Vera's Point of View
"Breakfast ready!" sigaw ko, nang makapasok ako nang tuluyan sa kwarto ni Ares. Oo, breakfast in bed ang mokong, tamad daw siyang umalis sa kama, iyon ang narinig ko sa mga kasambahay kaya sa kwarto siya mag-aagahan.
Kahapon nalaman ko na magkatapat lang kami ng kwarto at pareho kaming nasa ground floor lang din dahil mahirap bumaba sa hagdan ng naka-wheelchair.
"Put it here tapos, pwede ka nang umalis." masungit na wika niya kaya umikot ang aking mga mata. Umagang-umaga, ang sama ng timpla!
Hanggang ngayon ba naman, masungit ang nilalang na 'to? Ano ba ang ikinakagalit niya? Ang mismong ideya ng pekeng kasal na hindi niya alam na peke o iba pang mga dahilan na tanging siya lang ang nakakaalam dahil, ayaw niyang magsabi? Hay ewan, napaka-unpredictable talaga minsan ng utak ni Ares eh, minsan gusto ko nalang siyang sapakin. Joke, baka matanggal naman ang ulo niya kapag sinapak ko.
Dati kapag kasama niya ang mga ka-close niya, madaldal siya at kapag hindi na niya mga ka-close ang mga kasama niya, hindi siya pala-salita kung hindi kailangan. Pero ngayon? Parang lahat kami, stranger sa kanya! Ewan ko kung sa lahat ganito siya, pero kasi pagdating sa akin, masungit na nga tahimik pa! Ang totoo, trip ba ako nito?
Well, hindi ko naman siya masisi-sisi sa ginagawa niya dahil, unang-una kaka-aksidente niya lang tapos, naging pansamantalang lumpo pa. Sino ang sasaya roon? Panigurado kahit ako, baka magbugnot ako lagi. Baka segu-segundong nakabusangot ang pagmumukha ko.
"Ano pang ginagawa mo d'yan? Alis na sabi eh!" naiinis na wika niya pero, nagmatigas ako at naupo pa sa dulo ng kama niya.
Aba, pakapalan na! Aayusin ko na ang paraan ng pagtrato niya sa akin, dahil mukhang matatagalan ang pagrito ko sa tirahan nila. Isa pa, kailangan kong magpanggap na fiancée hanggang asawa niya in the near future kaya kailangan, maganda ang trato namin sa isa't isa para makita ng kalaban, kung gaano kami ka-close at kamahal ang isa't isa.
Nasamid ako sa huli kong dinugtong. Ang weird hindi ko maisip na magugustuhan ko si Ares. Ang daldal nito kapag kaming mga kaibigan ang kaharap niya e, madaldal pa sa babae. Putak dito, putak do'n.
"Alam mo Ares, hindi mo na ako kailangan pang sungitan araw-araw dahil magsasawa ka lang! Simula kasi ngayon, ang magandang pagmumukha ko na ang lagi mong makikita mula umaga, hanggang gabi," nakangisi na saad ko, pero gayon pa man, hindi ko tinanggal sa aking tono ang pagiging kalmado.
"Hindi ako papayag na maging asawa mo, nakalimutan mo na bang may iba akong gusto? Kaya naman ngayon pa lang, ipinapaalam ko lang na, hanggang bodyguard at nurse ka lang," saad niya sa isang malamig na tinig kaya, napatawa ako at tinapik siya sa kanyang braso.
"Okay, okay! Bahala kang gawin ang gusto mo basta, bati na tayo huh?"
"Tss," rinig kong singhal niya kaya, napatayo ako at lalabas na sana pero nagsalita siya kaya agad akong napalingon.
"You're my driver too, right?"
"Oo, bakit naman?"
"I want a date." wika niya kaya nanlaki agad ang mga mata ko.
"Date? As in date natin?" Napamulagat ang mga mata ko nang titigan siya sa mga sinabi niya. Date daw?
"Tama na ang maraming tanong basta ten o 'clock aalis tayo para, mag-punta sa restaurant. I want to check something there, tapos diretso na sa date," wika niya kaya agad akong napatango.
Date? Ako ba ang ide-date niya? Wala naman kasi siyang sinabi kaya, hindi na ako mag-a-assume. Gusto ko lang talaga siya makasabay sa pagkain dahil, alam kong masarap siya magluto. Mostly kasi sa mga dates niya, siya ang nagluluto, kaya naman hindi kataka-taka na sobrang sarap talaga. Ang galing kaya magluto ni Ares! He’s not a chef for nothing!
Gaya ng sinabi niya, alas-diyes ay umalis kami papunta sa main branch ng restaurant nila. Iyon kasi ang lugar na itinuro niya kaya, agad ko naman na sinunod.
