LOVELY’S POV~
*Kriiing... Kriiing...
Rinig naming pag-ring ulit ng phone ko kaya napatingin kaming lahat rito.
"Si Jake kaagad yan? Ang bilis ah?" usisa pa ni Prim.
Nagkibit balikat naman ako kasi unknown number eh. Tila umusod silang lahat papalapit sa akin para marinig kung sino ito.
"Hello?" pagsagot kong muli.
(Hi! Lovely, right? This is Stephen. Irma's friend. Is she there?) diretso nitong sagot sa akin na tila pinagtaka ko naman. Si Stephen? Yung ka-team mate ni Jake?
Inilayo ko ang phone ko sa tainga ko at inabot kay Irma. Tila nagtaka naman silang lahat. "It's yours. Friend mo daw."
"Huh?" hindi naman makapaniwala si Irma. Inabot din niya ang phone ko at tinapat na sa tainga niya. "Hello? -- Hey! Ikaw pala yan. Oh bakit ka napatawag?"
Nagtinginan naman kaming tatlo at lumapit-lapit kay Irma nang kausapin niya yung Stephen sa phone.
"Ah, oo kasi alam mo na, group study lang." tumayo naman na si Irma na tila umiiwas samin. Inilayo niya pa ang mukha ni Agnes na halos nakadikit na rin sa phone ang tainga.
Hindi ko alam pero parang kinikilig ako para sa kanya?
"Sinong Stephen yun?" takang tanong pa ni Prim.
"Si Stephen Schneizel. Best center ng team. Let's just say, siya siguro ang pumapangalawa sa magaling, next to Jake." paliwanag pa ni Agnes.
“Oh?” as Prim formed an ‘O’ to her mouth.
"Ahh, paano naman sila naging magkaibigan daw nito ni Irma?" tanong ko naman. Oo nga't kilala ko yang si Stephen, pero parang hindi ko naman napapansin na close pala sila nitong ni Irma?
"Ang alam ko, childhood best friends sila. Then since, dinate nga nitong ni Irma si Jake, medyo nag-laylow ang friendship kasi alam niyo na." paliwanag naman ni Agnes. "Mukhang matagal na yatang may gusto yang Stephen na yan kay Irma, kaso ang tingin lang nung isa, friends sila." pagbulong naman ni Agnes sa amin.
"Ahh.. Kaya.." sabay naman din naming napagtanto ni Prim.
Napatingin naman din kami kay Irma na halos nasa labas na ng kwarto ko sa pagkausap dun sa Stephen niya. Hmm..
"Sana all!" sigaw pa ni Prim na tila nangaaasar kay Irma.
Pinandilatan naman kami ni Irma ng mata na tila nagsusuway na huwag kaming mangasar sa kanya.
Hindi naman din namin maiwasang hindi mangiti dahil nakangiti pa rin siya habang kausap ito.
AT dahil medyo epic ang first date kuno namin ni Jake, hindi ko rin alam na kung papaano ba niya ako napapayag na sumama sa kanya sa isang tunay na date daw. Malamang syempre na-encourage ako nitong tatlong fairy-god mother ko, pero ang nakakatawa lang ay doon sa cafe/resto na pinagtatrabahuan ko niya rin ako dinala kagaya ng pagdala niya sa tatlo noon doon.
"Tek -- hindi ba tayo dito?" pagpigil sa akin ni Jake habang magkahawak kamay kaming naglalakad papasok dito sa cafe/resto. Nauna kasi akong maglakad sa kanya at patungo na sa table five na lagi niyang pinapa-reserved.
Nginitian naman ako ng mokong. "Nah, hindi diyan ang pina-reserve ko para sa atin." at hawak kamay pa rin niya akong hinatak papuntang veranda. Nakasalubong pa namin si Josy na tila hindi makapaniwalang magkasama kami ni Jake ngayon. Nabitawan niya pa ang malaking round tray na hawak niya at natapon ang lahat ng nakalagay roon.
"Saan ba tayo pupunta?" tanong ko pa.
"Well, I could tell you. But -- I gotta kill you." panlalandi - I mean, biro pa ng mokong. "Com'on!" paghatak niya sa akin at nanakbo kami patungo sa may bay view.
"Wait -- "
"Here's our table." saad naman ni Jake pero wala naman akong nakikitang naka-set up na mesa dito at -- Oh - oh!
"Oh my gosh.."
Tama ba itong nakikita ko?
