Share

Chapter 1

CHAPTER ONE

"Hope you'll  understand, why I'm doing this, Maxienne. Hindi ko 'to ginagawa para sa'kin, I'm doing this for you. For your own good." Seryoso niyang sabi na muling nagpayuko sa'kin.

Bumuga ako ng malalim na hininga.

Dad explained everything to me, I tried my best to understand everything he said. Na para sa ikakabuti ko ang ginagawa niya. Pero maski isa doon ay ayaw kung ipasok sa ugat ng utak ko. Umiyak at nagmakaawa ako na wag akong ilipat, gagawin at susundin ko lahat ng gusto niya. Kahit pa magtrabaho ako sa farm basta wag lang akong ilipat sa Manila. Okay lang sa'kin basta wag lang akong ilipat.

Desperada na kung desperada.

Alam kung maganda ang Manila, hindi ko 'yun ipagkaila. Nakapunta naman din na ako dun, pag sinasama ako nila daddy sa tuwing may business gathering. Minsan naman dun kami nag sho-shopping ni mommy, pero hindi rin kami tumatagal doon, umuuwi din kami kaagad. Si Kuya lang naman ang mahilig sa Manila, doon kasi naka base ang trabaho niya, doon din ang mga kaibigan niya. Nakakaselos nga minsan kasi mas marami pa siyang oras doon kesa sa'min na sarili niyang pamilya.

Minsan din kaming tumatakas ng kaibigan ko papuntang Manila para lang doon mag bar. Galit na galit si daddy nung nalaman niya ang ginagawa ko, grounded ako ng isang linggo, no gadgets, bawal din akong lumabas ng bahay. Kung lalabas man ako may guard akong kasama.

Pero ang tumira doon ibang usapan na 'yun. I love my probinsyana life, compared sa city life. Ang mag aral dun ibang usapan 'yun. And I hate daddy for doing this.

"Maxienne? Do you understand?" Napapikit ako sa sobrang inis. Kulang na lang puputok na ang dibdib ko sa sobrang pagpigil ng inis.

Understand! Understand!

Kung makipagtalo ako ako sa kaniya, wala parin naman mangyari. Kahit iiyak pa ako ng dugo, hindi pa rin siya papayag. Desidido siyang ilayo ako sa mga kaibigan ko. Sinubukan kung depensahan ang mga kaibigan ko sa paratang niya, na hindi sila tulad ng iniisip niya, pero sadyang sarado ang utak niya, pinaniwalaan kung ano ang gusto paniwalaan. Just like how you judge the book cover, without opening the pages.

Pagod na din akong makipagtalo sa kaniya, kaya ako na mismo ang sumuko.

"I understand, dad." I said.

"Good!"

Maski isa sa hiling ko ay hindi niya ako pinakinggan at pinagbigyan. Buo na talaga ang desisyon niyang ilipat ako.

"Ready you things the day after tomorrow, aalis kayo ng yaya baby mo."  Dagdag niya na mas ikinabigla ko. Kung kanina pagligpit ng gamit, ngayon naman ang pag alis? The fucking hell!

Bakit ang bilis? Malayo pa naman ang pasukan e. Bakit kailangan dun na kaagad ako? Pwede naman pag malapit na ang pasukan. Damn it!

"Dad! Bakit ang bilis? Sa June pa ang ang pasukan! Pwede naman pumunta ako dun pag pasukan na." Kumuyom ang kamao ko.

"Mas mabuting doon kana, kesa dito ka. Hindi ko nagustuhan ang mga nakikita ko, Maxienne." He said with firm voice. "I told you stay away form your friend."

Here we go again! I know he warned me once, na iwasan ko ang mga kaibigan ko, wag akong sama ng sama sa kanila. Pero lahat ng 'yun sinuway ko.

