Vernice Point of view
“… Tagaktak na ang pawis ko at halos kapusin na ako ng hininga ngunit hindi pa rin ako nangahas na huminto sa pagtakbo. Nang mga sandaling ito ay nababalot ng matinding takot ang puso ko wala akong ibang ni nais kung hindi ang makalayo at matakasan ang higanteng ahas na humahabol sa akin mula sa likuran. Patuloy akong tumatakbo kahit na hindi alam ang aking patutunguhan, gusto ko ng umiyak ngunit pinilit kong maging matapang upang makaalis sa sitwasyong kinakaharap. Habol ko na ang aking hininga at pakiramdam ko anumang oras ay bibigay na rin ang aking katawan.Hindi ko alam kung paano akong napunta dito sa Parāng at kahit isang tao ay wala kang makikita. Ang tanging natatanaw ko lang ay ang madilim na paligid at isang mahabang daan na napapaligiran ng mga kakahuyan. Mas binilisan ko pa ang aking pagtakbo upang hindi ako abutan ng dambuhalang ahas na bigla na lang sumulpot sa aking likuran. Nakakapangilabôt ang mga pangyayari at halos magkulay suka na ang aking mukha dahil sa matinding takot na lumulukôb sa puso ko.Habang tumatakbo ay naisipan kong lingunin ang ahas sa aking likuran ngunit ganun na lang ang panghihilakbot ko ng mula sa aking ulunan ay ang malaking bunganga ng ahas ang bumungad sa akin, “AHHHH!” Malakas kong sigaw ngunit tuluyan na akong nilamon ng buo ng higanteng ahas at kasunod ay kadiliman….”“Ahhhh!” Malakas kong sigaw at napabalikwas ako ng bangon, hinihingal na inilibot ko ang aking mga mata sa buong paligid at nakahinga ako ng maluwag ng makita ko na nasa loob pa rin ako ng silid namin ni Marjorie. Napagtanto ko na bangungot lang pala ang lahat.“Babe, okay ka lang?” Nag-aalala na tanong ni Marjorie sa akin, mabilis itong tumayo at kumuha ng isang basong tubig bago inabot sa akin. Kaagad din niyang pinunasan ang pawisan kong mukha habang masuyong hinaplos ang aking likod. Hindi nawawala ang matinding takot sa mukha ko dulot ng masamang panaginip tungkol sa higanteng ahas.“Salamat, okay lang ako, nanaginip lang ako.” Nakangiti kong wika habang inaabot ang baso dito. Muli kaming nahiga at magkayakap na natulog, habang nakapikit ay hindi pa rin mawaglit sa aking isipan ang tungkol sa panaginip na ‘yun dahil ito ang unang pagkakataon na binangungot ako ng ganito katindi. Napapaisip tuloy ako kung ano ang ibig nitong sabihin dahil ayon sa isang kaibigan ko ang panaginip ay isang babala para sa isang pangyayari na hindi inaasahan.Seven thirty ng gabi at kararating ko lang galing trabaho, labis akong nagtataka kung bakit nauna pa akong umuwi kaysa kay Marjorie. Dapat ay nauna pa siyang umuwi sa akin tulad ng dati at base sa aking obserbasyon ay halos isang buwan ng ganito ang aking nobya.Lagi na siyang late kung umuwi, maging ang pinsan nitong si Alex ay hindi ko rin nadatnan sa bahay. Marahil ay may inasikaso itong mga requirements dahil ayon nga kay Marjorie ay pasakay na ito ng barko sa susunod na buwan.Pumasok na ako sa loob ng kwarto upang magpalit ng pambahay, hindi ko na kailangan pang magluto dahil bumili naman ako ng lutông pagkain mula sa restaurant na nadaanan ko.Ako kasi ang nagluluto sa amin dahil hindi marunong magluto si Marjorie, halos buhay Prinsesa nga ang nobya ko sa akin dahil hindi ko hinahayaan na magalusan ito o masaktan. Kapag mahal ko talaga ang isang tao ay lahat