Share

(5) full desire that burned

Chapter 05

HUMAGALPAK NG tawa ang malapit na kaibigan ni Hazel na si Danica dahil sa ikinuwento nito sa kanya.

“Seryoso ba siya beh? Pffft---” Tinakpan niya ang bibig habang ang isang kamay ay nakahawak sa t’yan at pinipigilan ang sariling muling tumawa. Walang buhay naman siyang tinignan ni Hazel na medyo mugto ang mga mata at kakagaling lang sa kaunting pag iyak. Kanina pa nito gustong salaksakan ng tissue na siningahan niya sa bunganga ang kaibigan dahil kanina pa siya nito tinatawanan.

“Kailangan ‘kong bigyan ng award ‘yang si Satsuto HAHAHA! That was the best rejection I’ve ever heard!” Itinaas pa ni Danica ang dalawang kamay na naka-thumbs up at halos mautas na siya kakatawa.

“I guess he’s really a gay,” puno ng lungkot na wika ni Hazel na parang maiiyak na naman habang nakapanghalumbaba.

“Gay you say, pero never mo pa naman siyang nakitang nakipag date sa lalaki ‘di ba? Siguro confuse lang siya. Ginagawa niyo nga ‘yon e so paano siya naging gay?” ani Danica na mukhang tapos na tumawa saka inayos ang upo niya at humalumbaba rin.

“Edi bisexual siya, right? Hindi ko rin alam. Urgh! What should I do? Ayos naman ako sa relasyon na meron kami pero may chance pa rin na kumawala siya sa kamay ko and I don’t want that to happen!” inis na sabi ni Hazel.

“Marupok ka kasi e, kapag kailangan ka niya nariyan ka agad sa tabi niya na parang mabuting alagang aso kaya ka nahuhulog ng sobrang lalim. Dumistansya ka muna, mag isip ka at hayaan mo muna ring mag-isip siya kung ano ka ba talaga sa buhay niya. Ma-rerealize niya rin ‘yon kapag hindi kayo nagpansinan ng ilang araw o linggo at baka ma-realize rin niya ‘yung totoong kasarian niya. I’m telling you, effective ‘to panigurado! Gagapang papalapit sa ‘yo ‘yang Satsuto Fuentes na ‘yan dahil sobrang mamimiss ka niyan! Makikita mo sa huli hahabulin ka n’yan. Sino ba namang makakatiis sa magandang si Hazel Gugudano? Lahat na ata ng lalaki rito ikaw ang habol! Tapos sa isang impakto ka lang magpapakatanga? Huh!” Ipinagkrus ni Danica ang kanyang dalawang braso saka umiling.

“Siguradong ikaw na ngayon ang laman ng isip noon dahil hindi siya nakaisa ngayon sa ‘yo,” dagdag pa nito.

***

Halos maalis na ang buhok ni Satsuto sa kanyang ulo dahil sa pagsabunot niya sa sarili gamit ang dalawang kamay.

‘Bakit si Snow na lang ang biglang pumasok sa isip ko kanina? Nilabasan ba talaga ‘ko noong naisip ko si Snow? Bakit ako nilabasan noong iniisip ko siya! Isa itong kahibangan! Hindi. Hindi Satsuto Fuentes, tama. Wala ka namang gusto kay Snow ‘di ba? Oo bading ka pero never kang magkakagusto sa taong pinaka-hate mo. Pero bakit ko nga ba siya hate? Tangina, please umalis ka na sa utak ko!!!’ pag-sigaw niya sa loob ng kanyang isipan habang malakas na sinasabunutan ang sarili.

“Fuentes!”

Napaigtad si Satsuto ng biglang sumigaw si Mia sa kanyang tainga. Nakasubsob kasi ang mukha ni Satsuto sa kanyang desk at sinusubukan niyang itulog na lang sana ang lahat ng kanyang iniisip pero mukhang sobrang kulit ng utak niya at ayaw siya nitong patulugin.

Nakapikit pa rin at nakayuko ay umayos si Satsuto ng upo habang sapo ang palad sa kanyang mukha. “What’s your damn problem Malabanan?” naghihikab pa nitong sabi na mukhang hindi nakatulog ng ayos nitong mga nakaraang gabi.

“Let’s talk.”

Nanigas sa kinauupuan si Satsuto ng marinig ang malalim at sinserong boses na iyon. Agad niyang itinunghay ang ulo upang kumpirmahin at hindi nga siya nagkakamali. Kung kanina ay ang isip niya lang ang magulo, ngayon naman ay buong sistema na niya ang nagwawala. Sobrang bilis ng pagtibok ng kanyang puso at kung magpapatuloy pa ito ay baka atakihin na siya sa puwesto niya mayamaya. Mukhang hindi maganda sa puso ni Satsuto si Snow.

“B-Bakit...” Bigla siyang napatingin sa nakapaligid sa kanila dahil mabilis niyang napansin na ang lahat ng kaklase niya ay nakatigil sa ginagawa nila at nasa puwesto nila ang mga mata.