"They're my friends dad, you can't judge them base on what you see. It's my choice to go with them, hindi nila ako pinilit." Hindi ko mapigilan ang pag taas ng boses ko. "Hindi sila bad influence, dahil sa totoo lang sa tuwing kasama ko sila masaya ako, sila ang nagpapasaya sakin sa tuwing wala kayo rito, sila ang nagpapatawa sakin, sila ang kasama ko."

Nanghihinang sambit ko.

"Really? Mabuti na 'yun sa mata mo? Ha? Maxienne? Gumagamit sila ng drugs! Alin ba dun ang hindi mo naintindihan? No! They're not just using, but they're selling drugs!"

Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya. Umiling ako! Ayaw kung maniwala sa mga salitang lumabas sa bibig niya. Hindi 'yun totoo!

"You're too much dad! Hindi sila ganyan! Alam kung hindi mo sila gusto, pero ang pagbintangan sila sa bagay na 'yan. I know them daddy, hindi nila magagawa yan."

"Whatever Maxienne! Wag mong pagtakpan ang mga kaibigan mo! Tell me, are you one of them?"

"Daddy!" Malakas na sigaw ko! I can't believe him! Anak niya ako pero nakaya niyang sabihin sa'kin ang salitang 'yun. What kind of person are you, dad? I'm your daughter for heaven sake! Kung may isasama ang loob ko, mas dumoble pa.

"Don't you dare raise your voice!"

"I'm sorry.."

Wala na nga silang oras sa'kin, gusto pa nilang ilayo ako. Inis kung sinabunutan ang buhok ko. Damn! Just damn!

Lumabas ako ng library na hinang hina. Umakyat ako sa kwarto at doon umiyak ng umiyak. Ano bang hindi nila naintindihan sa ayaw ko dun, at mas gusto ko dito. Sila na rin mismo ang nagsabi sa'kin na noon na hindi ako pwede sa Manila, pero bakit ngayon pinipilit na nila ako. Ayaw kung mang magkaroon ng sama sa loob ng ama ko, ngunit hindi ko na mapigilan ang sarili ko.

Lalo na sa mga salitang binitawan niya.

Nakakafrustrate ka daddy! Ikaw na lang sana mag aral total ikaw naman ang may gusto. Argh!

I tried to talk to my mom, I thought she would understand me. But, I was wrong. Akala ko pwede kung mabago ang isip niya. Hindi pala. Mas kinampihan niya pa si Daddy. She said na tama lang ang desisyon na daddy na ilipat ako. Kung sana nandito si Kuya, paniguradong maintindihan niya ako. Siya lang naman ang kakampi ko sa lahat.

Pabagsak akong humiga sa kama saka tumingala nga sa kulay pink ka ceiling ng kwarto ko, may mga hello kitty design pa doon na kumikislap kislap. Kung noon, tumitig lang ako sa ceiling to calm myself, pero ngayon hindi na. Hindi ko na mapigilan ang pagtulo muli ng luha ko. Kinuha ko ang unan at tinakip sa mukha ko, at sumigaw ng sumigaw. Masamang masama talaga ang loob ko.

Nakakainis!

Sa tuwing pumapasok sa isip ko ang mga pinag usapan namin ni daddy, mas lalong bumigat ang pakiramdam ko. Doble doble pa!

Nung medyo ayos na ako, sakto naman pagpasok ni yaya baby. Ang yaya ko simula pa bata ako. Wala naman kasi palagi sila mommy at daddy. Kaya puro yaya na lang ang kinalalakihan ko. Nag iwas ako ng tingin ng maglakad siya palapit sa pwesto ko. Titig na titig siya sa'kin kaya nag iwas ako ng tingin. Ayaw kung salubungin ang mata niya. Maiiyak lang ako.

"Anak?" Mahinang tawag niya sa'kin. Muling bumuhos ang luha ko ng niyakap ako ni yaya. Hinaplos haplos niya pa ang likuran ko. Pinapatahan ako. Batid kung para na akong bata dahil sa pag ngawa ko. Rinig ko pa ang marahan pag tawa ni yaya baby na mas lalong ikinasimangot ko.

