KABANATA 4
“SINO ‘yan?” tanong ni Wency at napatingin ang lahat sa akin.
Mas lalo pa siyang napangiti at sinenyasan sila, na hindi rin maintindihan ng mga kaibigan ko. Parang tanga.
“Ansabe?” naguguluhang tanong ni Sheryna.
“Tao? Hayop? Bagay? Lugar? Pangyayari? Nakakain ba ‘yon?” pabirong wika ni Loira.
“Ha?” sakay naman ni Thelma. “Hakdog.”
Nawalan ng kulay ang mukha ko nang makitang nagtatawanan ang mga kaibigan ko. Hindi ko mailarawan ang hiyang nararamdaman ko sa mga sandaling iyon.
“Mama mo ‘yan, Lyne? Bakit hindi nagsasalita? Bakit puro senyas lang? Pipi ba siya?” sunod-sunod na tanong ni Chariol.
Bahagyang nanlaki ang mga mata ko. Mabilis na umusbong ang pinaghalong kaba at hiya sa dibdib ko. “Mama?” Sunod sunod ang naging pag-iling ko habang nakangisi. “Hindi. Nasa Canada ang mama ko. Katulong lang namin ‘yan. Pauwi na nga siya, e. Hinatid lang niya ‘yong librong naiwan ko kanina,” palusot ko at pasimpleng pinanlakihan ng mata si Mama, na bahagyang nagulat sa sinabi ko, pero agad ding napayuko.
Nagpaalam ako sa mga kaibigan ko para kausapin si Mama. Inilayo ko siya para hindi marinig nina Chariol ang pag-uusapan namin.
“Ano’ng ginagawa mo rito?” bulyaw ko nang makalayo kami. “Umuwi ka na nga! Huwag mo akong ipahiya sa harap ng mga kaibigan ko!” Nagulat ako nang mahagip ng mga mata ko si Roan. Hindi ko napansin na nakasunod pala siya sa amin. Binigyan niya ako ng isang dismayadong tingin.
Humarap si Roan kay Mama at ngumiti. “Magandang hapon po, Mrs. Devera. Kaibigan po ako ni Elyne.”
Nakita kong ngumiti si Mama at sumenyas. Humalukipkip ako habang pinanonood ang dalawa. “Huwag mo nang pag-aksayahan ng oras ‘yan. Pipi ‘yan. Hindi ka rin naman niya masasagot.”
Seryosong tingin ang ibinalik ni Roan. “Sumagot siya. Sabi niya, magandang hapon at ikinagagalak din niya akong makilala.”
Nanlaki ang mga mata ko. “Naiintindihan mo siya?”
Tumango si Roan. “Oo. Sabi pa nga niya, pumunta siya rito dahil gusto niyang kunin ang card mo. Nabasa raw niya sa kuwaderno na naiwan mo sa bahay ninyo.”
“Ano?” Bigla kong naalala na ngayon pala ang kuhaan namin ng card. Hindi ko naman kinukuha ang card ko dahil kung hindi bagsak, puro pasang-awa ang grado na nakukuha ko.
“Sino naman ang nag-utos sa ‘yong gawin ‘yon?” Nakasalubong ang mga kilay na napailing ako. “Ngayon ka magpapakananay sa ‘kin? Hindi kita kailangan dito. Umalis ka na!”
“Elyne, ‘wag mo naman ginagan’yan ang mama mo,” sabat ni Roan.
“Isa ka pa!” Tiningnan ko nang masama si Roan. “Manahimik ka nga! Baka marinig pa nina Chariol ang pinagsasabi mo riyan. Hayaan mo siya.” Muli akong napatingin kay Mama. Nakayuko lang siya at bakas ang lungkot sa mukha. Hindi niya ako madadaan sa gan’yan. “O, ano pa’ng itinatayo-tayo mo riyan? Alis na!”
Tumango si Mama kay Roan at bahagyang ngumiti. Mayroon pang isinenyas na sila lang naman ang nagkakaintindihan dahil hindi ako marunong ng sign language. At wala akong balak aralin iyon. Ngumiti naman si Roan at tuluyan nang umalis si Mama.
“Elyne, hindi ka ba nakokonsensya? Masakit ang mga binitiwan mong salita sa Mama mo,” seryosong sabi ni Roan.
“Konsensya? Wala ako no’n,” wika ko. “Sandali nga. Sino ba ang kaibigan mo? Ako o siya? Kanina mo pa siya kinakampihan.” Inirapan ko siya.
“Nagsasabi lang naman ako ng totoo,” sagot pa ni Roan. “Pahalagahan mo na ang mama mo hanggang sa nandiyan pa siya sa tabi mo. Baka magsisi ka sa huli kapag dumating ang araw na wala na siya.”
