Cold Stare (Tagalog)

Cold Stare (Tagalog)

last updateTerakhir Diperbarui : 2021-10-02
Oleh:  ultimategelTamat
Bahasa: Filipino
goodnovel16goodnovel
10
6 Peringkat. 6 Ulasan-ulasan
30Bab
25.8KDibaca
Baca
Tambahkan

Share:  

Lapor
Ringkasan
Katalog
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi

Isang pangyayari sa gabing 'yon na hindi kailanman makakalimutan ni Melina. Dahil doon lahat ng mga bagay na mayroon siya ay nawala na nang saysay. Tila pati ang buhay niya. Laging nag-iisa at ayaw makipagkaibigan. Ganyan si Melina, binago siya dahil lamang sa isang trahedya na naranasan niya. Mababago pa kaya ang buhay niya? Buhay na may sigla at may saysay? Tila hindi pa pala ito ang hangganan. Hindi pa pala tapos ang lahat. ---------

Lihat lebih banyak

Bab 1

Chapter 1

This is a work of fiction. Names, characters, business, events and incidents are the products of the author's imagination. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.

DO NOT PLAGIARIZE!

-----------------------------------------------------------------------------------

"Mama, saan po ba tayo pupunta?" tanong ko habang nakasakay kami sa bus. 

Nakaupo si Mama sa tabi ng bintana habang nasa kandungan niya ang kapatid ko na limang taong gulang.

Tiningnan ako ni Mama, "Anak, sa totoo lang hindi ko rin alam." Nagsimula nang umiyak si Mama.

Hindi ko maintindihan. Bakit umiiyak si Mama? May problema ba siya? Nitong mga nakaraang araw kasi ay panay ang away nila Mama at Papa hanggang sa hindi na nga umuwi si Papa. Pinapaliwanag naman sa akin ni Mama ang lahat pero parang ang gulo pa rin para sa akin. 

"Huwag na po kayong umiyak, Mama. Magtatanong na lang po ako kung saan papunta itong bus," sabi ko kay Mama na ngayon ay tumigil na sa pag-iyak.

Tatayo na sana ako nang hinawakan ni Mama ang kamay ko. "Huwag na, alam mo ba kung bakit umiiyak si Mama?" tanong niya sa akin.

"Opo!" sagot ko.

"Sige nga, sabihin mo nga sa akin kung bakit."

"Dahil hindi natin kasama si Papa." Malungkot na sabi ko.

Inipit ni Mama ang ilang hibla ng buhok ko sa likod ng tenga ko at pagkatapos ay ngumiti siya sa akin.

"Tama pero may iba pang dahilan, umiiyak si Mama dahil masaya siya." Napakunot ang noo ko sa sinabi niya.

"Mama! Paano po 'yon? Umiiyak tapos masaya pala? E?" hindi makapaniwalang tanong ko.

Hinagod niya ang mahaba kong buhok, "Tears of joy ang tawag doon, Anak. Masaya lang ako dahil naging mga anak ko kayo." 

"Masaya rin po kami na naging Mama ka namin!" Pagmamalaking sabi ko.

Nginitian lang ako ni Mama at ganon din ang ginawa ko. 

Isinandal ko ang ulo ko sa braso ni Mama. Iidlip muna ako habang nagba-biyahe kami. 

Nagising ako nang makarinig ako ng ingay. Kinusot-kusot ko ang mata ko gamit ang kamay ko.

"Manong? Ano pong nangyayari?" tanong ng isang Ginang.

Tiningnan ko si Mama na ngayon ay yakap si Teedy, ang bunso kong kapatid. Nakita ko sa mukha ni Mama ang pag-aalala.

"Mama, ano pong nangyayari?" tanong ko pero hindi niya ako sinagot. Nakatuon kasi ang kan'yang tingin sa Ginang na nagtanong.

"Kuya! Sabihin mo sa amin ang totoo!" sigaw ng isang lalaki. Napatingin na rin ako sa kanila.

"H-hindi g-gumagana ang break!" nauutal na sabi nung Driver at nagsimula nang magpanic ang iba.

