Beranda / Romance / Kakaibang Tikim / Season 2 (Kabanata 0060)

Share

Season 2 (Kabanata 0060)

last update Terakhir Diperbarui: 2025-05-22 11:46:12

Sylas POV

Nasa ilalim ng manipis na kumot si Harvy, nakatagilid habang mahimbing na natutulog. Tahimik na tahimik dito. Wala siyang kamalay-malay na may demonyong papasok ngayong gabi para pagbayaran ang ginawa nila.

Huminga ako nang malalim. Inilabas ko na rin mula sa utility belt ang maliit na vial ng amonia at isang panyo. Lumapit ako sa kama, maingat na maingat ako sa bawat hakbang, hanggang sa makapuwesto ako sa tabi ng ulo ni Harvy. Dinampi ko ang amonia sa panyo, sabay biglang tinakpan ang ilong at bibig niya.

“Mmmph!—”

Nagpumiglas siya. Halatang nagulat. Pero wala siyang laban sa puwersang mayroon ako.

Makalipas ang ilang segundo, nagising siya nang tuluyan, natataranta, nagpupumiglas habang nakatingin sa akin. Titig na titig siya sa akin, pilit akong kinikilala pero alam kong malabo niya akong mamukhaan dahil sa suot ko. Dilat na dilat ang mukha niya na may kasamang labis na takot.

“W-What the hell—”

“Shhh,” bulong ko habang bahagyang iniiba ang boses ko sa isang malamig na t
Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi
Bab Terkunci
Komen (22)
goodnovel comment avatar
Grace Calamba
update Naman po ang tagal ng tiniis namin sa update
goodnovel comment avatar
Rose Ceria
2 weeks na ata wala upload
goodnovel comment avatar
Edith
P update naman po, miss na po namin ang karugtong ng kwento…
LIHAT SEMUA KOMENTAR

Bab terbaru

  • Kakaibang Tikim   Season 3 (Chapter 236)

    Ilaria POVGabi na nung makauwi si Papa Sylas sa mansiyon. Saktong dinner na, kaya napatayo kaming lahat para salubungin siya.“Pa, ano pong balita sa police station?” tanong agad ni Keilys sa kaniya.“Nalaman mo na ba, mahal kung sino ang gustong manakit kina Keilys at Ilaria?” tanong naman ni Mama Keilani sa asawa niya.“Si Cane Trey,” mabilis na sagot ni Papa Sylas, kaya nagkatinginan kami ni Keilys.“Ang papa po ni Lorcan?!” namimilog ang mga mata ni Keilys, habang nakatingin sa Papa niya.Tumango si Papa Sylas. “Siya nga. Gusto niyang iligpit kayo dahil may hawak daw kayong alas laban sa anak niya. Ayaw daw nitong masira ang pangalan ng anak niya.”“So, anong plano mo, mahal?” tanong ni Mama Keilani.“Ilabas na ‘yang alas na hawak ninyo. Wala na e, gusto na niya kayong mamatay pareho. Hindi naman ako papayag na mangyari ‘yun. Sasampahan ko siya ng kaso, pagkatapos ay ilabas na ang baho niyang si Lorcan, para makaganti tayo sa kanila,” gigil na sabi ni Papa Sylas.“Pero, Papa Syla

  • Kakaibang Tikim   Season 3 (Chapter 235)

    Ilaria POV“Ilaria, dito ka lang. Tutulungan ko si Papa Sylas. Lalaki ako, ayokong maging duwag. Gusto kong kumilos din,” paalam ni Keilys.Tinignan ko siya ng masama. “Seryoso ka ba diyan? Baka mapahamak ka?” tanong ko pa. Ayoko sana siyang paalisin, pero mukhang desidido siya sa pagtulong sa papa niya.“Oo, mahal. Ayokong isipin ni Papa na alagain pa rin ako. Baka hindi niya tayo payagang maiwan sa Pilipinas kung sa ganitong maliit na labanan palang ay mukha tayong duwag,” paliwanag niya, kaya na-gets ko naman. Tumango na lang at hinayaan siyang iwan na muna ako.Pag-alis niya, natauhan ako. Tama siya, walang silbi ang lahat nang natutunan ko sa helltrace kung nagtatago lang kami ngayon. Kailangan ko ring ipakita kay Papa Sylas at Mama Keilani kung gaano ako katapang sa pakikipaglaban. Nag-isip ako ng paraan para makalaban.Dito sa room na kinaroroonan ay may nakita akong chopstick na tila ginamit sa korean food or kung ano man. Iyon ang naisip kong gamitin dahil hindi siya kahoy, k

  • Kakaibang Tikim   Season 3 (Chapter 234)

