ALMHERA'S POV"Ma, baka gagabihin po ako sa pag-uwi mamaya," wika ko kinabukasan kay Mama habang sinusuot ang sapatos ko.Napatigil naman si Mama sa pagwawalis ng sahig sa sala at napatingin sa akin. "Bakit naman, Almhera anak? Pupunta ka ba muli sa bahay nila Christine pagkatapos ng klase mo mamayang hapon?" tanong ni Mama at pinagpatuloy na ang pagwawalis. "Hindi po Mama, dadaan po sana ako sa Mall mamaya pagkatapos ng klase ko. Bibili lang po ako ng regalo para kay Christine," tugon ko. Tumayo ako mula sa pagkakaupo sa upuan at kinuha ang bag kong nakapatong sa ibabaw ng mesa. "Ganoon ba? Sandali lang, anak." Sinundan ko ng tingin si Mama nang umalis ito sa sala at pumasok ito sa kuwarto nila ni Papa. Pagkalabas niya, hawak-hawak niya ang sariling pitaka. Nanlaki ang mga mata ko nang kumuha si Mama nang pera sa kanyang pitaka at inabot sa akin. "Idagdag mo na rin ito sa pagbili ng regalo mo para kay Christine, anak. Kung hindi lang sana kami aalis ng Papa mo bukas papunta sa
Naniniwala ba kayo sa tadhana? Ako kasi ay naniniwala riyan. Ang tadhana ang magpapatunay kung talagang para kayo sa isa’t isa. Anuman ang mangyari, gaano man kahirap ang pinagdaanan ninyong dalawa, at kung gaano man kayo kalayo sa isa’t isa. Ang tadhana ang gagawa ng paraan upang kayo’y muling magtagpo at magkatuluyan. Tulad ko, napanaginipan ko lamang siya. Naging totoo nang magkatabi kami sa isang Jeepney. No’ng una, hindi ko aakalaing siya ang para sa ‘kin dahil sa kasamaan nitong ugali. Subalit simula nang makilala ko siya, nagbago ang simple’t mapayapa kong buhay. Mga alaalang nakalimutan, mga sekretong matagal ng itinago, at ang madilim na nakaraan ay aking natuklasan. Paglaban, pag-ubaya, at pagpatawad lamang ang dapat gawin. Nang sa ganoon, maipagpatuloy ang takbo ng aming kuwento. Ang aming Jeepney Love Story...
Nakahawak ako sa magkabila kong pisngi, pinipigilang kiligin. Kasalukuyan akong nakadapa sa aking kama habang ang mga siko ko’y nakapatong sa isa kong unan.“Saranghaeyo.” ( I love you)Napahawak ako sa aking bibig nang sambitin niya ang salitang iyon. Malalim siyang nakatingin sa aking mga mata, hinihintay ang maaari kong tugon. Napabuka ako ng sariling labi at sinambit ang katagang “Nado saranghae,” sa kaniya. ( I love you too)Sumilay ang maganda niyang ngiti na umaabot sa kanyang singkit na mga mata. Uminit ang magkabila kong pisngi nang marahan niyang hawakan ito. Hindi ko mapigilang mapapikit nang unti-unti niyang ilapit ang mukha sa ‘kin.Nainguso ko ang sariling labi upang maidampi ito sa labi niya. Imbes na saya ang aking maramdaman, isang malakas na batok ang aking natamo. Impit akong napaaray at napasapo sa parteng binatukan at asar kong binalingan ang taong bumatok sa akin. Patalon akong napatayo mula sa pagkakadapa sa aking kama nang makita si Mama. “M-Ma! K-Kayo pala.” D
Lutang akong bumaba sa Jeep nang tumigil ito sa harapan ng paaralang pinapasukan ko. Hindi pa rin ako makapaniwala, siya talaga 'yong lalaking anghel na sumagip sa akin sa panaginip ko kagabi. Nanghihinayang ako ngayon, hindi ko man lang siya nakuhanan ng litrato nang may remembrance sana ako. Bigla na lang kasi itong pumara nang mapadaan ang Jeep sa harap ng Mall.Napatigil ako bigla sa pag-iisip nang may bumangga sa aking balikat. Huli ko lang napansin, nasa harap na pala ako ng tarangkahan ng paaralang pinapasukan ko. Maraming estudyante ang naglalakad papasok sa loob. Mula sa aking tinatayuan, kitang-kita ang malaking logo ng paaralan na nakalagay sa parteng gilid ng tarangkahan. Nakaukit doon ang malaking pangalan ng paaralan, ang Mantrell High University. Kinuha ko ang cellphone ko mula sa bulsa ng kulay berde kong unipormeng palda. "Good morning mga bestfriend ko! Kararating ko lang sa MHU," ani ko sa mensaheng pinadala ko sa mga kaibigan ko. Tuluyan na akong pumasok sa loob a
