KABANATA 3
“LETSE talaga si Miss Cantar! Kung hindi lang ‘yan teacher, sinabunutan ko na ‘yan, e!” himutok ng kaklase at kaibigan kong si Chariol. “Mabuti nga’t pumapasok pa tayo sa klase niya kahit wala naman tayong natututunan! Ang boring niyang magturo!”
“Huwag mo na ngang pinoproblema ang hukluban na Cantar na ‘yon. Dapat tayo ang pinoproblema niya,” sambit ko at unti-unting ibinuga ang usok sa aking bibig. Napangiti ako nang makita ang bilog na hugis ng usok. “Tatlong beses ba naman tayong nag-first year. Ewan ko lang kung hindi pa naging miserable ang buhay niya dahil sa ‘tin,” nakangising wika ko.
“Sabagay,” aniya na parang nahimasmasan bigla sa sinabi ko. “Teka, ano ‘yan?” Inginuso niya ang mga sariwang sugat sa braso ko. “Nagpaka-emo ka na naman?”
Inirapan ko siya at itinago sa mapanuring tingin niya ang braso ko. “Wala ‘to.”
Isang hilaw na ngisi ang gumuhit sa kan’yang labi. Ilang saglit pa ay itinikom niya ang bibig at hindi na nagtanong pa.
Dumiretso kami rito ni Chariol sa tambayan namin sa likod ng lumang library nang palabasin kami ng hukluban naming adviser nang mahuli kaming nangongopya roon sa matalino naming kaklase.
“Ano’ng plano mo? Papupuntahin mo ba ang mga magulang mo? Baka ibagsak ulit tayo ng Cantar na ‘yon. Pota! Babalik na naman tayo sa 1st year niyan.” Napailing siya at binuga ang usok sa bibig. “Sukang-suka na ako sa pagmumukha ng hukluban na ‘yon.”
Bahagya akong natawa. “E, ‘di ibagsak niya kung gusto niya,” nakangising tugon ko. “Pero papuntahin ang magulang? Hinding-hindi ko gagawin ‘yon.”
Tutal, wala rin namang pakialam sa akin ang mga iyon. Mas mabuting wala na lang silang alam.
“Ba’t hindi mo na lang ulit arkilahin ‘yong tiyahin ni Roan para magpanggap na nanay mo? Laki-lakihan mo na lang ang bayad para naman galingan niyang umarte,” suhestiyon niya at muling humithit sa hawak na sigarilyo.
Isang malawak na ngisi ang kumurba sa mga labi ko. Tama siya at ginawa ko na iyon noon nang minsan kaming nag-cutting class ni Chariol. Wala akong makasamang magulang noon kaya naisip kong bayaran na lang ang tiyahin ni Roan para magpanggap na nanay ko.
Tumango-tango ako at itinapon ang sigarilyong hawak ko. Inapakan ko iyon hanggang sa mamatay. “Ano pa nga ba? Dadagdagan ko ng bente ‘yong ibabayad ko para naman maging arteng pang-one hundred fifty ‘yong gawin niya.”
Humagalpak nang tawa si Chariol, saka may inginuso. “Oy, syota mo.”
Napatingin ako roon at sumalubong sa akin ang mukha ng pinakaguwapong lalaking nakilala ko. Isang ngiti ang pinakawalan niya habang nakatitig sa akin. May kung anong kumiliti sa tiyan ko sa matamis na ngiting iyon.
“Randolf—”
Hindi ko na natapos ang sasabihin ko nang bigla niya akong isinandal sa pader. Mabilis niyang sinakop ang labi ko at ginawaran ng isang agresibong halik na puno ng pananabik. Ikinawit ko ang mga kamay ko sa batok niya kasabay nang pagpikit ng aking mata. Kahit na hindi ko masabayan ang mapusok niyang halik.
Bahagya ko siyang naitulak nang halos kapusin ako ng hininga. Isang mapaglarong ngiti naman ang gumuhit sa kan’yang mga labi.
“Wow! Lakas, ha?” nakangising komento ni Chariol na pinanonood pala kami.
“Mahal, mauna na 'ko. May laban pa kami. Gusto lang talaga kitang makita,” biglang sabi ni Randolf at humilig sa leeg ko. Iyon naman ang pinuntirya ng halik. Malikot ang mga kamay niya at kung saan-saang parte ng katawan ko napunta.
“Laban?”
Naramdaman kong tumango siya. “Laban sa Mobile Legends.”
Napabuntonghininga ako bago iniangat ang ulo niya. Sobrang lapit na ang mukha namin kaya kitang-kita ko ang namumungay niyang mata na para bang nagpapaawa pa sa akin. “Ano ba ang mayro’n sa Mobile Legends na ‘yan at adik na adik kayong mga lalaki?”
Umayos ng pagkakatayo si Randolf at bigla akong kinabig palapit sa kanya. “Masayang maglaro ng ML.” Imbis na sa baywang, naramdaman ko ang mga kamay niya na nasa pang-upo ko at marahang pinisil ito. “Pero mas masaya ako kapag kasama kita.”