"Ma..." sabi ko habang nangingiligid na ang luha sa mga mata ko.

"Shh, huwag iiyak, okay?" sabi sa akin ni Mama at tumango lang ako.

Lumakas ang sigawan nang nagpa-geywang geywang ang bus. Hindi na alam nung Driver kung ano ang gagawin niya. Napatingin ako sa mga nakasakay sa loob ng bus. May mga umiiyak at nagyayakapan na. Meron naman na sumisigaw habang sinesermonan ang Driver at ang nagpaiyak sa akin ay sila Lola, wala silang magawa kung hindi ang tingnan na lang ang nangyayari.

"Anak, hawakan mo nang mahigpit itong kapatid mo, ha? Huwag mo siyang iiwan." Tumango ako sa sinabi ni Mama at tumulo na ang luha sa pisngi ko.

Umusog ako ng kaunti habang nilalagay ni Mama si Teedy sa tabi ko. Agad ko namang hinawakan ang kamay ng kapatid ko. Maamo itong natutulog. Mabuti na lang at hindi siya nagigising sa sobrang ingay.

"Babangga tayo, Manong!" sigaw nung kung sino man dahil hindi ko na ito tiningnan.

Niyakap ko ang kapatid ko hanggang sa maramdaman ko na may yumakap sa amin. 

"Mama!" Umiiyak na sabi ko at bumangga na nga kami sa hindi ko malaman kung saan at unti unting nawala ang mga sigawan.

Bahagyang nakabukas ang mga mata ko nang may kumuha sa kapatid ko. Hindi ako makagalaw at wala rin akong sapat na lakas para ibuka ang aking bibig. Hindi. Hindi maaari, ang kapatid ko! 

Gusto ko mang sumigaw ay hindi ko magawa. Naramdaman ko rin na tila may likidong lumalandas sa mukha ko. Hindi ito ordinaryong likido dahil kulay pula ito, dugo na nanggagaling sa ulo ng Mama ko. 

Wala na akong maramdaman hanggang sa bumigat ang talukap ng mga mata ko. 

Sa aking pagpikit ay hindi ko maiwasan na isipin ang mga masasayang pangyayari sa buhay ko na kasama sila. 

Ito na nga ba ang huling araw na masisilayan ko sila?

---

7 years ago after the incident...

"Mel! Bumaba ka na rito, isasabay ka na ng Daddy mo!" rinig kong sigaw ni Mommy sa ibaba. 

Agad kong isinukbit sa isang braso ko ang backpack ko at kinuha ko na ang phone ko na may nakasaksak na earphones.

"Nariyan na po," sabi ko at nagmadali nang bumaba sa hagdan.

"Nasa labas na ang Daddy mo," sabi Mommy nang makababa na ako. Tumango lang ako sa sinabi niya.

Lalabas na sana ako nang tinawag niya ulit ako.

"Mel, halika nga rito," sabi niya at lumapit naman ako sa kan'ya.

"Bakit po?" tanong ko.

Bigla niya akong niyakap, "Mag-iingat kayo," sabi niya at pagkatapos ay tiningnan niya ako sa mukha.

"Opo, alis na po kami," sabi ko at tumango siya sa akin.

Lumabas na ako ng bahay at nakita kong naghihintay na nga si Daddy sa labas. Agad akong pumasok sa passenger seat.

Nang makapasok na ako sa loob ng sasakyan ay inilagay ko ang earphones sa tenga ko at nakinig ng music. 

"Good Morning," bati ni Daddy at itinanggal ang isa kong earphones sa tenga ko.

Napatingin ako sa kan'ya na tinatawanan ako, "Morning, Dad. You're really happy by pissing me off, huh?" mas lalo siyang natawa sa sinabi ko.

Inilagay ko ulit ang isang earphones sa tenga ko at tumingin ako nang deresto sa dinaraanan namin.