Third Person's POV~
Pagkapasok nila Lovely at Jake sa cafe/resto, kaagad ring sumunod sina Irma, Agnes at Prim sa mga ito. Dala-dala pa rin ni Irma ang tablet niyang monitor para sa boob cam ni Lovely.
Dahan-dahan silang dumudungaw sa mga tables na naroon ngunit tila hindi nila makita ang ito na nakaupo.
"Nasaan sila?" tanong pa ni Agnes at naglakad napatungo sa hallway banda ng cafe/resto.
"Parang humihina yung signal nila." saad pa ni Irma.
Nakita naman ni Prim si Josy na nagiiyak habang nagwawalis ng mga nagkalat na basag na plato at baso na natapon niya kanina.
Tumuro ito sa labas na tila alam na nito kung sino ang hinahanap nila.
Nagkatinginan pa sila sa isa't isa at kaagad naman din nanakbo palabas ang tatlo.
"Okay, ang dilim ng monitor. Hindi naman ganito toh nung unang gamit natin eh." pagaayos pa ni Irma sa tablet niya.
"No effin' way!" napahinto sila sa sinabi ni Agnes na halos hindi makapaniwala. Sabay namang napatingin sina Prim at Irma kung saan ito nakatingin.
"A boat? Nakapag-request ba kayo sa kanya na sa boat? I've never been on a boat!" hindi rin makapaniwalang komento ni Prim ngmakita nilang dumaan ang yacht style boat kung saan naka-setup ito na parang may nagdi-date.
Tinuro pa ni Agnes ito at nakita nga nila si Jake na nagbukas ng champagne habang nakaupo sa tabi niya si Lovely. Halos mapanganga silang tatlo rito.
"Nobody asked to be on a boat." sagot naman ni Irma.
"Ni hindi ko alam na may boat pala ang ungas na toh?" tila inis ding saad ni Agnes.
"Baka hindi kayanin ni Lovely ang sitwasyon na toh." pagaalala naman ni Irma.
*Iiing....
"Oh no! I'm losing them." pag-panic naman bigla ni Irma ng lumalabo na ang signal niya sa monitor. Inalog at pindot niya pa ito para umayos. "I'm losing them!"
Bigla rin namang dinutdot ito ni Prim at inilayo niya rito. "Hey!" pagsuway niya rito.
(Do you know that this is the perfect place to have a kiss?) saad pa ni Jake sa linya.
(Kiss talaga ha?) tila natutuwang sagot naman ni Lovely sa kanya at kaagad namang nagmadali ang tatlo para makalapit sa boat para mas makasagap ng signal sa mga ito.
Ngunit nakalayo na ang boat nila Jake at Lovely patungo sa gitna ng dagat.
LOVELY’S POV~I still can't believe that night was so epic-ly heartbreaking yet turned out a little fun. At least after a long time of pretending being someone I never was, I finally breakout from my shell. I have told Jake my dirty little secret and I know it was still hard for him to believe it. After he walked out from his own party, we also left from there as well.But I know even Jake made fun with us after the revelation, I can sense his devastation and disappointment on what happened. I feel so sorry for him.Habang iniisip ko pa rin ang mga nangyari noong nakaraang araw, hindi ko rin naman inaasahang makita si Jake ngayong pagpasok namin sa school."Jake! Wait!" pagsigaw ko pa at pumatakbo papalapit sa kanya."Hey!" bati naman niya ng lingunin ako at nakitang papalapit sa kanya. Huminto rin siya sa paglalakad.Nahinto rin ako sa harapan niya at sa totoo lang, parang hindi ko alam kung anong mukha pa an
“LOUDER”"What are you talking 'bout?!"Sigaw pa ng mga tao sa lugar.Napabuntong hininga naman muna si Lovely. "We tried to break your heart para malaman mo ang pakiramdam nun." dagdag niya pa."We?" takang tanong pa ni Jake.Napatingin naman si Lovely sa tatlo at gayun din si Jake. Umiwas-iwas naman ng tingin si Irma pero sina Agnes at Prim ay tila proud pa rito."O -- okay, I get it." napagtanto ni Jake ito ng makita ang tatlong babaeng dati nga niya naka-date. "Well, hey! You girls pull it off!" dismayadong tugon naman ni Jake sa mga ito. Humarap siya ulit kay Lovely. "Yeah. It worked." malungkot namang tugon nito kay Lovely. "I did really fell for you, and now it broke my heart."Pag-iling pa sa kanya ni Lovely. Hinubad nito ang relos ni Jake na binigay sa kanya at inabot sa binata."I'm so sorry.""HOY! Ano bang nangyayari dyan? ""Nagbi-break ba kayo?!"
