Share

I’m Inlove With Mr. Pervert
I’m Inlove With Mr. Pervert
Author: Jeniza Pandian

Simula

"Ms. Maxienne? Gising na po ba kayo?" I heard manang voice at the back of my door. Kinakatok niya pa 'iyon ng tatlong beses. I I signed. Actually, kanina pa ako gising, tamad lang talaga ako bumangon. Masakit pa rin kasi ang ulo ko, parang may bato iyon sa loob sa sobrang bigat. I blame alcohol for what happened. We went to a bar last night, birthday kasi ng kaibigan ko. Usually pag birthday hindi talaga maiwasan ang party, alak. Hindi naman ako kill joy para tumanggi. Baka abot langit ang tampo sakin pag diko siya sisiputin. Kahit labag pa sa loob ko ang pumunta.

Hindi ako party girl, I'm just having fun and enjoying my youth.

Wala naman sigurong masama dun? Kasi pag nasa adult stage na, puro problema na ang pasanin, trabaho ganun. Kaya habang bata pa, enjoy yourself but don't and don't ruin your future. Enjoy lang, 'yung tipong gagawin mo kung ano 'yung bagay na makapagpasaya sa'yo. Kaya ngayon, sinusulit ko na. Give yourself a break. Minsan kasi 'yun ang kailangan na'tin, 'yun ang kailangan ng sarili at utak natin.

Friendly reminder: To all the teens out there, enjoy your youth but don't ruined your future.

I don't know kung ano oras na ako nakauwi kagabi. Masyado yata akong nalasing kaya wala akong naalala. Hindi ko na nga din naalala kung sino ang naghatid sa'kin. Maybe, I'll ask my friends later para makapagthank you na din.

God! I hate hang over.

Inabot ko ang phone sa tabi ko, para sana I-check ang mga message, napaikot ako ng mata ng makitang deadbatt ang cellphone ko, parang ang sarap na lang ibato. Nakalimutan ko yatang I-charge since kagabi.

Napatalon ako sa kama ng sumigaw muli si manang sa likod ng pinto. This time mas malakas and.

"Yes, po manang! Gising na po." Sigaw ko pabalik.

"Naghihintay na po ang daddy niyo sa baba." Dagdag niya. Napairap ako sa hangin dahil dun. Si daddy talaga. Wait? Si daddy? My god! Kelan pa siya dumating? Pakiramdam ko lumabas ang puso ko mula sa katawan ko. Akala ko ba next week pa siya uuwi? Paano?!

Hindi kaya nalaman niyang tumakas na naman ako kagabi? Oh no! I'm doomed!

Ihanda mo na ang tenga mo Maxienne, paniguradong hindi singko ang makuha mo mamaya kundi benteng sermon.

Calm down your stupid ass Maxienne!

Ang hirap kasi magpaalam kay daddy, pag usapan bar hundred percent na hindi ako payagan.

Kaya pag alam kung hindi ako payagan, hindi na ako magpaalam. Ngayon, palang namamatay na ang ugat ko sa utak kakaisip kung ano ang magandang palusot. At ang mas malala maski isang palusot walang pumasok sa utak ko.

Shit! What I'm going to do? Dagdag pa 'tong letseng hang over!

Masyadong strict si daddy when it comes to me. Hindi naman siya ganun kay kuya, lagi niyang sinasabi sa'kin kaya siya strikto dahil sa babae ako. Ano bang pinagkaiba ng lalaki at babae? Sa private part? Sa boobs? Hair? Siguro. But, for me pareho lang naman e. Hindi naman pwedeng lalaki lang ang mag enjoy. Sometime I envy my brother, he can do whatever he wants to do. While me? Kailangan ko pang mag paalam kung saan ako pupunta, kung sino ang kasama ko, may curfew pa. M

Naintindihan ko naman si daddy, ayaw niya lang akong mabastos. Lalo na't sa uri ng pananamit ko, too revealing. At the age of 12 I already know how to dress properly, lagi kasi akong tumitingin sa P*******t, tsaka ginagaya ko ang mga style na nandoon. And now I'm 17 mas lalo akong naging interesado sa fashion. Naisip ko na din ang kukunin kung course pag college na ako. Excited!

