Lahat tayo ay nalinlang na ng ating mga nakikita. Hindi kasi lahat ng nasa paligid natin ay totoo. May iba na nagbabalat- kayo o maling akala mo lang pala iyon. Basta ang importante, huwag kang basta- basta humusga. Alamin muna ang katotohanan bago ka maglabas ng reaksyon.
Lumapit kami sa may butas at isa -isa namin itong sinilip. Nang turn ko na, nashock ako ng makita ko si Bea na kasama ang mga manika. Medyo may kalayuan man kami sa kinauupuan niya ngayon, alam na alam namin na si gagang Bea iyon. May mga bahid man siya ng dugo sa katawan at ang kaniyang buhok na nabuhaghag..ibang-iba siya sa Bea na kilala namin, walang expression ang kanyang mukha.
"ANONG nangyari kay Bea? Bakit parang tulala siya?", tanong ni Cathy sa amin pero maski kami hindi rin alam ang sagot sa kaniyang mga katanungan.Hindi ko alam kung ano pa ang mararamdaman ko kapag isa na naman sa amin ang dadanas ng kalagayan katulad ng kay Bea.
"Baka may pinakain or sometHindi pa rin mawala sa aking isipan ang mukha ni Bea na tumatawa lang sa katawan ng pusa na pugot ang ulo. Sobra akong nangilabot kasi parang 'di na siya ang Bea na aming kababata.Humahalaklak pa rin sila hanggang ngayon. Ilang minuto na silang tumatawa.Walang tigil.Iilan din sa kanila ang pumapalakpak pa na parang may bentang- benta na joke.Kinuha no'ng isa ang ulo ng pusa sa lupa at hinahagis- hagis pa sa ere pati na din ang katawan nito. Para silang nagf- fiesta. Mababakas naman sa mukha ni Bea ang kasiyahan katulad noong mga araw na kasama niya pa kami.Ngumingiti siya, tumatawa."They're insane!", sigaw ni Cathy habang wala pa ring tigil ang luha na bumubuhos sa kaniyang mga mata."Everything's happen for a reason, Cathy", sabi naman ni Lawrence. Hinimas ko ang kaniyang likod as a comfort. May rason si Bea kaya nangyari ito ngayong aming n
"Wala kang alam sa pinagdadaanan ko, Nicholas", may tapang sa tonong sabi ni Cathy."Oo, pero huwag ka munang magpapakamatay ngayon, dapat makakita muna ng bangkay yung pamilya mo. Hindi yung uubusin yung buto mo' t laman dito na walang evidence na pinatay ka man lang", sagot naman ni Nicholas."So, you're saying na puwede na akong magpakamatay after nito?""Puwede"Hindi pa rin sila tapos magtalo. Namimilit kasi si Cathy na puntahan si Bea at aalamin kung siya pa ba ang kaibigan namin. Sobrang delikado yung plano niya."What if hindi na talaga siya ang Bea na ating nakilala? Na imbes ipagtanggol tayo, hahalakhak lang kapag napuno na tayo ng mga dugo? ", I interrupted. Ang lakas naman kasi ng tiwala ni Cathy kay Bea. Sobrang lakas din ng fighting spirit ng babaeng 'to."Bahala kayo! Pupuntahan ko talaga si Bea", pamimilit ulit niya. "Puro
Hindi talaga namin inakala na mas maganda pa sa expectation namin yung sinasabing bahay ni Tito.Malaki-laking bahay 'tong pinasukan namin ngayon. Bago pa ang mga gamit sa loob.Sabi ni Tito, iilan lang daw ang nakakaalam sa bahay na ito. Parang extra house daw ng pamilya nila eh.Nasa tago itong bahagi ng kuweba at ewan ko lang kung may manika pang magtatangkang pumunta dito. Malayo pala ito doon sa entrance na kuweba."Marami po ba talagang mga kuweba dito sa isla?", tanong ko."Iilan lang hija", diretsong sagot naman ni Tito."Bakit po mga mukhang bago lang itong mga kagamitan niyo dito, Tito?", tanong naman ni Cathy."Iyan ang hindi ko alam. Siguro may pansamantalang namalagi dito para linisin ito. Ewan ko lang kung manika ba o tao""Sana naman walang magtatangkang manika ulit dito para makapagpahinga naman tayo", pah