‘Haha. Sino ba namang hindi magugulat kung ‘yung kaklase mong ayaw makipag-usap at mahawakan ng lalaki e bigla na lang pupunta sa harapan mo para kausapin ka? Oo tangina nasa harapan ko ngayon si Snow at paniguradong lahat ng tao sa silid na ito ay hindi makapaniwala sa nakikita nila.’ Napangisi siya sa naisip.

“Hindi ko gustong inuulit ang sinasabi ko.”

Napabalik sa wisyo si Satsuto ng muli itong magsalita. “Sabi ko nga.”

Tumayo si Satsuto at nagulat siya dahil sa mas matangkad pa pala siya kay Snow ng kaunti. Binulungan niya si Snow, “Let’s talk outside.”

Sumunod si Snow sa kanya hanggang makarating sila sa likuran ng kanilang building. Nahirapan maghanap si Satsuto ng lugar na puwede silang mag-usap dahil madami ng estudyanteng nasa labas ng kani-kanilang room sapagkat malapit na mag uwian. Alam niyang may makakakita pa rin sa kanila sa puwestong iyon pero wala na siyang maisip pang ibang mapuntahan kaya hinayaan na lang niya. At isa pa, bakit ba kailangan nilang magtago?

Pareho silang nakasandal sa pader at may halos dalawang hakbang ang pagitan nila.

“I’m sorry about sa nangyari noong biyernes. Hindi ko dapat ginawa iyon,” pagbasag ni Snow sa katahimikan na namamagitan sa kanila. Gulat na gulat naman ang itsura ni Satsuto na parang hindi siya makapaniwala sa narinig. Oo nga at inaasahan na niyang iyon ang pag-uusapan nila pero hindi niya inaasahan na manghihingi ito ng tawad sa kanya. Parang may kumurot sa puso niya ng marinig na nagsisisi si Snow sa nangyari sa kanila noon sa clinic.

Akala ba niya na madadaan lang sa isang ‘sorry’ ang lahat ng ‘yon? E halos hindi nga siya makatulog at mabaliw na siya kakaisip sa bagay na iyon tapos ‘sorry’?

“I wonder if you really regret it,” ani Satsuto saka naglakad papunta sa harapan ni Snow. Lumapit siya rito habang nakayuko. Umuurong naman ng umuurong si Snow para mas mapaglayo ang distansya nila, pero dahil nakasandal siya kanina sa pader ay kaunti lang ang naurungan niya at halos gusto na lang niyang tumagos sa pader na nasa likuran para lang hindi sila magkalapit pa ni Satsuto

“W-Wait---” Napayuko na rin si Snow at tinaas niya ang kanang kamay upang itakip ang likudan ng kanyang kamay sa bibig. Tinunghay naman ni Satsuto ang ulo at hinawakan ang baba ni Snow, itinaas niya dahan-dahan ang mukha nito upang magtagpo ang mga tingin nila. Tinanggal ng isang kamay ni Satsuto ang kamay ni Snow na nakatakip sa bibig nito.

“Sorry but you see, hindi ako kasing bait ng iniisip mo.”

Nakakatuwang isipin na minumura niya halos araw-araw sa isipan niya si Snow at gustong gusto na niya itong sapukin pero ngayong nakikita niyang wala itong kalaban laban sa kanya na parang mahinhin na babae ay naging blanko ang isipan niya. Para siyang nagsisi sa mga masasamang iniisip niya rito.

Marahang hinaplos ng hinlalaki niya ang labi ni Snow. Biglang nanuyo ang lalamunan niya ng matitigan ang labi nito, parang nauuhaw ang totoo niyang kasarian. Si Snow ang unang lalaking n*******n ni Satsuto at si Snow din ang unang lalaking bumulabog ng isipan niya araw at gabi. Mapili siya sa mga taong gusto niya pero si Snow na halos kulamin na niya ay hinayaan niyang halikan siya.

Hindi na niya tuloy mapagwari ngayon ang totoo niyang nararamdaman dito. Gusto niya itong mawala sa paningin niya, pero hinahanap hanap naman nito palagi ang prisensya niya. Naguguluhan siya sa mga kakaibang pakiramdam na ngayon niya lang naramdaman. Kay Snow niya lang nararamdaman.

“Nasabi ko na ang gusto kong sabihin, bahala ka na kung tanggapin mo man ‘yon o hindi. Aalis na ko,” ani Snow saka tinabig ang kamay ni Satsuto at naglakad na paalis. Pero hindi siya nito pinaalis. Inabot ni Satsuto ang pulsuhan ni Snow at hinila ito muli paharap sa kanya at sa mga sandaling iyon ay parang tumigil ang paghinga niya sa pagharap ni Snow sa kanya. Para bang sa mga napapanood niya, mabagal na tumatakbo ang oras at hindi niya mapagwari kung saan ba napunta ang paghinga niya.

‘Ah shit, is this what they called breath taking...’