Girls can wear whatever they want. Ang problema lang masyadong judgemental ang mga tao sa mundo, pati pananamit ng tao big deal sa kanila, tatawanan ka pa. Ang hirap nila intindihin. They didn't know about fashion. And for boys, hindi porket nagsuot ng revealing na damit ang babae, malandi na, pokpok na. Very wrong, problema 'yung utak at mata nilang makasalanan.

"Maxienne?"

"Tell him, pababa na ako." Sabi ko na lang.

Tamad akong bumangon saka dumiretso sa bathroom upang gawin ang morning routine ko. Kailangan maayos ang itsura kung humarap kay daddy. Nakailang hilamos pa ako para masigurong walang bakas ng kalokohan mula kagabi. Napahilot ako sa sentido ko ng mas dumoble pa ang pananakit ng ulo ko. Gosh!

Mabilis lang naman akong natapos kaya bumaba na din ako. Hindi magandang paghintayin si daddy ng ganito kaaga, baka magalit na naman 'yun. Iba pa naman 'yun magalit, tahimik siya at mapagpasensya pero kakaiba kung magalit. Parang pati buong buhay mo nakasumpa sa kaniya.

Sabi nga nila, iba pag magalit ang tahimik. Nakakakilabot. Takot kaming pareho ni kuya sa kaniya. Kahit na si mommy, pag nagagagalit si daddy, tahimik lamang siya hindi magsalita.

"Good morning!"

Bati ko sa mga kasamahan namin sa bahay, nagulat pa sila, hindi yata inaasahan ang pagbaba ko. Binati din naman nila akong pabalik lahat.

Huminto muna ako saglit saka pumikit, kinalma ang sarili bago tinahak ang daan patungong breakfast table, and there I saw my dad. Tumikhim ako para makuha ang atensyon niya. Lumingon sakin si daddy na may tipid na ngiti sa labi. Nginitian ko din siya bago lumapit sa kaniya at hinalikan siya sa pisngi.

"Good morning dad. I thought next week pa ang uwi mo?"

"Good morning, anak." Bati niya pabalik saka tinaasan pa ako ng kilay. "Mabilis kung natapos ang meeting, and I can't leave you here alone."

Napalunok ako sa diin ng pagkasabi niya.

Brace yourself bitch! World War 4 is coming!

Hinila ko ang upuan at umupo sa tapat niya. Maraming iba't ibang klase ng pagkain ang nakahain sa mesa. Napapikit ako ng pumasok sa ilong ko aroma ng mga pagkain, amoy palang masarap na, bigla akong natakam at parang gusto ko na lang lantakan kaagad. Naalala kung wala pala akong dinner kagabi. Kaya pala kumakalam na ang sikmura ko.

Paano ka naman kakain aber? Kung inuna mo pa ang alak gaga!

"How's your sleep?" He ask while sipping his coffee, ngunit nasa newspaper parin ang atensyon niya. I wonder kung anong binabasa niya. Businesses? Maybe. Hindi man lang siya nabored magbasa ng news? Wala naman magandang story sa newspaper.

Pwede naman magbasa na lang siya ng w*****d may matutunan pa siya. Masuggest nga 'yun kay daddy.

Kinagat ko ang dila ko upang pigilan ang pagkawala ng tawa sa labi ko. Letseng utak 'to nagjojoke mag isa.

"Anak?"

"Po?"

"How's your sleep?"

"I don't know daddy." I said. Hindi ko naman talaga alam, tulog ako e. Sinamaan ako ng tingin ni daddy.

Wrong answer Maxienne, gusto mo yata masabuyan ng kape ng wala sa oras.

My dad was in his mid 50's pero hindi parin halata. He still look young. Even in his hectic schedule he can still manage his look. Half Brazilian, half spanish si daddy. While mommy is pure filipina. Kamukhang kamukha ni Kuya si Daddy, ako naman ang mix nilang dalawa.

"Hindi pa ba uuwe si mommy at kuya?" I asked. Namimiss ko rin si mommy, pati yung mga niluto niya. They're too busy kasi. Kumuha ako ng spam, fried rice tsaka egg. Gutom na din naman ako. Kailangan ko ng pakainin ang mga alaga ko sa tiyan.

