Share

Chapter 2

CHAPTER TWO

"Anak, gumising kana, nandito na tayo."

"Maxienne!"

"Gising na!"

Kumunot ang noo ko ng parang may naramdaman akong parang tumapik tapik sa pisngi ko. Mahina lang naman iyon. May naririnig din akong boses na parang tinatawag ang pangalan ko. Nakapikit ang mata ko pero gising naman ang utak ko. Am I dreaming? Gusto kung imulat ang mata ko, pero ayaw ng mata ko, tila may pumipigil.

Inis akong kumamot sa pisngi ko.

Bakit ba lagi akong naiisturbo pag natutulog ako?

May kung anong kaluskos din akong narinig sa paligid. Nakakainis! Kelan pa hindi naging soundproof ang room ko? As far as I remember ang kwarto na pinagawa ni daddy para sa'kin ay soundproof.

Ayaw na ayaw na kung nasisira ang tulog ko. Batid kung hindi lang ako ang ganun. Sino bang tao ang matutuwa pagka gising?

Nakakita ka na ba ng tao na maganda ang mood at nakangiti pag ginigising?

"Ya! Maaga pa! Wala akong pasok!" I said. I heard someone's short laugh. Bakit ba sila nasa kwarto ko ng ganito kaaga? Yaya baby always like this, kahit nung nasa pre school ako hanggang ngayon mahilig parin siyang isturbuhin ang tulog ko. Minsan binubuhat niya ako patungo sa banyo at binuhusan ako ng tubig, rason niya para daw gumising pati mga masamang espiritu na nasa loob ng katawan.

'Yung siya pa 'yung takot na malate ako kesa sa'kin na estudyante.

Lagi tuloy kaming nagaaway dalawa pag umaga. Dala dala niya parin 'yun hanggang sa ngayon. Inaamin ko na tamad talaga akong gumising sa iba.

"Yaya baby! More minutes pa!" I said again to make her stop poking my cheeks. Tinakpan ko ang mukha ko gamit ang kamay ko. Sinubukan kung kapain ang kumot at unan sa tabi ko, pero wala akong makapa. Nasaan na ba 'yun? Nasa tabi ko lang naman 'iyon. Bakit wala? Tsaka hindi din ako kumportable sa hinigian ko. Hindi malambot.

Nakasimangot akong pikit dahil hindi parin tumigil ang isturbo kakasundot ng pisngi ko. Nagsimulang uminit ang ulo ko! Ugh!

"Yaya stop it! I said stop it!"

"Anong more minutes? Gumising ka diyan! Baba na tayo! Hindi mo 'to kwarto." What? Ano ba pinagsasabi niya?

Dahan dahan kung minulat ang mata ko at halos mapatalon ako sa sobrang kaba at gulat dahil mukha ni yaya baby ang bumungad sa'kin, may suot siyang malaking glasses, may scarf pa sa leeg niya. Nakangisi siya kaya kitang kita ko ang bungal niyang ngipin.  Nakasimangot akong tumingin sa kaniya.

Antok na antok pa ako.

"Ya! Anong ginawa mo sa kwarto ko?" Kumunot ang noo niya sa tanong ko. Tila may mali sa tanong ko, pinaningkitan niya ako ng mata. Kulang na lang ay pitikin niya ako sa noo.

"Kwarto mo? Kwarto mo ang eroplano?"

"What?"

"Watwat! San ba lumipad espiritu mo?" Masungit niyang tanong. "Tumayo ka diyan at bumaba na tayo."

Ha? Ano bang pinagsasabi niya? Kaya naman dahan dahan kung inikot ang mata ko sa buong paligid.

"Bakit?"

"Anong bakit? Hala sige tulog pa!"

Masungit niyang sambit kaya inirapan ko siya saka sumimangot. Natahimik naman ako, inisip kung bakit ako nandito. Oo nga pala, ngayon ang flight naman pero tulog lang ang ginawa ko. Sino ba kasi ang matutuwa kung labag naman sa loob mo ang pagpunta dito? Hindi lang punta, kundi dito pa ako mag aral.

"Hoy!" Napatalon ako sa gulat ng sumigaw si yaya baby sa tenga ko. "Gumala ba espiritu mo at hindi ka sinama?"

"Yaya baby naman! Itulak kaya kita para umakyat din sa langit espiritu mo!"

