LOGINHindi na nabilang pa ni Carmina ang paglipas ng mga araw. Naghilom na ang mga sugat niya at mabilis niyang nakasanayan ang buhay roon sa Parola. Maaga siyang gumigising sa umaga at maaga ring natutulog sa gabi. Walang gadgets. Wala ang mga bagay na pinagkakaabalahan niya dati. Tanging awit ng mga ibon at ingay ng kuliglig ang musikang naririnig niya. Pero nakapagtatakang hindi man lang siya nakadama nang pagkainip kahit lumaki siya sa siyudad at hinubog sa mga aktibidad na tila laging naghahabol sa oras.
"Tapos ka na?" Lumapit sa desk niya si Lenna at sinilip ang ginagawa niyang payroll ng mga trabahante.
"Malapit na." Hindi siya nag-abalang sulyapan ang babae.
Binigyan siya ni Marco ng trabaho rito sa opisina nito. Clerical jobs, nothing that she can't handle. Pumapasok din dito si Lenna bilang secretary ng binata.
"Totoo bang doon ka natutulog sa quarter ni Marco noong una kang dumating dito?" Malumanay ang boses nito pero may bahid ng selos. Bumalik ito sa sariling desk at may nilikom na mga papeles.
"Oo," tango niya.
"May nangyari sa inyo?"
"Masyado nang personal iyang tanong mo." Sinipat niya ng masungit na sulyap si Lenna at nagtuloy sa bintanang salamin ang mga mata. Umaambon pala sa labas.
"Ang defensive mo." Umismid ito pero hindi na ipinilit na sagutin niya ang tanong.
Sabi ni Tonio sa kaniya, naglalako lamang ng snacks ang dalaga noong nagsimula pa lang ang construction. Tapos nag-apply ito bilang secretary at tinanggap naman ni Marco. Napansin niyang efficient ito sa trabaho at organized sa mga bagay-bagay.
"Minsan na rin naman akong natulog doon sa quarter niya," pagkuway sabi nito na para bang gustong palabasin na mas nauna ito sa kaniya sa buhay ni Marco.
"So, may nangyari sa inyo?" Tumikwas ang kaniyang kilay.
"Akala ko ba masyadong personal ang tanong na iyan?" mabilis nitong supalpal.
"Di ba, parang iyon ang point mo dahil natulog din kaming magkasama?" Umirap siya at pinagtuunan nang muli ang trabaho.
Isang linggo nang hindi sila magkasama ni Marco sa quarter nito. Gumawa ng bagong cabin ang binata at doon na ito natutulog pero hindi nito nilipat ang mga gamit kaya pumapasok-pasok pa rin ito roon sa dati nitong quarter. Hindi siya nagtanong kung bakit ito humiwalay ng tutulugan. Kung tutuusin iyon naman ang dapat. Nagpasalamat pa nga siya at ito na ang kusang umiwas.
"Cj, pwede bang akin na lang si Marco? Feeling ko kasi type ka niya."
Nahinto ang mga daliri niya sa pagtipa sa keyboard ng computer. Bumaling siyang muli kay Lenna. 'Yong bitchy side niya ay gustong inisin ang dalaga pero wala naman siyang mapapala kung magpapaka-kontrabida siya sa pangarap nito.
"Nag-aalala lang siya sa akin. He knew I was brought in this place not under normal circumstances. Ayaw ko talagang mapunta rito. May career akong iniwan sa Spain." Pinili niyang sabihin na lang ang totoo.
Marco is a real temptation. A venom that any woman would love to taste even if he's deadly, and she is not an exception. Habang tumatagal ay nagiging malinaw sa kaniya ang personalidad ng lalaki. Hindi na niya kailangang imbistagahan ang background nito para malaman na isa itong notorious womanizer.
Sa pananatili niya rito'y hindi kasali ang magkaroon siya ng affair kay Marco hangga't maaari. Priority niya ang makauwi nang ligtas at makuha ang hustisya sa nangyari sa kaniya at sa mga mahal niya sa buhay.
"Hindi mo siya gusto?" hindi makapaniwalang tanong nito.
"Dapat ba magustuhan ko rin siya? Attracted ako sa kaniya, iyon lang. Guwapo kasi at may tindig. Oozing hot, 'di ba?"
