Elaina Bree Mostoles is a happy-go-lucky girl who happens to have a crush to the campus bad boy---Brent Manu Chadwick. * * To have a crush is just a light-hearted and slight juvenile way to express a strong affection to someone, that's at least what Bree knows. And being a brave girl, she plans to confess her feelings by doing some crazy stuffs. Like cheering him up while playing basketball and many more. At first she was just determined to get his attention, but as the time passes by, it seems like there's a sudden change with her feelings. And things getting more complicated when she found out Brent's true identity.
View More"AMELIA! Dalian mo naman diyan. Puputok na 'yong pantog ko!" sigaw ko sa kaibigan kong kanina pa naliligo. Ihing ihi na kaya ako. Hangga't hindi pa siya lumalabas, walang tigil akong kumakatok sa pintuan ng banyo.
"Oo na. Oo na. Atat much? 'di makapaghintay gano'n?" anito.
"Kapag ako nagka-bato, yari ka sa 'kin!" pinagdaop ko ang aking binti. Ugh! Ihing-ihi na ako. Pambihira naman 'to. "Ano ba! Tumatae ka ba?" palakas na palakas na ang pagkakalabog ko sa pintuan.
Makalipas ang isang taon, joke lang. Lumabas rin.
"Itsura mo?" taas-kilay nitong tanong sa 'kin.
Ngunit hindi ko na lang sinagot at dumiretso na ako sa loob. Pabagsak kong isinara ang pinto. Dali-daling ibinaba ang sapin pang-ibaba ko, at saka ako naupo sa inidoro. Hay! Salamat. Pinakilig na naman ako nito ng maaga.
Buti pa ang ihi napapakilig ako.
Kailan kaya ako makakaramdam nang kilig maliban sa pag-ihi? 'Yong bang may mala butterflies-to-my-stomach feels.
Saka ko na nga isipin.
Pero 'yong totoo...
May makakapagpakilig kaya sa akin?
May crush naman ako ngunit kulang ang hanggang tingin lang. Dapat nilalapa rin at inuulam.
What the fudgee bar?
Napatampal ako sa aking noo. Kung anu-ano na ang naiisip ko.
Anyway, highway, sabado ngayon. Ang ibig-sabihin, gala day! Lalabas kami. Kakain at mag-sh-shopping. Siyempre window shopping lang.
Nagtitipid kami ni Amelia. Ayaw ko naman gastusin ang perang pinaghihirapan ng mga magulang ko para sa sarili kong interest. Though nakakabili naman ako ng gusto ko, pero galing 'yon sa mga ipon ko. Ang renta ng apartment ay hati naman kami ni Am. Pati kuryente't tubig.
"Bree," tawag ng kaibigan ko. Nagbibihis na kami. Liningon ko ito.
"Bakit?" kunot-noo kong tanong. 'No ginagawa nito. Bukas-sara ang ginagawa nito sa bawat drawer ng dura box niya. "Anyare sa 'yo? Hindi ka naman siguro naglalaro 'no?" asar ko.
"Bakit naman ako maglalaro, sira. Hinahanap ko 'yong pink kong bra. 'Yong regalo mo sa 'kin," anito.
"Bakit? Saan mo ba nilagay?" tanong ko. Isinuot ko na ang black V-neck shirt ko. Kinuha ko ang puting sapatos ko sa may shoe rock malapit sa pintuan ng kwarto namin, at isinuot ito. "Ang dami-dami mong bra, pumili ka na lang ng iba diyan."
"Eh, 'yon nga ang gusto kong suotin ngayon," pilit niya.
Nakayuko ako at inaayos ko ang sintas ng aking sapatos. "Ayaw nga magpahanap 'di ba? Kung ayaw, humanap ka na lang ng iba diyan." Umayos ako ng tayo at lumapit sa salamin. Linagyan ko ng kaunting baby powder ang mukha ko at saka naglagay ng liptint. Done. Handa na akong gumala.
"Hindi mo ba talaga nakita?" tanong nito.
