Keilani POVMakalipas ang halos tatlong buwan, naging tahimik na ang lahat. Wala ng naging pag-atake, wala mga banta, at tila nanahimik na rin ang pamilyang Veron. Si Avina, ayon sa huli kong balita ay muling lumipad papuntang ibang bansa dahil sa takot sa nangyari sa papa niya. Doon na raw siya nag-stay para malayo sa gulo. Duwag pala, sa una lang siya matapang.Ako naman, abala sa pagpapalawak lalo ng negosyo. Ang Merritt Luxury Motor Company na itinatag ko, ngayon ay isa na sa pinakapinagkakatiwalaang pangalan hindi lang sa bansa, kundi maging sa labas ng Pilipinas. Halos buwan-buwan may bagong branch na nabubuksan sa iba’t ibang panig ng mundo. Sa dami ng orders na natatanggap namin mula sa Europe, Middle East at America, halos hindi na makapahinga ang mga empleyado ko sa factory. We’re producing luxury motorcycles like never before.Ang totoo niyan, halos matabunan ko na ang kinikita ng kumpanya ni Sylas. Nang una ko itong mapansin, hindi ko alam kung matatawa ba ako o mahihiya.
Keilani POVPagkauwi ko sa bahay, napansin ko agad ang kakaibang liwanag sa loob. Maliwanag, mas maliwanag kaysa karaniwan. Doon palang ay nagtaka na ako, pero hindi ko maiwasang matakot. Naisip ko na baka may nangyaring masama habang wala ako.Nagmadali tuloy ako sa pagpasok sa sala kasi nauna kong naisip si Keilys na naiiwang mag-isa sa bahay kasama ang mga yaya niya. Sa loob, doon bumungad sa akin ang nakakagulat na eksena.Nakatayo sa gitna si Sylas, naka-black turtleneck at may hawak na wine glass. “Surprise,” aniya sabay kindat sa akin.Halos mapatigil ang paghinga ko kasi naisip ko talaga na baka mga pulis na ang mga nasa loob at kausap si Sylas, pero hindi kasi may pasabog palang hinanda ang asawa ko.Sa mahaba at marble-tiled na dining hall, nakalatag ang eleganteng buffet set-up. May mga chandelier na tila kumikinang pa lalo sa gabing ‘yon. Sa gilid, isang long table na puno ng French wine, Japanese sake, at mamahaling whisky. Pati ang mga putahe, hindi basta-basta. May foie
Keilani POVSimula nung ma-ospital si Harvy Veron, nabanggit sa akin ni Sylas na puwede na raw ako maglalabas, gumala o pumasok sa work. Huwag na raw ako matakot kasi nag-hire siya ng mga tauhan niya na susunod sa akin para maging safe ako palagi. Huwag din daw akong mag-alala kasi hindi naman ito mang-iistorbo sa mga gala ko. Basta, lalabas lang ito sakaling may mangyaring masama sa akin. Dahil sa sinabi niya, kahit pa paano ay hindi na tuloy ako natatakot. Pero hindi ibig sabihin nun ay naduduwag na ako. Kaya ko namang lumaban, huwag lang akong pagtutulungan ng maraming kalalakihan na armado at ratratratin ako ng baril, doon ako walang laban.Today, inaya ako ni Celestia na lumabas, pumayag naman agad ako. Sapat na ang mga araw na nakulong lang ako sa bahay—ngayon, kailangan ko ng konting reset. Maaga kaming nagkita sa labas ng isang kilalang luxury mall. Naka-sunglasses siya at may bitbit na maliit na clutch. Ako naman, naka-casual dress lang.“You look fresh, Keilani,” bungad ni C
Keilani POVMaaga akong nagising kinabukasan, mas maaga kaysa sa nakasanayan ko. Nakakagulat nga kasi naabutan kong tulog pa sa tabi ko ang asawa ko. Kadalasan, kapag nagigising ako, wala na siya at nakapasok na sa work. Ngayon, heto, tulog na tulog na akala mo ay puyat. Nakatagilid pa siyang natutulog, nakatalukbong ang kalahati ng katawan sa puting kumot, at tila napakakalma ng mukha.Dahan-dahan akong bumangon mula sa kama namin at iniwasan kong mag-ingay para hindi siya magising. Naisip kong silipin si Keilys, baka gising na rin siya. Bumaba ako ng hagdan at tinungo ang sala. Hindi ako nagkamali. Nandoon siya, nakaupo sa carpet, nakatalukbong ng kumot habang nakatitig sa TV na may pinapanood na cartoons.“Good morning, baby,” bulong ko habang nilalapit ang sarili sa kanya.Ngumiti lang ito at hindi man lang ako nililingon. Malamang ay naka-focus na naman sa paborito niyang animated show. Hinaplos ko ang ulo niya bago ako tumayo ulit.Bumalik ako sa kuwarto namin ni Sylas para kuni
Sylas POVNasa ilalim ng manipis na kumot si Harvy, nakatagilid habang mahimbing na natutulog. Tahimik na tahimik dito. Wala siyang kamalay-malay na may demonyong papasok ngayong gabi para pagbayaran ang ginawa nila.Huminga ako nang malalim. Inilabas ko na rin mula sa utility belt ang maliit na vial ng amonia at isang panyo. Lumapit ako sa kama, maingat na maingat ako sa bawat hakbang, hanggang sa makapuwesto ako sa tabi ng ulo ni Harvy. Dinampi ko ang amonia sa panyo, sabay biglang tinakpan ang ilong at bibig niya.“Mmmph!—”Nagpumiglas siya. Halatang nagulat. Pero wala siyang laban sa puwersang mayroon ako.Makalipas ang ilang segundo, nagising siya nang tuluyan, natataranta, nagpupumiglas habang nakatingin sa akin. Titig na titig siya sa akin, pilit akong kinikilala pero alam kong malabo niya akong mamukhaan dahil sa suot ko. Dilat na dilat ang mukha niya na may kasamang labis na takot.“W-What the hell—”“Shhh,” bulong ko habang bahagyang iniiba ang boses ko sa isang malamig na t
Sylas POVHating gabi na. Tahimik na ang buong paligid. Pagod si Keilani kaya mahimbing na ang tulog nito. Pinagod ko talaga para mabilis siyang makatulog. Nakadalawang round kami kanina, pagod din ako pero kapag galit ang namuo sa iyo at may plano ka, hindi ka makakatulog kahit anong pagod pa 'yan. Hindi ako matutulog ngayong gabi nang hindi ko nagagawa ang plano ko.Bumangon na ako at tahimik na umalis sa tabi niya Pinagmasdan ko siya sandali, hanggang ngayon, hindi mawala-wala sa isip ko ang ginawa nila sa asawa ko. Ang pagpapaulan nila ng bala ng baril sa sasakyan nito. Hanggang ngayon, kumukulo pa rin ang dugo ko.Kaya hindi ako mananahimik nang hindi ako nakakaganti. Kaya ngayong gabi, gagawa ako nang ikakatakot lalo ng pamilyang Veron.Paglabas kosa kuwarto namin ni Keilani, tumuloy ako sa secret hide out o secret room ko. Doon, ssa-isa kong sinuot ang itim na suit na pang-assassin. Sinuot ko ‘yon ng mahigpit, matibay at kumpleto. Mula combat boots hanggang gloves, para walang