“Mabuti pa ngang mawala na lang siya. Tutal, wala rin naman siyang kuwentang Ina,” iritadong wika ko, saka siya tinalikuran. Sa bawat sulok ng puso ko, may naramdaman akong kirot dahil sa sinabi ni Roan. Kirot na hindi ko alam kung bakit ko nararamdaman.
PASADO alas-onse ng gabi nang ihatid ako nina Wency sa bahay namin matapos magkayayaang uminom nang mag-uwian na.
Halos hindi na ako makatayo nang tuwid sa sobrang kalasingan. Umiikot ang paningin ko at halos hindi na rin makita ang nilalakaran. Nararamdaman ko ang pagkirot ng aking sintido. Hindi ko na nabilang kung ilang bote ng alak ang naubos ko.
“Alam mo ba kung ano’ng oras na?” sigaw ng isang pamilyar na boses. Bahagya kong idinilat ang mga mata at napansin ang galit na galit niyang mukha habang nakatingin sa akin.
“Oo naman. May suot akong relo, o!” pilosopong sagot ko at nakuha pang itaas ang kanang kamay habang nakangisi nang malapad.
“Bastos ka talagang bata ka!” nanggagalaiting bulyaw niya. Hindi ako natinag. Sanayan na lang talaga. “Amoy alak at yosi ka pa! Hindi ka na talaga tumino! Palagi ka na lang sakit ng ulo!”
Marami pang pinagsasabi. Hindi ko na lang pinansin. Pasok sa kabilang tainga, labas sa kabila. Masyado siyang madada. Didiretso sana ako sa kusina pero napangisi ako nang makasalubong ko si Mama na may kung ano-ano na naman na isinesenyas sa akin. Mababakas ang pinaghalong lungkot at takot sa mukha niya.
“Ano ba talaga ang ginagawa mo sa buhay mo?” muling bulyaw ni Papa na nakasunod sa akin.
“Sinisira,” kaswal kong sagot at kumuha ng tubig sa ref. Sinalinan ko ang baso at uminom. “Iyon naman ang gusto mo, ‘di ba? Ang makitang mapariwara ako.”
“Ikaw ang sumisira ng buhay mo, hindi ako!” May galit ang tinig ni Papa. “Wala kang ibang ginawa kundi makipagnobyo at magbulakbol! Ano’ng napapala mo riyan, ha?”
Sermon. Puro na lang sermon. Hindi na ako umuwi sa bahay nang tahimik. Iyong walang sigawan, walang sagutan. Mga peste talaga silang lahat!
“Ba’t hindi mo gayahin ‘tong si Miana na pag-aaral ang inuuna?”
Isang hilaw na ngisi ang mabilis na kumurba sa aking mga labi. “Talaga lang, ha?” Nilingon ko si Miana na naroon sa sala. Mataman niya kaming tinitingnan ni Papa, ngunit namumutla ang mukha. “E, ‘di wow.” Lumapit na rin si Mama para awatin kami pero marahas kong hinawi ang kamay niya para lumayo sa akin.
“Simula ngayon, hindi ka na lalabas ng bahay! Ipasusundo kita kay Mang Beni pagkatapos ng klase mo!” May pagbabanta sa tinig ni Papa.
“Wow naman. Ang lupit!” Napatawa ako na mas lalong ikinaigting ng panga ni Papa. “Ano’ng karapatan mo para pagbawalan ako? Hindi naman kita totoong tatay, ‘di ba? Ikaw na nga ang may sabi, sampid lang ako sa buhay ninyo. Ba’t pinakikialaman mo na naman ako? Wala kang magawa?”
“Ako ang nagpapalamon at nagpapaaral sa ‘yo kaya ako pa rin ang masusunod! Ako pa rin ang susundin mo!”
Hindi ako natinag at nakipagtagisan pa ako ng titigan kay Papa. “Bakit ba pinag-aaksayahan mo ‘ko ng oras ngayon? E, wala ka naman mahihita sa ‘kin.”
Nanlaki ang mata niya at mas lalong umigting ang panga. “Wala ka talagang modo!”
Isang mapang-asar na ngisi ang isinukli ko, saka ko siya tinalikuran at dumiretso sa kuwarto. Naramdaman ko ang presensya ni Miana sa likod ko. Alam kong sinundan na naman niya ako. Ganiyan iyan, e. Inaalo ako sa tuwing binibida siya ng magaling niyang ama.
“Ate, pagpasensyahan mo na si Papa,” halos pabulong na sabi ni Miana.
“Ano’ng sabi mo?” Hinarap ko siya at pinanliitan ng mga mata. “Ate?”
Parang nagulat din si Miana sa kan’yang sinabi at kinagat ang pangibabang labi. “P-pasensya na, Elyne.”
