Share

Notebook of Love

NOTEBOOK OF LOVE

Lahat ng tao ay may kan'ya-kan'yang crush sa mundo. Minsan nga tinanong ako ng kaklase ko kung sino ang crush ko. Hindi ako nakapagsalita dahil 'yung mismong crush ko ay nakatingin sa amin.

Sinabi ko na lang na wala lalo na't chismosa pa 'yung kaklase kong nagtanong sa 'kin. Sigurado ako na makakarating kaagad 'yon sa crush ko at iyon ang isang bagay na kinatatakutan ko.

Oo, duwag ako sa nararamdaman ko. Ayokong malaman niya, ayokong maging awkward kami sa isa't isa. Pero sabagay, hindi naman talaga kami close e. Pero kahit na. Ayokong malaman ng iba ko pang mga kaklase na may gusto rin ako kay Janus.

Hindi kasi ako katulad ng iba na nagpapakamatay pa sa kilig kapag nakikita 'yung crush nila. Hindi ako katulad ng iba na very vocal sa nararamdaman nila to the point na ipagduldulan nila sa harap ng mga crush nila ang mga salitang, "Hi, crush! I exist!" Hindi ako gano'n ka-OA sa nararam

Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status