"Mukha bang nakita ko? Magsuot ka na lang ng iba diyan. Huwag kang rarampa-rampa diyan. Alam ko naman na malaki 'yan, kaya pwede ba? Itago mo na," naaasar kong sambit. Kanina pa ikot ng ikot. "Tanghali na. Bilisan mo diyan." Inirapan ko ito. Lumabas na ako ng kwarto. Sa sala ko na lang siya hihintayin.
Ilang minuto ang ginugol niya sa paghahanap sa kaniyang pink na bra. Pagkalabas niya, tumayo na rin ako.
"Hindi ka ba magdadala ng bag man lang?" tanong nito. Napasabunot naman ako sa nakalugay kong buhok. Muntik ko nang malimutan. Pambihirang bra 'yan.
***
PAGDATING namin sa mall, dumiretso kami sa mga nakahilerang food stand. Sari-sari ang mga paninda ng mga ito. May stand na nagtitinda ng burger, fries, shawarma, nachos, ice cream, cakes at marami pang iba. Nakakasawa na kasi sa jollibee at mcdo. Dito naman para maiba.
"Anong gusto mo?" tanong ng kaibigan ko. Huminto kami sa tapat ng burger stand.
"Saan ba ako huminto't tumapat? Cake siguro ang gusto ko, sa tingin mo?" sarkastiko kong tanong.
Umasim naman ang mukha nito animo'y napikon. "Umayos ka Elay."
"Don't call me, Elay. FYI, call me Bree or Elaina," reklamo ko.
"Anong masama sa Elay? Ang ganda nga no'n, e. Huwag ka ngang mag-inarte, since highschool 'yan na tawag ko sa 'yo," wika nito at humalikipkip.
"Basta! Ayaw ko ng Elay! Tapos. Period."
Naiinis ako kapag tinatawag ako ng Elay. Ewan ko ba, okay naman na palayaw 'yon, short for Elaina. Pero kasi pang-muchacha ang dating. 'Yong kapit-bahay namin sa La Union, 'yong labandera nila Donya Citas, Elay ang pangalan. Aling Elay.
Hindi naman sa nag-iinarte ako. Mabuti sana kung nasa probinsya kami, ayos lang ang Elay. Kasi 'yon naman talaga ang tawag nila sa 'kin, dati pa. Tatay at Nanay ko nga 'di na ako tinatawag na Elay.
Eh, ngayon, nasa siyudad kami, kaya sinabihan ko itong si Am na Bree itawag sa 'kin. Kahit sa school, Elaina o Bree ang tawag nila sa 'kin.
Walang nakakaalam sa Elay, except for my best friend.
"Umorder ka na nga lang," napipikon kong sabi.
Tumatawa naman ang magaling kong kaibigan. Ganyan 'yan, kapag nakikita na niya akong naaasar o napipikon, tatawanan ako niyan.
Ang galing mong mang-alaska, 'tapos kapag ikaw naman binanatan, napipikon ka na. Napaka-asar talo mo, Bree.
'Yan rin ang famous line niya. Paulit-ulit niyang sinasabi sa tuwing may asaran kami. Anong asar-talo? Baka siya a. Sa pangalan lang naman ako nagrereklamo.
"Dalawang cheeseburger nga po. Tapos dalawang apple juice," wika ni Am. Binalingan ako nito at inilahad ang palad. "Bayad mo."
Binuksan ko ang pitaka ko. Sigurista talaga 'to. Wala pa nga 'yong order. "O, 'yan na po." Inilagay ko sa palad niya ang isang one-hundred-peso bill. "Balik mo sukli ko."
Habang hinihintay na maluto ang patties, luminga-linga muna ako sa paligid. Inilibot ko ang aking tingin sa taas. Nanlaki ang mga mata ko nang may makilala ako.
"Teka, I knew that guy," kinalabit ko si Amalia. "Am, am..." hindi ko pa rin tinatanggal ang paningin ko sa ikalawang bahagi ng mall. Sa tapat ng Penshoppe.
