"Anak din ba ako ni gago, mama?" Nanlaki ang mata niya sa tanong ko. Hindi ko siya masisisi, talagang magugulat siya dahil alam ko na. Iyong matagal na niyang itinatanggi sa akin. Wala pa man confirmation mula sa kanya, pero dama ko na ang katotohanan. Sa reaksyon ba naman na pinakita niya, talagang buking na sila ni Ate Kela. Na mas mapait pa sa ampalaya! "P-Paano mo nasabi 'yan?" Ramdam ko ang kaba sa boses ni mama. Tila gulat pa rin siya, at kita ko sa kanyang mata kung paano niya iniiwasan ang usapin na iyon. "Sabihin mo nga ang totoo, Kali!" Sigaw ni ate. Kaya naman nabaling ang tingin ko sa kanya, litaw din ang galit sa kanyang mata. "Nagkita na ba kayo?!" "Oo!" Taas noo kong sigaw sa kanila. "Nagkita na kami ng gagong tinutukoy mo, mama." Natatawa na wika ko. "Mr. Leonardo Buenavista, anak niya si Lucas Buenavista. Tama, ‘di ba?" Hindi sila sumagot sa akin, pero ramdam ko ang nagbabadyang galit nila. "Uulitin ko mama, anak din ba ako ni Mr. Buenavista? Oo o hindi lan
Tulad ng hiling ko kay papa, pinagbigyan niya ako. Na mamalagi muna ako sa kanya, kahit alam kong makakasama ko si Lucas etse Kuya Lucas sa iisang bubong. Kung saan ginanap ang birthday ni Miss Manager, doon niya ako dinala. Bahay pala iyon ni papa. Kahit hindi na ako magtanong, alam kong kaya dito ginanap ang birthday ni Miss Manager ay dahil malapit sila ni Kuya Lucas, baka nga hindi niya iyon totoong kaarawan at sinet-up lang talaga ang birthday na iyon para malaman ko ang totoo. Well, nagtagumpay naman sila. Ngayon ko rin napagtanto kung bakit mabait sa akin si Miss Manager, dahil malapit sila ni Kuya Lucas. Naalala ko rin noon kung paano niya ako ipagtanggol doon sa isang ka-trabaho ko. Pagkatapos naming mag-usap ni papa, sinabi ko kay Nurse Wyatt na kanila papa muna ako uuwi. Pupuntahan pa sana niya ako, kaso hindi na ako pumayag. Kasi nasa duty siya noon, at para hindi na rin niya ako puntahan doon sa inuupahan kong bahay. Siya kasi lagi ang nagdadala ng pagkain ko sa loob
Nasa harap ng mansyon si Nurse Wyatt. Hinihintay niya akong magbihis, nakatanggap kasi ako ng mensahe sa kanya kanina. Lalabas daw kami, kasi wala siyang duty.Timing lang, dahil wala rin akong shift ngayong araw.Mabilis lang akong natapos, nagsuot lang ako ng black button-down polo na crop top, tsaka mom jeans at nag white shoes ako.Nadatnan ko si papa sa sala, nagbabasa ng dyaryo. "Papa," Tawag ko ng atensyon niya. Mabilis naman siyang tumingin sa akin, at inilapag ang hawak niya na dyaryo. "Aalis po ako," Paalam ko.Tumango siya. "Sure, no problem... but, who's with you?"Akala ko makakaligtas na ako sa tanong na 'to. Hindi pa pala. "Si Nurse Wyatt po." Walang pag aatubili na sabi ko. "Who is he?" Kunot noo na tanong ni papa. Kahit magka salubong ang kanyang kilay, hindi maipagkakaila na talagang maganda ang kanyang lahi.Hindi ba niya matandaan iyong lalaki na sumagot sa kanya ng birthday ni Miss Manager? O sadyang hindi niya pinansin iyon. "'Yong kasama po sa birthday ni Miss
Warning: R-18. Read at your own risk. Napayuko na lang ako at pinili ko na lang na ipagpatuloy ang pagkain. Mahirap pala magsabi nang masarap sa Nurse na 'to!Leche, naisahan ako, eh."You, okay?" Narinig kong tanong ni Nurse Wyatt, pero hindi ko siya pinansin. Nanatili akong nakayuko at tahimik na ngumunguya ng beef steak. Nahihiya ako, eh. "Hey..." Maingat niyang sambit, at hinawakan ang panga ko para maiangat 'yon. Pero hindi pa rin ako tumingin sa kanya.Biglang nawala ‘yong tapang ko. "Kali, nabigla ba kita?" Bigla ay tanong niya, nag-aalala. "I'm sorry, okay?" Nagmamakaawa ang kanyang boses. "Please, look at me..."Hindi ko rin naman siya matiis. Nakakainis! "Nagulat lang ako," Mahinang sambit ko. Iyon naman kasi ang totoo, hindi ko inaasahan ang aksyon na iyon mula sa kanya. "But, you're not mad?"Umiling ako sa kanya. "Bakit naman ako magagalit sa iyo?" Nagtataka kong tanong. Kung galit ako panigurado na kanina ko pa siya nasapak, ‘di ba? Kunin ba naman niya ang first kiss
