“YES, FREEDOM!” sigaw ko habang palabas ng kwarto. Katatapos lang ng last exam namin. Mukhang friend kami ngayon ni Midterms, hindi kasi ako masyadong nahirapan. Sa totoo, niyan. Nag-review ako talaga. Ayaw kong bumagsak ‘no. Mahirap ang kinuha kung kurso kaya naman pinag-aaralan ko ito ng maigi.
Kahit kalog ako minsan. Kahit may pagkaloko ako. Nag-aaral naman ako nang mabuti. Wala namang madali e. Lahat pinaghihirapan. Para sa sarili nating kinabukasan.
“Anong freedom? Tumulong ka sa pag-aayos sa booth natin,” ani Amy.
“Oo naman. Siyempre. Anong akala mo sa ‘kin?”
“Tamad,” tipid nitong sagot.
Pinalo ko nang mahina ang braso niya. “Uy, grabe ‘to. Ang sipag sipag ko kaya,” sagot ko.
“Anong masipag. Puro ka kalokohan e. kapag ikaw bumagsak sa course natin, itatakwil na kita bilang bestfriend ko,” anito.
“Nag-aaral naman ako ng maayos ah. Ilang araw nga ako nag-review. Makikita mo, sigurado akong lagpas pa sa eighty ang grades ko sa bawat asignatura.”
“Yabang mo.”
Hmp. Oo na. siya na ang masipag. Siya na ang top 1. Oo top 1 ‘yan. Ako naman wala. Basta pasado ay okay na. At least nagsisikap naman akong mag-aral.
Accountancy ang kinuha ko dahil ‘yon ang pangarap at gusto ni tatay para sa ‘kin. AB English ang nais ko, ngunit ayaw kong biguin si tatay. Kahit magsasaka lang ito ay matayog ang pangarap niya para sa ‘kin. Unica hija e. Ayos naman ako sa Accountancy, kaso pahirap na ng pahirap.
I love literature. Oo, ganito lang ako, kalog, maloko, mapang-asar pero paborito ko talaga ang pagbabasa. May plano ako na mag-iba ng kurso pero ang inaalala ko ay ang magiging reaksyon ni tatay. At baka hindi na ako makaabot pa sa mga lessons nila. Kasi iba naman ang mga subjects nila. Though my Literature naman ang Accountancy, pero ngayong sem lang.
Si Amy, masyadong studious ‘yan. Matalino sa academics. Pero mahina naman sa love. Hindi ko sinasabing magaling ako sa love, dahil wala pa naman akong naging boyfriend since birth.
Yes. NBSB at Fresh na fresh ang lola niyo. Never been touch. Never been kiss. Inosente pa ako. Pero slight lang. ‘Yong utak ko hindi na inosente. Marami akong nababasang you know. Basta.
“Ano ba ang theme ng booth natin?” tanong ko. Naglalakad na kami sa hallway papalabas ng campus. Gusto ko sana’ng dumaan doon sa north wing e. Kasi nandoon si crush. Baka sakaling makita ko doon. Kaso itong kaibigan ko naman napaka-supportive talaga. Binawalan ako. Dahil mahal ko, siyempre sinunod ko.
Pero next time talaga doon na ako dadaan. Iiwan ko ‘to.
“Coffee Library,” sagot nito.
“Coffee Library na naman? Bakit hindi na lang marriage booth?” noong nakaraan, coffee library ‘tapos ngayon, iyon na naman? Pang-bookworm lang ‘yon. “Para naman ma-iba,” suhestiyon ko.
“Idea na ng mga taga- Education Department ‘yon. Bakit? Ano na naman ang balak mo?” takang tanong nito. Nakalabas na kami ng campus. Huminto muna kami sa tapat ni mamang nagtitinda ng buko juice. “Dalawa nga po. ‘yong tig-sasampu po,” ani Amy.
“Libre mo?” tanong ko.
Tumango naman ito bilang sagot. “Ano na naman ang balak mo, at marriage booth ang gusto mo?” balik-tanong nito.
“Wala naman. Nag-s-suggest lang ako. May balak agad?” inabot ko ang basong may laman na buko juice.
“Kilala na kita. Ano nga?”
Ngumisi ako. “May papakasalan lang ako.” Bumungisngis ako ng maisip ko ang pangalan niya.
“Don’t tell me ‘yong Brent ‘yan?” Inabot niya rin ang ikalawang baso. Naglakad kami papuntang waiting shed para maghintay ng jeep na masasakyan pauwi. “Naku, sinasabi ko sa ‘yo. Tigil-tigilan mo ang kahibangan mo sa lalaking ‘yon. Wala kang mapapala do’n. Bad boy ‘yon. Hindi ka ba natatakot?”tanong nito.