gagawin ko para lang maging masaya siya at hindi mahirapan sa piling ko kaya naman marami ang naiinggit sa nobya ko. Kung ano-ano na ngang paninira ang naririnig ko mula sa kanila pero never akong nakinig sa mga sabi-sabi.Tanging si Marjorie lang ang pinakikinggan ko dahil siya lang ang kasiyahan ko sa buhay. Pagkatapos magbihis ay inayos ko na ang lamesa para pagdating ng mahal ko ay nakahanda na ang lahat. After twenty minutes ay bumukas ang pintuan at pumasok ang nakangiting si Marjorie kaya lumitaw ang magandang ngiti sa labi ko.“Babe, pasensya na late ako ng uwi nag-overtime kasi ako dahil maraming pinagawa sa akin ang boss ko.” Malambing niyang paliwanag. Lumapit siya sa akin at humalik sa labi ko bago ako nito nilampasan at pumasok sa loob ng kwarto, muli itong lumabas ng kwarto at pumasok naman ito sa loob ng banyo marahil ay para maligo.Pagpasok ni Marjorie sa loob ng banyo ay siya namang pagbukas ng pintuan, pumasok si Alex na may sukbit na backpack sa likod nito habang ito ay nakasuot ng pormal attire. Nang makita ako nito ay ngumiti siya sa akin kaya isang simpleng ngiti ang binigay ko sa kanya bago naupo sa bangko at nilagyan ng pagkain ang plato namin ni Marjorie. Sa i-isang pinggan lang kami kumakain ng nobya ko at ito ang aming nakasanayan.Makalipas ang ilang minuto ay lumapit na si Madjorie sa lamesa at umupo sa aking tabì, nakabalot pa ng tuwalya ang basa nitong buhok.Nagsimula na kaming kumain kahit wala pa si Alex."Napapansin ko na ginagabi ka na sa trabaho mong 'yan, kung nahihirapan ka na ay pwede ka namang magresign, kaya naman kitang buhayin." Malumanay kung saad sa pagitan ng aking pagsubo, napansin ko na saglit na natigilan si Marjorie, maya-maya ay matamis siyang ngumiti sa akin." Ang sweet naman ng babe ko, don't worry kaya ko pa naman, nagkataon lang na mayroong project na nira-rush ang company namin kaya lagi na lang kaming nag-overtime, I think next week ay matatapos na ang project na 'yun kaya back to normal na ulit ang schedule ko." Mahaba niyang paliwanag at ipinagpatuloy na nito ang pagkain.Patapos na kami ng umupo si Alex para kumain, iniwan ko na silang dalawa at nauna na akong pumasok sa loob ng kwarto.Makalipas ang isang oras ay pumasok sa loob ng kwarto si Marjorie at kaagad itong sumampa sa kama. Lumapit naman ako sa pintuan at nilock ito bago lumapit sa aking nobya na kasalukuyang nagsusuklay ng kanyang buhok. Hinawi ko ang kanyang buhok papunta sa kabilang balikat nito kaya nahantad ang makinis niyang batok. Nagsimulang gumapang ang aking kamay sa loob ng suot niyang manipis na pantulog, huminto ang aking kamay sa may malaki nitong dibdib at sinimulan ko na itong himasin habang ang mga labi ko ay patuloy na hinahalikan ang kanyang batok."I miss you, Babe…" Malambing kong bulong at napangiti ako ng marinig ang isang ungol mula sa bibig nito. Hinawi ko ang strap ng damit nito ngunit natigilan ako ng tumambad sa aking paningin ang ilang mga marka mula roon. Pakiramdam ko ay bumigat ang dibdib ko at halos hindi na ako makahinga, tila may sumasakal sa akin. Hindi ako tanga para hindi maunawaan kung ano ang ibig sabihin ng mga markang ‘yun, para akong binuhusan ng malamig na tubig at nawalan na ako ng gana.Isang malalim na buntong hininga ang aking pinakawalan habang sinisikap na maging