Home / Romance / Jojo and Coco's Unexpected Love / Kabanata 14 Hindi Lahat ay Pwede sa Fairlight

Share

Kabanata 14 Hindi Lahat ay Pwede sa Fairlight

Author: Aurora Summers
Malamig na tinignan siya ni Joseph at sumagot, “Hindi.”

“Okay…”

Hindi na ito inisip pang muli ni Chloe, iniisip na marahil nakakarinig lang siya ng mga bagay-bagay.

“Lahat ba ng damit mo ay ganito ka-revealing?” Biglang tanong ni Joseph na may malamig na boses.

Nagulat, napatingin siya sa ibaba sa kanyang nightgown na umabot sa kanyang ibabang binti. “Revealing? Anong ibig mong sabihing revealing?”

“Yung kwelyo mo,” sagot niya.

Hindi makapagsalita si Chloe. “Kaunti lang naman ng collarbone ko ang nakalabas…”

Hindi malayo ang agwat ng edad ni Joseph kay Jake. Ipinagpalagay niyang mas matanda ito nang hindi lalagpas ng walong taon sa kanya kaya bakit masyado siyang konserbatibo?

“Walang makikita ang iba pero paano kung humiga ka?” Nakatingin si Joseph sa kanya at ang kanyang boses ay masarap sa pakinggan.

Natigilan si Chloe nang kanyang marinig ang kanyang sinabi at agad na napagtanto kung ano ang pasarang tunog kanina. Nag-init ang kanyang mga pisngi pero pinilit niyang kumalma at sinalubong ang kanyang tingin. “Hihiga lang naman ako kung nasa kwarto ko ako. Maliban kung…may iba kang iniisip na hindi maganda at pasikreto mo akong panuorin.”

Tumawa si Joseph at sinabi nang may kalmadong boses, “Pasensya ka na, pero mas gusto ko ang mga D cups.”

Sa ibang salita, hindi niya tipo si Chloe.

Namula ang mga tenga ni Chloe nang mapagtanto niya na walang-hiya ang lalaki na iyon sa ibang paraan, ininsulto siya dahil sa kawalan ng dibdib. Nakakibot ang kanyang mga labi habang tinitignan niya si Joseph na tamad na naka-upo sa kanyang upuan.

Ang makisig niyang postura ay para bang pinaka-perketong gawa ng Diyos, pero ngayon na nasira na ang ilusyon na iyon. Alam niyang siya ay mapanuya, pero kahit kailanman hindi niya inaasahang ito ay ganito ka-walanghiya.

Sa sobrang galit, padabog siyang bumalik sa kanyang kwarto.

Kina-umagahan, Nakatanggap si Chloe ng tawag galing sa human resources department ng Fairlight habang siya ay natutulog.

“Hi, Ms. Chloe, maaari ka bang ma-interview ngayong hapon? Kung oo, magdadala ako ng imbitasyon sa inyong email.”

Agad siyang nagising at sumagot, “Oo, pwede ako ngayon. Pupunta ako ayon sa oras. Inaasahan kong makilala kayo mamayang hapon.”

Pagkatapos ibaba ang tawag, nag-message si Chloe kay Emily para sabihin ang magandang balita, at agad na sumagot si Emily.

[Emily: Mahusay talaga ang Fairlight! Kailangan mong maghanda para sa interview. Madalas ang malalaking kumpanya ay mayroong ilang rounds ng screening.]

[Chloe: Sige! Maghahanda na ako ngayon!]

Agad na nag-ayos ng sarili si Chloe. Nagdala siya nang maliit na notebook para isulat ang ilang tanong na maaaring lumabas sa interview. Habang nasa bus, paminsan-minsan niyang nilalabas ito para suriin kung ano ang mga sinulat niya.

‘Di kalaunan, nakarating na siya ng Fairlight at sumunod sa receptionist papuntang interview waiting area. Ang unang taong nakita niya na pumasok ay taong kilalang-kilala niya—Melody Grace. Best friend siya ni Ava.

Nagulat si Melody at kitang-kita na hindi niya inaasahang makita si Chloe dito.

Nang umalis ang receptionist, lumapit siya kay Chloe na naka high heels at sinabi na may mapagmataas na tono, “Oh, bakit ka nandito Ms. Chloe? Nandito ka ba para kumuha ng trabaho, payo ko sayo ay mahiya ka naman at umalis na. Ang Fairlight ay hindi lugar para sa kung kani-kanino lang.”

“Tama ka. Hindi para kanino lang ang Fairlight lalo na sa iba diyang hindi man lang nakuha ang university diploma nila.” Ngisi ni Chloe.

“Sinong sinusubukan mong asarin?” Angal ni Melody.

“Sinasabi ko lang sa ‘iba diyang’ kumakausap sa akin,” malamig na sagot ni Chloe.