"Yaya! Dito lang ako, ayaw kung umalis dito." I said. "Baguhin mo ang isip ni daddy."

"Wala naman akong magic, para magic-kin na'tin utak ng daddy mo." Biro niya.

Napanguso ako. "Yaya naman!"

"Totoo naman, kahit pa laklakan ko ang magic sarap, wala parin magic."

"Seryoso kasi ako, kausapin mo po si daddy.."Pakiusap ko. Alam kung makikinig sa kaniya si daddy. "Papayag 'yun ya."

"Anak, wala akong magawa kung ano man ang desisyon ng ama mo." Malumanay niyang sambit. "Kasama mo naman ako dun, hindi kita pababayaan.

"Ya!"

"Sige na magligpit na tayo ng mga gamit mo."

"Ayaw ko!"

"Gusto mo!"

Wala pa rin akong gana nung sinimulan na namin dalawa ang pagligpit ng mga gamit ko. Ni hindi ko na inayos, basta ko na lang pinasok lahat. Dalawang luggage lang naman 'iyon. Ayaw ko masyadong magdala. Paniguradong bibili naman ako ng mga damit dun. Piling damit lang dala ko.

Dad wants me to be independent, kaya bumili na siya ng condo sa Manila para sa'kin. Sinabi niya rin na maayos at kumpleto na ang naroon, wala na raw akong problemahin pa. Ngunit, hindi parin dahilan 'yun para sumaya ang loob ko.

I want freedom not luxurious life. I'm contented what I have in here.

Independent pero sinama si Yaya Baby para may kasama ako. Nasaan ang independent dun? Pero okay na rin, di rin ako sanay na wala si yaya baby. Tsaka ayaw ko din mag isa dun, baka mamatay ako ng maaga. Napairap ako sa kawalan.

"Ilagay ko ba 'to sa luggage mo iha?" Napatingin ako sa gamit na sinasabi ni manang. Pulos denim jacket iyon. Kailangan ko ba ng denim?

May mga dress din siyang pinakita sa'kin. Kumunot ang noo kung pinasadahan ang mga damit na 'yun, ngayon ko lang kasi sila nakita. Hindi naman ako naghahalungkat, kaya siguro hindi ko napansin na may ganun akong mga damit.

Wala naman sigurong masama kung dalhin ko. Tumango na lang ako kay yaya na ilagay na lang sa luggage lahat. Ilang oras din kaming nag ayos ni yaya ng mga gamit na dapat kung dalhin.

Nakakapagod.

Nakahinga lamang ako ng maluwag ng tapos na lahat. Lumabas na din si yaya baby upang magligpit din ng mga gamit niya.

Sinilip ko ang wristwatch ko. Alas kwarto pa. Maaga pa. Napagdesisyunan kung magbihis.

Total aalis din naman ako, why not spend my remaining time here. Kinuha ko ang cellphone ko sa bedside table and text my friends.

Me: Lets meet sa oval plaza.

Sent✔️

From Liene: See yah bigaon!

Me:Boang!

Sent✔️

"Where are you going?" Napahinto ako ng marinig ko ang boses ni daddy. Kinagat ko ang labi ko at dahan dahan lumingon. Seryoso ang mukha ni daddy habang pinasadahan niya ako tingin, mula ulo hanggang paa. "Bakit kulang sa tela ang suot mo?"

Napasimangot ako dahil sa sinabi niya. Gusto ko sanang itama si daddy na hindi kulang sa tela ang tawag sa suot ko kundi 'fashion'. Ano bang mali sa suot kung crop top then highwaisted short with matching white rubber shoes. Okay naman e.

Mahirap talaga pag tumatanda ng paurong, hindi na alam ang fashion.

"Dad.."

"Maxienne!"

