"Sumusunod siya sa atin! Bilisan niyo!", sigaw ni Cathy na nagpakabog sa aming mga dibdib.
Hindi namin namalayan na nawala ng parang bola ang mga malisyosong tumingin na mga manika sa paligid , loob ng hotel pati na rin si Barbara at ang receptionist ng hotel. Ewan, 'di namin alam kung paano nangyari iyon.
Hinahabol pa din kami ng manikang putol ang isang kamay habang bitbit pa rin niya ang kutsilyong ginamit sa pagpatay sa kawawang hayop. Mabuti nalang at mabagal ito maglakad at hindi agad-agad ito nakahabol sa amin.
Nasa entrance pa lang siya ng hotel at papasok kami sa nakabukas na elevator kaya imposible na niya kaming mahabol. Tahimik kami sa loob habang abot- abot an
"Hey mga turista!", bungad niya at tumingin sa aming mga dala.Pagkatapos niyang sabihin iyon ay ngumiti ito sa amin na parang nang-aasar at umikot ang kanyang ulo. Ang buhok niyang nakalugay kanina ay bumuhaghag. Lalo siyang nagmumukhang nakakatakot na demonyong nilalang.Ang mga mata niyang plastic ay nanglilisik. Para itong luluwa sa kaniyang mga mata. At ang kanyang kamay ay mahigpit na nakahawak sa isang matulis na itak."Saan kayo pupunta? Uuwi na ba kayo? Hindi pa tayo nagsasaya ah?", nakakatakot niyang sabi at akma kaming tatagain sa hawak niyang bagay.Napasigaw kaming lahat sa takot. Buti nalang ay nakadistansya si Nicholas kaagad. Siya kasi ang malapit sa puwesto niya.Medyo may kahabaan at napakatulis na itak ang dala ni Barbara habang kaharap kaming lahat na handa na sanang lumikas at pumunta sa safe na lugar."Aalis na kami Barbara, ang pangit nang isla niyo", pang-aasar ni Cathy na hinarap ang nakakatakot na manika
"Aaaaahhhhhhhhhh!!!"Mabilis kong inayos ang aking shorts at napalakas ang aking pagkasigaw dahil sa pagkabigla. Tumawag naman ito ng atensyon sa aking mga kaibigan na agad akong nilapitan."Anong nangyari, Shy?", pag-aalalang tanong ni Cathy."May masakit ba sa' yo?", tanong din ni Lawrence na iginagala ang mata sa akin upang hanapan ako ng sugat. Tumigil lang siya ng makitang wala siyang kahit isang makita."May manika na naman ba?", tumango ako sa tanong ni Bea at agad na tinuro ang babae na manikang nakalambitin sa puno.Medyo malaki ang manika. Sobrang buhaghag ang itim na buhok. Malalalim, maiitim at nanlilisik ang kaniyang mga malalaking mata. Nakalambitin ito sa isa sa mga baging at nakangisi sa amin. Marumi ang kaniyang damit na may mga bahid ng dugo. At ang kaniyang leeg na may kinakalawang ng kadena.Nginitian niya kami ng nakakaloko kaya agad kaming napahugot ng hininga at napaatras ng magsimula itong g
Walang tigil at malalaki ang subo niya sa binigay naming kanin at ulam. Pinainom din namin siya ng tubig dahil hindi na siya halos huminga kada subo niya.Sobrang payat niya na parang isang hawak mo sa kaniyang balikat ay mafe- feel mo na ang mga buto sa kaniyang katawan. Actually, nakikita na namin ang mga buto niya na parang walking skeletal system. Napaisip tuloy ako, ilang araw o buwan kaya siyang walang kain?"Dahan- dahan lang po", concern na saad ni Bea sa kaniya. Tumingin siya sa amin at parang nagsink- in sa kaniyang utak na may mga tao pala sa paligid niya. Napayuko siya sa kahihiyan at normal na subo lang ang ginawa.Ang suot niyang barong ay kupas na at ang daming dumi. Ang kaniyang slocks na itim ay punit-punit na kita na namin yung legs niyang mapayat .Ang buhok niyang parang binagyo at parang alambre na sa sobrang tigas, ilang araw o buwan na kaya 'tong walang suklay? Ang mukha din niyang makikita mo ang kapayatan, mataas na balbas at madam
Iginala ko ang aking paningin sa malawak na kwartong aming pinasukan na kanina ay sinunod lang namin si Mr. Moneca kung saan niya ipapaliwanag sa amin ang lahat. Dirty white ang dingding na nasira na at nangungupas na din ang mga pintura sa paligid. Maraming butas ang kesame at may mga iilan ding paintings na nakasabit, isa na doon ang sikat na painting ni Monalisa at ang Stary Light. Nalipasan na din ng panahon ang kaniyang kama. Klaro naman na color blue na motif ng kaniyang unan at white na kumot pero napuno na ito ng mga alikabok at dumi. Ang mga muwebles at kagamitan sa paligid katulad na lang ng salamin na puros mamahalin ay inalikabok na rin at kinakalawang. In short, nandito kaming lahat ngayon sa kwarto ni Mr. Moneca. BAKAS ANG lungkot sa buong silid. Tanging malakas na hagulgol lang niya ang maririnig sa kwarto habang papunta sa paanan ng kaniyang kama. Napaluhod pa siya at napahaplos sa kaniyang kumot. It torn
