SPG: Karahasan, LengguwaheVerania's Point of ViewHindi ko na mabilang kung ilang beses akong napasilip sa phone para makita ang oras.Sa ngayon dalawang bagay ang h
SPG: Lenggwahe, KarahasanVerania’s Point of ViewNapatigil naman siya nang marinig akong nagtanong. Hinarap niya ako saka tiningnan nang mabuti."Kailangan ka nila nang buhay." wika niya sa akin sabay alis.Bakit naman kaya?Saktong pagkawala ng babae sa paningin ko ay sakto namang lumitaw ang panibagong tao sa harapan ko.Ano na naman kaya ang sadya nito sa akin?Nang i-angat niya ang kanyang paningin ay agad na kumunot ang aking noo nang magtagpo ang paningin namin. Lalo pa akong nagulantang nang sumilay nang mabuti sa akin ang kanyang mukha.Si Former Mayor? Anong- Teka- Kasama siya rito?
Verania's Point of ViewPagkarating namin sa ospital ay agad na sinalubong nina Tito Stan at Tita Charlotte ang anak nilang si Ares. Pansin kong nasa likuran na rin nila si Olivia. Hindi na ako nagtaka nang magtama ang aming paningin ay masama niya akong tinititigan."Ayos ka lang ba anak?" nag-aalalang tanong ni Tita Charlotte kay Ares. Nang ilipat ko ang paningin ko sa kanila ay agad 'kong nakagat ang aking labi lalo na at habang inuusisa nina Tita Charlotte si Ares ay nasa akin ang paningin niya."Ayos lang Mom, uuwi na dapat kami ni Vera but she insisted mas maganda raw na matingnan muna ako ng doktor," pahayag ni Ares kaya agad na tumulay ang mga mata ni Tita at Tito kaya lumipat sa akin ang mga paningin nila."Ikaw Verania, are you also alright?" tanong agad ni Tita saka pinagmasdan ang katawan ko.
Verania's Point of View"Nasa loob busy 'yon lagi sa pagpa-piano, In-enroll kasi ni Mommy sa piano class kaya 'yon na-enjoy masyado," paliwanag niya at parang bata akong napatango.Kasalukuyan kaming kumakain nang biglaang dumating si Congressman. Nakaramdam naman ako ng kaba, ewan ko ba, ang dating kasi ni Congressman Donatelli nakaka-intimidate na ewan. Hindi ko alam kung ako lang ang nakararamdam nito sa amin.
Verania's Point of View Isang maaliwalas na araw na naman ang kinakaharap ko ngayon. Naiwan muli kami ni Ares kasama ang mga kasambahay sa bahay nila kaya naman medyo nabo-boring-an ako. Wala kasi akong magawa rito. "Ares!" malakas na tawag ko sa kanya. Kasalukuyan kami ngayong nasa loob ng office and study room sa bahay nila. Ngayon ko lang ito napasukan, ilang buwan na ako sa kanila pero ngayon pa lamang ako nakapasok dito. Parang restricted area naman kasi, makakapasok lang ako kapag may permit, tulad ngayon nakapasok lang ako dahil in-allow ako ni Ares sa loob. "May comics ba rito? O kaya mga joke book gano'n?" curious na tanong ko at pinagmasdan ang bawat bookshelves na dinadaanan ko. Nakaarko
Verania's Point of View "Bakit, ako na ba ang gusto mo?" biglaang tanong niya na bahagyang nagpatikom sa aking labi at agad na bumaling sa kanya para saglit na makipagpalitan ng tingin sa kanya. "Yabang mo, p're," bulong ko at humalakhak pero nagseryoso ang mukha niya. Tss
Verania's Point of View Kasalukuyan pa rin akong nakahiga sa aking kama at hindi pa rin nagagalaw mula sa posisyon ko kanina na yakap ni Ares. Tila estatwa akong nanatili roon at pinanonood lamang si Ares sa gilid ko na nag-iinat bago siya bumangon nang tuluyan. Habang nakapako ang paningin ko kay Ares ay kusa itong natanggal nang marinig ko ang pagbukas ng aking pintuan. Mabilis na lumipad patungo roon ang mga mata ko at iniluwa ng pinto si Olivia. Bilog na bilog ang mga mata niya nang makita ang nilalaman ng kwarto ko. Nanatili lamang siyang nakatayo, and as for me, mas lalong hindi ako natinag mula sa aking kinahihigaan. Damn it Ares, bakit kasi tinabihan mo 'ko? Panigurado issue na naman 'to. Hiyang-hiya ako kaya naman halos magtago na ako sa ila
Verania's Point of View Bakit kaya ganito ano? Wala naman akong ginawang masama sa kanya, actually hindi ko kasalanan ang break up nila ni Ares pero bakit pakiramdam ko ako pa rin ang may kasalanan? Bakit nagi-guilty ako, kahit wala akong bagay na ginawang makakasakit sa kanya? "Eh, bakit hindi mo balikan?" humina ang boses ni Olivia nang itanong niya 'yon.