Sobrang galit ni Melody na halos hindi na makapagsalita. “Ano naman kung hindi ako naka-graduate sa university? Mayroon pa rin naman akong pamilyang sinusuportahan ako at kayang makahanap ng disenteng trabaho. ‘Di tulad mo na siguro hindi man lang makabili ng pagkain ngayon.”

Nagdilim ang ekspresyon ni Chloe nang banggitin ang kanyang pamilya. Hindi na siya nag-abala pang sumagot kay Melody at tumahimik na lang habang binabasa ang kaniyang notes.

Palihim na kinunan ng litrato ni Melody si Chloe at pinadala ito kay Ava.

[Melody: Yung kapatid mo, nandito ngayon para sa isang interview dito sa Fairlight. Saktong isa sa mga interviewers ang tiyuhin ko. Paalisin ko ba siya?]

Pagkatapos ay itinago niya ang kanyang phone at tumingin sa interview number ni Chloe sa kanyang braso.

Agad siyang nagpadala ng message sa kanyang tiyuhin.
Patuloy na basahin ang aklat na ito nang libre
I-scan ang code upang i-download ang App

Pinakabagong kabanata

  • Jojo and Coco's Unexpected Love   Kabanata 366 Mas Mabuti na ang Kagalitan Kaysa Makalimutan.

    Nagliliyab sa galita ng dibdib ni Joseph, isang emosyon na kailangan niyang ilabas. Kakaiba ang alak na ininom niya ngayong gabi, siguradong hinaluan ito ng matandang yun. Pero, sa sandaling ito, hindi niya na yun iniisip. Puno ang isipan niya ng mga imahe nina Chloe at Noah habang magkahawak ang mga kamay nila.‘Bakit lagi siyang nagmamatigas? Nangako siya sa akin na makikipaghiwalay siya kay Icarus, pero lumalapit naman siya ngayon kay Noah. Sa tingin niya ba talaga ay hindi siya mabubuhay nang walang kasamang lalaki?’Gumuho na ang huling linya niya ng depensa dahil sa selos, tinitigan ni Joseph si Chloe bago niya ito pilit na hinalikan. Si Chloe na hindi nagpapaapi ay parang isang kuneho na handang lumaban anumang oras.Pak!Binigyan niya ng umaalingawngaw na sampal sa mukha si Joseph, hindi niya ito kinaawaan. Napalingon si Joseph sa kabilang direksyon dahil sa lakas ng sampal, sandali siyang natigilan. Tila tumigil ang oras pagkatapos ng ginawa niya. Bakas sa gwapo niyang muk

  • Jojo and Coco's Unexpected Love   Kabanata 365 Nakapanliliit na Tingin

    Agad na kumaway si Chloe. “Hindi na, makakahanap din ako ng masasakyan.”Dinoble niya ulit ang bayad. Pagkatapos maghintay ng sampung minuto, ganon pa rin ang resulta. Gumamit siya ng ibang platform, pero ganoon pa rin.Nagkunwari si Harold. “Sobrang late na ngayon at malayo itong bahay. Normal lang na hindi ka makahanap ng masasakyan. Kahit na may mahanap ka, baka masamang driver pa ang masakyan mo. Baka nakawan ka pa at pagsamantalahan. Napakadelikado nun!”Kinilabutan si Chloe bago niya maalala ang balita tungkol sa mga babaeng napapahamak sa pagsakay nang mag-isa sa mga taxi sa gabi… Sa huli, nagdesisyon siyang magpalipas nang gabi sa bahay. Nakahiwalay siya ng kwarto pero nasa iisang palapag lang sila ni Joseph.Nagkulong siya sa kwarto. Pagkatapos maghilamos, nahiga siya sa kama at tinext si Icarus. Akala niya ay natutulog na ito ngayon pero tinawagan siya nito.“Chloe, bakit hindi mo sinagot ang video call? Busy ka pa ba sa office?”“Hindi…Pumunta ako sa birthday celebrati

  • Jojo and Coco's Unexpected Love   Kabanata 364 Uhaw Siya sa Dugo

    Namangha si Patrick. ‘Lumabas lang ako dito para magpahangin, at guard na ang tingin niya sa akin. Ganun na ba kababa ang security guards ngayon?’“Hindi na yun kailangan. Sapat na ako para mag-desisyon tungkol dito. Kung hindi ka nagtitiwala sa akin at magpupumilit ka pa, papayuhan na kita. Whitman family home ito. Pwede kang pumasok pero hindi ibig sabihin ay pwede kang lumabas.” Mapagbantang sabi ni Patrick bago siya tumalikod at hindi na muling lumingon pa.Hindi tanga si Ronald. Alam niyang hindi biro ang pumasok sa bahay na ito. Kaya naman, hindi na sila naglakas ng loob na pumasok pa sa loob.Pagkatapos mahusgahan ni Patrick, nagdilim ang mukha ni Ronald. Nalaman niyang hindi sineseryoso ng Whitman family si Xavia at hindi siya dapat nangako na pupunta.Pumasok si Patrick sa hall at bumulong kay Harold. Ngumisi ang huli. Mas may experience siya kaysa kay Xavia. Ang lakas ng loob nitong isahan siya? Walang galang!Nasa hall si Chloe, kaya hindi niya alam ang nangyari sa laba