Sa tingin ko dumadami sila lalo kada araw. Kasi nakikita ko ngayon na halos sakupin na nila ang buong isla sa kanilang bilang."What the hell is happening? Ba' t dumadami sila?",mahinang sabi ni Cathy habang nakadungaw din sa bintana.Iba't ibang uri ng mga manika ang nakikita namin. May mga putol ang ulo na hindi ko alam kung paano sila nakakalakad na parang may mga ulo; may mga nakangisi habang may dala -dalang kutsilyo, palakol at kung ano pang mga matutulis na bagay na ginawa nilang mga armas; may mga parang puppet na may mga tahi-tahi pa sa iba't ibang parte ng katawan; may mga malapit ng maputol ang paa, kamay, tainga at ulo na may matatalim na tingin pero nakakamanage pa ring maglakad at marami pang iba.Parang silang isang komunidad na may -ari sa isla at dito na naninirahan.Naglalakad ang mga ito ng mabagal at mabibilis.. tumatakbo na parang walang kapaguran at nag-uusap na parang totoong tao. Weird, super weird.
Hali na kayo, kailangan na nating tumakas", sabi ni Mr. Moneca sa amin nang mapansin niyang hindi kami gumagalaw sa aming kinatatayuan."Napakatanga talagang babae kahit kailan", humihikbi kong saad. Napapahid tuloy ako ng luha at sipon. Nandito pa naman si Lawrence, nakakahiya."Kaya walang jowa yun eh. Tanga palagi", naiiyak na ring sabi ni Cathy.Inaalo muna kami nina Nicholas at Lawrence bago ulit tumakbo habang umiiyak papasok sa kwartong aming tinutuluyan noon.Naglakbay kaming lima tapos may chance pa na uuwi nalang kaming apat. Huwag naman sana, jusko. Mabait at maaasahan si Bea na kaibigan at sobra kaming nag-aalala para sa kanya bilang bestfriend. Pinagdarasal ko na sana ay ligtas siya at hindi mapahamak. Sinubukan naman naming pigilan ang pagbalik niya sa kwarto ni Mr. Moneca pero alam naman naming napakahalaga sa kanya ng kwentas na 'yon."Lalabas muna ako. Kail
Nandito pa rin kami ngayon sa isla. Sa isla na puno ng mga nakakatakot at mamamatay- taong manika. Hindi ko makakalimutan ang pakikipagbakbakan namin sa mga nakakatakot na manika na pinipilit kaming patayin. Never in my entire life na nakipagbuno ako sa mga manika!Matapos ang buwis- buhay naming pakikipaglaban sa kanila. Matapos ang mahabang oras na pagtakbo at paglakad, nakakita kami ng isang maliliit na bahay- kubo sa gitna ng palayan kaya nakapagpahinga kaming lahat kahit kaunti. It's already 10:16 in the morning at grabeng karanasan na ang nangyari sa amin."Ayos lang ba kayong lahat? Wala bang nasaktan?", tanong agad ni Mr. Moneca sa amin."Ayos lang po kami may mga maliliit na sugat lang po pero malayo naman sa bituka.", agad na sagot naman ni Nicholas." Isarado natin ang bintana at pintuan kung may mga butas man kayong makita, takpan ninyo", sabi niya na agad nama
Lahat tayo ay nalinlang na ng ating mga nakikita. Hindi kasi lahat ng nasa paligid natin ay totoo. May iba na nagbabalat- kayo o maling akala mo lang pala iyon. Basta ang importante, huwag kang basta- basta humusga. Alamin muna ang katotohanan bago ka maglabas ng reaksyon.Lumapit kami sa may butas at isa -isa namin itong sinilip. Nang turn ko na, nashock ako ng makita ko si Bea na kasama ang mga manika. Medyo may kalayuan man kami sa kinauupuan niya ngayon, alam na alam namin na si gagang Bea iyon. May mga bahid man siya ng dugo sa katawan at ang kaniyang buhok na nabuhaghag..ibang-iba siya sa Bea na kilala namin, walang expression ang kanyang mukha."ANONG nangyari kay Bea? Bakit parang tulala siya?", tanong ni Cathy sa amin pero maski kami hindi rin alam ang sagot sa kaniyang mga katanungan.Hindi ko alam kung ano pa ang mararamdaman ko kapag isa na naman sa amin ang dadanas ng kalagayan katulad ng kay Bea."Baka may pinakain or somet