"Please dad let me, I want to spend my remaining time with my friend. Ayaw kung umalis ng hindi nagpapaalam sa kanila."

"6 dapat na nandito kana sa bahay." Strikto niyang sabi.

"Yes dad.." I said. Bumuntong hininga ako habang tinatahak ang daan patungo sa garage, mabilis akong pumasok sa loob ng sasakyan at agad na sinuksok ang susi. Marunong naman ako magmaneho.

Ang malakas na hangin ay nilipad ang silver blonde kung mahabang buhok. Hindi naman masyadong traffic kaya mabilis akong nakarating ng oval. Pinarada ko sa gilid ang sasakyan ko, sinigurado ko munang nakalock iyon bago tuluyan lumabas ng sasakyan.

Malayo palang ay nakita ko na ang mga kaibigan ko na nagtatawanan. I smiled while watching them. Hindi ko alam kung ano ang mangyari sa'kin pagdating ng Manila, nasanay akong kasa kasama ang mga kaibigan ko. Liene saw me first, tumakbo siya palapit sa'kin at dinamba ako ng yakap.

Pinag sawa ko muna ang mata ko na pagmasdan sila. Ito ba? Ito ba ang sinasabi mong bad influence sila daddy? Napapikit ako ng muling umulong sa utak ko ang bentang ni daddy sa kanila. Ayaw kung paniwalaan, hindi sila ganun. Ako ang mas nakakilala sa kanila, dahil ako ang kaibigan.

"Best!"

"Nia na atong gwapahon na mega!" Jaye "Grabe ragud imong sayaw gabi-e dzae." Humalakhak silang lahat. Isa isa silang lumapit sakin at hinalikan ako sa pisngi.

"What? Wala akong naalala."

"May amnesia ka girl? Sinayawan mo pa nga ang ex mo." Literal na lumaki ang mata ko dahil sa sinabi niya. Piniga ko na ang utak ko pero maski isa ay wala akong maaalala. But, isa lang naman ang ex ko, 'yung anak ng Mayor ng GenSan. What the actual fuck! Ayaw kung maniwala but knowing my friend hindi sila gumagawa ng kwento, kahit na loko loko sila. Lahat ng sinasabi nila totoo.

"No way!" Hiyaw ko.

"Yes way!" Sabay nilang sigaw.

"Ayaw mo maniwala? Pakita mo nga ang dakilang ebidensya natin jan, Mars."

Inabot nila sa'kin ang cellphone. Nagdadalawang isip pa akong kunin iyon. Ayaw kung makita kung ano man ang nasa loob nun, ayaw kung makita kung ano ang kalokohan na pinagagawa ko. Kalaunan ay pinanood ko din. Parang gusto ko na lang hilahin ang buhok ko. Parang ayaw kung maniwala na ako ang nasa video.

Nakasuot ako ng superfitted black dress, dancing wildly in the crowd, maingay, mausok ang paligid. Marami rin akong narinig na pinupuri ako. At halos masampal ko ang mukha ko ng dumating ang ex ko, nakipagsayawan siya sa'kin. Halata na masyado ang kalasingan ko. Para na akong baliw!

My God! Bakit wala akong maalala? Damn! Maxienne! Nakakahiya! Nakipagsayawan ka sa ex mo!

"Galing ng Lola mo kumembot!"

"Sinabi mo pa, ang daming humihingi ng number mo sa'kin kagabi pero hindi ko binigay." Liene. "Alam ko naman hindi ka interesado."

Sumakit ang ulo ko sa pang aasar nila sa'kin. Kaya para patahimikin sila, sinabi kung I-Libre ko sila. Ayun! Humaba ang tenga ng dalawa. Basta libre ang pinag usapan hindi tatanggi ang dalawang 'to. Pagkain lang makapagpatahimik sa kadaldalan nila.