"Your mom is a business woman. Marami pa siyang trabaho na kailangan tapusin." Tila nawalan ako ng gana kumain sa sagot ni daddy. Parehong business ang trabaho ng mga magulang ko, may sarili kaming farm, iba't ibang mga prutas ang nakatanim roon, may mga iba't ibang hayop. I don't know kung paano nila binebenta mga 'yun, I'm not into business. Bihira lang ako naka punta sa farm namin, pag sinasama lang nila ako.

Bihira  ko lang makasama dito sa bahay ang mga magulang ko. Minsan naman salitan kung umuwi si mommy at daddy. At kung minsan mag isa lang ako dito sa bahay, nasanay na din naman ako. Si kuya naman may sarili din pinagkakaabalahan.

"And about your brother, thanks god he's now fine." Nakahinga na din ako ng maluwag sa sinabi ni daddy.

"I want to see Kuya, dad. ." I miss my brother so much. Ilang months ko na siyang hindi nakita. Si kuya kasi masyadong pasaway kaya ayun ginawa niya ng bahay ang hospital. Hindi ko alam kung ano ang totoong nangyari sa kaniya. Sa tuwing magtatanong ako kay Daddy, lagi niyang nililiko ang usapan. Kaya hindi na lang ako nagtanong, wala din naman kasi akong makuhang sagot.

"Ganun po ba daddy..."

"Don't worry iha, your brother will be come home soon." Tumango na lang ako sa sinabi niya.

Tahimik lamang ako habang pinagpatuloy ang pagkain. Kanina ko pa din napansin na tanging kape lang ang pinagdidiskitahan ni daddy. Nabusog siya ron?

Mainit na tubig na may kulay itim lang naman 'yun.

Kukuha na sana ulit ako ng pagkain ng magsalita ulit si daddy, kaya naman inangat ko ang ulo ko at sinalubong ang tingin niya.

"Pack up all your things after you eat." Ha?

Kailangan ko na yata ng cotton buds, mukhang nabingi ako, or tama na 'yung narinig ko?

"What things? Pack? What do you mean dad? Are we having a vacation? Are we going to visit mom and kuya?" Sunod sunod at naguguluhang tanong ko sa kaniya. Ano naman ibig niyang sabihin? Ngunit, mataman niya lamang akong tinitigan. Mukhang hindi maganda ang susunod na sabihin niya. Ayaw kung mag isip ng kung ano.

Kung kanina ay atat akong kumain, ngayon naman ay nawalan na ako ng gana. Masama ang kutob ko, at hindi ako handa marinig ang susunod niyang salita na bibigkasin.

"Dad..."

"No, hindi natin bibisitahin ang kuya mo 'o ang mommy mo." So, what? Nilapag niya ang kape saka tumikhim.

"And? What are you saying na pack up all your things? Ipaampon mo na ba ako?" Sinamaan niya ang tingin kaya naitikom ko ang bibig ko, bumagsak ang tingin ko sa plato na nasa harap ko. At halos bumagsak ang panga ko sa sumunod na salita na binitawan niya.

"Lilipat ka ng school."

"What?" Ako? Lilipat?  "Daddy! Okay na ako dito sa school ko dad. Hindi ko na kailangan lumipat pa." Hindi ko mapigilan ang pagtaas ng boses ko. Hindi ko kailangan lumipat ng school, kuntento na ako sa school na pinapasukan ko. Atsaka isa pa, dito na ako nasanay, nandito rin mga kaibigan ko. Sa isiping lilipat ako tiyak na mahirapan lamang ako. Hindi ako handa. Ayaw kung iwan ang lugar na 'to, ayaw kung umalis.

I'm belong here...

"Lilipat ka ng school, end of conversation."

"Dad.." Tila nanghina ako, pakiramdam ko bumara sa lalamunan ko ang mga pagkain na kinakain ko. "Dad.. no..please, dito lang ako."

But, when my father said it. Kahit anong tanggi ko batid kung wala paring kwenta 'iyon. Ano bang laban ko sa mga magulang ko? Hindi ko maintindihan, hindi ko alam kung ano ang rason niya.

