Share

Forty-fifth Trip: The Mantrell's

"What is the formal language comprising a set of strings that produce various kinds of machine code output?" pagbasa ko ng tanong sa test paper na hawak ko.

Ilang araw ang ginugol ko sa pag-aaral para sa Special Exam at ngayon ay kinukuha ko na ito. Pasimple akong napasulyan sa gilid ko at nakita kong abala rin sa pagsagot ang kasama ko. No'ng una, akala ko ako lang mag-isa ang kukuha ng Special Exam. Subalit nagkakamali lamang ako at nalaman ko lang kanina na lima kaming estudyante ang kukuha ngayon ng Special Exam.

"Okay, last 15 minutes," anunsyo ni Ma'am Guanzon sanhi nang paggapang ng kaba sa katawan ko.

'Di ko aakalaing ganoon kabilis lumipas ang oras. May sampung tanong pa akong hindi nasasagutan. "Bahala na si Batman sa 'kin," wika ko sa aking isipan. Ngunit 'di ko maiwasang mapangiti, nang mabasa ko ang mga tanong na natitira. Lahat 'yon ay napag-aralan ko.

Agad kong binigay kay Ma'am Guanzon ang aking test paper nang matapos kong sagutan ang

Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status