LOGINSylaila POVNung tahimik na ulit sa kusina, nag-focus na ako sa paggawa ng cake. Habang naka-open naman ang laptop ko at ka-meeting ang mga business partner ko sa city. Yes, kahit nasa probinsya, nakatutok pa rin ako sa business ko doon. Kapag may urgent meeting at need na need, oo, bumabalik pa rin naman ako sa city para asikasuhin ang mga apat asikasuhin. Kumbaga, talaga lang dito na kami nakatira ni Chusan, kaya after ng mga meeting sa city, dito at dito pa rin kami umuuwi sa Amontala.BANDANG alas kuwatro ng hapon, saktong tapos na akong gumawa ng carrot cake at pineapple cake. Tinawag ko na sina Isla at Chusan.“Bago ko ito ilabas sa cake shop, gusto kong kayo muna ang huhusga,” sabi ko sa kay Chusan at Isla.“Sige po, Ma, kaming bahala,” proud na sabi ni Isla. Naka-ready na rin ang platito at spoon niya.“For sure naman na masarap ‘yan kasi ikaw ang may gawa,” puri naman agad ni Chusan na sa lahat ng bagay, palaging positive sa akin.Maya maya pa ay pareho na nilang tinikman ang
Sylaila POVAfter ng halos tatlong taong pamumuhay namin sa Amontala, tuluyan na itong nabago dahil sa aming dalawa ni Chusan. Ang dating paaralan na maliliit at halos kulang sa kaalaman, ngayon ay may limang school na. School para sa mga day care, kinder, elementary at Highschool. Sa college, kinakasa pa lang pero iyon na ang sunod naming goal ni Chusan para dito na rin namin pag-aaralin si Isla. Nang sa ganoon, palagi na namin siyang kasama rito.Ang dami na ring mabibilhan dito. May cake shop, pizza-han, milktea-han, at kung ano-ano pang bonggang kainan.Kung dati, mga taga-Amontala ang dumadayo sa ibang bayan para kumain ng masarap, ngayon, iba’t ibang taga ibang bayan pa ang dumadayo rito para matikman ang ilan sa mga kainan na kami rin talaga ni Chusan ang nag-isip na magbukas. Oo, sa aming mag-asawa ang mga business na mayroon dito. Marami pa kaming plano, unti-unti naming ilalaban.Habang busy ako rito sa farm, nagulat akong nang sundan ako ni Chusan. “Asawa ko, anong pinagkak
Sylaila POVIsang buwan na ang lumipas matapos ang naging kasal namin ni Chusan dito sa Amontala. Talaga ngang dito na rin kami nanirahan sa Amontala. Si Isla, dahil panay ang exam, nandoon muna sa city, saka na lang ulit siya puwedeng umuwi dito kapag maluwag na ang gawain niya sa school.Nandito ako sa farm, mamimitas ng mga gulay dahil magluluto na ako ng lunch namin ni Chusan. Nag-request kasi siya na gumawa ako ng pinakbet, tapos hipon ang sahog. Kaya namitas ako ng mga kailangan ko, talong, okra, ampalaya, kalabasa at kung ano-ano pa.Pagkatapos kong mamitas, bumalik na ako sa loob ng bahay. Sa sala, nakita ko si Chusan na nakaharap sa laptop niya. May wifi na, nagkaroon na rin kasi ng internet sa buong Amontala, kakapakabit lang din ni Chusan nung nakaraang linggo. Na-miss niya atang manuod ng mga movie, kaya nagda-download dahil gusto niyang manuod kami ng movie mamayang gabi.Ang saya lang kasi napaka-simple na ng buhay namin dito.“Horror ang gusto kong panuorin mamaya ah?”