Pitong taon na ang nakakaraan pero naalala ko pa rin ang gabing 'yon. I was eleven years old that time while Teedy is five years old. Napakabata pa namin at naranasan na namin 'yon. Hindi ko alam kung saan napunta si Teedy ang huling kita ko sa kan'ya ay may kumuha sa kan'ya at hindi ko kilala kung sino. Si Mama naman ay wala na rin akong balita. Ako naman ay may nagmagandang loob na tulungan ako at inilagay sa orphanage. Doon ako kinuha nila Mommy at Daddy. Minahal nila ako na parang tunay nilang anak. Pinaramdam din nila na may mga magulang ako. Halos hindi sila nagkulang kahit sa pagmamahal ay hindi nila ipinagkait.

Pero alam ko sa sarili ko na may kulang pa rin sa akin. Kulang na hindi mapuno-puno ng kahit na sino. I will always missed my Mama and Teedy.

Tumigil ang sasakyan sa harapan ng school na pinapasukan ko. Bago ako lumabas ay nagpaalam ako kay Daddy.

"Be friendly, anak," paalala niya.

"Dad naman, kung gusto nilang makipagkaibigan edi makipagkaibigan sila." 

"Okay, just be friendly para hindi ka nag-iisa." Tumango lang ako kay Dad ay umalis na siya.

Hindi ko talaga gusto ang magkaroon ng kaibigan. Ang gusto ko lang ay ang mapag-isa lagi. Pakiramdam ko kasi kapag mag-isa ako ay doon ko nararamdaman ang tunay na kapayapaan. 

Diretso lang ang lakad ko papuntang room. Pagkapasok ko sa room ay napatingin sila sa akin hanggang sa maupo ako. What's new? Araw-araw na lang silang ganito. Pagkaupo ko sa likuran ay nagsimula na ulit sila sa kanilang kan'ya-kan'yang ginagawa. Napairap ako sa kawalan. 

Nang dumating ang teacher namin ay nagsi-ayos sila. Tinanggal ko naman ang earphones ko at nakinig sa discussion. 

Tumunog ang bell, hudyat na lunch time na. Agad naman nagsilabasan ang mga kaklasi ko at ang iba ay nagpapaganda muna. Tumayo ako at inilagay ko ulit sa tenga ko ang earphones ko.

Imbis na sa cafeteria ang punta ko ay lumihis ako ng landas. Pumunta ako sa music room. Wala naman tao rito kaya ayos lang siguro. Umupo ako sa isang upuan sa loob at kinuha ko ang isang gitara rito. Hindi ko alam kung sa school ba 'to o kung may nagmamay-ari rito. Ibabalik ko rin naman agad at wala namang tao rito e.

Ididikit ko pa lang sana ang mga daliri ko sa string nang bumukas ang pintuan. Napapikit ako saglit at hindi tiningnan kung sino ang pumasok. I started to play the guitar with a random song that I know. It's Closer.

Tumigil ako nang pakiramdam ko ay may nakatingin sa akin. Tumayo ako at ibinalik sa kung saan ko kinuha ang gitara. Pagkalagay ko roon ay humarap ako pero wala akong nakitang tao kundi ako lang, mag-isa.

Bumuntonghininga ako at umalis na sa music room. Habang naglalakad ako ay hindi ko maiwasan na kabahan. May tao ba talagang pumasok kanina sa music room?

"Pre, ito pala ang sinasabi nilang lonely girl," sabi nung isang estudayanteng lalaki.

Natigil ako sa paglalakad dahil hinarangan nila ako. Tinitigan ko lang sila nang diretso.

"May angking ganda rin pala, pre!" harap-harapan nilang sabi sa akin.

"Hi," sabi ng kasama niya.

Hindi ko ako nagsalita at patuloy ko lang silang tinitigan. 

"Pre, snobber siya!"

Nilagpasan ko na lang sila dahil napakawalang kwenta ng mga sinasabi nila.

"Teka lang, kinakausap ka pa namin e," hinigit niya ang braso ko.

Mabilis ko namang tinggal ito at mariin ko siyang tinitigan.

"Tara na, Pre! Mukhang may gagawing hindi mabuti sa atin 'yan! Titig niya pa lang!" sigaw nung kasama niya at hinila niya ito paalis.