Nakasuot lamang ako ng isang itim na t-shirt na naka-tuck in sa aking pantalon. Naka-rubber shoes akong itim din ang kulay at syempre hindi ko nakalimutan itali ang buhok ko na sagabal everytime na nagmamaneho ako. Nililipad kasi everywhere, hindi ko naman gustong ipagupit dahil tuwang tuwa ang Lola ko tuwing nakikita niya ang buhok ko na mahaba. Mabuti na lamang kapag naka-uniporme kami, kailangan laging nakatali ang buhok.
Nasa passenger's seat si Ares habang diretso lamang ang tingin sa harapan. Ako naman, panaka-naka ang pagsulyap sa kanya. Ang tahimik niya kasi, sobra. Akala ko ayos na kami pero, mukhang hindi pa yata...
"Bakit ganyan ang suot mo?" tanong niya na nagpa-tapak sa akin sa preno ng sasakyan. Salamat na lamang ay wala kaming gaanong kasabay na ibang sasakyan, masyado kasing biglaan ang pag-preno ko baka mabangga ko sila kung sakali.
"Bakit, mali ba?" takang tanong ko, dahil hindi naman kami ang magde-date hindi ba?
"Hindi naman, kinuwestiyon ko lang," saad niya kaya nakahinga ako nang maluwag.
Akala ko naman, kung ano ang sasabihin niya, iyon lang pala…
"Anyway, mag-ingat ka sa pagmamaneho, baka sa halip na makalakad pa ako ulit hindi na matupad," saad niya kaya napatango ako.
"Sino bang ka-date mo? 'Yong doktora?" tanong ko sabay sulyap sa kanya sa salamin na nasa harapan.
"Yeah," sagot niya at sinipat ang oras sa relo.
"Mamayang 12 sunduin mo siya sa ospital." saad niya kaya, sumulyap muli ako sa kanya.
"Sasama ka sa akin ha?" paalala ko at tamad siyang tumango kaya, napanatag ako.
Hindi siya pwedeng mawala sa paningin ko dahil, hindi pa rin maayos ang kalagayan niya at maging ng paligid niya.
Nakarating kami sa restaurant at pumasok siya para tingnan ang balak tingnan samantalang ako, hindi na ako pumasok. Safe naman siya sa loob ng part na 'yon ng restaurant kaya, hindi na talaga ako sumunod. Nag-aabang lang ako sa labas habang nakaupo sa isang table na walang tao.
Ang taray ng restaurant nila, mamahalin pero maraming kumakain. Well, hindi ko naman sila masisisi masarap naman kasi ang mga putahe rito. Lalo na kapag si Ares ang may pakulo.
Tamang nilalaro ko lang ang daliri ko kasabay sa beat ng tumutugtog dito sa restaurant.
Bantay na bantay nga sa akin ang oras hanggang sa agad akong tumindig nang makita ko si Ares na lumalabas na.
Hindi ko napansin na alas-dose na ng tanghali. Susunduin na pala namin ang nililigawan niyang doktora.
Napangiti ako agad nang makita ang ngiti sa kanyang labi. Masayang-masaya talaga siya sa trabaho niyang ito.
Nang tulungan ko siyang makapasok sa sasakyan na dala namin ay agad na umikot ang mga mata ko sa paligid para maka-sigurado na walang kakaibang nagaganap.
Matiwasay akong nagbukas ng pintuan ng driver's seat nang makita na walang kakaiba sa paligid. Naupo ako sa tabi ni Ares at nilingon ko siya para, itanong kung saan kami pupunta.
"Saang hospital?" tanong ko habang isinusuksok ang susi sa susian ng sasakyan.
"NorthEast Hospital, Clara ang pangalan niya,” maikling sagot niya gamit ang isang kalmado na boses.
Nang marinig ko 'yon, pinihit ko ang susi at pinaandar ang sasakyan sa isang hindi kabilisan at hindi rin kabagalan na takbo.
"Mukhang gumanda yata ang araw mo dahil sa pagpunta mo sa restaurant?" Diretso ang mga mata ko sa kalsada, habang naghihintay ng isasagot niya.
"Medyo," tipid na sagot niya kaya, hindi ko na binalak pa magsimula ng panibagong usapan, dahil mukhang wala siyang naitabing budget para makipag-usap sa akin. Masyadong tipid sumagot eh.
"We are here!" Pagtatapos ko sa katahimikan nang nakarating kami sa ospital kung saan nagtatrabaho ang kanyang nililigawan.
