"Aray ko po, Auntie. Pasensya na po, hindi na po iyon mauulit!" pagmamakaawa ni Panyang habang namimilipit sa sakit dahil sa ginagawang pagpingot ng Auntie Sonia niya sa kanyang tainga.
"Napaka bagal mong kumilos bata ka! Talagang sinasagad mo ang pasensya ko! Sumosobra ka na! Kailangan sa'yo tanggalan na ng sungay dahil namimihasa ka na!" bulyaw nito sa kanya.
"Auntie tama na po! Nasasaktan na po ako! Pakiusap..." pagmamakaawa niya.
"Talagang masasaktan ka!" gigil na sabi nito tapos tinulak siya bigla kaya napaupo si Panyang.
Naiyak nalang siya sa ginawa nito. Maaga siyang naulila ng mamatay ang kaniyang mga magulang at yung inaakala niyang kukupkop sa kanya, ngayon ay pinahihirapan siya.Kinagabihan, lupaypay si Panyang ng matapos niyang labhan ang maruruming damit ng mga pinsan niya na si Trisha at Vanesza dahil darating raw sa bayan nila sa isang linggo yung crush ng may ito.
Pakiramdam niya bibigay na ang katawan niya dahil sa
CURSE OF LOVESa isang malayong lugar, mayroon isang kaharian na tinatawag nilang Aiseah. Dito matatagpuan ang isang Prinsesa na nagngangalang, Hara.Tumingin si Hara sa mga napilang tagasilbi ng kanilang kaharian na kasalukuyang nasa kanyang harapan."Maaari niyo na akong iwan." nakangiting sambit niya.Napatingin yung isa sakanya ngunit kaagad din yumuko. "Paumanhin, mahal na Prinsesa. Ngunit kabilin-bilin saamin ng mahal na Reyna na dapat namin kayong bantayan."Ngumiti siya. "Hindi kayo dapat mag-alala saakin. Kayo ko ang sarili ko. Kaya maaari niyo na akong iwan dahil gusto kong mapag-isa."Tumango ang mga ito. "Masusunod mahal na prinsesa." At iniwan na siya mag-isa sa kanyang silid.Unti-unting nawala na parang bula ang kanyang ngiti. Hindi lahat ng taong maharlika, masaya. Isang patunay na rito si Prinsesa Hara.Masayahin siya noong siya'y bata pa ngunit ng biglang namatay ang kanyang ama na Hari
Simply Meant To BeIsa sa pinaka masarap na pakiramdam sa mundo ay 'yung masuklian mo 'yung paghihirap na ginawa ng mga magulang mo para itaguyod ang pamilya niyo.Dahil sa mundong ito, walang lubos na nagmamahal sa 'tin kundi sila. Ang ating mga magulang. Kaya bago mo mahalin ang ibang tao, mahalin mo muna 'yung pamilya mo na laging nand'yan para sa 'yo. Dahil noong una pa lang, sila na ang humubog kung sino ka ngayon.Maaring lahat ng tao talikuran ka ang iwan ka sa huli. Pero sila nananatiling nand'yan sa likod mo. Nakalalay, nakasuporta at hinding-hindi ka iiwan.Bakit ko nga ba sinasabi ito? Simple lang, dahil mahal ko ang pamilya ko."Anak, pagod na pagod ka na. Magpahinga ka muna," usal ng aking Nanay.Ngumiti ako at umiling. "Okay lang Nay. Kaya ko pa naman. Tatapusin ko lang ito dahil kailangan na naming ipasa bukas."Bumun
Real Meaning of Love"Paano mo pa ipagpapatuloy ang buhay mo, kung alam mong mamatay ka na?"'Yan ang tanong sa 'kin ng isang kaibigan ko rito sa ospital. Ospital para sa mga taong may cancer.Sabi nila, kapag nabigyan ka ng chance na mabuhay, maging masaya ka at 'wag sayangin ito. Dahil maraming tao ang gusto pang mabuhay pero hindi na nabibigyan ng pagkakataon.Kahit gustuhin mo pang mabuhay ng mas matagal para makasama ang mga taong mahal mo, kung hanggang dito na lang ang araw na itinakda sa 'yo, dapat mong tanggapin. Masakit man. Dahil hindi lang naman sa 'yo iikot ang mundo. Maraming tao. At sa pag-ikot nito, may mga taong nawawala, lumilisan. May mga taong iiyak sa pagkawala mo, pero sa kabila no'n may mga tao naman ang sumasaya dahil may isang bata na naman ang isinilang sa mundo.Isang taon na ang nakalipas nang malaman ko na may malubha akong sakit na