"Bakit ba!" anito. "Huwag mo rin akong tawaging Am hindi ako pagkain pambata. Amy. Amy!" diin nito.
Kita mo. Pati rin siya naaasar sa palayaw niya. Magkaibigan talaga kami.
"Is that Brent?" turo ko sa lalaking nakatayo sa tapat ng Penshoppe. May kausap itong lalaki."
Sinundan naman ni Amelia ang direksyong ininguso ko. "Sinong Brent? Si Manu 'yan eh," masungit nitong sabi.
Tinampal ko nga ang kanyang noo. "Aray!" sambit nito.
"Brent Manu Chadwick. Si Brent at no'ng sinasabi mong Manu ay iisa, tenge." Sorry papa God sa pagsasalita ng bad word. Nakakapikon kasi 'tong kasama ko po.
"Oh, tapos?" Tinaasan ako nito ng kilay. "Anong pake ko?"
"Pambihira ka naman eh, kaibigan ba kita o hindi, ha?"
"Ha? Hakdog. Wala kang kapag-a pag-asa diyan. Bad boy 'yan baka nga drug addict 'yan eh. Patayin mo na 'yang pantasya mo sa kanya. Baka ibenta ka pa niyan sa sindikato. Makita mo."
Napakawalang-hiyang kaibigan naman 'to. "Ang supportive mo talaga," sarkastiko kong sabi. "Tamaan ka sana ng kidlat!"
"Mauna ka na muna!" pambabara nito.
"Ewan ko sa 'yo. Ang hirap mong kausap." Hindi ko na ito pinansin. Pinanatili ko na lang ang aking tingin sa crush ko. Nandoon pa rin ito nakatayo at nakahalukipkip habang kausap ang isang lalaki. Hindi ko kilala 'yong lalaki.
Brent Manu Chadwick. Mas kilalang Manu sa campus. My one and only ultimate crush since my first day in college. Bad boy daw ito. Mahilig magsigarilyo, uminom, makipagbugbugan, palaging nagsisimula ng away, pusong-bato, fuckboy. Ayon sa mga tsismis na naririnig ko, well, may pagka-tsismosa talaga ko. Lahat naman tayo. Pero nasa sa atin kung paano natin ilulugar.
Sabi nila, nila ha, wala pa daw itong naging girlfriend. Wala pa ni isa silang nabalitaan na naging nobya nito. Fling marami. Lahat 'yata ng sikat na babae sa campus naging babae na nito. Mula cheerleader hanggang campus queen. Balita nga no'ng nasa second sem ng unang taon ko sa kolehiyo. Pati raw fresh graduate at naging instructor niya, naging babae pa nito. Ngunit hindi naman napatunayan 'yon.
Pero kahit bad boy ito, at marami itong bad habits. Hindi 'yon naging hadlang para hindi ako magka-crush sa kaniya. I like bad boys. They seems like mysterious human beings to me. Iyong tipong mahihiwagaan ka kung ano ba ang istorya nila sa likod nang kanilang ginagawa. Why do they became badass? Trip lang ba nila o there's something behind their character traits. And I like it. Nakaka-excite.
But still, wala akong maramdamang kilig. Sort of.
Tinagurian na bad boy o fuck boy o ano mang may boy diyan, huwag ka, matalino 'yan. Number one 'yan sa Dean's List ng Engineering Department. Ang gwapo kaya nito. Ang tangkad pa. Tapos may lahing banyaga.
Aba, kapag ako inanakan nito, siguro magaganda ang lahi.
"Aray! Bakit mo 'ko binatukan." Nag-iimagine pa ako e. "Ang brutal mo!" singhal ko sa kaibigan ko. Napapatingin na ang ibang tao na dumaraan.
"Tigil-tigilan mo 'yang kabaliwan mo sa lalaking 'yon, Bree. Wala kang mapapala." Iniabot niya ang burger at juice sa 'kin. "Aral muna bago landi."