mahinahon. Nagtaka si Marjorie ng ayusin ko ang kanyang damit kaya pumihit siya paharap sa akin."Babe, may problema ba?" nag-aalala na tanong niya sa akin, isang matamlay na ngiti ang lumitaw sa mga labi ko. Gusto kong sigawan ito at sampalin ngunit matinding pagpipigil ang ginawa ko sa sarili ko. Paano mong nagagawa na kumilos ng normal sa harap ko habang niluluko ako? Isang tanong na nanatili sa aking isipan, gusto ko na mahuli mismo ito sa akto dahil kilala ko si Marjorie at batid ko na itatanggi niya ito."Pasensya na babe pagod kasi ako at gusto ko ng matulog." Ani ko sa malumanay na tinig, matamis siyang ngumiti sa akin at akmang hahalikan ako nito sa labi ngunit sinadya ko na lumigon sa ibang direksyon kaya lumihis ang mga labi nito at lumapat ito sa aking pisngi.Humiga ako na naninikip ang dibdib dahil sa matinding galit, kailangan kong maging matapang at aalamin ko kung sino ang lalaki nito…"Hindi magkamayaw ang mga kababaihan na makalapit si isang sikat na artista na nakaupo sa unahan habang sa harap nito ay isang mahabang lamesa. Kulang na lang ay makaihi sa sobrang kilig ang mga ito habang naglalaway na nakatitig sa mukha ng gwapong si Hanz Zimmer. Isa siyang half Filipino and half Canadian hollywood actor na labis na hinahangaan ng mga kababaihan. Isa-isang lumapit ang lahat upang magpapirma ng mga hawak nilang gamit na related sa aktor na si Hanz. Habang pimipirma ang binata sa larawan na hawak ng kanyang fan’s ay biglang tumahimik ang lahat. Dahil sa pagsulpot ng isang matabang babae. Matalim na tingin ang ipinupukol sa kanya ng mga tagahanga ng binata lalo na ang mga babaeng nasagi niya dahil sa pagpu-pumilit na makarating sa unahan kung saan nakaupo ang hinahangaan niyang binata.Ang ilan ay nakadama ng takot sa kanya kaya kusa ng tumabi ang mga ito upang magbigay-daan para sa kanya. Nang makarating sa unahan ay tahimik na ibinaba niya ang isang pirasong papel sa
Mag-isa akong nakatayo sa likod ng naka-saradong pintuan at naghihintay kung kailan ito bubuksan habang sa kanang kamay ko ay hawak ko ang isang puting mikropono. Kanina pa ako kinakabahan dahil ito ang unang pagkakataon na kakanta ako sa harap ng aking pamilya. Maya-maya ay narinig ko ang isang tunog ng piano at sinimulan na nitong tugtugin ang aking kakantahin. Sa pagbubukas ng pintuan ay nagsimula na rin akong umawit...(The moon represent my heart song by Teresa Teng)Ni wen wo ai ni you duo shen,(You asked me how deep my love is for you) —Wo ai ni you jifen.(I love you to the utmost).Wode qing ye zhen,(My feeling is also true),Wode ai yezhen,(My love is also true):Yueliang daibiao wode xin.(The moon represents my heart).Mula sa malamig na simoy ng hangin ay sumasabay ang isang malamyos na awitin na tumatagos sa puso ng lahat. Ang buong paligid ay nababalot ng matinding emosyon higit ang emosyon na nararamdaman ko. Kasing ganda ng sikat ng araw ang ngiti ng lahat at hi