"GIOVANNI OPPA! ANG GWAPO MO!""CHRISTINE RITZ FONTANA, BE MY GIRLFRIEND!"Mga hiyawan ng mga kaiskuwela namin pag pasok namin kinabukasan. Kailan pa ba ako masasanay sa sikat kong mga kaibigan na ito? Nakayuko lang akong nakasunod sa likod nilang dalawa."HOY MAITIM NA PANGIT! LUMAYO KA NGA RIYAN SA TABI NILA!"Napaangat ako ng aking ulo nang tumigil sa paglalakad ang dalawa. Matalim ang tingin nila sa direksyon ng kaiskuwela naming sumigaw sa akin, na sana'y hahayaan ko na lang sana. Hinawakan ko ang mga braso nilang dalawa nang akma silang susugod doon."Naku naman mga bestfriend, hayaan niyo na sila. Mali-late na tayo sa klase, oh,"Hindi umaalis ang matalim nilang tingin sa kaiskuwela namin habang hinahatak ko sila papalayo roon. "Ano ka ba naman, Almhera! Ba't mo naman kami pinigilan?! Sumusobra na talaga ang mga 'yan!" kunot-noong singhal ni Giovanni nang makalayo kami sa mga kaiskuwela namin. Bahagya akong napapikit nang humarap ito sa 'kin. Napatingin naman ako kay Christine
Hindi mawala-wala ang ngiti sa labi ko habang naglalakad pabalik sa aming silid-aralin. Hanggang ngayon, nagpapasalamat ako sa Panginoon dahil binayayaan niya ako ng mababait na mga kaibigan. Napatingin ako sa hawak kong sandwich. Bago kami maghiwalay nina Giovanni at Christine kanina, binilhan pa muna ako ni Giovanni ng sandwich. Kung hindi ko lang siguro alam ang totoong pagkatao niya, baka pati ako ay nahulog na rin sa kaniya dahil sa pagiging maalaga niya. Nawala ang ngiti sa labi ko nang maalala ang FoxyLuscious Group. Siguradong madagdagan ang galit nila sa akin nang dahil kanina sa Cafeteria. Ba't kasi ginawa 'yon ni Giovanni sa harap pa ng mga kaiskuwela namin? Napabuga ako ng hangin at tuluyan nang pumasok sa aming silid-aralan. Agad kong kinain ang sandwich nang wala pa ang mga kaklase ko sa loob. Ilang minuto ang lumipas, sunod-sunod na silang nagsipasukan sa aming silid-aralan. Nakayuko lang ako sa aking upuan nang marinig ko ang mga bulungan nila. Tungkol na naman sa ak
"BAKIT napanaginipan muli kita!" Malakas kong sigaw habang nakatakip ang unan sa mukha ko. "Pagkatapos akong ipahiya ng lalaking kamukha mo kahapon. Susulpot ka na lang muli sa panaginip ko at may payakap-yakap ka pang nalalaman!" Gigil kong pinagsusuntok ang unan na yakap-yakap ko. Napatigil at napatihaya ako ng higa. "Pero ito naman ako, yumakap naman pabalik sa 'yo," mahinang sabi ko habang inaalala ang detalye ng napanaginipan ko. Napagulong-gulong ako sa aking higaan dahil sa sobrang inis. Kahit sa panaginip, marupok pala ako? Kaloka ka Almhera!"ALMHERA! GISING KA NA BA RIYAN?!" Napaupo ako bigla nang marinig ko ang sigaw ni Mama mula sa labas ng kuwarto ko. "Naku talagang bata ka! Tanghali na, hindi ka pa rin diyan bumabangon!" Napatakip ako ng tainga nang dumagundong ang lakas ng boses ni Mama sa buong bahay. "Gising na po ako Ma! Nag-aayos na nga po ako ngayon!" pasigaw kong sagot habang inaayos na ang aking higaan. "Bilisan mo! Mag-aagahan na tayo!" sigaw niyang muli.
Marami na akong narinig at nakita sa telebisyon tungkol sa mga alaala ng isang tao. Ngunit hindi ko pa rin maintindihan kung ano 'yong lumabas sa isipan ko. Alaala ko ba iyon? Bakit hindi pamilyar sa akin? At sino ang mag-inang 'yon? Napahawak ako sa aking ulo nang makaramdam ako ng hilo at konting kirot doon. Isang linggo na ang lumipas nang mangyari ang muntikang aksidente namin ni Papa. Ngunit hanggang ngayon, bumabagabag pa rin sa isipan ko ang alaalang nakita ko. Hindi ko naman masabi-sabi ito kina Mama't Papa at baka mag-alala pa sila. Hindi ko napigilang mapatili nang biglaang huminto ang Jeep na sinasakyan ko. Muntikan akong mapasubsob subalit hindi 'yon natuloy nang may mga kamay ang humawak sa braso ko. Bumaling ako sa taong 'yon at sana'y magpapasalamat. Ngunit nanlaki na lamang ang mga mata ko nang makitang malapit sa mukha ko ang mukha ng gwapong anghel mula sa panaginip ko. Impit akong napaaray nang bigla niya akong bitawan pagkatapos niya akong makita. Masama ko itong