NAGMAMADALI NA RIN si Lovely na sumakay ng kotse niya at nag-drive paalis ng bahay nila.Kailangan na niyang maayos ngayon ang sinimulan niyang problema mula sa kanila ni Jake at sa mga kaibigan niya.Sa kabilang banda, nauumipsa na ang party ni Jake para sa kanyang kaarawan. Tila nasa isang malaking bar club sila at maraming taong nagpunta roon, may banda, free drinks, mga nagsasayawan, maraming pagkain at iba pa. Tila isa itong malaking frat party o parang concert na ang lahat ay wiling makisaya."Happy birthday, Jake!""Happy birthday!"Kada bati kay Jake ng mga kaibigang namamataan siya. Sumampa pa siya sa stage at tumatanaw-tanaw sa buong lugar na tila may hinahanap. Pagkainom niya ng beer niya ay bumaba na rin siya at nakita ang best friend na si Blake."Happy birthday, bro.""Thanks, bro."Pagyakapan pa nilang dalawa."Napansin mo na ba si Lovely?" tanong pa ni Jake pagkakalas niya rito.Umling muna si Blak
PAGKALABAS NI LOVELY ng journalism room, hindi niya napansin si Blake na nasa audio area at nakikinig ng sounds kasama ang kaibigan niya. Nagtaka si Blake kung anong ginagawa ni Lovely roon at bakit siya galing journalism room.Ilang sandali pa ay sabay-sabay ring lumabas sina Irma, Agnes at Prim kung saan galing si Lovely at tila may kakaibang napagtanto si Blake kaya tumayo siya kaagad para sundan ang mga ito palabas.Naglakad si Lovely sa hallway at mabuti ay wala masyadong estudyanteng naroon na. Sa isip-isip niya, hindi siya makapaniwala na aabot talaga sila sa ganito sa mga ginawa nila. Hindi naman din niya gustong magkasiraan sila, pero tila nalulungkot siya dahil tingin niya ngayon ay nawala na sa kanya ang mga tinuring niyang mga kaibigan."That's a nice watch. Seems familiar." bungad nito sa likuran ni Lovely na pabukas sana sa locker niya. Napahinto naman ito at tingin sa kanya."Blake? Look, i - it's not -- what it looks like." tila depe
"OH""My""God!"Hindi naman din makapaniwala ang tatlo ng pinakita ni Lovely ang relos ni Jake na pinasuot sa kanya. Hawak-hawak pa ito ni Agnes at nakatitig rito na hindi pa rinmakapaniwala."We'll totally gonna crash him!" nakangisi pang saad ni Irma at bumalik sa harap ng laptop niya."It's kill time! Baaam! Happy Birthday little Carter!" panunukso pa ni Prim at sumunod na rin kay Irma.Samantalang si Agnes naman ay tila masama pa rin ang tingin sa suot niyang relos kaya binawi na niya ang kamay niya dahil parang alam na niyang hindi nito nagugustuhan ang nangyayari."Ahm, girls. Para kasing ang weird na nitong ginagawa natin." saad ni Lovely at nagtakang napatingin naman sa kanya ang tatlo."Huh?" hindi naman din makapaniwala si Prim."Love? Sabi mo if ever man may makarelasyon ka ring lalaking kagaya ni Jake, you'll get even?" paliwanag pa ni Irma pagkaharap niya rito habang nakaupo sa swivel chair niya.
NAPANSIN NAMAN NI Irma na tila kapapasok lang ni Stephen sa court room na tila nagtataka bakit ang daming tao rito. Hinatak niya ito palayo sa ilang tao. Tila nagulat naman si Stephen sa ginawa niya pero sumunod lang din siya kay Irma."Don't tell me naka-T back ka rin?!" diretsong tanong ni Irma."Ha?!" buong pagtataka naman nito sa tanong ng kaibigan.Napatingin naman si Stephen kina Jake at sa mga ka-team niya, napagtanto na niya kung bakit tila ang daming tao ngayon rito sa court room nila. Hindi naman na niya napigilang matawa dahil hindi siya makapaniwala na mga naka-suot pala ang mga ito ng thongs kaya siguro madami biglang nanonood."Aren't you proud that it made more popular now than people shaming him?" sarcastic namang tugon ni Stephen kay Irma. Inirapan naman siya nito at tumingin sa ibang direksyon."Ugh.." nagpaikot pa ito ng kamay niya sa harap."Don't worry, hindi ko ipapahiya ang sarili ko para lang suportahan yang si Carter