  • Jojo and Coco's Unexpected Love   Kabanata 363 Nagpupumilit na maging Malanding Babae

    Kaswal lang ang outfit ni Chloe. Nakasuot siya ng maikling sweater, may beret and isang pares ng jeans, kitang-kita ang payat niyang bayawang. Mukha siyang masiglang dalaga. Parang isa silang couple ni Noah.Hinawakan ni Joseph ang kurbata niya at nanatiling kalmado, pero nakakatakot ang itsura niya para sa iba.Si Octavia na balak siyang lapitan sana ay hindi na naglakas-loob pa.Nakita ni Chloe si Chloe, bahagya siyang kinabahan habang sinusubukang dumikit kay Harold.Nakita ni Joseph ang pagbabago sa ekspresyon ni Chloe, nabalot ng lungkot at kadiliman ang kaluluwa niya.Nang magsimula ang birthday party, nakita ni Harold ang cake na niregalo ni Chloe sa kaniya. Nang malaman niyang siya mismo ang nag-bake nun, abot tainga ang ngiti niya. Pinagmalaki niya ito. “Tingnan niyo. Siya mismo ang nag-bake nito. Ang pinakamagandang regalo ay ang mga bagay na pinaglalaanan ng oras.”“Mahihirap lang ang gumagawa ng regalo para magpanggap na attentive,” Mahinang bulong ni Octavia.Matand

  • Jojo and Coco's Unexpected Love   Kabanata 362 Ginulpi si Jonathan

    “Pero Whitman din si Jon. Unti-unti rin siyang magma-mature.” Naiinis si Preston. “Dad, ibalik mo siya sa board.”“Hindi na ako pwedeng mangialam simula nang ibigay ko ang pangangalaga sa Whitman Group sa batang yun. Sa kaniya niyo sabihin ang mga hinaing niyo.” Umiwas sa responsibilidad si Harold dahil ayaw niyang mangialam.“Dad, alam niyong hindi papayag si Joe. Kaya kami pumunta sa inyo,” Ayaw sumuko ni Octavia. “Hindi pwedeng paborito niyo lang ang masusunod. Namamaga ang balakang ni Jon dahil sa pagkakasipa sa kaniya.”“Magkaroon ka muna ng achievements bago ka makiusap. Pwede tayong gumamit ng pera para tulungang tumanda si Jon, pero kailangan may ipakita siya.”Umusok ang ilong ni Octavia sa galit. ‘Fine, magkakaroon kami ng achievements! Ang anak ko ang pinakamagaling. Magkakaroon din siya ng achievement at matatalo si Joseph!’Dala-dala ni Chloe ang birthday cake na ginawa niya at isang regalong binili niya habang naglalakad papasok sa Whitman family home. Nang makita ni

  • Jojo and Coco's Unexpected Love   Kabanata 361 Sobra-sobrang Pasasalamat

    Nararamdaman ni Toto ang takot ng kasama niya kaya tinahulan niya si Xavia. Malakas ito kaya napalabas si Joseph.Nabalot ng pagsisisi ang mukha ni Xavia. “Aksidente kong natakpan ang buntot ni Oreo, akala ni Toto binubully ko si Oreo.”Hindi yun sineryoso ni Joseph. Lalo na at laging tumatahol nang malakas si Toto. Malaya ito at walang ginagawa. Kailangan lang nitong mapalo.Ang trip papunta sa Docwood ay para asikasuhin ang trivial affairs ng Whitman Group. Alam ni Jonathan na darating si Joseph ngayong araw kaya hindi siya mapakali habang naghihintay. Pagpatak ng alas onse nang umaga, dumating si Joseph sa Docwood. Lahat ng executives ay lumabas para batiin siya.Lumapit si Jonathan. “Joe, nandito ka na rin.”Tiningnan lang ni Joseph si Jonathan sa sulok ng mga mata niya pero hindi niya ito pinansin. Dahil hindi pinansin sa harap ng maraming tao, magsasalita sana si Jonathan para bawiin ang dignidad niya pero hindi siya binigyan ng pagkakataon ni Joseph, inutusan nito si Lucas

Higit pang Kabanata
Galugarin at basahin ang magagandang nobela
Libreng basahin ang magagandang nobela sa GoodNovel app. I-download ang mga librong gusto mo at basahin kahit saan at anumang oras.
Libreng basahin ang mga aklat sa app
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status