"Daddy please, maganda naman ang grades ko. Wag mo na akong ilipat." Nagmakaawa na ako. "Promise gagalingan ko para magkahonor ako, para maka akyat ka ng stage." Parang batang sambit ko, nangingilid na din ang mga luha sa gilid ng mata ko.

"Maxienne anak, para sayo naman 'tong ginagawa ko. Hindi ko nagustuhan ang pakikipagbarkada mo."Seryoso niyang sambit. "Alam kung tumakas ka na naman kagabi. Hindi ko 'yun nagustuhan, hindi ka namin pinalaki ng para suwayin ang mga pinagbabawal namin sa'yo."

Tuluyan na akong napayuko. "I'm sorry daddy."

"I don't like your friends, Maxienne they're bad influence."

"Pero daddy." Aminado naman akong bad influence ang mga kaibigan ko. Mahilig silang uminom, pumarty, maloko. Pero nakadepende pa din naman 'yun sayo, sayo parin ang desisyon kung gagayahin mo sila 'o hindi. And, I hate it when daddy judge them. Mabait naman sila.

"I said what I said, Maxienne. Wag mong ipaulit sa'kin ang mga salita na binitawan ko kanina." Mas lalo akong nanlumo sa kaseryosohan ng boses niya. Parang gusto ko ka lang magdabog at magkulong sa kwarto ko. Ngunit, pag gagawin ko 'yun mas lalo lamang siyang magalit sa'kin.

Sa isiping iiwan ko ang Gensan, ay para akong binagsakan ng langit at lupa. I don't want to leave this place, dito ako lumaki, dito ako nagkaroon ng isip. Nandito ang buhay ko. Dito.

"Sa Manila kana mag aral!"

"Daddy! You don't have to do this to me dad.." Naiiyak na sambit ko. Ayaw ko sa Manila! Ayaw kung lumipat! Ayaw kung mag aral dun. Kahit pa maganda ang lugar na 'yun, ayaw ko parin. Hindi ko ipagpalit ang lugar na 'to. Umiwas ng tingin sa'kin si daddy ng makita niya ang reaksyon ko.

Is this your way to punish me, Dad? For being a bad daughter? I know I'm pain in the ass, but I don't want to leave this place.

"Magtatrabaho ako sa farm...just please don't send me in Manila, Dad. Ayaw ko dun. Dito lang ako."

"Your mom and I alread talked about this, she agreed." Again? Pati ba naman ikaw mom. "Dun mo tatapusin ang senior and colllege mo."

Daddy! Napapikit ako, ayaw kung I-digest ng utak ko 'yun.

"Pwede naman dito ko na lang tapusin ang school ko daddy. Ayaw ko dun." I said. Naluluhang sinundan ko ng tingin si Daddy ng tumayo siya, bitbt ang kape at newspaper. Naihilamos ko ang kamay ko sa mukha ko. Damn it!

"Finish your food, mag usap tayo sa library." Sabi niya bago tuluyang tinalikuran ako. What I'm going to do now? Nawalan na ako ng gana kumain, gayunpaman ay tinuloy ko parin ubusin ang pagkain na nasa plato. Halos hindi na malunok ang pagkain na nginunguya ko sa tuwing naiisip ko ang sinasabi ng ama ko. Gayunpaman, ay naitawid ko din.

Paulit ulit akong humugot ng malalim na hininga, nasa harapan ako pintuan papasok sa library, nagdadalawang isip akong pumasok. Hindi ako handang marinig kung ano man sasabihin niya. Paniguradong tungkol lahat ng 'yun sa paglipat ko.

But, in the end dahan dahan ko din binuksan, dinungaw ko ang ulo ko.

"Dad..." Mahina kung tawag.

"Sit down!" He said.

Napatingin ako sa folder na nasa ibabaw ng mesa niya. Pangalan ko ang nakasulat roon, transcript of records. Kinuha niya na pala, without telling me. Sa tingin ko matagal na nilang plano ang paglipat sa'kin. Humapdi ang dibdib ko sa isiping 'iyon. Sa isiping iwan ko ang mga lugar na 'to, ang mga kaibigan ko. Mas lalong humahapdi ang puso ko.

"Ayaw kung lumipat, daddy please...dito lang ako."

-YourBrokenMorenaGirl

A/n: Edited version

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status