LOGINHindi kailanman inakala ni Hestia Vale na ang simpleng blind date na dinaluhan niya sa Araw ng mga Puso ang magiging simula ng pinakamasalimuot na kabanata ng buhay niya. Ang plano lang niya noon ay makatakas sa mapang-abusong tiyahin at magkaroon ng bagong simula, pero natapos ang gabi na ikinasal siya sa isang lalaking ngayon niya lang nakilala. Misteryoso. Malamig. Mapanganib. ’Yan si Lucian “Ian” Escalera, ang lalaking nag-alok ng kasal na parang isang business deal. Sa bawat titig at bawat salita nito, alam ni Hestia na may itinatago siya—isang lihim na maaaring magpabago ng lahat. Akala ni Hestia, ligtas na siya sa mga kamay ng pamilya niyang mapagsamantala. Pero nang makilala niya ang tunay na pagkatao ng napangasawa—ang tagapagmana ng isa sa pinakamalalaking korporasyon sa bansa—mas malaking gulo ang naghihintay. Sa pagitan ng kasunduang kasal at mga lihim na unti-unting nabubunyag, pipilitin ni Hestia na protektahan hindi lang ang puso niya, kundi pati ang kalayaan niyang pinangarap. Ngunit paano kung ang lalaking dapat ay iwasan niya… ang siya ring unti-unting minamahal?
View More“You know, you don't have to bring all of your clothes. Pwede naman kitang ibili sa mall,” mapreskong sambit ni Ian habang pinapasok sa compartment ang bagahe ng asawa. “Di na kailangan. Baka bilhan mo pa ako ng mga damit na kita na ang kaluluwa,” pabirong sagot naman ni Hestia. Napatingin tuloy sa kaniya si Ian mula ulo hanggang paa. Aaminin niyang maganda ang katawan ng asawa. Mukhang hindi siya mahihirapang bihisan ito pagharap nila kay Dreonie at Lucio. Sa katunayan, ito ang tunay na dahilan kung bakit niya sinundo ang asawa. Bagama't hindi pa sa ngayon, mas maigi nang maihanda na si Hestia. Pagkatapos ni Ian sa mga bagahe, nauna siyang pumasok sa kotse nang hindi man lang pinagbubuksan ng pinto ang asawa. Umiirap na naglitanya si Hestia sa labas. “Parang ayaw mo man lang yata magalusan ang kamay mo. Di bale, mas makalyo pala ang akin, ako na lang.”Rinig na rinig ni Ian ang pagrereklamo, kaya imbes na sumagot, awtomatiko nitong binuksan ang pinto muna sa loob. Napatahimik nit
Kumaripas ng takbo sa labas ng balkonahe si Hestia. Kahit hindi siya lumabas ng gate, tanaw na tanaw ang itim na kotse ni Ian. Nakasandal din doon ang asawa habang hawak ang cellphone. Mukhang mauudlot ang mga pansariling plano ni Hestia dahil sa pagiging mainipin ni Ian. Napaisip tuloy siya kung sino ba sa kanila ang nagmamadali. Kahit nagdadalawang-isip pa kung sasama, buong tapang na pumasok ulit si Hestia para kunin ang mga gamit. Nakapag-empake na siya simula kahapon dahil plano niya na rin talagang magpakasal kung sakaling magkasundo sila ng lalaking ka-date niya. Pagbalik ni Hestia sa loob, galit na nag-utos kaagad ang Tiyahin. Kahit kailan wala talaga ito sa tiyempo. “Ba’t kanina ka pa aligaga riyan? Diba pinahuhugasan ko ang mga pinggan sayo?” Naiiritang binalingan ni Sabel ang cellphone ng pamangkin. Magrereply kasi sana si Hestia sa asawa na mag-antay muna, pero bigla itong kinuha ng Tiyahin. Naiinis niya itong hinawakan ng mahigpit at saka ihinagis. Sa sobrang lakas
Pagkababa ni Hestia sa e-bike, binitbit niya kaagad ang nabiling orange sa daan. Paborito kasi ito ng pinsan at pamangkin niya. Kahit medyo may kaliitan ang sweldo, hindi siya naging madamot sa kanila. Sayang nga lang, at hindi ito makita ng Tiyahin niya. Pagpasok niya pa lang sa pinto, matalim kaagad siyang tiningnan ni Sabel. Ang dalawang kilay niya halos magkasalubong na, at kahit hindi pa siya nagsasalita, alam ni Hestia na naiinis ito. Buti na lang at dumating kasabay niya ang pinsang si Hannah kasama ang anak natutulog nang mahimbing sa kaniyang braso.“Wow! Saan mo ‘yan nabili? Yung huli kasi medyo matabang at maasim. Dapat siguro binalik natin ‘yon,” masiglang sambit ni Hannah. Ngumiti lang ng payak sa kaniya ang pinsan. Imbes na sumagot pa si Hestia, pinulot niya na lang isa-isa ang mga laruang nagkalat sa sahig. Simula kasi ng lumaki ang pamangkin niya, parating nakakatusok o di kaya pinagsisimulan ng aksidente ang mga laruang hindi niligpit. Nang malapit nang matapos si
Mariing pumikit si Hestia saka ngumiti. “Ano pa bang mawawala sa akin? Hindi ako mayaman, at wala ring impluwensya ang pamilya ko. Buo na ang desisyon ko, pipirma ako sa marriage contract.”“That settles it then, you'll officially be married to me, Mrs. Escalera…” turan ni Ian. Sa lamig ng boses nito, nanigas si Hestia. Nakaramdam din siya ng kakaibang sensasyon sa tiyan, parang mga paru-parong nagsisipag-liparan sa loob ng sikmura niya. Naunang pumirma si Ian, sumunod naman siya. Buong kumpiyansa si Hestia na nagsulat ng pangalan at gumuhit ng pirma kahit hindi tinitingnan ang papel. Nang tapos na ito, napansin niyang iba ang nakasulat na pangalan sa marriage contract mula sa pagpapakilala sa kaniya ni Ian. Pagkabasa nito sa buong pangalan ng asawa, napakunot ang kaniyang noo. “Lucian Escalera? Akala ko ba Ian ang pangalan mo?” “Did I forget to mention my real name? My bad,” natatawang sagot ni Ian. “Ano pang hindi mo sinasabi sa akin?” naiinis na dagdag ni Hestia.Taas kilay nam






Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
reviews