Share

Just Youth
Just Youth
Author: MoonieEclipse

Simula

Youth? Para sa iba kailangan mong mag-enjoy dahil hindi habang buhay ay magiging bata ka. Paano ko ma-eenjoy 'yon kung gayon mas kailangan ako ng pamilya ko. Hindi ako lumaki sa marangyang buhay kaya naman namulat na ako sa buhay na mayroon kami. Kailangan kong kumayod para sa kapatid ko at sa pamilya ko. 

Hindi ko din naman ma-sisisi sila Mama na ganito ang buhay na mayroon kami, masaya naman kami namumuhay ng payapa. Napag-sasabay ko ang pag-aaral ko at ang aking pagpa-part time job. Mas pinili ko na mag-trabaho ng maaga kaysa magpaka-saya habang nagugutom ang aking pamilya.

Ayaw akong pag-trabahuhin nila Mama pero nag-insist ako at gusto kong makatulong sa kanila. Lagi nilang sinasabi na kaya na nila ngunit bilang panganay na anak gusto ko din makagaan sa gastusin, kaya naman ako na ang nagpa-aral sa sarili ko at ngayon ay magko-kolehiyo na ako. 

Nakahanap din naman ako agad ng scholarship para mas gumaan gastusin ko. "Anak sigurado ka ba ikaw na magpapa-aral sa sarili mo kasi kaya namin ng Papa mo na pag-aralin ka," nag-aalalang tanong ni Mama. "Oo ma, kaya ko na po, si Cindy po ang intindihin niyo. Tutulong pa din naman po ako sa gastusin dito sa bahay kahit sa mga kapatid ko ayokong mabigatan kayo lalo na sa mga gastusin," I assured her. "At saka Ma, nag-apply din ako ng full scholarship kaya hindi ako maha-hassle sa mga gastusin ko dahil mas nakatipid pa ako dahil doon," I added. "Anak...salamat ha dahil ang bata mo pa para sa ganitong bagay pero nagawa mo ng tumulong sa amin, pasensiya ka na anak ha. Sana hindi mo na inabot ang ganito kung nagpursigi pa kami," naiiyak na sambit ni Mama. 

I felt so weak dahil ngayon ko lang nakita si Mama na umiyak sa harap ko dahil hindi ko naman siya nakikitang umiyak. "Ma...okay lang po hindi ko kailangan ng marangyang buhay para lang makuha ang mga gusto ko, mas gusto ko pong makatulong sa inyo kaysa maging pabigat sa inyo...Ma konting tiis na lang...mabibigyan ko na kayo ng buhay na gusto niyong makamit...konting tiis na lang Ma maii-ahon ko na kayo sa hirap," I tried not to be weak in front of my mother, gusto kong maging matatag sa harap nila kahit alam ko sa sarili kong hinang hina na 'ko. 

"Huwag mo pababayaan ang pag-aaral mo anak ito na lang regalo mo sa'min ng Papa mo," she said. I nodded as an answer. Madami akong part time job na pinasukan halos lahat na ata gusto ko ng pasukin para lang sa kanila pero hindi puwede dahil nag-aaral ako at ayokong mapabayaan 'yon. Ito na lang mayroon ako at ang pamilya ko hindi ko p'wedeng pabayaan ito.

"Opo Mama, pangako ko po sa inyo na magiging magna cum laude ako balang araw hindi ko kayo bibiguin," I promise to my mother. Kahit man lang iyon ay mai-pangako ko sa kaniya. "Kahit huwag na anak, masaya na kami sa kung ano lang ang kaya mo. Sobrang proud na namin sa'yo ngayon palang," she smiled. "Basta Ma, mag-aaral akong mabuti para sa inyo," I said. "Basta lagi mong tatandaan na nandito lang kami kapag hindi mo na kaya ha," she declared. I nodded as an answer. Niyakap niya ako para sabihin na hindi ako nag-iisa sa laban na hinaharap ko ngayon dahil nandiyan sila para gabayan ako. 

"Ano ba 'yan ang aga-aga nag-dadrama kayo Ate! Kumain ka na dahil unang araw mo sa bago mong school," singhal ni Cindy. Natawa ako dahil kung sino pa bata siya pa ang madiwara. "Oo na madam ito na nga kakain na nga ako 'tapos papasok na," pang-aasar ko. Inirapan niya ako pero mahal niya ako kahit minsan ay mataray siya. "Ikaw naman Cindy tinatarayan mo na naman Ate Rachel mo," natatawang sambit ni Mama. Tatlo kami magkakapatid may pinakabata pa akong kapatid bukod kay Cindy. "Ma, si Theo ba may gatas pa?" tanong ko dito. "Oo 'nak. Huwag mo ng ibili kami ng bahala ng Papa mo sa gatas ni Bunso," she said.

Hindi na ako nakipag-talo dahil hindi din naman ito magpapatalo sa akin. Hindi ko din alam kung saan sila kumukuha ng pera para pang-tustos sa dalawa kong kapatid. Ayaw naman sabihin sa akin ni Mama. "Rachel hayaan mo na kami ng Mama mo ang bahala sa gastusin ng mga kapatid, isipin mo din sarili mo huwag puro kami," pangaral ni Papa. Tama naman siya hindi ko na din naiisip ang sarili ko dahil sila lagi ang inaalala ko kaysa sa sarili ko. "Pa..." I said.

