting namilog ang aming mata dahil ang mga usok na ito ay nagkakaroon ng hugis at kalauna'y anyo. "Mapalad kayong apat dahil masasaksihan ninyo ang tatlong pinakamalakas at pinakamaliksi na Brujo at Bruja ng Valhalla!"My eyes couldn't follow. Everyone is now in chaos. Agresibong inatake ng mga bagong labas na nilalang ang tatlong kasama kong lalaki. Bagama't itim din ang kanilang suot na kapa ngunit kakaiba ang mga itsura nito. Hindi nakakadiri at nakakatakot ang kanilang mukha ngunit ang pagkakaiba nito ay wala silang bibig. Ang kanilang mahahabang kamay at paa ay korteng espada na sobrang talas ang dulo na kanilang ginagamit ngayon sa pakikipaglaban. Sobrang liksi at lakas din ang bawat hampas upang mahirapan ang tatlo na gamitin ang kanilang mahika at tanging magawa ay umilag o umiwas na lamang. Nang makita kong nasisiyahan si Ponty sa nakikita,

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status