Gabriella's Point of View
"Hi!" masiglang bati ko pagkaupo ko sa mismong harapan ng bartender.
"Cocktail drink pare," nakangising saad ko pa habang inaayos ang suot kong beret.
"Noted Ma'am!"
Habang hinihintay ko ang aking order pinaikot ko na ang aking paningin sa parte ng bar na natatanaw ko.
"This seat is a good choice," I whispered to myself as my eyes continues to wander around the place.
Narito ako para magmanman sa paligid. Ito ang lugar na ini-utos sa akin ni Kapitan Victorino. Nais niyang hanapin ko rito si Armando del Prado, ang isa pa sa mga taong nakalaban ni Mayor Stanley sa pagka-Mayor noong huling eleksyon.
Maaari kasing kasapi rin
Gabriella's Point of View "You barely know me, Cristoforo." "So what, dahilan na ba 'yon para hayaan kitang mapahamak?" Naitikom ko ang labi ko matapos niyang sabihin 'yon sa akin. Ito na ba ang sign na siya'y para sa akin? Joke.
Verania's Point of ViewBukas na ang sinabi ni Sandra sa akin na vacant day ni Alder sa trabaho kaya naman binalak ko nang makipagkita ngayon sa kanya.The time's a bit late, it's already 12 midnight, pero mas magandang ito ang oras sa pag-uusap namin. Tahimik na, wala pang sagabal almost everyone around here is asleep.Ang pinili kong lokasyon ay ang parke na hindi kalayuan sa pamamahay nina Ares. Pinili ko rin na hindi ganoon kalayo para hindi na ako magdala ng sasakyan, wala kasi akong binalak sabihan na aalis ako.Wala sina Tito Stan at Tita Charlotte sa bahay, si Olivia wala rin tanging si Ares lamang ang naroon pero alam kong safe siya dahil naroon naman si Gabriella at ang iba pa para maprotektahan siya.
Verania's Point of View"Trust me, you have done nothing wrong. Pero maniwala ka man o hindi, you don't really love me in the way you think you do."Halos nag-abot sa gitna ang aking kilay matapos ma-digest ng utak ko ang sinabi niya."Mahal kita, ano bang pinagsasasabi mo riyan?" angil ko."Verania, I know you love me. Pero sa nakikita ko ngayon, mahal mo na lamang ako bilang kaibigan.""Rubbish!" pagkontra ko habang napapailing pa."Verania, makinig ka. You can deny it, pero ang tunay mong mahal ay si Ares! Your eyes are silently telling me that it's him! The way you wanted to catch the culprit, the way you wanted to protect him, the way you tell me his name, I know... you love him!"
Verania's Point of ViewBago ko hayaang magtagpo muli ang mga mata namin ni Ares ay bumaling muna ako kay Alder nang mabuti. Tinanguan niya ako at mukhang nakuha niya ang sini-signal ng aking paningin kaya naman tahimik siyang umalis sa tabi ko para siguro magpunta muna sa ibang lugar.
Verania's Point of ViewAng malalamig niyang titig ang agad na sumalubong sa akin at dahan-dahang gumuhit sa labi niya ang ngisi bago magsimulang magwika."Alam mo na siguro ang dahilan kung bakit ka pinatawag..." seryoso subalit mukhang nasisiyahan niyang batid."You were supposed to guard Mr. Ares Montero, the son of Mayor Stanley Montero pero dahil pabaya ka, mas inuna mo pa ang kagustuhan mo sa halip na gawin ang trabaho mo. Dahil wala ka sa ang saktong pagdating ng kalaban ay malaya silang nagawa ang nais nila," panimula niya."Maraming nakatataas ang bilib sa skills mo sa pakikipaglaban kaya nga pumayag sila na ikaw ang ilagay diyan ni Victorino subalit, hindi ko maintindihan Portier, bakit ka nga ba umalis? Hmm..."Yumuko ako para itago ang reaksyon ng mukha ko. Hindi nalang kasi mag-straight to the point."Alam mo bang halos wasakin ng kalaban ang bahay ng Montero, mabuti at nakatawag ang isa niyo p
Verania's Point of ViewHapon na nang ako ay magising, umuwi ako sa bahay namin para doon makatulog at makapagpahinga.Kasalukuyan kasing isinasaayos ang bahay nina Ares dahil may mga gamit na nasira, hindi ko na rin muna binalak sa kanila tumuloy dahil panigurado sermon ang aabutin ko.Pagkalabas ko sa aking kwarto ay tapos na akong maligo kaya dumiretso na ako sa kusina para kumain."Ate Linda, nasa trabaho po ba sina Papa?" tanong ko sa isang kasambahay na nadatnan ko sa kusina."Oo, Vera. Nagulat nga sila nang nalaman na umuwi ka.""Ah, ganoon po ba? Sige po, pagkakain ko aalis na rin ako, kayo na lamang po muna ang bahalang magsabi sa kanila na umalis ako
Verania’s Point of View Bibilisan ko na sana ang aking paglalakad nang matigilan ako dahil natagpuan ng mga mata ko si Ares, may bitbit siyang basket sa isa niyang kamay na mukhang prutas ang laman.Narito na naman siya sa ospital! Ano ang ginagawa niya rito?Halos sumabog ang dibdin ko sa kaba nang magtama ang mga mata namin. Kanina gusto ko siyang makausap, ngayong nasa harapan ko na siya parang gusto ko nalang magpalamon sa lupa. Hindi ko alam kung bakit umaarte akong ganito na dapat ay hindi naman.Napakurap ako nang matagpuan sa tabi niya si Clara. So, magkasama pala sila...Teka, silang dalawa lang ba ang nagpunta rito? Wala ba silang bodyguard o bantay man lang? Papaano kung mapahamak muli itong si Ares?Kaya naman sa halip
Verania's Point of View"Ano ang pag-uusapan natin?" tanong ko nang makarating kami sa tabi ng pool nila."Maupo ka muna," kalmadong pahayag niya sabay turo sa silya sa harapan niya. Hindi na ako nagreklamo at naupo na nga roon."Manang!" nakangiting tawag niya sa isang kasambahay na napadaan sa tabi ng pool."Hija, ano 'yon?""Pakuha po kami ng maiinom na juice, salamat.""Sige hija, ihatid ko nalang."Nang makaalis nga si Manang, ay muli na akong hinarap ni Olivia."Kaninang madaling araw, nalaman ko na umalis ka rito kaya nagkaroon ng pag-atake sa bahay,