Maglalakad na sana ulit ako nang may bigla na lang bumunggo sa akin. Hindi naman gaanong masakit pero agad niya akong nilagpasan. Nagmamadali ata 'yon?

Napatingin ako sa isang maliit na notebook, I think notepad ito. Pinulot ko ito at kasabay no'n ay nagring ang bell. 

Bumalik ulit ako sa room at as usual nakatingin na naman sila sa akin. Gaya nang dati ay binalewala ko lang sila at umupo sa upuan ko rito sa likuran.

Inilagay ko sa ibabaw ng desk ko ang notepad na napulot ko kanina. Bubuksan ko sana ito nang dumating ang teacher namin. Nakinig na muna ako, mamaya ko na lang tingnan kung ano ito. Para malaman ko kung kanino rin ito baka importante ito sa kan'ya.

"Good day, Class!" paalam ng last teacher namin sa araw na ito.

"Good day, Ma'am," sabi ng mga kaklasi ko.

Pagkalabas ng teacher namin ay agad na silang nagsi-alisan. Ang bilis nilang mawala. Tanging ako at mga iilang babae na lang ang naiwan rito sa loob ng room.

Inayos ko na ang mga gamit ko at muli kong nakita ang note pad sa desk ko. Tumayo ako at isinukbit ang backpack ko sa isa kong balikat.

Muli kong inilagay ang earphones sa tenga ko habang ang phone ko ay nasa bulsa nitong palda ko. Hawak-hawak ko ang notepad nang lumabas ako nang room.

Binuksan ko ito at doon ko nakita ang pangalan ng may-ari nito. Hindi kaya isa itong journal? Naku-curious tuloy ako.

Binasa ko ang pangalan niya pero hindi ito pamilyar sa akin. Hindi ko rin ito kaklasi. Inilipat ko ang isang page, sa pangalawang page naman ay nabasa ko ang pamagat nito.

Cold Stare: Let me tell you my story.

Tampilkan Lebih Banyak
Bab Selanjutnya
Unduh

Bab terbaru

To Readers

Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang  manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.