Unti-unting kumurba ang ngiti sa aking mga labi. “Sige na. Binobola mo na naman ako.”
Kung hindi lang kita mahal.
Mas lalo siyang napangiti. “Mahal, ‘yong usapan natin mamaya, ha?” paalala niya at muli akong kinintilan ng mabilis na halik sa mga labi.
Tumango ako. “Sige. Susubukan ko.”
“Hihintayin kita,” sabi niya. Kinindatan pa niya ako bago umalis. Iyan tuloy, mas lalong nag-alboroto sa sobrang kilig ang puso ko.
“Muntikan na ‘kong langgamin sa sobrang tamis ninyo. Kaumay!” komento ni Chariol at inihagis sa akin ang isang maliit na bote ng C2.
“Kung ako sa ‘yo, maghanap ka na rin ng syota para hindi ka naiinggit sa iba!” wika ko at inirapan siya.
Muling napahalakhak si Chariol. “Syota? ‘Sus! C2 lang sapat na. Kampai!” sabi niya at tinungga ang bote ng C2 na alak ang laman. Ito ang palagi naming ginagawa kung gusto naming uminom ng alak kahit nasa eskuwelahan. Pinapalitan namin ng alak ang laman ng C2 at hindi kami nahuhuli dahil magkakulay naman ang mga ito.
“Kampai!” Tinungga ko rin ang laman ng C2 nang makita ko ang seryosong mukha ni Roan na papalapit sa amin.
“Everlyne, tigilan mo nga ‘yan. Baka may makahuli pa sa ‘yo,” paalala ni Roan.
“Mag-shot ka muna,” nakangising sabi ni Chariol pero inirapan lang siya ni Roan. Mainit ang dugo ng huli kay Chariol dahil masamang impluwensya raw ito sa akin. Nakakatawa nga’t hindi niya naisip na ako talaga ang tunay na masamang impluwensya.
Modernong Maria Clara ang bansag ko kay Roan. Bukod sa napakahinhin niya at hindi makabasag pinggan, wala siyang ibang ginawa kundi ang mag-aral nang mag-aral. Sa lahat ng kaibigan ko, si Roan lang ang malapit nang makapagtapos ng High School. Hindi ko nga matandaan kung paano kami naging matalik na magkaibigan dahil siya ang maituturing na kabaliktaran ko sa lahat ng aspeto.
“Roseangela, gamitin mo nga ‘yang isip mo,” bulalas ko. “Malalaman lang nila na alak ang laman ng bote na ‘to kung mag-iingay ka riyan.” Inirapan ko siya. “Kaya puwede ba, kung ayaw mong uminom, manahimik ka na lang.”
Nang marinig naming mag-bell, isang hudyat na uwian na, umalis na kami sa tambayan. Palabas na kami ng eskuwelahan kasama ang iba pang kaibigan nang bigla akong mapahinto sa paglalakad. Isang pamilyar na mukha ang sumalubong sa akin.
Biglang tumaas ang dugo ko sa sobrang inis lalo na nang mapangiti pa siya nang makita ako. Hindi pa nakuntento. Lumapit pa siya at sinenyasan ako. Sandali akong napapikit upang kumalma.
Peste! Ano’ng ginagawa niya rito?
KABANATA 28ISA si Roan sa mga nagpamulat sa akin kung gaano kahalaga ang Panginoon.“Ginamit lang ako ng Panginoon para ituro sa iyo ang tamang daan. At kahit ano pa ang mangyari, mananatili ako sa tabi mo.” Pinisil-pisil ni Roan ang mga kamay ko. “Mamimiss man kita, malulungkot man ako dahil hindi na kita palaging makikita, pero magiging masaya ako ulit oras na maisip ko kung bakit ginawa mo iyon,” usal niya. “Gusto kong malaman mo na isang daang porsyento ang suporta na ibibigay ko sa ‘yo, Elyne.”Parang natunaw ang puso ko nang marinig ang mga iyon.“Susuportahan kita dahil alam kong iyan ang tunay na magpapasaya sa ‘yo. Susuportahan kita dahil alam kong sa gagawin mo na ‘yan, mas lalo kang mapapalapit sa Panginoon.”Hindi ko maiwasang mapangiti habang nangingilid ang mga luha ko. “Salamat, Roan.”Marami na akong
KABANATA 27KUNG mayroon man akong lubos na ipagpapasalamat kay Mama at Papa, iyon ay ang pinalaki nila si Luci nang may takot sa Diyos. Naalala kong isang taong gulang pa lamang siya’y puro kanta na sa simbahan ang kan'yang kabisado. Habang papalaki siya’y napansin namin na masaya siya tuwing nagsisimba kami ng sama sama. Kahit kaila’y hindi ko siya narinig na nagreklamo kahit ilang misa pa ang tinatapos nila. Ayaw din niyang inaabala siya kapag tahimik siyang nakikinig kay Father.Sa bahay kung minsa’y siya pa ang nagpapaalala sa ‘min na magdasal muna bago kumain. Siya rin ang madalas na nangunguna sa pagdarasal. Kasama rin namin siya nila Mama at Papa sa tuwing nagrorosaryo kami at araw araw namin iyong ginagawa.Isa si Luci sa mga dahilan kung bakit napatawad ko si Papa at muling tinanggap. Nang makalaya siya mula sa kulungan dahil sa kasong pagnanakaw, kaagad niya kaming pinuntahan ni Mama.
