Sa tingin ko dumadami sila lalo kada araw. Kasi nakikita ko ngayon na halos sakupin na nila ang buong isla sa kanilang bilang.
"What the hell is happening? Ba' t dumadami sila?",mahinang sabi ni Cathy habang nakadungaw din sa bintana.
Iba't ibang uri ng mga manika ang nakikita namin. May mga putol ang ulo na hindi ko alam kung paano sila nakakalakad na parang may mga ulo; may mga nakangisi habang may dala -dalang kutsilyo, palakol at kung ano pang mga matutulis na bagay na ginawa nilang mga armas; may mga parang puppet na may mga tahi-tahi pa sa iba't ibang parte ng katawan; may mga malapit ng maputol ang paa, kamay, tainga at ulo na may matatalim na tingin pero nakakamanage pa ring maglakad at marami pang iba.
Parang silang isang komunidad na may -ari sa isla at dito na naninirahan.
Naglalakad ang mga ito ng mabagal at mabibilis.. tumatakbo na parang walang kapaguran at nag-uusap na parang totoong tao. Weird, super weird.Hali na kayo, kailangan na nating tumakas", sabi ni Mr. Moneca sa amin nang mapansin niyang hindi kami gumagalaw sa aming kinatatayuan."Napakatanga talagang babae kahit kailan", humihikbi kong saad. Napapahid tuloy ako ng luha at sipon. Nandito pa naman si Lawrence, nakakahiya."Kaya walang jowa yun eh. Tanga palagi", naiiyak na ring sabi ni Cathy.Inaalo muna kami nina Nicholas at Lawrence bago ulit tumakbo habang umiiyak papasok sa kwartong aming tinutuluyan noon.Naglakbay kaming lima tapos may chance pa na uuwi nalang kaming apat. Huwag naman sana, jusko. Mabait at maaasahan si Bea na kaibigan at sobra kaming nag-aalala para sa kanya bilang bestfriend. Pinagdarasal ko na sana ay ligtas siya at hindi mapahamak. Sinubukan naman naming pigilan ang pagbalik niya sa kwarto ni Mr. Moneca pero alam naman naming napakahalaga sa kanya ng kwentas na 'yon."Lalabas muna ako. Kail
Nandito pa rin kami ngayon sa isla. Sa isla na puno ng mga nakakatakot at mamamatay- taong manika. Hindi ko makakalimutan ang pakikipagbakbakan namin sa mga nakakatakot na manika na pinipilit kaming patayin. Never in my entire life na nakipagbuno ako sa mga manika!Matapos ang buwis- buhay naming pakikipaglaban sa kanila. Matapos ang mahabang oras na pagtakbo at paglakad, nakakita kami ng isang maliliit na bahay- kubo sa gitna ng palayan kaya nakapagpahinga kaming lahat kahit kaunti. It's already 10:16 in the morning at grabeng karanasan na ang nangyari sa amin."Ayos lang ba kayong lahat? Wala bang nasaktan?", tanong agad ni Mr. Moneca sa amin."Ayos lang po kami may mga maliliit na sugat lang po pero malayo naman sa bituka.", agad na sagot naman ni Nicholas." Isarado natin ang bintana at pintuan kung may mga butas man kayong makita, takpan ninyo", sabi niya na agad nama
Lahat tayo ay nalinlang na ng ating mga nakikita. Hindi kasi lahat ng nasa paligid natin ay totoo. May iba na nagbabalat- kayo o maling akala mo lang pala iyon. Basta ang importante, huwag kang basta- basta humusga. Alamin muna ang katotohanan bago ka maglabas ng reaksyon.Lumapit kami sa may butas at isa -isa namin itong sinilip. Nang turn ko na, nashock ako ng makita ko si Bea na kasama ang mga manika. Medyo may kalayuan man kami sa kinauupuan niya ngayon, alam na alam namin na si gagang Bea iyon. May mga bahid man siya ng dugo sa katawan at ang kaniyang buhok na nabuhaghag..ibang-iba siya sa Bea na kilala namin, walang expression ang kanyang mukha."ANONG nangyari kay Bea? Bakit parang tulala siya?", tanong ni Cathy sa amin pero maski kami hindi rin alam ang sagot sa kaniyang mga katanungan.Hindi ko alam kung ano pa ang mararamdaman ko kapag isa na naman sa amin ang dadanas ng kalagayan katulad ng kay Bea."Baka may pinakain or somet