Komen

user avatar
Rosel Lachica
𝕒𝕟𝕘 𝕘𝕒𝕟𝕕𝕒 𝕟𝕘 𝕤𝕥𝕠𝕣𝕪 𝕜𝕒𝕤𝕠 𝕟𝕒𝕜𝕒𝕜𝕒𝕓𝕚𝕥𝕚𝕟 𝕝𝕒𝕝𝕠 𝕟𝕒 𝕤𝕒 𝕡𝕒𝕣𝕥 𝕟𝕘 𝕜𝕒𝕟𝕚𝕝𝕒𝕟𝕘 𝕡𝕒𝕘-𝕒𝕞𝕚𝕟 𝕜𝕒𝕤𝕚 𝕖𝕟𝕕 𝕟𝕒 𝕒𝕘𝕒𝕕 30 𝕔𝕙𝕒𝕡𝕥𝕖𝕣 𝕝𝕒𝕟𝕘..
2024-08-11 12:10:08
2
user avatar
Mary Joy Villasan Bracero
nice story ganda di nkakasawa
2024-03-29 14:13:16
2
user avatar
Ma_Kathang_Isip
Send Heart. I love this
2022-06-14 12:31:35
2
user avatar
MaryClair Huit
maganda xia.
2021-09-25 07:01:14
1
user avatar
MaryClair Huit
cold stare
2021-09-25 07:00:53
1
user avatar
Jho Canlas
ang ganda ng stories sana free hanggang matapos
2021-09-23 11:01:20
1
30 Bab
Chapter 1
This is a work of fiction. Names, characters, business, events and incidents are the products of the author's imagination. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.DO NOT PLAGIARIZE!----------------------------------------------------------------------------------- "Mama, saan po ba tayo pupunta?" tanong ko habang nakasakay kami sa bus.  Nakaupo si Mama sa tabi ng bintana habang nasa kandungan niya ang kapatid ko na limang taong gulang. Tiningnan ako ni Mama, "Anak, sa totoo lang hindi ko rin alam." Nagsimula nang umiyak si Mama. Hindi ko maintindihan. Bakit umiiyak si Mama? May problema ba siya? Nitong mga nakaraang araw kasi ay panay ang away nila Mama at Papa hanggang sa hindi na nga umuwi si Papa. Pinapaliwanag naman sa akin ni Mama ang lahat pero parang ang gulo pa rin para sa akin.  "Huwag na po kay
last updateTerakhir Diperbarui : 2021-07-09
Baca selengkapnya
Chapter 2
Cold Stare: Let me tell you my story.Nakauwi na ako sa bahay at narito ako sa kuwarto nang paulit-ulit na um-e-echo sa isipan ko ang nabasa ko kanina habang nasa school pa lang ako. There is something strage in that notepad or journal of him.Napaka-mysterious naman kung sino man ang nagma-may ari nitong notepad. Pakiramdam ko ay malalim ang pinaghugutan niya ng lakas ng loob para isulat pa ang mga naganap sa buhay niya. I, actually want to that. Ang isulat lahat ng mga nararamdaman mo at yung mga pangyayari sa buhay mo. Pero hindi ko ginawa, I was afraid. Takot ako na baka may makabasa nito o kaya ay may makatuklas sa sinulat ko. That's why I end up handling my own unsaid and unwritten emotion by myself. Mahirap ikimkim kaya idinadaan ko na lang sa pakikinig ng music. Malibang man lang ako kahit pansamantala.Hindi ko na binasa pa kung ano ang kasunod na pahina. Ayokong manghimasok sa buhay ng iba. Kung may maghahanap sana mahanap na lang niy
last updateTerakhir Diperbarui : 2021-07-09
Baca selengkapnya
Chapter 3
Nasa labas na ang lahat ng mga kaklasi ko dahil in-announce na kailangan na naming umuwi dahil may bagyo.Wala akong payong kaya nakaupo pa rin ako sa upuan ko. Ewan ko ba sa mga kaklasi ko at excited lagi umuwi. Kahit umuulan ay sinusuong nila.Nagpalipas ako ng ilang minuto pero hindi pa rin tumutila ang ulan. Iilan na lang ang nakikita ko na nasa labas pa. Wala akong choice kung hindi ang lumabas na. Inilagay ko sa loob ng backpack ko yung notepad baka kasi mabasa pa 'yon.Nasa labas na ako ng room namin at akmang susuong na ako sa ulan nang may hunawak sa balikat ko. Nakakunot ang noo ko nang tingnan ko kung sino ito. Siya na naman."Don't. Mababasa ang notepad ko," sabi niya at binuksan niya ang payong  na dala niya. "Let's go."Hinawakan niya ang braso ko at shi-nare niya ako sa payong niya. Wala talaga akong choice. Mabilis kaming naglakad hanggang sa makalabas na kami ng school. Tumigil kami sa waiting she
last updateTerakhir Diperbarui : 2021-07-09
Baca selengkapnya
Chapter 4