Makapigil hininga ang bawat sandali at tanging ang malakas na tibok ng kanilang mga puso ang naririnig ng isa’t-isa. Nang mga oras na ito ay tila si Mr. Yuay at Vernice lang ang tao sa paligid. Kapwa nakatitig sa mata ng bawat isa at walang nangahas na magbaba ng tingin sa kanilang dalawa. Hanggang sa tuluyang nakalapit ang matanda at huminto ito mismo sa harap ng kanyang Apo. Nanatiling tahimik ang lahat ngunit hindi maikakaila ang matinding kabâ na kanilang nararamdaman dahil sa muling paghaharap ng mag-Lolo. Malakas na itinuktôk ng matanda ang tungkod nito sa sahig na marmol kaya napaigtad ang ilan sa kanila. Dahil bukod sa kinakabahan sila sa mga nangyayari ay hindi nila mabasa kung ano ang tumatakbo sa isipan ng matanda sapagkat nanatiling seryoso ang awra nito.Hindi nagpa-sindak si Vernice at matapang na sinalubong ang mga mata ng kanyang Abuelo. Di maikakaila kung kanino nagmana si Vernice dahil kahit na mukha ng kanyang ina ang nasa harapan ng matanda ay nakikita nito ang
“Ughhh…” isang mahabang ungol ang kumawala sa bibig ko ng naalimpungatan ako na masakit ang aking ulo. Dahan-dahan kong iminulat ang aking mga mata bago sinuri ang paligid upang malaman ko kung nasaan ako. Lumalim ang gatla sa noo ko ng tumambad sa aking paningin ang isang malaking salamin na nasa harapan ko. At ang labis na ikinagulat ko ay ang itsura ng mukha ko na halos hindi ko na nakilala dahil sa magandang pagkaka-ayos nito. Mukha itong isang diyosa na bumaba sa lupa pakiramdam ko ay nagmukha akong eighteen years old. Nilibot ko ang aking paningin sa paligid at saka ko lang napagtanto na nasa loob pala ako ng isang magarang silid habang sa likuran ko ay dalawang babae na may seryosong mukha. Marahil ay sila ang nag-ayos sa akin dahil hawak pa ng isa sa kanila ang isang foundation kit.Ilang sandali pa ay narinig ko na bumukas ang pintuan kaya mabilis na lumingon sa direksyon nito. Natigilan ako ng pumasok ang dalawang lalaki hanggang sa bumalik sa aking isipan ang mukha ng mga
Mula sa kahabaan ng highway ay tinutumbok ko ang daan pauwi. Mag ta-takipsilim na kaya nag-aagaw ang liwanag at dilim sa buong paligid. Saglit na itinigil ko ang sasakyan sa gilid ng kalsada, bumaba ako ng kotse at sumandal sa gilid nito saka malungkot na pinagmasdan ang haring araw na kasalukuyang pa-palubog na. Masama talaga ang loob ko dahil sa mga nangyayari sa buhay ko, bakit ba kasi kung kailan masaya na kami at maayos na ang lahat saka naman nagkakaroon ng problema? Kahapon lang ay para akong nakalutang sa alapaap dahil sa labis na kaligayahan pero ngayon pakiramdam ko naman ay para akong namatayan. Parang natatakot na tuloy akong sumaya dahil sa huli kaakibat nito ay sakit at kalungkutan.Kailan ba ako magiging masaya? Nakakapagod na kasi ang paulit-ulit kang masasaktan, okay lang sana kung sakaling nasaktan ka ng isang beses ay magiging manhid kaagad ang puso mo. Kaso hindi eh, dahil sa tuwing masasaktan ka ay nag-iiwan ito ng pilat sa puso mo at maging ang panahon ay hindi
“Are you really going to leave me?” Malungkot na tanong ni Mr. Chen kay Vernice. Sa maikling panahon na kasama niya ang apo ni Mr. Yuay ay nagkaroon na ng puwang sa kanyang puso ang makulit na si Vernice na kung tutuusin ay lagi lang naman silang nag-aaway. Iyon kasi ang paraan niya kung paano maglambing sa mga anak ngunit nakakalungkot isipin na hindi ito alam ng kanyang mga anak at tanging si Vernice lang ang nakakaunawa sa kanya, ito rin ang nakatuklas ng totoo niyang ugali at kung paano siya maglambing.“Why? don't tell me you'll cry when I leave.” May pang-aasar na sagot ni Vernice habang naka de kwatro sa harapan ng matanda. Para siyang lalaki na walang pakialam habang naka-bukaka na nakaupo paharap sa matanda.“And why should I cry? can you adjust your seat, it's like you haven't been taught proper manners in acting as a woman.” Irritable na sagot ng matanda bago niya sinita ang upo ni Vernice. Natawa naman si Vernice dahil batid niya na nagkukunwaring galit lang ang matanda u