Inirapan ko siya. “Ayoko na ulit maririnig ang salitang ‘yon galing sa ‘yo. Nagkakaintindihan ba tayo, Miana Felize?”
Mabilis na tumango si Miana. Halata pa rin ang kaba sa mukha. “Oo, Elyne.”
Inutusan ko si Miana na huwag akong tatawaging “ate” dahil hindi naman kami magkapatid. Ayoko siyang maging kapatid. Noon pa man, nararamdaman kong gusto niyang mapalapit sa akin. Pero kahit ano pa ang gawin niya, hindi ko siya matatanggap bilang kapatid ko. Hindi.
“Sandali.” Paalis na sana siya nang sumenyas ako gamit ang hintuturo. Lumapit si Miana sa akin. “May ipagagawa nga pala ako sa ‘yo mamaya.”
Nag-angat siya ng tingin pero kaagad ding ibinaba. Para bang natatakot na tingnan ako sa mga mata. “Ano ‘yon?”
“Madali lang naman ‘to,” nakangising wika ko. “Lalabas ako mamayang alas-dos. Ikaw ang kukuha ng susi sa pinaglalagyan ng papa mo at ikaw din ang magbubukas sa ‘kin ng gate. Simple lang, ‘di ba?”
Nakapanlaki ang mga matang nag-angat ng tingin si Miana. Bakas ang gulat at pangamba sa mukha. “Hindi ko kayang gawin ‘yon, Elyne. Mahigpit na ipinagbabawal ni Papa na ‘wag nang lalabas kapag gano’ng oras na.”
“Kaya mo,” sabi ko. Inilapit ko ang mukha ko sa kan’ya na may pagbabanta. “O, ‘di kaya nama’y kayanin mo. Kung ayaw mong—”
“Saan ka ba pupunta? Delikado nang lumabas ng bahay kapag gano’ng oras,” nag-aalalang sabi ni Miana.
“Wala ka na ro’n.” Inirapan ko siya. “Basta, kung sakaling hanapin man ako, ikaw na ang bahalang mag-alibi,” nakangiting wika ko na mas lalong nagpalaki ng mata niya.
“Pero...”
“Wala nang pero pero!” singhal ko
Sinasagad ng pesteng ‘to ang pasensya ko.
“Mahirap ang pinapagawa mo. Pa’no kung mahuli ako? Pareho tayong malalagot kay Papa.”
Marahas kong hinawakan ang mga pisngi ni Miana gamit ang isang kamay. “Ayaw mong sabihin ko sa kanila ang sikreto mo, ‘di ba?”
Namutla ang mukha ni Miana at nakikita kong namamasa ang mga mata niya. Dahan-dahan siyang tumango. “O-oo.”
Mas lalo akong napangisi at idiniin pa ang mga kuko ko sa mga pisngi niya. “Kung gano’n, sundin mo ang inuutos ko.”
KABANATA 28ISA si Roan sa mga nagpamulat sa akin kung gaano kahalaga ang Panginoon.“Ginamit lang ako ng Panginoon para ituro sa iyo ang tamang daan. At kahit ano pa ang mangyari, mananatili ako sa tabi mo.” Pinisil-pisil ni Roan ang mga kamay ko. “Mamimiss man kita, malulungkot man ako dahil hindi na kita palaging makikita, pero magiging masaya ako ulit oras na maisip ko kung bakit ginawa mo iyon,” usal niya. “Gusto kong malaman mo na isang daang porsyento ang suporta na ibibigay ko sa ‘yo, Elyne.”Parang natunaw ang puso ko nang marinig ang mga iyon.“Susuportahan kita dahil alam kong iyan ang tunay na magpapasaya sa ‘yo. Susuportahan kita dahil alam kong sa gagawin mo na ‘yan, mas lalo kang mapapalapit sa Panginoon.”Hindi ko maiwasang mapangiti habang nangingilid ang mga luha ko. “Salamat, Roan.”Marami na akong
KABANATA 27KUNG mayroon man akong lubos na ipagpapasalamat kay Mama at Papa, iyon ay ang pinalaki nila si Luci nang may takot sa Diyos. Naalala kong isang taong gulang pa lamang siya’y puro kanta na sa simbahan ang kan'yang kabisado. Habang papalaki siya’y napansin namin na masaya siya tuwing nagsisimba kami ng sama sama. Kahit kaila’y hindi ko siya narinig na nagreklamo kahit ilang misa pa ang tinatapos nila. Ayaw din niyang inaabala siya kapag tahimik siyang nakikinig kay Father.Sa bahay kung minsa’y siya pa ang nagpapaalala sa ‘min na magdasal muna bago kumain. Siya rin ang madalas na nangunguna sa pagdarasal. Kasama rin namin siya nila Mama at Papa sa tuwing nagrorosaryo kami at araw araw namin iyong ginagawa.Isa si Luci sa mga dahilan kung bakit napatawad ko si Papa at muling tinanggap. Nang makalaya siya mula sa kulungan dahil sa kasong pagnanakaw, kaagad niya kaming pinuntahan ni Mama.