Inilagay ko ang ukulele ko sa table at mabilis na sinundan si Mommy."Ano pong nangyari?" tanong ko kay Mommy habang pababa ako ng hagdan."Bilisan mo, Mel! Tumawag ka ng Ambulansya, bilisan mo!" utos sa akin ni Mommy at nakita kong nangingiligid na ang luha sa mga mata niya. Kahit hindi ko alam ang nangyayari ay ginawa ko na lang.Kinakabahan na rin ako. Ginamit ko ang landline dito sa bahay at sinimulan nang tawagan ang emergency call. Pagkatapos kong gawin 'yon ay agad kong pinuntahan si Mommy para malaman kung ano ang nangyayari.Natigil ako sa harap ng kuwarto dito sa ibaba kung saan ang workplace ni Daddy. Nakita kong umiiyak si Mommy habang ang ulo ni daddy ay nasa kandungan niya. Nahihirapang huminga si Daddy!"Daddy!" sabi ko at napaupo na rin pagkatapos ay tiningnan ko siya.Nanlumo ako sa nakikita ko ngayon. Hindi ko maiwasang mapa-iyak dahil ayokong isipin na baka mawalan na naman ako ng Ama.&n
last updateTerakhir Diperbarui : 2021-07-09
Baca selengkapnya
Chapter 5
"Imposible," rinig kong sabi ni Mommy.Kinuha ni Daddy ang remote sa akin at siya na ang pumatay sa TV. Napatingin ako kay Mommy."Bakit naman po? Ni hindi pa po natin alam kung nahanap na yung bangkay ni Mama kung sakaling namatay na po siya. Walang sinabi hindi po ba? Baka siya po—" natigil ako sa sinasabi ko nang lumapit sa akin si Mama at hinawakan ang dalawa kong kamay.Tiningnan niya ako sa mata at nakita ko ang malambot niyang tingin sa akin. "Anak, Mel, hindi ako tumutol sa kung ano man ang pinaplano mo pagdating sa totoong pamilya mo. Suportado ka namin ng daddy mo pero paano kung hindi siya 'yon? Paano kung kamukha lang talaga niya ang Mama mo? Artista 'yon, Mel," sabi sa akin ni Mama.Napayuko ako sa sinabi ni mommy.  May punto siya pero hindi ko maiwasang umasa na sana siya nga 'yon. Si Mama. Kung sakaling siya 'yon ay baka kasama rin niya sa Teedy. How I wish na sana makita ko na talaga sila."Naiintindihan ko po, Mommy," sa
last updateTerakhir Diperbarui : 2021-07-11
Baca selengkapnya
Chapter 6
Bumalik na lang ulit ako sa room ni daddy. Nang makapasok ako ay wala si mommy, si daddy lang. Nakaupo ito at nakasandal ang likuran niya sa mga unan. Napatingin siya sa akin nang umupo ako sa isang mahabang sofa na narito."Saan ka galing?" tanong ni Papa. Tiningnan ko si Papa, "Nakita ko si Mama yung artistang kamukha niya. Nandito siya, Pa," sabi ko at nakita ko ang pagkunot ng kan'yang noo."Sigurado ka ba? Nakita pa lang natin siya kanina sa TV 'di ba? At ano naman ang ginagawa no'n dito?" tanong niya sa akin. Napaisip din ako sa mga sinabi ni Papa."Hindi ko po alam, Pa..." sabi ko at bigla ko na lang naalala na pinuntahan niya pala yung lalaki na tinulungan ko. "Pero nakita ko pong may pinuntahan siya rito," dagdag ko pang sabi."Sino? Kinausap mo ba siya? Nilapitan?"Napailing ako. "Kinabahan po ako at hindi ko rin po alam ang gagawin ko.""Ayos lang 'yon, Anak. Sasamahan na lang kita kapag maayos na ang lahat," sabi niy
last updateTerakhir Diperbarui : 2021-07-11
Baca selengkapnya
Chapter 7
"My, baka nagkakamali lang po si Nurse. Sige po ako na po ang bahala, mauna na po kayo," sabi ko at tinitigan niya muna ako bago umalis.Bumuntonghininga ako at pagkatapos ay humarap sa Nurse na nagpeace sign sa akin."Sorry po, Ma'am. Secret relationship lang po ba ang meron kayo?" panguusisa pa niya."Wala kaming relasyon. Bakit mo ba ako pinuntahan? May problema po ba?" tanong ko."Ano kasi, Ma'am. Si Sir..." sabi niya at hindi matuloy-tuloy ang sasabihin niya."Ano po ba 'yon?""Ayaw niya kasi sa amin gusto niya ikaw lang.""Sorry, Nurse pero hindi ko naman kasi talaga siya kilala at mas lalong hindi ko siya boyfriend. Aalis na po ako," paalam ko at iniwan na siya roon.Habang palabas ako ay nakaramdam ako ng guilt. Hindi ko alam parang gusto kong bumalik doon at tingnan ang kalagayan niya pero hindi ko na ginawa. Tama naman ang sinabi ko kanina e. Hindi ko siya kilala.Sakto naman paglabas ko ay tapos nang bumili ng
