Share

Kabanata 27

Habang naglalakad ay palinga-linga sa paligid si Yulan na parang may hinahanap. Hanggang sa may nilapitan itong isang halaman at kumuha ng mga dahon nito. Hindi pamilyar si Alea sa halamang nilapitan ng lalaki. Malapad ang mga dahon nito at makapal. Ang katawan naman nito ay may mga tinik. 

"Ano ang gagawin mo sa dahong 'yan, Yulan?" tanong ni Alea. 

"Mabisa itong panggamot para sa sugat, Alea." 

Nais din sanang kumuha ng dahon ni Alea para gamutin din ang kaniyang sugat sa binti ngunit nagsimula ng maglakad ang prinsipe. Ayaw din naman niyang mapalayo sa lalaki kaya agad niyang sinundan ito. Nakaramdam na ng labis na pagkapagod at kirot sa binti si Alea dahil sa sugat na natamo niya mula sa matulis na kuko ng mga malilit na nilalang ngunit pilit niya itong tinitiis at nanahimik na lamang dahil ayaw niyang maging pabigat sa prinsipeng kasama.

Malapit ng mag-gabi. Ang liwanag ay inaagaw na ng dilim. Niyaya ni Yulan si Alea na magpahinga

Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status