Tumango si Lenna. "Gusto ko talaga siya." Huminga ito ng malalim, tanda na seryoso ito sa ipinagtatapat.
"Obvious naman. Tingin ko lahat ng dalaga rito ay gusto siya," prangka niyang wika.
Natawa si Lenna. "Mismo. May hawig kasi siyang sikat na artista."
"I noticed that."
But Marco's demanding appeal is more exuding, it oozed out in all directions like a nuclear of pheromone that calls out to women to eat him.
"Dapat siguro tanungin mo siya, baka may girlfriend siya sa kanila."
"Isang taon na raw siyang walang girlfriend, sabi niya."
Hindi siya sigurado kung tamang sabihin niya na baka nagsinungaling si Marco o palalakasin na lang niya ang loob ni Lenna. Pero halatang hindi ito liberated na babae at hindi nito kakayaning manligaw lalo na sa katulad ng binatang parehas na laman ng utak nila araw-araw.
Kapwa sila bumaling sa nakabukas na pintuan nang kumatok doon si Marco.
"Are you done? Come, take your snacks," alok ng lalaki. Suot pa rin nito ang hard hat at ibang safety gear para doon sa construction site.
"Mauna ka na, Lenna, tatapusin ko lang 'to." Kinindatan niya ang dalaga.
Ngumiti ito ng tipid at kumaripas patungo sa naghihintay na lalaki. Binalingan niyang muli ang computer at tinapos ang pag-encode ng payroll. Sumunod din kaagad siya sa ibaba. Karamihan sa mga trabahador ay tapos nang magmiryenda at bumalik na sa trabaho.
Si Lenna ay kasalukuyang inuubos ang piniritong saging na pinaypay na may harina at asukal. Kahit may laman ang bibig ay nagsasalita ito. Matiyaga namang nakikinig si Marco, bitbit ang bote ng mineral water. She ignored the discomfort poking in her heart and proceeded to where the snack table is setting-up.
Kumuha siya ng isang pirasong saging at kumagat ng malaki. Gusto niyang linlangin ang sarili, kumbinsihin na ang sundot ng mga karayom sa dibdib niya ay bunga lang ng gutom. Muntik pa siyang mabilaukan nang lunukin ang pagkain. Buti na lang may mineral water sa malapit. Dinakma niya iyon pero nagkasabay sila ni Marco at ang kamay niya ang nahawakan nito.
Kulang ay mangaligkig siya sa dumaloy na kuryente. Bakit ngayon pa natutong mag-react ng ganoon ang sistema niya? Para bang ngayon lang naging aware ang katawan niya sa malakas na epekto ng lalaki sa kaniya. Hinablot niya ang kamay kasama ang bote ng mineral water at didma sa binatang pilyong nakatitig sa mukha niya. Malamang nagkulay mansanas ang mga pisngi niya.
"Finish with the payroll?" tanong nitong hinahabol ang mailap niyang paningin.
"Not yet but I'll make sure to finish it before office hours are over."
"It can wait until tomorrow, anyway, I still have tons of blueprints to review."
"Okay," she nodded. Pasimple niyang sinulyapan si Lenna na nakatanaw sa gawi nila.
The girl's face is crumpled. Well, there's nothing she can do if Marco sticked around her, forcing a conversation no matter how senseless it can be.
"May kinuhang supplies sina Julito at Tonio kanina sa piyer. I asked them to buy personal stuff for you but the sizes I picked were random, some of the clothes might not fit."
"Okay lang, thank you." Binuksan niya ang mineral water at uminom ng tubig.
Marco's intense eyes glued on her and it is almost unnerving like he had something in his mind that's out of this world.
"Kilala mo si Akillez Lhuillier?" There he goes.
"Akillez? No, I don't know him."
"You're lying," akusa nito.
Umangat ang kilay niya. "Why would I? Mukhang sa ating dalawa ikaw ang may kilalang Akillez at hindi ako."
He squinted as his tongue made an erotic pass in his lower lip.
"He is looking for you."
"Hindi ko nga siya kilala!" sikmat niya.
"How about the Andromida? Skai Andromida, do you know him?"