"Tse! Pano ka nakasiguro na sa langit ako mapunta?" Kung ibang sitwasyon lang 'to, siguro kanina pa ako natatawa sa mga pinagsasabi niya. Siguro kanina ko pa siya binabara, pero dahil sa sitwasyon ko, nawawalan ako ng gana. Paulit ulit akong bumuga ng hangin.

"Bumaba na tayo, tayo na lang ang pasahero na naiwan dito." Dagdag niya. Napansin niya siguro ang pananahimik ko.

"Bakit kasi hindi mo ako ginising ya?" I asked. Oo nga naman, kung kanina pa niya ako ginising-

"Kanina pa kita ginising, ayaw mo lang gumising. Akala ko nga dumiretso na kaluluwa mo sa langit."

"Yaya naman!" Nakasimangot ako.

"Biro lang!" Bawi niya. "Tara na!"

Humugot ako ng malalim na hininga at inayos ang sarili ko, bago tumayo. Binati kami ng cabin crew, ngunit isang tango at tipid na ngiti lamang ang ginawad ko sa kanila.

Nang tuluyan na kaming makababa, sakto naman nakaabang na rin ang shuttle bus. Nasa pinakadulo kami ni yaya baby dahil 'yun na lang ang available. Panay parin ang daldal ni yaya baby, nag v-vlog. Wala naman siyang pakialam kahit na pinagtinginan na siya. Yaya baby can speak fluently in English, ginagamit niya minsan sa pag v-vlog. Sumasagot lamang ako pag may tinatanong siya sa'kin. Minsan sinasali niya ako sa mga vlogs niya.

"Tingin ka dito," She said at inangat ang camera na hawak niya. Ilang shots din ang kinuha niya bago siya tumigil.

Mabuti lang din at hindi niya na ako kinulit ngayon, pansin niya siguro ang kawalan ko ng gana. Panay buga ko ng hangin ng magsimula ng gumalaw ang shuttle bus. Sa sobrang tahimik sa loob, pakiramdam ko naririnig ko ang bawat hangin na binubuga ko. 'Yung ibang tao naman ay gumagawa ng sariling mundo.

Napairap ako ng maghalikan ang mag jowa sa harapan namin. Seriously? Dito pa talaga? Hindi man lang ba makapag antay ang libog nila. I'm not fan of public display of affection, kaya naman ang nakita sa harap ko ngayon ay masakit sa mata. I'm not bitter, sadyang ayaw ko lang makakita ng mga bagay na ginagawa sa private.

"Ya? Can we switch our pwesto?" Baling ko kay yaya baby. Tila nagets na naman niya yata kaya di na siya nagtanong. Nakahinga ako ng maluwag ng nasa bandang may bintana na ako.

After ilang minutes ay huminto na din ang shuttle bus tanda na nasa right destination kami. Hinawakan ko ng mahigpit ang pouch bag, bago tumayo. I didn't bother to wait yaya baby, baka maabutan kami ng history ni magellan. Natawa ako ng mahina ng marinig kung tinawag niya ako.

"Grabe! Ang bilis mo naman mag lakas.." Aniya ng maabutan niya ako.

"You're so tagal kasi."

"Nakipicture lang naman ako dun sa gwapong foreigner." She said ang pout. Napailing na lang ako. She keep on giggling dahil sobrang gwapo daw nung lalaki, parang artista. Sinabi pa niya na nireto niya ako dun sa lalaki at bagay  daw kako kami.

"Kinuha ko na din ang number niya, kung gusto mo ng jowa sabihan mo lang ako." Dagdag niya.

Gosh! Yaya! Tama bang binebenta ang alaga? Hinayaan ko na lamang siya. Hindi na ako sumagot sa pangungulit niya. Tsaka hindi ako ganun desperada para lang magkaroon ng jowa.

After namin makuha lahat ng mga gamit namin. Si yaya sa gamit niya, ako naman ang hila hila ko ang dalawang luggage pa exit.

"Magandang araw po ma'am!"

Nagulat ako ng biglang sumulpot sa harap ko si Mang Kanor. Ang driver namin sa tuwing nandito kaming magpamilya sa Manila. Kalaunan ay nginitian ko din siya at binati.

"Mang Kanor, dumadami na puti ng buhok niyo ah."