After namin kumain ng street food, dumiretso kami ng KCC para manood ng sine, sakto kasing showing ng The How's of Us, favorite naming tatlo si Kathryn. Kaya magkasundong magkasundo kami sa kalokohan. Kahit hindi kami mag usap, titigan lang magkaintindihan na kaming tatlo. Tila alam ng isa kung ano man ang kalokohan na tumatakbo sa isip namin. Magkasama kaming laitin ang mga tao na ayaw namin.

Ngunit, kahit gaano pa kaganda ang palabas okupado parin ang utak ko. Bukas na ang alis. Paano ko sabihin sa limang 'to?Batid kung sa oras na sabihin ko sa kanila ang paglipat ko sa Manila, malulungkot sila. May kasabihan pa kami na walang iwanan, na sabay kaming lima  gumraduate. Pano ko gagawin 'yun?

Tila napansin naman ng dalawa ang pananahimik ko. Ang tatlo naman ay nanatili parin ang mata sa harap.

"Are you okay?"

"I'm not okay.."

"Why? Spill the tea. Makikinig kami."

"Lilipat na ako ng school." Mahinang sagot ko, sakto lang para marinig ng dalawa.

"Ano?!"

"Lilipat na ako..."

"Saan?"

"Manila."

"Iiwan mo na kami?"

Umiling ako."Yun ang gusto ni daddy, kanina ko lang din nalaman." Malungkot kung dagdag. Nakakainis! Naiiyak na naman ako.

"Best, esturyahe ragud imong amahan, ingna diri lang ka muskwela."

Bumuntong hininga ako. "Kung pwede lang, kung pwede ko lang baguhin ang nasa isip ni daddy. Kaso, hindi e. Kilala niyo naman si daddy, kailangan sundin kung ano man ang desisyon niya." Malungkot kung sambit.

Kinwento ko sa kanila lahat ng pinag usapan naman si Library kanina. Of course exept the worst part, ayaw kung malaman nila 'yun na  ganun ang tingin ni daddy sa sa kanila. Wala naman silang komento, pero bakas ang lungkot sa mga mata nila. Nagsabay pa na umiyak si Liene, jaye at Rhea, tuloy ay naiiyak na din ako. Nasita pa kaming lahat dahil nasa loob parin kaming tatlo sa sinehan.

Kaya naman pagkatapos ng sine, ay bumalik ulit kami sa oval plaza. Gusto raw nilang sulitin ang oras na kasama nila ako. Tahimik kaming tatlo na nakaupo sa carabao grass. Walang gustong magsalita, mugto parin ang mga mata namin.

Marami na din ang mga tao sa oval plaza, pag gabi na rin kasi. Pag ganito kasing oras mas lalong dumadami ang mga tao na pumapasyal, minsan naman pumupunta 'yung mga tao para lang kumain ng mga street food and the famous 'pastil'.

"Hanapan mo ako ng tagalog na jowa ha?" Natawa ako sa sinabi ni Liene. Binatukan pa siya ni Jaye.

"Gaga!"

"Tatandang dalaga ka!" Reynan

"Wow! Parang may jowa ah!" Bara ni Liene sa kaniya, kaya natawa kaming lahat. Mamimiss ko ang ganito.

"Bakit kaya hindi na lang maging kayo?" Sabi ko na siyang ikinabigla ng dalawa.

"Yucks!/Ayaw kong maging jowa yan!"

"HAHAHAHAHAHA"

Pagsapit ng alas sais, nagpaaalam na kami sa isa't isa. Todo paalala sila sa'kin na wag ko raw sila kalimutan kahit na may bago akong mga kaibigan na makilala dun. Of course, bakit ko naman sila ipagpalit. Hindi naman ako bobo para gawin 'yun. Sinabi ko sa kanila na kahit nasa Manila ako, hindi dahilan 'yun para mawala ang pagkakaibigan namin.

Hindi reason ang layo para maputol ang friendship, I'm not that kind of person.

@YourBrokenMorenaGirl

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status