KABANATA 26NAPAPIKIT ang mga mata ko nang umihip ang malakas na hangin. Nang dumilat ako’y agad kong natanaw ang maliwanag na langit, na para bang hindi man lang nabahiran ng kahit konting dilim. Ang kombinasyon ng kulay asul na kalangitan at kulay puting mga ulap na nakapaligid dito’y nakakalmang pagmasdan. Para bang hindi ko na gugustuhin pang lumubog ang araw at dumilim nang husto ang magandang kalangitan.Dumapo naman ang aking tingin sa isang kulay kayumangging dahon na nahulog sa aking harapan. Nang muling umihip ang malakas na hangin, unti-unting itong gumalaw at sumamang lumipad sa himpapawid. Na para bang isa itong malaking problema na sa isang iglap ay tinangay na lang nang malakas na hangin.Bahagya akong nagulat nang makita ang isang batang babae sa gilid ko. Nakangiti siyng nakatingin sa akin.“Kanina ka pa ba riyan?”Unti-unti siyang umiling. “Hindi naman po.&rd
KABANATA 25“ELYNE, ngayong alam mo na, gusto ko lang ding ipaalam sa ‘yo kung gaano ka kamahal ng Mama mo.”Bumungad sa akin ang malungkot na ngiti sa mga labi ni Papa.“Saksi ako noong mga panahon na ipinagbubuntis ka pa lang niya. Pinipigilan niyang maging emosyonal dahil makakasama iyon sa kan’ya. Iniiwasan niyang magpalipas ng gutom dahil makakasama sa ‘yo. Palagi siyang umiinom ng gatas at mga bitamina para sa buntis dahil gusto niyang malusog kang lalabas. Palagi din siyang nagpapatingin sa doktor upang siguraduhin ang kalusugan mo.”Naramdaman ko ang mabilis na pagragasa ng mga panibagong luha ko sa mata. Gusto ko lang umiyak nang umiyak hanggang wala nang luha ang lumabas sa mata ko.Ano’ng silbi ng mga salitang ‘yon kung ngayon ko lang ito nalalaman? Bakit hanggang ngayon ayaw pa rin ipoproseso ng utak ko lahat ng aking natutuklasan?&l
KABANATA 24“TOTOO na walang awa siyang ginahasa ng totoo tatay mo.”Alam ko na ang sagot pero bakit ang sakit pa rin ng kumpirmasyong iyon? Bakit parang bininiyak ang puso ko?“Gusto kong patayin ang hayop na ‘yon noon dahil binaboy niya ang pinakamamahal kong babae!” Puno ng galit ang tinig ni Papa habang walang tigil sa pagpatak ang mga luha.Parang mas lalong piniga ang puso ko.“Sobrang sakit na malamang ganoon ang sinapit niya. Kaya ako nagsusumikap sa pagtatrabaho dahil gusto kong bigyan ng magandang buhay ang Mama mo. Gusto kong huwag na siyang alilahin ng pamilya niya. Gusto kong huwag na siyang maghirap pa.”Bawat salitang lumalabas sa kan’yang bibig ay tumutusok sa puso ko.Huminga nang malalim si Papa. “Tiniis ko ang lahat dahil gusto ko, pagbalik ko, ihahatid ko na lang siya sa altar. Lahat ng pangarap namin ay nagawan ko na ng para
KABANATA 23MASAKIT isipin na ngayon siya hihingi ng tawad kung kailan hindi pa rin nagigising si Mama. Masakit isipin na ngayon niya napapagtanto ang mga maling ginawa niya kung kailan huli na. Kung kailan hindi na maibabalik pa ang mga nangyari na. Masakit isipin na kailangan pang umabot sa ganito bago niya mapagtanto.“Nagsisisi na ‘ko. Sising-sisi ako.”Muli ko siyang hinarap kasabay nang mabilis na paglandas ng luha sa aking pisngi. Pakiramdam ko’y nabingi ako. Hindi ako makapaniwala sa aking narinig. Sa buong buhay ko’y ngayon ko lang narinig mula sa kan'ya ang mga salitang ‘yan. Sa buong buhay ko ngayon ko lang siya nakitang umiyak para kay Mama.“Nagsisisi na ‘ko sa lahat nang ginawa ko,” basag ang boses na usal niya. Sinubukan niyang abutin ang kamay ko pero maagap ko itong inilayo. “Maniwala ka man o hindi pero hindi ko sinasadyang gawin &lsquo