Naisip niya nang mga sandaling iyon habang pinagmamasdan ang gulat na gulat na itsura ni Snow. Kaya naman mas hinila niya pa palapit si Snow sa kanya. He kissed him. Without warning, without permission. Without even deciding to do it, but simply because he couldn’t have done anything else. He needed that breath he was holding. It belonged to him, and he wanted it back.

Ipinulupot ni Satsuto ang isa pang kamay sa bewang ni Snow upang mas mahapit ito papalapit sa kanya. Para siyang gutom na walang awang nilalantak ang labi ni Snow. Nanghihina naman ang tuhod ni Snow at para itong nadadarang sa bawat pag galaw ng labi ni Satsuto. Para itong favorite niyang kanta na kahit hindi niya gustong kumanta ay wala sa sarili niyang binibigkas ang lyrics at sinasabayan ang musika.

Sinasabayan niya ngayon ang ritmo ng labi ni Satsuto at habang tumatagal ay mas lumalalim at nakakalasing ang pinagsabay na labi at dila ni Satsuto.

‘This is bad... I can’t lose it again,’ naisip ni Snow kaya naman kahit na nasasarapan siya sa laplapan nila ay buong lakas niyang tinulak si Satsuto palayo. Nawala sa balanse ang binata at nalaglag ito sa damuhan. Tulala si Satsuto at parang hindi pa siya nakakabalik sa reyalidad kaya naman kinuha ni Snow ang pagkakataong iyon at mabilis na tumakbo paalis.

Naiwan namang tulala si Satsuto. Mayamaya ay natauhan na siya at inihilamos sa mukha ang dalawa niyang palad. Nanatili siyang nakaupo sa damuhan ng ilan pang minuto kasama ang bagong gising niyang alaga. Sinuklay niya ang buhok patalikod, yumuko siya at muling isinapo ang dalawang kamay sa mukha.

“This feels like deja vu,” bulong nito.

***

“MIIIIGS! BAKIT HINDI KA SUMIPOT NOONG SABADO!?” Bungad ni Nathaniel Xu, ang kasalukuyang ace ng college volleyball team sa university nila. Kakatapos lang ng klase sa silid na iyon at naakaalis na rin ang Professor kaya naman wala siyang hiyang binuksan na lang bigla ang pintuan ng room at malakas na nagsisisigaw. Hinahanap nito ang kaibigang si Miguel na ka-team niya dati sa volleyball noong high school sila at mas pinili ang basketball noong nag-college.

Malaking kawalan si Miguel base kay Nathaniel, kung pinagpatuloy nito ang pag-vo-volleyball sa college ito sana ang magiging  ace at hindi siya. Bakit ba kasi kahit basketball ay magaling din ito? Kung magaling lang sa volleyball si Miguel at hindi na sa basketball ay baka ganahan ang ibang athlete na mag-co-college na sa university nila pumasok at mag-try out. Magiging isa sana sila sa mga powerhouse kung nasa team niya sina Satsuto, Miguel at Dexter. Hays, panaginip na lang ata talaga na ma-feature sila sa TV kagaya ng ibang university tuwing season league.

“Oh? Nathaniel!” bati ng isang estudyanteng nakakilala kay Nathaniel. “Yo! Ryan, nasaan si Migs?”

“Sabi niya pupunta siya sa canteen, kakaalis lang.”

“Gano’n? Sige salamat!” sabi nito saka siya napatingin sa lalaking katabi lang ng pintong bigla niyang binuksan kanina. Napansin niyang naka-varsity ito kagaya ng sa basketball team.

“Ah! Ang ingay ko ‘no? Sorry!” nakangiti nitong sabi na parang kinakaibigan ang estrangherong kausap niya. Napaawang naman ang labi ng kausap saka ito mabilis na napatayo sa kinauupuan at sa hindi inaasahan ay bigla nitong sinapak ang nakangiting pagmumukha ni Nathaniel.

“P**a ano ‘yon? May away?”

“Bigla na lang siyang sinapak ni Dino.”

“Anong nangyari sa kanila?”

Nalaglag sa sahig si Nathaniel dahil sa hindi niya inaasahang responde sa kanya ng estranghero. Nagalit ba ito ng sobra dahil sa ingay niya? Puwede naman siya nitong kausapin ng ayos pero mas pinili pa nito ang dahas. At dahil hindi siya ganoong tao ay binali bali niya ang leeg at inayos ang panga. Napakasakit ng sapak na iyon at nararamdaman niyang namasa talaga ang pisngi niyang sinapak.

Napatingin siya sa lalaking sumapak sa kanya. Masama ang tingin nito sa kanya at nakakuyom pa rin ang kamao nito. Napabuntong hininga na lamang si Nathaniel. Kasalanan din naman niya. Tumunog na ang bell na hudyat na magsisimula na ang sunod na klase kaya tahimik na nilisan ni Nathaniel ang silid na iyon kahit hindi niya pa rin maintindihan kung bakit umakto ng ganoon ang lalaking nakilala.

“The heck was that,” bulong nito sa sarili habang naglalakad papuntang clinic.

-

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status