Hindi pa rin mawala sa aking isipan ang mukha ni Bea na tumatawa lang sa katawan ng pusa na pugot ang ulo. Sobra akong nangilabot kasi parang 'di na siya ang Bea na aming kababata.Humahalaklak pa rin sila hanggang ngayon. Ilang minuto na silang tumatawa.Walang tigil.Iilan din sa kanila ang pumapalakpak pa na parang may bentang- benta na joke.Kinuha no'ng isa ang ulo ng pusa sa lupa at hinahagis- hagis pa sa ere pati na din ang katawan nito. Para silang nagf- fiesta. Mababakas naman sa mukha ni Bea ang kasiyahan katulad noong mga araw na kasama niya pa kami.Ngumingiti siya, tumatawa."They're insane!", sigaw ni Cathy habang wala pa ring tigil ang luha na bumubuhos sa kaniyang mga mata."Everything's happen for a reason, Cathy", sabi naman ni Lawrence. Hinimas ko ang kaniyang likod as a comfort. May rason si Bea kaya nangyari ito ngayong aming n
"Wala kang alam sa pinagdadaanan ko, Nicholas", may tapang sa tonong sabi ni Cathy."Oo, pero huwag ka munang magpapakamatay ngayon, dapat makakita muna ng bangkay yung pamilya mo. Hindi yung uubusin yung buto mo' t laman dito na walang evidence na pinatay ka man lang", sagot naman ni Nicholas."So, you're saying na puwede na akong magpakamatay after nito?""Puwede"Hindi pa rin sila tapos magtalo. Namimilit kasi si Cathy na puntahan si Bea at aalamin kung siya pa ba ang kaibigan namin. Sobrang delikado yung plano niya."What if hindi na talaga siya ang Bea na ating nakilala? Na imbes ipagtanggol tayo, hahalakhak lang kapag napuno na tayo ng mga dugo? ", I interrupted. Ang lakas naman kasi ng tiwala ni Cathy kay Bea. Sobrang lakas din ng fighting spirit ng babaeng 'to."Bahala kayo! Pupuntahan ko talaga si Bea", pamimilit ulit niya. "Puro
Hindi talaga namin inakala na mas maganda pa sa expectation namin yung sinasabing bahay ni Tito.Malaki-laking bahay 'tong pinasukan namin ngayon. Bago pa ang mga gamit sa loob.Sabi ni Tito, iilan lang daw ang nakakaalam sa bahay na ito. Parang extra house daw ng pamilya nila eh.Nasa tago itong bahagi ng kuweba at ewan ko lang kung may manika pang magtatangkang pumunta dito. Malayo pala ito doon sa entrance na kuweba."Marami po ba talagang mga kuweba dito sa isla?", tanong ko."Iilan lang hija", diretsong sagot naman ni Tito."Bakit po mga mukhang bago lang itong mga kagamitan niyo dito, Tito?", tanong naman ni Cathy."Iyan ang hindi ko alam. Siguro may pansamantalang namalagi dito para linisin ito. Ewan ko lang kung manika ba o tao""Sana naman walang magtatangkang manika ulit dito para makapagpahinga naman tayo", pah
"Hays, halika na nga", napipilitan man, sumang- ayon na din si Lawrence na isama ako. Katulad ko ay binalewala niya din ang gusto naming sabihin sa isa't- isa at tyaka nalang ito iisipin pagkatapos nitong bangungunot na ito. Gusto ko mang sabihin ang totoo kong nararamdaman sa kaniya, masyado pang magulo ang sitwasyon namin. Basta huwag muna ngayon. Itabi nalang muna ito at mag- focus ngayon sa aming kaligtasan. "Wait lang, kukunin ko muna yung mga dala ni Manong. Baka magamit pa natin", pakiusap ko sa kaniya. "Huwag na, Shy. Sobrang delikado. Baka may dumating pang mga manika at madamay pa tayo", pag- aalala niya. "Edi bantayan mo ako, 'di mo naman ako ipapahamak right? I- se- secure lang pati na 'tong kahoy na nakuha natin, baka maging evidence pa na nandito tayo tyaka natin sundan sila manong at siguraduhing ligtas siya", panghihikayat ko naman. "O sige. Kunin
Walang emosyon ang mukha ni Bea habang tinutok niya ang matulis na kutsilyo sa bandang dibdib ni Manong. "Wala ka man lang bang mensahe sa mga kaibigan mo sa maaaring gagawin mo? Baka nanonood sila ngayon dito?", demonyong saad pa ng babae. "Wala, wala naman akong kaibigan", malamig na sagot naman ng aming kaibigan. Sheyt! 'Di ko nakayanan ang nangyayari kaya agad- agad akong gumalaw sa pinagtataguan namin upang pigilan ang maaaring pagpatay niya kay Manong. Sisigawan ko sana ang aming kaibigan baka matauhan siya sa ginagawa niya.Ngunit nabigo ako sa gusto kong gawin dahil mabilis ulit tinakpan ni Lawrence ang aking bibig at hinila ako pabalik sana sa pinagtataguan namin kanina. Pero 'di ko talaga napansin na natapakan ko pala ang kaniyang paa kaya napaupo tuloy ako sa kandungan niya. Nawindang ako lalo dahil nawalan siya ng balance. Kaya ang nangyar