Uminom muna ako. “Grabe siya oh, crush lang naman. Kung maka-react ‘to. Suportahan mo na lang kaya ako ‘no? nagpapaka-bitter ka na naman e.”
“Ewan ko sa ‘yo,” anito. natawa nalang ako.
***
KINABUKASAN ay busy lahat ng estudyante sa pag-aayos at pagtulong sa kani-kanilang departamento. Tumulong naman ako sa pagbubuhat ng mga upuan. Medyo malayo-layo kasi ang pagkukuhanan namin. Iaayos lahat ng booth palibot sa fountain ng Marlinton Quadrangle. E, sa likod pa ng Gymnasium ang stockroom. Pawis na pawis na nga kami ng mga kasama ko.
Si Amy naman nagpa-iwan kasama ang kapwa niya matatalino. Gagawa daw sila ng mga designs para sa booth. Mas makakatipid kasi kapag DIY kaysa bibilhin mo pa. ‘Yon nga lang kailangan ng kaunting effort. Siyempre gumaganda ang isang bagay kung binibigyan mo ng effort. Hindi ba?
Kaya, Brent baby, wait for me. Ngumisi ako ng nakakaloko at bumungisngis.
“Uy, Bree,” tawag ni Rowela sa akin.
Ang kaklase kong bakla. Rowel ang totoo nitong pangalan. Kaibigan rin namin ito ni Amy. Pero madalas talaga na kami lang ni Amy ang magkasama. Kapag kasama namin ‘tong baklitang ‘to, tiyak may tsismis or may kalokohan kaming gagawin. Well, ‘di kasama sa kalokohan si Amy. Taga-buking ang gawain no’n. Napaka-KJ. Sabi nga, enjoy your life to the fullest.
“Wala. May naiisip lang ako,” sagot ko.
“Ay shaaaaaare.”
“Sira. Saka na. Bilisan na natin nang makapag-meryenda na tayo. Birthday ni Sydney. May pa-treat daw e.” tukoy ko sa kaklase namin. Narinig ko kasi ang usapan nila kanina.
“Tsismosa!” bulalas nito.
“Hindi a. Nagkataon lang na napadaan ako at nahagip ng tainga ko ang usapan nila.” wika ko.
...
“BREEEE! May chika ako sa ‘yo, bek,” bungad sa akin ni baklitang Rowela.Tinatamad ko itong tiningnan. Nakahilig ang ulo ko sa lamesa. Napagod ako sa kaka-serve ng kape. Duty kasi namin ngayon. Tatlo lang kami. One-week rin kasing idadaos ang Marlinton Festival. Thirty lang kami na sumali.Nasasayo naman kasi kung gusto mong makisali o hindi. Ang iba kasi pinili na lang ang umuwi sa kani-kanilang tahanan para bisitahin ang mga magulang.Gusto rin sana namin ni Amy ang umuwi ngunit iniisip namin ang pamasahe. Hindi naman kasi biro ang pamasahe namin pauwi ng probinsya.Ayos lang naman kila tatay na hindi ako makaka-uwi. Basta raw mag-aral ako nang mabuti at hindi kung an
THE NEXT day, maaga kaming pumasok. Habang hinihintay na magsimula ang klase, tumambay muna kami ni Amy dito sa loob ng cafeteria. Hinihintay namin si baklush.Tiningnan ko ang relo ko, 7:34 na sa umaga. 7:00 no'ng nakarating kami dito. Pambihira talaga si bakla. Late na naman.Nangalumbaba ako sa lamesa. tinitigan ko ang kaibigan kong busy na busy sa pagbabasa. "Amy, baka naman gusto mo ng kausap? Hindi puro 'yang libro. Mahigit trenta minutos na tayo dito oh. Mapapanis na 'yong laway ko," reklamo ko.Ibinaba naman niya ng bahagya ang librong hawak. "Wala ka naman ibang bukambibig kung 'di si Brent mo. Magbabasa na lang ako. Pero sige, magsalita ka lang diyan. Nakikinig naman ako. Para hindi mapanis 'yang laway mo," anito. Ipinagpatuloy ulit ang pagbabasa.