last updateTerakhir Diperbarui : 2021-07-11
Baca selengkapnya
Chapter 8
Humiwalay ako sa kan'ya at mabilis na lumabas sa Music Room. He is not thinking! Habang mabilis akong naglalakad ay kasing bilis din ito nang pagtibok ng puso ko. I even feel nervous! Nakakabigla ang mga ginagawa niya sa akin.Nakasalubong ko si Viola. Tumigil ako dahil kinausap ako nito."Babalik ka na sa room?" tanong nito sa akin.Tumango lang ako."Puwedeng sumabay na ako sa 'yo?""Yup," sabi ko at naglakad na kami.Habang naglalakad kami ay nakakunot pa rin ang noo ko. Naaalala ko kasi yung nangyari kanina."Melina," sabi ni Viola. Hindi ko siya tiningnan."Hmm?""Kilala mo pala si Jairus Bautista?" tanong iyon."Uh, no. Nakasabay ko lang siya sa Music Room. Why?""Nakakapanibago lang." Napatingin ako sa sinabi niya."What do you mean?" tanong ko at nakita kong napabuntonghininga siya."Hindi nakikihalubilo 'yon. Kahit si Gail ay hindi niya pinapansin. Wala naman din may pake
last updateTerakhir Diperbarui : 2021-09-14
Baca selengkapnya
Chapter 9
"What are you doing? Let me go!" Naiinis na sabi ko at itinanggal ko ang pagkakahawak niya sa wrist ko nang makalabas na kami sa bookstore. "Ihahatid na kita pauwi," sabi niya."No." Matigas na sabi ko at iniwan siya roon. Hindi pa man ako nakakalayo roon nang mapatigil ako sa paglalakad ko. There is a familiar voice that I've heard. Lumingon ulit ako kung saan ko iniwan si Jairus. Bahagyang nanlaki ang mga mata ko nang makita kong may isang black fortuner na nakatigil sa harapan ng bookstore. May kinakausap si Jairus mula sa loob noon.Hindi kaya si Yenny Peninsula 'yon? Dahan dahan akong lumapit roon at doon ko narinig ang boses niya. Kabadong-kabado ako dahil pati sa boses ay kapareho niya si Mama."Hindi ka pa ba sasabay sa akin?" tanong niya kay Jairus."Hindi na po, Ma. May ihahatid pa kasi ako," sabi ni Jairus na walang pinagbago sa boses niya."Sino? Girlfriend mo?" Bigla siyang napatingin sa akin na kahit nakashad
last updateTerakhir Diperbarui : 2021-09-18
Baca selengkapnya
Chapter 10
"Jairus! Sandali!" Binilisan ko ang paglakad ko para lang maabutan siya. Bakit ba ang bilis niyang maglakad?Habol-habol ko ang hininga ko nang maabutan ko siya. Nakatingin lang siya sa akin. Hindi ko tuloy maiwasan na makaramdam ng pagka-ilang sa paraan ng titig niya sa akin.Nang maayos na ang paghinga ko ay umayos ako ng pagkakatayo ko. "Sundan natin si Gail, baka kung anong gawin no'n." "Walang gagawing masama 'yon. Pumasok ka na sa room mo," sabi niya at walang bakas na pag-aalala sa boses niya. Ganyan ka bang klasing lalaki?Akmang tatalikod siya nang tinawag ko ulit ang pangalan niya. Nilingon niya ako at hinintay ang sasabihin ko.Kinuha ko sa bag ang Jacket at ang Notepad niya."Here, thank you again." Ibinigay ko sa kaniya ang gamit niya at kinuha naman niya ito.Pagkatapos kong ibigay sa kaniya ang mga 'yon ay naglakad na ako papunta sa room ko. Habang naglalakad ako ay parang nakaramdam ako ng lungkot. Hindi ko alam
last updateTerakhir Diperbarui : 2021-09-18
Baca selengkapnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status