LOGINChapter 240Pagkatapos naming kumain ay agad nagtanong si Mommy sa akin. "Anak, Julie. Okay kana ba?"Ngumiti ako bago sumagot. "Yes, mom. At isa pa, I need move forward. Gusto ko makalimutan siya.pamamagitan sa pagtatrabaho.""How about to Mr. Zephaniah Cruz, ate? What do you think about him. For me, mas gusto ko siya kaysa kay Adrian!" Deritsahang tanong ni Adrian sa akin.Nanlaki ang mata ko sa diretso at walang preno na tanong ni bunso.Si Mommy ay bahagyang napatigil sa pag-inom ng kape, at si Daddy ay sumulyap sa amin bago muling nagbasa ng diyaryo—pero alam kong nakikinig siya.“B-bunso naman,” pabulong kong saway, ramdam ko ang bahagyang pamumula ng pisngi ko. “Ang aga-aga, ganyan agad ang tanong mo?”Ngumisi siya, hindi man lang nagpakita ng pagsisisi. “Eh totoo naman, ‘di ba? Grabe mag-alala sayo si Mr. Cruz kahapon. Parang territory ka niya.”Napakagat-labi ako. Hindi ko alam kung matatawa, maiinis, o matataranta.Si Mommy naman ay nagtaas ng kilay ngunit mahinahon ang tono
Chapter 239 Pagkatapos kong uminom ng kape ay agad akong nagsimula sa pagtulong kina Manang. Habang sila ay naggagayat ng gulay at nag-aayos ng mga rekado, ako naman ay tumapat sa counter para mag–bake ng cookies. Tahimik ang buong kusina, maliban sa tunog ng mga kutsilyong sumasayad sa chopping board at ang mahihinang tunog ng oven na umiinit. At least… may nagagawa akong productive habang hinihintay ang oras. Pinagsama ko ang harina, asukal, butter, eggs, at chocolate chips—paulit-ulit, halos automatic. Isa sa mga bagay na nakakapagpakalma sa akin ay ang pagbe-bake. Parang lahat ng problema ay nagiging simple kapag nasa harap lang ako ng mixing bowl. “Senyorita, ang bango naman niyan,” sabi ni Manang habang napapatingin sa oven. “Magdadala po ako mamaya,” sabi ko, inilalapag ang tray ng bagong hugis na cookies. “Hindi ko naman sure kung may pagkain doon… at least may baon ako. For emergency purpose only.” Tumawa si Manang. “Hindi emergency ‘yan, senyorita. Strategy ‘yan. Ba
Chapter 238“Ano ba ’tong nangyayari sa akin…?”bulong ko habang nakatitig sa kisame.“Dati, tahimik lang ang buhay ko. Walang drama, walang gulo, walang…walang lalaking nagpapagulo sa utak ko.”Napahagod ako sa buhok ko, halos mabunot ko na.“Pero ngayon… dalawa sila.”Dalawang lalaking pilit akong hinihila sa magkaibang direksyon.Dalawang boses sa isip ko.Dalawang tibok ng puso na hindi ko alam kung sino ang dapat kong sundan.Napabuntong-hininga ako, malalim—parang gusto ko nang iiyak lahat pero pagod na ang luha ko.Bagsak akong humiga ulit sa kama, parang sinusubsob ng unan ang bigat sa dibdib ko.“Bakit ngayon pa sila dumating?”mahina kong tanong sa sarili.At bago ko pa mapigilan.kumabog ng sobrang lakas ang puso ko.Hindi ko alam kung dahil sa kaba… o dahil sa takot… o dahil baka.. baka unti-unti na talaga akong nahuhulog.Sa isa sa kanila. O mas masahol— baka sa kanilang dalawa.Napalingon ako sa wall clock.3:00 AM.“Great… gising pa rin ako,” bulong ko, napairap sa sar
Chapter 237 Alas-dos na pala ng umaga. Naalimpungatan ako mula sa mahimbing kong tulog—may kung anong kakaibang init na nakabalot sa bewang ko. Parang may braso… humihigpit… humihila sa akin palapit. Napakabilis kong iminulat ang mga mata ko. At doon ako napasinghap, nanigas, muntik pang mapaatras. Isang bisig. Isang mainit, malakas na bisig ang nakayakap sa bewang ko. At ang may-ari nito— si Zeph. Ang mukha niya, ilang pulgada lang mula sa akin. Ang hininga niyang malamig ngunit nakakaantig. At ang presensya niya… nakakakuryente sa sobrang lapit. “Z–Zeph?” mahina kong bulong, halos pabulong na humahalo sa lamig ng gabi. Hindi siya agad gumalaw. Para bang komportableng komportable siyang nakayakap sa akin, para bang matagal na kaming ganito matulog. Para bang… akin siya. Muling lumakas ang tibok ng puso ko, hindi ko alam kung sa takot ba o sa kakaibang kilabot na gumapang sa balat ko. “B–bakit ka… nandito?” halos putol-putol ang tanong ko, ramdam ang pag-init ng pisngi
Chapter 236 Pagpasok ko sa loob, agad akong sinalubong ni Mommy at Daddy—halos sabay nila akong nilapitan, para bang takot silang bumagsak ako anumang oras. “Julie, anak… okay ka lang?” bakas sa mukha ni Mommy ang pag-aalala. “Bakit hindi mo pinakinggan ang paliwanag niya?” Napayuko ako, pilit nilalabanan ang panibagong panginginig ng boses ko. “Hindi ko pa kaya, Mom…” Mabigat. Mapait. At totoo. Hindi ko kayang pakinggan ang paliwanag ni Adrian kung sa bawat segundo ay naaalala ko ang hawak niya kay Leeanne… ang tingin niya… ang mga salita nila… at ang buong mundong tumatawa sa kahihiyan ko. Lumapit si Daddy, marahan akong hinawakan sa balikat. “Honey… hayaan mo muna ang anak mo. Kailangan niya magpahinga.” Tumingin siya sa akin, mapagmahal ngunit may bigat sa mata. “Go to your room now, sweetheart. Tomorrow, we will be fine.” Gusto kong maniwala. Gusto kong paniwalaan si Daddy na bukas, kaya kong huminga ulit. Na bukas, hindi na ganito kasakit. Na bukas, kaya ko nang ha
Chapter 235 Pagkababa ko ng sasakyan ay agad akong nakahinga, pakiramdam ko ay nakalabas ako mula sa isang sitwasyong hindi ko pa kayang intindihin nang buo. Tumango ako kay Zeph, pilit na ngumiti kahit kumakabog pa rin ang dibdib ko. “Maraming salamat sa’yo, Zeph. Papasok na ako sa loob,” mahina kong sabi. Bahagya siyang yumuko, seryoso ang mukha pero may bahagyang lambing sa boses. “Okay. Send my regards to your mommy and daddy. I have to go now—important meeting tomorrow.” Pagkasabi niya noon ay tumalikod na siya. Pinanood ko siyang pumasok sa sasakyan at parang humigop ng hangin ang buong paligid nang umandar ang kotse niya. Habang papalayo ito, ramdam kong may hinahatak siyang parte ng puso ko kahit pilit ko itong tinatabunan. Bakit ba may ganitong epekto siya sa akin? Bago pa ako makapagsimulang maglakad papasok ng mansyon, isang pamilyar na boses ang pumunit sa katahimikan. “Julie…!” Napatigil ako. Dahan-dahan akong napalingon. Nandoon siya—si Adrian. Nakayuko ang b