Doon na siya na-intriga. She met Skai the last time she visited the Moscari duche to catch up with her cousin, Anna. Nirito ng duke ang lalaking iyon sa kaniya. But the guy is crazy in-love with her cousin.
"Did it ring a bell now?" pukaw ni Marco na lalong sumidhi ang pagdududa sa tono.
She pouted. "There is no need for you to be so worked up in this, Marco. I only met Skai Andromida twice, he is my cousin's husband. If he and this Akillez is looking for me then that perhaps because of Anna. I'm not connected with the two of them personally."
Tumango ito. Mukhang nakumbinsi naman sa paliwanag niya.
"Darating ba sila para sunduin ako? Kailan?" tanong niya.
"Who told you I'll hand you over to them? Dito ka lang sa akin hanggang sa humabang muli iyang buhok mo." May dumaang iritasyon sa mga mata.
"Is that a joke? What am I, your prisoner"
Instead of answering her, he walked out and went back to where Lenna is waiting. What's his problem?
Inubos niya ang laman ng bote at itinapo ang empty bottle sa basurahan. Her eyes drifted across the open space of unparalleled windows. Raindrops swept away by the gutsy wind soaked the thick glass making blurred silhouttes outside like a phantom shadows.
Kampante siyang nandito kahit alam niyang nag-aalala ang pamilya niya at patuloy siyang pinaghahanap. Naisip niyang baka may nakamasid lang mula sa mga taong dumukot sa kaniya at naghihintay lang ng impormasyon ang mga ito tungkol sa kaniyang kinaroroonan. Ayaw niyang ilagay sa panganib ang mga kamag-anak.
Ngayong alam niyang hinahanap siya ng pinsan, naaatat tuloy siyang makausap ito. Baka pwede niyang hiramin mamaya ang cellphone ni Marco.
In the midst of his disconnection to his memories, he finds comfort and security holding on to the one that his brain failed to erase.Carmina Juana. His girlfriend. The woman he loves. The one reason he tried so hard to claim his life back. Ito lang ang iniwang alaala sa kaniyang utak na para bang sinasabing ang babae ang tanging dahilan kung bakit siya nabuhay.Though it is somehow scary that everything started to sink in and he realized that the magnitude of memories he needed to recover is enormous.Lagi siyang nangangapa. Bawat bisitang pumapasok doon ay kailangan niyang kilatisin kung kaibigan o kaaway. Pero bakit ba siya nag-iisip na may kaaway na pupunta roon gayong bantay-sarado ang buong lugar ng mga taong nagsasabing mga kaibigan niya? Kailangan niyang huminahon at ikalma ang isip."Hey, why are you still up?" tanong ni Carmina nang datnan siya nitong gising pa kahit alas diyes na ng gabi. Dapat alas otso ay tulog na siya. Isa iyon sa mahigpit na bilin ng doctor. Mapapagod a
Marco is floating in hallow place. Somewhere he can't tell. Everything he sees is vibrant white. Are those walls? But there is no doors. Hindi niya kayang abutin dahil nag-e-expand ang kinatatayuan niya tuwing tinatangka niyang hawakan ang puting dingding na iyon.Nasaan ba siya? Is this heaven? No, impossible. Ganito lang ba ka-dull ang langit? Hindi rin pwedeng impeyerno ito. Malayo sa spiritual na paniniwalang kinalakihan niya. Hindi niya alam kung may hangin pero nakahihinga naman siya ng maayos.Paano nga ba siya napunta rito? Ano nga ang nangyari sa kaniya? Wala siyang maalala. Pero may kung ano sa puso niya. May isang bagay na gusto niyang alalahanin. Isang puwersa na nagtutulak sa kaniya para makaalis sa lugar na iyon. Pero ano iyon?***Isang linggo nang comatose si Marco, pero tagumpay naman ang anti-dote at anti-venom na pinagsamang ginawa nina Skai at Earl Kravan. Ligtas na raw ang binata sabi ni Lyam. Stable na ang vital signs lalo na ang puso nito na puntiryang patigilin