    Ilaria POVLumapit si Mama Keilani sa akin para yakapin ako. Pinunasan din niya ng kamay niya ang luha sa mga mata ko. Maging si Papa Sylas, lumapit para bigyan din ako ng yakap.“Huwag kang mag-alala, hija, tutulungan ka naming makamit ang katarungan sa pagkamatay ng Nanay mo,” seryosong sabi ni Papa Sylas sa akin.“Pero, Papa, patay na po ang Mama ni Lorcan,” sabi ko bigla. “Pero, hindi po ako ang pumatay. Si Lorcan. At iyon ay kasunduan naming dalawa,” dagdag ko pa.“Anong ibig mong sabihin, Hija?” naguguluhang tanong ni Papa Sylas, kaya doon ko na rin sinabi sa kaniya ang tungkol sa mga usb na nakuha ko sa kuwarto ni Lorcan.“So, dahil sa mga video na iyon, hawak mo siya sa leeg?” tanong naman ni Mama Keilani.“Opo, at kaya niya pinatay ang mama niya ay para tigilan ko na siya. Para safe na siya at para hindi masira ang pangalan niya,” paliwanag ko.Nagkatinginan tuloy sina Mama Keilani at Papa Sylas.“Gets ko na. Kaya ka pumasok na private nurse sa pamilya niya ay para maghiganti

  • Kakaibang Tikim   Season 3 (Chapter 233)

    Ilaria POVTahimik ang mansiyon nang hapon na iyon. Wala kasi sina Keilys at Sylaila. Natuloy na ‘yung pagpunta nila sa amusement park, kasama ang bruhang si Iliana. Pinili kong magpaiwan kahit na pinipilit ako ni Keilys na sumama. Ayokong sumama at baka ma-badtrip na naman ang bunsong kapatid niya. Kaya, heto, naiwan ako sa manisyon. Sa totoo lang, gusto kong magmukmok lang sa kuwarto namin ni Keilys, manuod ng Kdrama o mag-footrip, kaya lang hindi ako sanay sa ganoon. Sanay ako nang may ginagawa talaga.Kaya, lumabas ako at bumaba sa ibaba para maghanap nang pagkakaabalahan.Mabuti nalang at nadatnan ko si Mama Keilani sa kusina. Nilapitan ko siya. Suot niya ang apron na may maliliit na burda ng bulaklak. Amoy na amoy ang bagong hugas na bigas at niyog, na sadya namang humahalo sa malamig na hangin mula sa malalaking bintana.“Sanay ka bang gumawa ng puto, Ilaria?” tanong niya bigla nung makita ako.Napangiti agad ako. Mukhang may pagkakaabalahan na ako base sa tanong niya. “Opo, Ma

  • Kakaibang Tikim   Season 3 (Chapter 232)

    Keilys POVHindi magiging masaya ang lakad na ito, iyon na ang ini-expect ko. Hindi kasama si Ilaria dahil ayaw talaga ni Sylaila. Lason na lason na ng lintek na Iliana ang utak ng kapatid ko. Pero nandito na kami sa amusement park.Ni-rent-ahan namin ang buong amusement park para ma-solo namin ito. At ako ang may sagot, dahil ito ang ni-request sa akin ng kapatid ko.Pagpasok palang namin sa loob, in-enjoy na agad ng kapatid ko ang lugar na ito. Kitang-kita ang saya sa mukha ni Sylaila. Iba ang ngiti niya ngayon. Talagang masaya siyang nakita at nakasama si Iliana na nagpapanggap na anghel, pero demonyo naman ang ugali. Hawak niya ang kamay ni Iliana, halos ayaw nang bitawan.“Kuya, dito muna!” sigaw niya habang hinihila si Iliana papunta sa isang makulay na ride.Tumango lang ako.Hinayaan ko lang sila.Kung masaya ang kapatid ko, sapat na muna ‘yon.Sumakay sila sa ferris wheel. Sa carousel. Sa kung anu-anong rides na puro sigawan at halakhakan. Kumain kami ng cotton candy, fries,

  • Kakaibang Tikim   Season 3 (Chapter 231)

    Ilaria POVNakuha ko nga agad ang loob ng mama at papa ni Keilys, pero doon naman sa bunsong babae ako mahihirapan. Kakaiba itong si Sylaila. Matalas ang mata, tahimik kung magsalita, pero ramdam mong may iniipon na sama ng loob sa akin. Bata pa lang, pero alam na niyang pumili kung sino ang gusto at ayaw niya. At malinaw na malinaw sa akin na ayaw niya sa akin. Bakit kaya? Saan nanggagaling ang pagkaayaw niya sa akin? Pakiramdam ko tuloy ay may kausap siya at sinisiran ako nito sa kaniya. Kasi, sobrang weird nung pagka-ayaw niya sa akin. Hindi ko talaga ma-gets kung bakit ayaw niya agad sa akin, e, ngayon palang kami nagkakilala.Alam ko, kinakausap na siya ni Keilys tungkol sa trato nito sa akin, kaya sana ay maging okay na siya sa akin. Pero kung hindi rin siya kaya ng kuya niya, mukhang kailangan kong gumawa ng paraan para makuha ang loob niya.Hindi puwedeng may isa akong kaaway sa loob ng bahay na ito at sa pamilyang ito.Kaya gumawa ako ng paraan para makuha ang loob ni Sylaila

Bab Lainnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status