"Ganun talaga pag gwapo ma'aam," Natatawa niyang sabi.

Inagaw niya na rin sa kamay ko ang luggage na hawak ko. Hindi na ako nagprotesta at hinayaan na lamang siya sa gusto niya.

"Magandang araw baby.." Napangiwi ako batiin niya si yaya baby. At parang isang teen ager si yaya kung kiligin, parang uod na binudburan ng asin. Kilig na kilig. Nasapo ko ang noo ko! Nagkita na naman ang dalawa!

Tila nag slow motion pa si yaya Baby, binitawan niya ang luggage na hawak niya at tumakbo ng mahina mahina, animo'y may slow mo.

"Kanor baby!"

"Bebe ko miss na kita..."

Napangiwi ako ng nagyakapan silang dalawa. Seriously? Ang corny naman ng dalawang 'to, parang di nag vi-video call araw araw. Ilang mag jowa pa ba ang makikita ko na PDA? Gosh! Pwede bang ikulong ang gumagawa ng PDA?

Nauna akong pumasok sa loob ng sasakyan at hinayaan ang dalawa na maglampungan.

Wala parin tigil ang dalawa sa ka-cornihan nila. Pakiramdam ko sumasakit na 'yung mata pati tenga ko sa bawat salitang binibitawan nilang dalawa. Parang di ako nag exist sa mundo nilang dalawa. Yaya Baby? Bakit ka naman ganiyan? Kung saan umeedad kana saka pa-hays!

Tahimik lamang ako sa  buong biyahe. Kahit na naririndi na ako sa dalawa. Isabay mo pa na nagv-vlog si yaya baby. Kanina pa siya. Hindi man lang siya natuyuan ng laway, 'O di kaya mag dry ang lalamunan niya. Kinareer niya talaga.

Nilibang ko na lang ang sarili ko sa pagtingin sa bawat matatayog na building sa bawat madadaanan namin. Hindi ko magawang magsaya, pakiramdam ko parusa 'to sa'kin. Siguro sasaya pa ako kung nandito 'yung kaibigan ko kahit papaano.

Ang hirap magsimula sa isang lugar, kailangan mong I-adjust ang sarili mo. Kailangan mong kalimutan kung ano ang nakasanayan mo sa lugar na pinag mulan mo. Hindi naman siguro.

Relax Maxienne! Masasanay ka din dito! Marami kang pwedeng gawin dito.

Napukaw ang atensyon ko sa lalaking nakasuot ng black leather na jacket, may black cap din sa ulo niya. Malaki ang bawat hakbang niya tila may kaaway. Pumasok siya sa isang madilim na eskinita. Napalunok ako ng may tatlo pang nakasunod sa kaniya, nagmamadali din bawat hakbang nila. May bitbit na malaking kahoy ang isa. Maya maya pa ay lumabas na ang naka black leather na jacket, umawang ang bibig ko sa bilis ng pag atake niya, daig niya pa ang hangin.

Nanlaki ang mata ko ng umambang hampasin ng may hawak na kahoy 'iyong naka jacket.

Shit! Sa likuran mo!  Three versus one!

Nakahinga ako ng maluwag ng nakailag siya sa ambang pag hampas. Sino siya? Sino sila?

Bakit ang galing niya? Hindi kaya sanay sa gulo 'yun?

Nawala ang atensyon ko don ng biglang magsalita si yaya baby.

"Okay ka lang, Maxienne?"

"Yes Ya,"

"Gutom ka na ba? May sky flakes at juice akong nilagay sa paper bag mo, baka gusto mong kainin." Dagdag niya. Pinakiramdam ko ang sarili ko, hindi naman ako gutom. Kaya sinabi ko na lang kay yaya na sa condo na lang ako kakain.

Binaling ko muli ang atensyon ko kung saan ang apat na lalaki, pero wala na sila doon. Nasaan sila? Nakatakas kaya 'yung naka jacket? Natamaan kaya siya? Sugat?

Bakit ko ba siya inisip? Hindi ko naman siya kilala? Tss!

Saktong alas sais ng makarating kami ng BGC kung saan ang condo na binili ni daddy. Malapit lang raw kasi ang university na papasukan ko kaya dito ang napili niya, para na rin hindi ako mahirapan. Maganda na din 'yun, atleast hindi ko na kailangan gumising ng maaga. Pabor na din 'yun sa'kin.