KABANATA 26NAPAPIKIT ang mga mata ko nang umihip ang malakas na hangin. Nang dumilat ako’y agad kong natanaw ang maliwanag na langit, na para bang hindi man lang nabahiran ng kahit konting dilim. Ang kombinasyon ng kulay asul na kalangitan at kulay puting mga ulap na nakapaligid dito’y nakakalmang pagmasdan. Para bang hindi ko na gugustuhin pang lumubog ang araw at dumilim nang husto ang magandang kalangitan.Dumapo naman ang aking tingin sa isang kulay kayumangging dahon na nahulog sa aking harapan. Nang muling umihip ang malakas na hangin, unti-unting itong gumalaw at sumamang lumipad sa himpapawid. Na para bang isa itong malaking problema na sa isang iglap ay tinangay na lang nang malakas na hangin.Bahagya akong nagulat nang makita ang isang batang babae sa gilid ko. Nakangiti siyng nakatingin sa akin.“Kanina ka pa ba riyan?”Unti-unti siyang umiling. “Hindi naman po.&rd
KABANATA 25“ELYNE, ngayong alam mo na, gusto ko lang ding ipaalam sa ‘yo kung gaano ka kamahal ng Mama mo.”Bumungad sa akin ang malungkot na ngiti sa mga labi ni Papa.“Saksi ako noong mga panahon na ipinagbubuntis ka pa lang niya. Pinipigilan niyang maging emosyonal dahil makakasama iyon sa kan’ya. Iniiwasan niyang magpalipas ng gutom dahil makakasama sa ‘yo. Palagi siyang umiinom ng gatas at mga bitamina para sa buntis dahil gusto niyang malusog kang lalabas. Palagi din siyang nagpapatingin sa doktor upang siguraduhin ang kalusugan mo.”Naramdaman ko ang mabilis na pagragasa ng mga panibagong luha ko sa mata. Gusto ko lang umiyak nang umiyak hanggang wala nang luha ang lumabas sa mata ko.Ano’ng silbi ng mga salitang ‘yon kung ngayon ko lang ito nalalaman? Bakit hanggang ngayon ayaw pa rin ipoproseso ng utak ko lahat ng aking natutuklasan?&l
KABANATA 24“TOTOO na walang awa siyang ginahasa ng totoo tatay mo.”Alam ko na ang sagot pero bakit ang sakit pa rin ng kumpirmasyong iyon? Bakit parang bininiyak ang puso ko?“Gusto kong patayin ang hayop na ‘yon noon dahil binaboy niya ang pinakamamahal kong babae!” Puno ng galit ang tinig ni Papa habang walang tigil sa pagpatak ang mga luha.Parang mas lalong piniga ang puso ko.“Sobrang sakit na malamang ganoon ang sinapit niya. Kaya ako nagsusumikap sa pagtatrabaho dahil gusto kong bigyan ng magandang buhay ang Mama mo. Gusto kong huwag na siyang alilahin ng pamilya niya. Gusto kong huwag na siyang maghirap pa.”Bawat salitang lumalabas sa kan’yang bibig ay tumutusok sa puso ko.Huminga nang malalim si Papa. “Tiniis ko ang lahat dahil gusto ko, pagbalik ko, ihahatid ko na lang siya sa altar. Lahat ng pangarap namin ay nagawan ko na ng para
KABANATA 23MASAKIT isipin na ngayon siya hihingi ng tawad kung kailan hindi pa rin nagigising si Mama. Masakit isipin na ngayon niya napapagtanto ang mga maling ginawa niya kung kailan huli na. Kung kailan hindi na maibabalik pa ang mga nangyari na. Masakit isipin na kailangan pang umabot sa ganito bago niya mapagtanto.“Nagsisisi na ‘ko. Sising-sisi ako.”Muli ko siyang hinarap kasabay nang mabilis na paglandas ng luha sa aking pisngi. Pakiramdam ko’y nabingi ako. Hindi ako makapaniwala sa aking narinig. Sa buong buhay ko’y ngayon ko lang narinig mula sa kan'ya ang mga salitang ‘yan. Sa buong buhay ko ngayon ko lang siya nakitang umiyak para kay Mama.“Nagsisisi na ‘ko sa lahat nang ginawa ko,” basag ang boses na usal niya. Sinubukan niyang abutin ang kamay ko pero maagap ko itong inilayo. “Maniwala ka man o hindi pero hindi ko sinasadyang gawin &lsquo