"Sa labas lang ako huh? Abangan ko na siya. Ikaw, dito ka lang, understood?" tanong ko at kahit mukhang nagsusumamo ang itsura niya na palabasin ko rin siya, napatango na lamang siya.
--
snsp
Third Person's Point of View Dumating na nga ang panahon at ang oras ng pag-alis ni Ares. He was accompanied by his grandfather Thaddeus Montero. Gaya nga ng naisip ni Verania ng mga panahon na kumbinsihin niya siya Ares ay hindi siya sumama. Ares texted her that he'll wait at the airport for her before he finally leave pero, hindi na naisip ni Verania ang pumunta. She know that she'll ruin everything again, once she goes to him. Kaya naman sa halip na dumiretso nga sa airport, sa bar ni Olivia siya nagtungo, tanghaling tapat 'yon kaya naman walang mga tao sa loob, tanging si Verania lamang at syempre si Olivia na siyang taga-bigay ng inumin sa dalaga. "Hindi ko iniisip na mas pipiliin mong uminom kaysa ihatid si Kuya," pahayag ni Olivia kay Verania na nilalaro ang yelo sa kanyang inumin. She's drinking non-alcoholic drinks kaya naman malakas ang loob niyang dire-diretsuhin ang paglagok sa bawat baso. "Joke ba 'yan?" nakataas ang kilay ni Verania nang tanungin iyon. Napahalakh
Verania's Point of View Isang buwan na rin ang nakalipas mula noong mahuli ang may sala sa pagkakapahamak sa buhay nina Tito Stan at Ares. Hindi ko na rin gaanong napansin ang mabilis na pagtalon ng mga buwan. Maging ang feelings ko nga ay hindi ko rin namalayan ang pagbabago.
Third Person’s Point of View"Glad you asked me that, First Lieutenant," maligayang saad ni Sid sabay baling sa katabing si Gustavo."Pwede bang ako na ang babaril ng isa sa kanila?" paalam ni Sid na may malapad na ngiti, ngumiwi naman si Gustavo sa tanong ni Sid."Sino sa kanila? Si Ares ba?" tamad ang tono na tanong ng Congressman."Oo sana, kung pwede.""Go ahead, bago pa magbago ang isipan ko," tamad na responde ni Gustavo at binaba ang baril niya.Samantalang si Sid naman ay mahigpit na hinawakan ang baril saka kinasa iyon. Dahan-dahan niyang inangat ang braso at tinutok ang baril kay Ares na nagpagulantang kay Verania.
Third Person's Point of View"Napakarami niyo naman!" reklamo ni Gabriella dahil marami-rami na ang naigapos at napabagsak niyang kalaban nila."Miss Gab, hindi pa rin po namin makita si First Lieutenant, Sir Ares at ganoon na rin si Greg," pahayag ni Tristan nang malapitan niya si Gab na kasalukuyang nag-iinat."Hanapin niyong mabuti, alam kong malaki ang lugar na 'to at maraming pasikot-sikot pero mahahanap niyo rin sila, bilisan niyo lang, nakakapagod umiwas sa mga pananakit ng mga kalaban dito!" reklamo ng dalaga at mabilis na sumaludo si Tristan at sinunod na nga ang sinabi ni Gab, ipinamalita niya sa mga kasamahan niya ang utos ng dalaga nang mas mapabilis sila."Second Lieutenant," pagtawag ni Josefa, isa sa mga kagrupo nina Verania kay Gabriella na agad
Third Person's Point of View"Pinapakawalan ka," maikling tugon nito kaya sarkastikong napahalakhak naman si Verania sa kanya."Nagbibiro ka ba?" inis na tanong ni Verania na hindi pa rin nawawala ang pagiging sarkastiko."Nagbibiro ako kung sinabi kong pinapakawalan kita tapos hinih
Third Person's Point of View"Boss, may nakahanap sa atin!" malakas na sigaw ng isang lalaki kay Gustavo kaya biglang lumiwanag ang mukha ni Verania, dahil panigurado kung sino man ito, magagawa nitong mailigtas si Ares."At paano naman kaya nila tayo nahanap? Tayo lang naman na narito ang nakakaalam ng lugar na 'to!" nakahawak sa batok na wika ni Gustavo at muling binalingan ng mga mata ang lalaking nagsabi ng kalagayan sa labas."Make distraction, harangan niyo muna kung sino man sila!" sigaw pa ni Gustavo at mabilis na nawala sa paningin ang lalaking kanina lamang ay narito."Huwag na huwag niyong hahayaan na makapunta sila rito!" dagdag pa niya kaya ang ibang kanina lamang na nasa loob ay mabilis na nagsilabasan sa loob ng kwarto kung saan sila naroon, para