"But I can do both." itinaas ni Amy ang isang kamao niya sa ire, kunwari susuntukin ako. "Totoo naman ah, kaya kong pagsabayin 'no. Ang bitter mo, akala ko ba naka-move on ka na sa Kyle mo?" tanong ko. Nag-s-sungit na naman kasi. Pag-di-diskitahan pa ako.
"Tse! Matagal na akong naka-move-on. Huwag mong ginagawang biro ang mga paalala ko sa 'yo. Madaling magmahal pero mahirap ang masaktan. Itatak mo 'yan sa kukote mo," anito.
...
SUMMER ENDS. Like how the dandelions dance along with the wind. Finally, his mission has an end. But he left me something unwritten. How long I have been waiting for him to come back? Days? Weeks? Three weeks. He left, without me knowing his whereabouts.Damn that man! He really fond of pissing me off. He promises to tell everything, but where on earth he has been? Sam got traumatized. Her parents suddenly went home when they found out what happen. One of their maids told me that she doesn't want to talk. That's why her parents decided to bring her to a psychia
I WAS awakened by loud noises. Screams. Cries. Seeking helps! Fears. I can sense their fears. I opened my eyes but closes them again when the light coming from the yellow bulb embraced my sight. My hands hurt, so as my back.Darn! I slept on the cold floor."Let me go! Help!""Let us go!"All I can hear were those words. They. Yes, they. They keep on screaming and shouting. But no one dared to look us in. Seeing their faces hopeless, makes me want to kill that freaking devil!I gritted my teeth! Wait until a grim reaper reaps your soul, Liam Prynne!Kung hindi lang ito planado, maaaring isa na rin a
“EXACTLY, baby.”Help! I can’t breathe!Baby daw?Baby!!!!“At sino naman angipapainniyo?” tumingin ako sa kaniya. “Ang please, don’t call me baby, lalo na’t may fiancé ka na.Kilabutanka nga.”Tumawa ito. “You’re cute when you’re jealous.”Tumaas ang isa kong kilay, “Jealous? Saan banda?” angkapaltalaga ng mukha niya.Umiling ito, &
I EMBRACED myself as the wind blew stronger. I should’ve brought a jacket. The lights hanging on the garlands gives a fantastic view all over the place.I look serious as I reached his place. He’s sitting above the soft sand, both hands towering from aback, with eyes intently looking on the beautiful horizon… I supposed.I composed myself not to make unnecessary noise. But I was shocked on what he did.“The sand was still warm… and you need this,” his voice seems so concern, “You may get urinary tract,” sabi nito nang tanggalin niya ang kaniyang damit at inilagay iyon sa ibabaw ng buhangin para aking upuan.Damn muscles!My mind screamed out.
NANG MATAPOS kaming mag-usap ni Amy ay nagpasya kaming bumalik sa loob dahil talagang nagugutom na ako. Nakakainis nga ito dahil tawa ng tawa dahil sa tunog ng aking tiyan.Tinanggal ko ang aking sapatos dahil nalagyan na ito ng buhangin. “Besh, hindi ba’t may klase tayo bukas? Wala ka namang balak mag-absent hindi ba?”Tumawa ito. “Gosh, nasaan ba utak mo besh?”Kumunot-noo ako. “What do you mean?” inilapag ko ang aking sapatos sa shoe rack sa gilid ng pintuan.“Wala tayong pasok bukas dahil disinfecting.”“Ano?” bakit hindi ko alam iyon?
“WHERE THE hell are you taking me?” I glared at him. Hindi ito sumagot at nanatili sa daan ang kanyang konsentrasyon.I frowned. Bahagyang nakaharap ang katawan ko sa direksyon niya.“Brent!” I screamed out of frustration.He lazily looked at me. “What?” he asked, seems innocent. And diverted again his gaze in front.Sinuntok ko ito sa kanyang kanang braso ngunit hindi man lang ito natinag. Still sitting there, eyes on the road. But I saw his grip on the steering wheel, tightened.I punched his arm again, lightly.I almost bumped my head on the dashboard when he stepped on the break and pulled ove
Comments