"HI," bati sa amin ni kuya Josh nang huminto kami sa tapat ng booth nila. Kunot-noo kong sinulyapan si Brent. Nandoon pa rin ang babae na kahalikan niya kanina lang. Ang sarap nitong suntukin. Umagang-umaga naglalandian na sila."We'd like to have a tattoo. Magkano ba?" malanding tanong ni bakla."Depende naman. Pero ang pricing namin two-hundred fifty pataas," sagot ng lalaki.Ang mahal ah. Ubos allowanceko nito. E, 'yong two-hundred fifty pang two days ko na 'yon. E, hindi naman raw permanent ang tattoo nila.Pero 'yong kita naman nila ay mapupunta sa charity. Lahat ng kita ng bawat booth ay mapupunta sa charity. 'Yon kasi ang layunin ng M.U. Ang hangad kasi ng eskwelahan ay ang makatu
HULING ARAW na ngayon ng festival. After lunch ay magliligpit na kami. Para next week ay balik-eskwela na naman. Malaki-laki rin ang kita ng coffee library namin. Sa lunes na kami mag-re-remit. Nasa mabuting palad naman ang pera, what I mean is, hawak ni Amy. Knowing Amy, she’s thrifty and reckon when it comes to handling a money.“Himala bek, ang aga mo yata ngayon?” Ngayon lang. As in ngayon lang siya pumasok ng maaga simula no’ng nag-start ang festival.“Naman bek. Ikaw? Mabuti at hindi pa nag-ku-krus ang landas niyo ng crush mo? Siguro hiyang-hiya ka ‘no?”“Ako,” turo ko sa sarili ko. “Mahihiya? No way. Bakit naman ako mahihiya? Ang kapal-kapal ng mukha ko para mahiya. And FYI, nakita mo
IT WAS a cold Sunday afternoon. The rain was non-stop pouring. We stayed inside our apartment, busy watching a K-Drama. Eating lots of stuff like popcorns, gummy worms, gummy bears and skittles. I’m not sure if I can do some ways today for my crush. It’s weekend anyway.“Gwapo talaga ni Seo Kang Joon ‘no?” tanong ko sa katabi ko. Pero mas gwapo si Brent ko.“Oo naman. Magaling pa umarte. ‘Yan nga ang fave ko na movie niya.” Sagot naman ni Amy. Magkatabi kaming nakaupo sa sofa dito sa sala.We’re watching are you human too. Last episode na namin. Nasa part na kami ni umiiyak si So Bong sa tabi ng dagat.“Huhu, nakakaiyak naman.&r
“NEXT WEEK, we’re going to celebrate Literature month.” Ani Ms. Dora. Ang instructor namin sa English Literature. “The school will be conducting a quiz bee.”I raised my hand. “What are the topics for the quiz bee, ma’am?” I asked. During Literature class namin, bawal daw magsalita ng any languages except English. This is my favorite subject.I know accountancy ang kinuha kong kurso, so dapat accounting subjects ang favorite ko. But no, mas nananaig ang pagka-bibliophile ko.“It’s random. About bestseller books, like the book of Shakespeare, Stephen King, Rowling and such. Of course, poetry and guessing the great authors. There are lots. So, I want you all to read all the handouts I’ve
“NABALITAAN NIYO na ba mga bek?” kay aga-agang pambubungad ni bakla.Tinaasan ko ito ng kilay. “Ang alin?” Ibinagsak ko ang bag ko sa upuan. Nandito kami sa Grim Garden. 8:30 pa naman ang unang subject namin. Naupo ako at nangalumbaba sa upuan. Naupo rin sa tabi ko si Amy.“May binugbog na naman daw si Brent kahapon.”Umayos ako ng upo. “Ano? Bakit naman daw?”“Sabi no’ng kakusa ko sa archi,” tukoy nito sa kaisa-isang bakla sa architecture department. “Galing daw ito ng cafeteria kasama si Josh my loves, badtrip daw. Tapos may nakitang balat ng saging no’ng papunta sila ng classroom nila. Tinanong raw nit
“BEK, PA-COPY naman ng assignment mo sa Financial Acctg.” Nagmamakaawang sabi ni bakla kay Amy na busy sa pagtitipa sa calculator. “Gamitin mo ‘yang utak mo.” Kinuha ni Amy ang libro niya sa loob ng bag at ibinigay kay bakla. “O, ayan. Magbasa ka diyan. Para malaman mo ‘yong sagot. Busy ako. Huwag kang magulo.” Anito. Ibinalik niya ulit ang atensyon sa pag-so-solve. Nandito kami ngayon sa Grim Garden. Vacant namin at naisipan ni Amy na gawin na lang namin ang assignment sa acctg. ‘Tapos biglang dumating si bakla. Galing raw ito sa archi-building. “Pa-kopya na lang ‘yong sa ‘yo, Bree.” Anito. With matching puppy eyes pa. Sinamaan ko nga ng tingin. “Nangangamote na nga ako dito, kokopya ka pa? Kung su