Undeniably Yours"Baby!"Napatigil ako sa pagtipa sa keyboard nang marinig ko ang pamilyar na boses na iyon sa labas ng bahay namin.Unti-unting sumilay ang isang matamis na ngiti sa labi ko. Tumayo ako mula sa swivel chair at mabilis na sumulyap sa salamin para tignan kung maayos ba ang itsura ko.Bago lumabas ng bahay, huminga ako ng malalim at itinago na lang muna ang ngiti ko na dulot ay kilig. Makikita ko na naman siya.Binuksan ko yung gate at labis akong namangha sa aking nakita. Naramdaman kong unti-unting nag-alboroto ang puso ko nang makita ko siyang nakasandal sa pader habang nasuksok ang magkabilang kamay niya sa bulsa.Unti-unting nag-angat ang tingin ko at bigla akong napalunok nang sumilay ang isang magandang ngiti sa labi niya na dahilan para kumabog ng malakas ang puso ko n
3:00 PMLove? Sa murang edad pa lang ito na agad ang salitang gumugulo hindi lang sa isip ko, pati na rin sa puso ko.Masarap magmahal ng isang tao na nagsisilbing inspirasyon mo sa lahat ng bagay. Iyong tipong ang sarap gumising sa umaga kapag litrato niya ang una mong makikita. Ang sarap pumasok sa school dahil nandoon 'yong inspirasyon mo. Iyong tipong mapapangiti ka na lang ng wala sa oras dahil bigla siyang papasok sa isip mo."Hay, Aden," bulong ko sa aking sarili habang nakangiti.Bakit ba kasi nagkagusto ako sa isang lalakeng suplado, isnabero, walang pakialam sa paligid, walang pakialam sa tao at mas lalong walang pakialam sa mundo. Oo gano'n siya dahil matagal ko na siyang kilala. Tatlong taon ko na siyang crush kaya ultimo kaliit-liitang detalye ng buhay niya, alam ko. Nakakahiya man aminin pero minsan na niya akong naging stalker.Kahit minsan nga hindi ko pa siya nak
The Most Painful GoodbyeDalawang taon na ang nakalipas, mula ng nangyari ang isang bagay na lubos kong pinagsisisihan sa buhay ko.Ako raw ay isang babaeng bato. 'Yan ang sabi nila sa 'kin. Hindi ako marunong magpakita ng emosyon sa mukha ko. Hindi ako palangiti. Wala akong imik. Hindi rin ako pala-kaibigan.Wala naman akong galit sa mundo. Sadyang lumaki lang ako na ganito. Walang love sa paligid ko.Sa katunayan nga, 'yung nanay at tatay ko'y hindi sweet sa isa't-isa. Para raw kaming mga robot. Hindi marunong ngumiti, walang nararamdaman. Pero nagkakamali sila.Ganito man ako, pero hindi ako robot. Nararamdaman ko rin ang nararamdaman nila. Tao rin ako. Marunong makaramdam ng paghanga sa isang tao.Minsan nagkagusto na rin ako sa isang lalake.
UNREGISTERED NUMBER"May nag-GM na naman!" inis na sambit ko habang nakatitig sa cellphone ko."Bakit ba kasi hindi ka na lang magpalit ng number para wala ng nagtetext sa 'yo?" sagot ng pinsan kong si Erie habang nasa sala kami ng bahay nila at fo-foodtrip."Tinatamad ako, e. Ang hassle no'n dahil isa-isa ko pang ise-save 'yung mga numbers sa contacts ko dahil lahat 'yon naka-save sa simcard." Bumuntong hininga ako. "Bakit ba kasi hindi sila makaintindi ng tagalog? Tagalog na 'yon, a. Hindi na nga ako kasali sa clan! Maliwanag naman 'yon 'di ba?" buwisit na sambit ko sabay kain ng piatos.Madalas kasi akong makatanggap ng napakaraming mensahe galing sa mga taong hindi ko kilala. Nakakabadtrip. Nakakainis. 'Yung tipong tatanungin mo kung sino siya tapos pagtitripan ka pa? Kaasar!Naka-encounter na ako ng sari-saring uri ng tao dahil sa text. Ako kasi yung tipo
C IS FOR Z"Zenaide, bakit wala ka pa rin boyfriend?" tanong sa 'kin ng kaklase kong si Ferlyn."E, kasi naman 'yung nagugustuhan niya, maliwanag pa sa sikat ng araw na hindi siya magugustuhan," sabat pa ni Nicolette sa tono na parang nangangasar pa.Napakunot ang noo ni Ferlyn. "Ha? Bakit? Dahil ba may girlfriend na?"Biglang natawa ang lukaret kong kaibigan. "Girlfriend? Baka---" Kaagad kong tinakpan ang bibig niya at palihim siyang pinanlakihan ng mata.Muli akong bumaling kay Ferlyn. "Ha? Wala pa sa isip ko 'yan. Aral muna," pagdadahilan ko at inirapan ang intrimitidang ito.Hinila ko siya at pumunta muna kami sa Cafeteria. "Ikaw talagang babaita, napakadaldal mo!"Bumungisngis lang siya. "Alam mo, friendship. Bakit ba kasi sa dinami-rami ng straight na lalaki sa mundo, si C2 pa ang napili mo."Pinanlakihan ko siya ng mata. "C2 ka riy