"I was able to scrape the bullet out of his wound but he lost too much blood. I think the lead was poisoned," balita ni Capt. Jrex habang nakaantabay kay Marco sa loob ng emergency room. Kasama ng kapitan sina Edan, Wayne at Javier.Under obeservation si Marco matapos malapatan ng gamot."Edan, he's burning up with fever!" tiim-bagang na angal ni Wayne. Hawak nito ang kanang binti ni Marco. Umuuga ang buong katawan ng lalaki na para bang niyayanig ng lindol mula sa loob."Don't worry, the medics were able to neutralize the spreading of poison through his vital organs. Kailangan lang nating maghintay na makapag-adjust ang katawan niya sa gamot.""Marco," pinisil ni Javier ang kamay ng kaibigan at sinubukang ibahagi rito ang init ng palad."What happened, Captain? We lost contact of him after we secure the enemy base," tanong ni Edan."I ordered his team to intercept the at large members of the bandits, they have their own snipers and Marco noticed it locking on to one of his men. He th
Isang oras lang ang pahinga ni Marco mula nang lumagak ang team niya papunta sa isla. Umaalog ang ulo niya sa antok. Hindi siya makaidlip kahit ilang minuto man lang dahil magsisimula na ang assault mission nina Edan sa kuta ng mga bandido.Inubos niya ang natitirang laman ng energy drink at hinagis ang bote sa trash bin sa sulok ng cabin. Naglibot na siya kanina para tiyaking hindi matitibag ang depensa nila sakaling papasok sa bahaging iyon ang mga bandido.Nailikas na rin sa ligtas na lugar ang mga katutubo. Sagana sa bomba ang mga kalaban. Ayaw niyang sumugal kahit tiwala siyang matibay ang perimeters na naka-setup para sa proteksiyon ng mga civilian. Kapag may nadamay na inosente, accountability niya iyon.Lumapit siya sa cabinet at binuksan iyon. Nasa loob pa ang ilan sa mga damit ni Carmina na naiwan doon. Kumuha siya ng blouse mula sa hanger at dinala iyon sa kaniyang bibig, hinalikan. Umaasa siyang pagbalik niya ay naroon pa rin sa unit niya ang dalaga at naghihintay. Pero hi
Mahigpit na ikinulong ni Carmina sa palad ang note na iniwan ni Marco. Tulog pa siya kanina nang umalis ang binata para sa rescue mission. Hindi na nila ulit napag-usapan ang tungkol sa pag-uwi niya. Umiiwas na kasi ito. Ayaw na rin niyang ipilit at baka maging dahilan pa iyon na hindi ito makapag-focus sa mapanganib na misyon nito.Muli niyang sinilip ang note at muli ring umukit ang kirot sa kaniyang puso.Love,Wherever you are, bring my heart with you as I am bringing yours with me, in battle. Your love will keep me in place as my love will lead your way back to me. I love you, Carmina. I'm looking forward to your kisses when I get home.MarcoNilapag niya sa sidetable ang note at tumayo. Kagabi pa siya kabado. She expected Marco to make love to her but he went back to the bar for the final briefing. She dozed off while waiting.Matamlay na nilibot niya sa buong kuwarto ang paningin at umalis sa kama. Naghanap siya ng pwedeng gawin para abalahin ang sarili. Inayos niya ang higaan.
He never felt like a bargained bum like this and undeserving of the woman he loves. Thinking that he had all the time in his life proving himself to be a good lover, only to realize that all of it is a foolish undertaking.It's terrifying as hell...and frustrating.Para siyang bulok na mansanas. Lason kay Carmina na ipinakain niya ang sarili sa dalaga habang nababalot siya ng laway ng ibang mga babae mula sa kaniyang nakaraan."I'm sorry for being a rotten boyfriend," mahina niyang sambit habang lulan sila ng elevator paakyat sa kaniyang unit.Daig pa ang talas ng espada sa pananahimik nito mula nang umalis sila roon sa bar. Ngayon lang na-blangko ang utak niya kung ano'ng pwedeng gawin at sabihin. "Wala kang kasalanan sa akin. Humingi ka ng sorry sa sarili mo. You abused yourself by hooking up to women for greed of pleasure. Sanay kasi kayong mga lalaki sa ideyang okay lang na magkaroon ng maraming babae. You made yourself cheap because of that notion."He blew a heavy breath. Wala