I'm always asking myself, masaya pa ba ako sa buhay ko? Makakaya ko pa ba? But I end up choosing to fight my battles that I have in silence, pinipilit kong magiging matatag para sa kanila kahit hindi na para sa akin.

Nag-paalam na ako sa kanila na papasok na ako. Maaga din naman kami nagising dahil unang araw ko dito sa Madison University it was a private university hindi ko din alam bakit dito ko naisipan mag-aral ngunit hindi ko naman makakaya ang tuition fee, luckily I have scholarship natanggap din ako agad. I choose to take the course Bachelor of Secondary Education major in Filipino. Hindi ko alam bakit itong major ang napili ko instead of English, I want to try something new that could challenge me. 

Nang makarating ako sa M.U agad akong sinalubong ni Keriza dahil dito din siya mag-aaral ngunit magka-iba kami ng course.Hindi kasi kami nagka-sabay kanina papasok dahil maaga siyang pumasok, halatang excited siya. "Ready ka na?" she asked while we were walking in the hallway. "Hindi ko alam...kinakabahan ako" I nervously said. "Don't be halika na ihahatid na kita sa room mo," she said.

Habang naglalakad kami ay hindi namin napansin na may mabubunggo kami. I accidentally bumped into someone kaya naman napahiga pa kaming dalawa dahil hinatak ako.

Lahat ng sa paligid ay napa-woah. Nang makita ko kung sino ang nadaganan ko...I suddenly felt weak because of his handsome face... Hindi ko alam bakit ko ito nararamdaman. "Miss ano? Titingin ka na lang ba sa g'wapo kong mukha?" the boy said. What the freak? Hindi ko din napansin na naka-hawak siya sa ass ko. Agad naman ako tinulungan ni Keriza na tumayo. "Nice ass," the boy said agad naman nag-init ang ulo ko dahil doon, "Pervert!" sigaw ko at umalis na sa harapan nila.

G'wapo nga pero manyak naman!

"See you around Baby!" the boy yelled. As if magkikita kami! Ayoko ng makita ang manyak na iyon kainis naman kung kailan unang araw ko dito ay mawawala agad ako sa mood.

"Uy baby daw," pangbubuyo ni Keriza. "Tumahimik ka ah, hindi na kami magkikita no'n! At ayoko na siyang makita kahit kailan!" reklamo ko at tinawanan niya lang ako. Hindi ko napansin na nandito na pala ako sa room ko. Nag-paalam na kami sa isa't isa bago ako pumasok. "Kita na lang tayo mamaya sa labas," bilin niya bago umalis, pumayag naman ako dahil wala naman akong kasabay kung hindi siya lang naman. 

Nang makapasok ako ay agad kong nakita ang hindi ko malaman na tingin nila sa akin para naman ako kakainin nito. Choz. Ngunit nakakaba talaga tingin nila sa akin, hindi ko kung gusto ba nila na nandito ako o naninibago lang sila? Ay ewan, hindi naman iyon ang pinunta ko dito. Bahala sila. 

Pumunta ako sa bakanteng upuan sakto naman may katabi naman ako doon. "Hi, ako nga pala si Larisa!" maligalig na bungad ng isa kong kaklase. "Ako naman si Rachel," pagpapa-kilala ko.

May biglang lumapit naman sa akin na isa pang babae. "Hi! Ako naman si Zaynab," she introduced. "Zeinab Harake?" pang-aasar ko. "Ganda ko naman," natatawang sabi niya sabay flip ng hair. "Maganda ka naman Zy, hindi lang kasing ganda ni Zeinab," pang-aasar ni Larisa. "Lechugas ka, kahit kailan," pikon na sambit ni Zaynab. Nag-tawanan kami doon.

"Bakit kayo nagkakatuwaan?" Singit ng isang lalaki. "Bida-bida ka naman," mataray na sambit ni Lariza. "Sorry ha pasensiya na lodicakes kung bida-bida ako ha," madramang tugon ng lalaki. Natawa naman ako doon. "Hi, by the way my name is Lazarus," he offered his hands and I claimed it. Nakipag-shake hands ako. "Rachel," pag-papakilala ko sa sarili ko. "Sa pagkakaalam ko Filipino major tayo pero nag-eenglish ka Lazarus," Zaynab laugh. "Gusto ko lang i-try mag english ka-epal niyo naman," parang bata na sambit ni Lazarus.

Biglang gumaan ang pakiramdam ko sa kanila dahil unang araw pala ng klase maganda na ang simula ko sa kanila. Hindi pa rin maalis sa isip ko ang nangyare kanina sa hallway naiinis pa din ako.

"Oh bakit busangot ka?" Lariza ask. "Wala may nangyare lang kase kanina sa hallway bago ako nakarating dito," I heavily sigh. "Ano nangyare?" she suddenly intrigue. "Wala lang 'yon may manyak lang," I laugh. "Hay nako hindi mawawala 'yon dito!" singit ni Zaynab.

I just laughed... Nagkwentuhan muna kami bago pumunta sa respective seats namin dahil dumating na ang professor.

This is the new beginning of my life. I hope I can do it well without disappointment and regrets...

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status