Sylaila POVKapag kinakasal, dapat ikaw ang makakatanggap ng regalo, pero hindi ganoon ang nangyari. After three days, matapos ang kasal namin ni Chusan, nagpasya kaming regaluhan na rin ng mga TV ang bawat pamilya rito sa Amontala province. Um-order kami sa city ng maraming TV, at ngayong araw, isa-isa kaming nagpunta sa bahay-bahay. Para naman mabilis, tumulong na sina Kuya Keilys, Ate Ilaria, Fabian, Lusing at ang helltrace. Kaya naman wala pang tatlong oras ay tapos na agad kami.Dito kami nagkita-kita sa farm na kung saan, nadatnan naming nagluluto ng tanghalian sina Igme, Miguelito, at Barry. Sila ‘yung mga friend ni Nardo noon na pinakiusapan kong tulungan ako. Pinangako ko sa sarili ko na balang-araw, tutulungan ko sila at ito na ang araw na iyon.Sina Igme, Miguelito, at Barry kasi ay kukunin ng parents ko at dadalhin sa city upang doon bigyan ng magandang trabaho. Ngayon, nagluluto muna sila para sa amin. Sila naman kasi ang nagkusa, saka nagpapakitang gilas kasi ang mga ito
Sylaila POVHindi nagtagal, naganap din ang araw na pinaka-hinihintay ko. Natupad ang gusto namin ni Chusan na dito kami ikasal sa Amontala province.Hindi na para magpakasal pa ng bongga dahil nasanay na kami sa mga malalaking event, maraming tao, maingay at gumagastos ng mahal. Kaya ang sabi ko kay Chusan, tutal ay nasa probinsya naman kami, bakit hindi naming subukang gawin ang usong kasal sa probinsya.At dahil walang kapilya rito, nagpatayo kami ni Chusan ng kapilya isang linggo ang nakakalipas bago ang kasal namin. Mayroon na ring pari na nagmimisa nung agad-agad ay matapos iyon at gusto namin, ito rin ang paring magkakasal sa amin ni Chusan.Walang masyadong invited, pamilya lang at malalapit na kaibigan, iyon lang.Ang gown ko, ni-rent lang sa malapit na rentahan ng gown sa Colmenares town, ganoon din ang barong na susuotin ni Chusan.Sinabihan ko rin sina Mama Keilani, Papa Sylas, Kuya Keilys, Ate Ilaria na huwag pumorma ng bonggga dahil hindi naman kailangan. Nakakahiya nga
Sylaila POVNapangiti ako nang makita kong tumatakbo si Isla papunta sa amin.“Mommy!”Sa wakas, nakabalik na rin siya rito sa Amontala.Nakahawak pa siya sa maliit niyang bag habang halos hindi makahinga sa bilis ng pagtakbo.Pagdating niya sa harap namin ni Chusan, agad niya akong niyakap.“Mama, wow, ang ganda na ng bahay natin!”Iyon ang una niyang napansin padating dito sa farm house namin.“Talaga ba?” tanong ko pa para ma-test kung tanda pa niya ang dating bahay namin.“Opo! Hindi na po kasi siya kubo gaya nung dati!”Napatingin ako kay Chusan. Nakangiti rin siya habang pinagmamasdan ang anak namin.“Mas gusto mo na ba ngayon itong bahay dito sa farm?” tanong naman ni Chusan kay Isla.Tumango agad ang anak namin.“Opo! Ang laki na! Tapos, wait, may electric fan na ata rin?”Iyon ang agad niyang napansin. Talaga ngang matatas ang isip ng batang ito. Napakatalino.Kung titignan ay mukhang hindi na takot si Isla dito. Marahil ay wala na kasi si Nardo. Para bang unti-unti na ring n
Keilani's POVNasa dagat na kami, naglalangoy at naglalaro kasama ang ibang empleyado at kanilang mga pamilya. Pinili kong manatili malapit kay Braxton para magpaka-sweet. Kunyari'y ang saya-saya namin bilang mag-asawa. Kahit totoo namang wala akong balak magpaka-romantic, ginusto kong makita ni Da
Iliana POVMalamig ang sahig ng bodegang pinagkulungan sa akin. ‘Yung malamig na sumisiksik sa buto. Nakahiga ako sa maruming karton na inilapag nila sa sahig para raw may mahigaan ako kahit pa paano. Amoy alikabok. Amoy kalawang. Amoy kahoy na matagal nang hindi nagagalaw.Hindi ko alam kung anong
Ilaria POVNasa lamesa ang mapa ng mansiyon ng mga Veron na iginuhit ko mula sa alaala ko kanina. Minarkahan ko kung saan namin nakita ang mga bantay, kung saan ang likod na pasukan, kung saan namin nasaksihan ang pagbaon sa lupa sa mga tauhan ni Iliana.Sa bawat guhit ko ng ballpen, bumabalik sa i
Ilaria POVNakasabay namin ang kotse magarang kotse ni Iliana sa highway papunta sa COMELEC.Sa totoo lang, hindi mo kailangang hulaan kung sino ang sakay.“Siya ‘yon,” sabi ko kay Keilys, habang nakataas ang kilay ko. “May luxury car na nga si Iliana.”Tumahimik saglit si Keilys habang minamasdan


![Just One Night [Tagalog]](https://www.goodnovel.com/pcdist/src/assets/images/book/43949cad-default_cover.png)