Hindi nga ako nagkamali dahil pagkagising ko at saktong kakabukas ko lang ng aking telepono. Halos mabingi ako, dahil sa sunod-sunod na notifications sa aking Facebook account.Jadey: Sana all, pasalubong naman!Kung maka-comment naman siya. Akala niya close kami? Okay lang maki-sana all. Normal 'yon! Pero ang humingi ng pasalubong, hindi.Akala mo naman kung totoo silang kaibigan, eh, kung pag-usapan nga nila ako sa trabaho. Grabe, eh! Ibang level talaga, halos araw-araw yata nagle-level up.Marami pa silang nag-comment, halos pasalubong lang ang sinabi nila. Nagulat ako nang makita kong nag-like si Ate Kela ng pinost ko. Kahit kailan talaga 'tong ate ko, napakadamot! Pati ba naman sa heart or wow react man lang, pinagdamot pa niya. Hanggang Facebook, dinala niya ang kanyang pagka-bitter, eh!Halos hindi ako makagalaw sa sumunod na lumabas sa notifications ko.Kacy Angeles: sino kasama mo? uwi kana, nak."Good morning..." Paos na bati sa akin ni Wyatt. Mas isiniksik niya ang sarili s
Lumipas ang araw na hindi pa rin kami nag-uusap ni Kuya Lucas at kahit si papa ay hindi rin. Sila naman ang may gusto noon, eh! Wala naman akong ginawang masama sa kanila. Tuwing kakain sila, hindi ako nakikisabay sa kanila. Alam kong nakikitira lang ako, wala akong karapatan na mag-inarte. Pero talagang hindi ko nagustuhan ang ginawa ni Kuya Lucas na mukhang sinang-ayunan pa ni papa. Kinampihan pa, eh! Wala naman kasing ginawa si Wyatt, tapos bigla niyang susuntukin na lang. Mabuti man lang sana kung nasabi niya ang dahilan sa akin, pero hindi, eh. Ang mas worst pa roon, gusto niyang hiwalayan ko si Wyatt. Sino ako para makinig sa kanya? Wala nga siyang maibigay na sapat na dahilan sa akin kung bakit dapat ko iyon na gawin, eh. Nasa trabaho ako ngayon, kaso kaunti lang ang customer. Nandito lamang ako sa counter naghihintay ng mga papasok na customers. Mag-isa lang ako, dahil busy ang mga manok. Paano ba naman, hindi ko naman sila dinalahan ng pasalubong. Kay Miss Manager lang ta
"M-Mama..."Hindi na ako nag-aksaya pa ng oras at mabilis ko nang niyakap si mama. Hindi ko mapigilan na maiyak. Sobrang na-miss ko kasi siya. Ang tagal ko na rin kasi siyang hindi nakikita."M-Mama, sorry po..." Humihikbi na wika ko. Nanatili pa rin akong nakayakap sa kanya. Panay lang naman ang hagod niya sa likod ko."S-Shhhh... bakit ka naman umiiyak? Ang tapang mo nga maglayas." Hindi ko alam kung sa part na 'yon, dapat ba akong maiyak pa dahil concern siya? O dapat ba akong mainis, dahil parang pinapamukha niya na kasalanan ko pa iyon. Ramdam ko kasi sa tono niya ang pagiging sarkastiko sa kanyang sinabi. Kung hindi lang siguro kami sa publiko na lugar kanina pa niya ako nakurot.Humiwalay ako sa yakap niya. Nawala tuloy ang iyak ko. "Ma naman, eh." Hindi ko maiwasan na magreklamo. Ang ganda na noong moment, eh. Tapos biglang ganoon ang sasabihin niya. "Oh, bakit totoo naman?" Tinaasan na nga ako ng kilay, nag sumbat pa. Akala mo naman hindi nagda-drama sa Facebook, malinaw pa
"Kuya, pwede ba maupo ka muna. Pakiusap lang." Suway ko kay Kuya Lucas. Kanina pa kasi kami nakauwi ng mansyon, prente lang akong nakaupo habang siya. Ayon kanina pa umiikot, kulang na lang talaga ikutin na niya ang buong mansyon. Ako ang nahihilo sa kanya! "If dad were here, he'd probably kill me." Ramdam ko ang kanyang kaba. Sino ba ang nagsabi na siya lang ang dapat makaramdam ng kaba? Ako rin naman, eh. Panigurado kasi ngayon na magkaharap na si mama at papa. At alam kong sa isip ng nanay ko, gustong-gusto na niya akong kurutin. Ikaw ba naman i-set up, ‘di ba? Ang buong alam niya lang ay magbe-beach. Para makapag-unwind, pero mukhang sa ginawa ko. Alam kong kabaliktaran noon ang nararamdaman niya. Stress pa ang nararamdaman niya. Iniwan kasi namin si papa at mama doon sa bonuan beach. Hindi na namin tinignan pa kung anong ginawa ng dalawa, basta sinabi ko lang kay mama kung saan niya ako kikitain. At si Kuya Lucas naman, nagpaalam saglit kay papa na may pupuntahan. Walang alam