May dumating na mga lalaki at tinulungan kami sa gamit.

"Tara na, alam kung pagod kana." Si yaya

Nakahinga ako ng maluwag ng nasa tapat na kami ng condo. Si yaya baby ang nag bukas, nauna siyang pumasok kaya sumunod na din ako, napanganga ako ng makita ko ng tuluyan ang loob. Napakaganda. Hindi mali sobrang ganda pala. Ang lawak din para sa dalawang tao. May chandelier pa 'iyon sa gitna. 'Yung kulay naman ng wall ay gray and white, malinis tignan at hindi masakit sa mata.

Tulad nga ng sabi ni daddy sa'kin, kumpleto na ang lahat ng gamit at wala na akong problemahin pa, may mga groceries na din. Kahit yata mag apat na buwan hindi parin namin mauubos iyon ni yaya. May malaking sofa at saharap niyon ang napakalaking flat screen na smart TV. Hindi naman ako mahilig sa TV, but I think si yaya ang masaya dahil mahilig siyang manood ng Kdrama.

Magkaharap ang dalawang kwarto, isang kulay puti at baby pink color na pintuan. Hindi ko na kailangan buksan ang pinto upang mahanap ang kwarto ko, dahil may nakaukit na pangalan ko sa pinto.

Sumunod kung puntahan ang kusina, hindi ko masyadong naapreaciate kasi hindi naman ako taong kusina. Malaki ang mesa, may apat din na upuan. Okay na din. Gayunpaman ay hindi parin ako masaya.

"Maxienne? Pumasok kana sa kwarto mo, at maligo. Tatawagan na lang kita pag kakain na para makapagpahinga ka ng maaga."

"Sige po ya."

Ang plano kung pagpasok ay naudlot ng tumungo ang ringtone ko, tanda na may tumawag.

Si daddy!

"Hello dad?"

"[Dumating na ba kayo? Hows your flight?]"

"Yes daddy, nasa condo na kami ni yaya baby." Sagot ko.

"[Nagustuhan mo ba?]"

"Uhm...yes, it's nice and huge."

"[Mabuti naman at nagustuhan mo.]" He said. "Papadeliver ako ng dinner niyo, para hindi na magluto si yaya mo. Para makapagpahinga na rin kayo."

"Thanks daddy,"

"[Welcome my princess, wag kana mag tampo sa'kin. Magpahinga kana alam kung pagod kana.]"

"You too dad.."

"[ I love you anak..]"

"I love you too dad.."

Before ended the call, maraming pang binilin si daddy sa'kin. Wala naman akong pwedeng isagot kundi puro 'oo at hindi. He even said na dapat sumunod ako sa lahat ng sasabihin ni yaya sa'kin lalo't wala sila upang paalahanin ako.

Sakto naman ay dumating na din ang pagkain, mabilisang kain lang ang ginawa ko dahil gusto ko ng magpahinga.

Inisip ko pa kung ano ang gagawin ko bukas, wala akong masyadong kilala dito. Wala dito ang mga kaibigan ko. Hays life! Bakit ba ako tinorture ng ganito?

After kumain ay pumasok na ako sa kwarto, tinext ko muna ang kaibigan ko para ipaalam sa kanila na dumating na ako. Hindi na ako nag abalang hintayin pa ang reply nila. Marami pa naman oras bukas para kausapin ko sila. Knowing my friend di 'yun sila titigil hangga't di ako mag kwento.

Antok na antok na talaga ako, kahit gusto ko ng matulog na ay hindi pa, nanlalagkit ang katawan ko, kailangan kung maligo, kaya 'yun ang ginawa ko. Matapos kung hubarin lahat ng saplot sa katawan ko ay lumusong na ako sa bath tub. Napapikit ako dahil ang sarap sa pakiramdam.

Kahit na gusto ko pang magbabad sa tubig ay kinailangan kung tumayo at magbanlaw. After kung magpalit ng pantulog na damit ay padapa akong humiga sa kama. Ilang minuto lang ay hinila na ako ng sobrang antok.

Good night.

@YourBrokenMorenaGirl

Jeniza Pandian

Enjoy Reading! -YourBrokenMorenaGirl

| 1

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status