"Hays, halika na nga", napipilitan man, sumang- ayon na din si Lawrence na isama ako. Katulad ko ay binalewala niya din ang gusto naming sabihin sa isa't- isa at tyaka nalang ito iisipin pagkatapos nitong bangungunot na ito. Gusto ko mang sabihin ang totoo kong nararamdaman sa kaniya, masyado pang magulo ang sitwasyon namin. Basta huwag muna ngayon. Itabi nalang muna ito at mag- focus ngayon sa aming kaligtasan. "Wait lang, kukunin ko muna yung mga dala ni Manong. Baka magamit pa natin", pakiusap ko sa kaniya. "Huwag na, Shy. Sobrang delikado. Baka may dumating pang mga manika at madamay pa tayo", pag- aalala niya. "Edi bantayan mo ako, 'di mo naman ako ipapahamak right? I- se- secure lang pati na 'tong kahoy na nakuha natin, baka maging evidence pa na nandito tayo tyaka natin sundan sila manong at siguraduhing ligtas siya", panghihikayat ko naman. "O sige. Kunin
Walang emosyon ang mukha ni Bea habang tinutok niya ang matulis na kutsilyo sa bandang dibdib ni Manong. "Wala ka man lang bang mensahe sa mga kaibigan mo sa maaaring gagawin mo? Baka nanonood sila ngayon dito?", demonyong saad pa ng babae. "Wala, wala naman akong kaibigan", malamig na sagot naman ng aming kaibigan. Sheyt! 'Di ko nakayanan ang nangyayari kaya agad- agad akong gumalaw sa pinagtataguan namin upang pigilan ang maaaring pagpatay niya kay Manong. Sisigawan ko sana ang aming kaibigan baka matauhan siya sa ginagawa niya.Ngunit nabigo ako sa gusto kong gawin dahil mabilis ulit tinakpan ni Lawrence ang aking bibig at hinila ako pabalik sana sa pinagtataguan namin kanina. Pero 'di ko talaga napansin na natapakan ko pala ang kaniyang paa kaya napaupo tuloy ako sa kandungan niya. Nawindang ako lalo dahil nawalan siya ng balance. Kaya ang nangyar
"Mga hayop" Sobrang basa na ng luha ang aking mukha. Pati yata sipon ay sumasabay na din sa agos. 'Di ako makahawak sa aking mukha dahil sa higpit ng pagkakahawak nila sa magkabila kong braso. Nagmukha na tuloy akong batang hamog nito. Si Lawrence naman ay hindi nagsasalita. "Papahid muna, tulo na sipon ko eh", reklamo ko pero para lang silang mga bingi. Mga 30 minutes kaming naglakad. Dinala nila kami dito sa kagubatan na may maraming barb wire at matatayog na kahoy. May mga nakakatakot din na mga sirang manika ang nakabitay sa kada sanga ng mga ito. Luminga-linga ako sa paligid pero wala akong makitang sign kung saan kami dumaan kanina. Nakakalito dahil pare- pareho lang ang mga kahoy pero nakakapagtataka lang dahil napakatahimik ng paligid. Wala man lang paro- paro o ano mang kulisap na humuhuni,
“B- buhay siya”“B- bakit nabuhay pa siya?” “B- buhay si G- Gilberto?”, naiiyak nilang mga tanong. 'Di ko alam kung natutuwa ba sila o ano dahil buhay si Tito. Something's off with their reactions based on their voices. “Bakit po parang 'di kayo masaya na nabuhay si Tito?”, si Lawrence na ang nagtanong. He also noticed something with their questions."A- ah wala, hijo", rinig naming sagot ng isa sa kanila."May problema po ba sa pagligtas namin sa kaniya?", tanong ko naman."K- kayo ang nagligtas s- sa kaniya?" "Opo. Mukha ngang matagal- tagal na siyang ginapos doon sa kaniyang bahay. I mean sa kwarto pala niya. Bakit po? Nagkamali po ba kami ng nailigtas?" Katahimikan ang sumagot sa akin. Mukhang wala silang balak na sabihan kami.
NICHOLAS' POV Ilang minuto na akong naglalakad, nasuyod ko na ang mga kakahuyan pero 'di ko pa rin maaninag maski anino nina Shylah at Lawrence. Napahawak ako sa aking tuhod dahil sa hingal. ‘'Wag kang sumuko, Lawrence. Kailangan mo silang mahanap sa abot ng iyong makakaya para makalabas na kayong lahat dito. Babalik ang lahat sa dati. Babalik lahat' Pinatatag ko ang aking sarili at naghanap muli. Taas noo akong naglibot kahit na tagakgak na ang pawis sa buo kong mukha at katawan. Napahinto ako sa paghakbang ng may naaninag akong babaeng nakaupo sa ugat doon sa ilalim ng puno. Kasabay ito ang pagdaan nang mabaho na hangin na dumaan sa aking ilong. Nangunot ang aking noo at naramdaman na nagsalubong ang aking kilay. Kinilatis ko ito ngunit hindi ito sa Shylah. May ibang tao pa pala bukod sa amin dito sa isla! Naka- side view siya ng kaunti sa kinaroroonan ko kaya naman ay kitang- kita ko ang mahaba niyang itim na buhok na han