“Hello, Mrs. Hilton, according to Sir. Hilton, there is something wrong with the report that you’ve sent yesterday, you need to report to the office right now.” Malumanay na sabi ng Secretary ni Zac mula sa kabilang linya kaya halos magusot ang mukha ko dahil sa matinding inis. Halata naman kasi na nananadya ang lalaking ‘yun. Napaka imposible kasi ng sinasabi nitong maling report ko dahil makailang ulit kong sinuri iyon bago ipinasa sa kanya.“Correction, Zhōu. okay? Ms. Zhōu.” May diin kong bigkas na para bang kay hirap umintindi ng aking kausap.“I’m so sorry, Ma’am but I don’t want to lose my job.” Iyon lang bago ito tuluyang nagpaalam sa akin. Wala na akong magawa kundi ang mamuntong hininga na lamang. Naiinis na tumayo ako mula sa aking kinauupuan at nagdadabog na lumabas ng aking opisina upang tumungo sa opisina ni Zac na nasa kabilang dulo lang ng pasilyo.Nakabusangot na binuksan ko ang pintuan ng opisina nito ni hindi man lang ako nag-abalang kumatok. Naiinis na hinarap ko a
Narinig ko ng magbukas-sara ang pintuan ng opisina ni Mr. Chen ngunit hindi ko ito pinansin dahil ang utak ko ay kasalukuyang nililipad sa dako pa roon. Wala ako sa aking sarili dahil ilang araw na ang lumipas ay hindi ko pa rin makalimutan ang mga nangyari sa amin ng baklang iyon. Hindi ko talaga matanggap ang lahat at hanggang ngayon ay naiiyak pa rin ako dahil ang hiyas ko ay nalawayan na ng iba. Wala na talagang mas sasaklap pa roon. Sinubukan kong kausapin ang anak ni Mr. Tsai ngunit mukhang pinagtataguan na ako nito dahil hindi na niya ako hinaharap. Lagi rin itong wala sa kanyang opisina kaya hindi na nabigyang linaw pa ang namagitan sa aming dalawa. Muli akong nagpakawala ng magkasunod na buntong hininga bago nanghihina na sumandig sa sandalan ng sofa.Maya-maya ay bigla akong nag tika-tikâ at nahihirapan na akong huminga, dahil ang magaling na matanda ay naglagay sa aking harapan ng tatlong stick ng incenso na nakatusok sa isang mangkok na puno ng bigas.“You finally woke u
Isang mabigat na buntong hininga ang aking pinakawalan habang matamang pinagmamasdan ang patay-lasing na si Vernice na nakahiga sa kama. Kasalukuyan akong nakatayo ngayon sa paanan nito habang naka pamewang. Walang kamalay-malay ang asawa ko na nasa paligid lang ako at nakabantay sa bawat kilos nito. Kung nahulǐ ako ng dating marahil ay may hindi na magandang nangyari sa pagitan nito at ng babaeng iyon. Hindi ko yata maaatim na masayaran ng ibang kamay ang katawan aking asawa dahil pag-aari ko ito.Umupo ako sa gilid ng kama at hinawi ang ilang hibla ng buhok na kumalat sa kanyang mukha saka inayos ang pabalagbag na higa nito. Ilang linggo pa lang kaming hindi nagkita pero kay laki na ng pinagbago ni Vernice. Lalo siyang gumanda sa paningin ko, medyo kampanti lang ako na hindi siya maaagaw sa akin ng ibang lalaki dahil sa character nito. Simula ng iwan ako nito ay napansin ko na bumalik ang dating siya.Natuklasan ko na nagtatrabaho ito sa matandang Chinese na kalaban ng kanyang lol