Nagimbal ang mundo ng labinpitong taong gulang na si Elyne nang matuklasan ang isang sikretong matagal na panahong inilihim sa kan’ya. Dala ng matinding galit, unti-unting binago ng masakit na katotohanang iyon ang tahimik niyang buhay. Iyon din ang nag-udyok sa kan’ya upang tahakin baluktot na landas na hindi niya ginusto. Kailanman ay hindi niya naisip na ganitong kapalaran ang ibinigay sa kan’ya ng mapaglarong tadhana. Ni sa hinagap ay hindi rin niya naisip na magiging magulo ang kan’yang buhay. Maniniwala pa kaya siya na babalik din ang lahat sa dati? Maniniwala pa kaya siya na darating ang araw na mararanasan niyang maging masaya ulit? Maniniwala pa kaya siyang pagsubok lang ang lahat ng nangyayari? Maniniwala pa kaya siyang mayro’n pang natitirang pag-asa? Pero paano nga ba niya magagawang maniwala kung pakiramdam niya, pati ang Diyos na lumikha’y kinalimutan na rin siya?
View MoreKABANATA 1
INISANG hithit ko ang maliit na sigarilyong hawak ko bago ikiniskis ang dulo nito sa isang ashtray na hugis ari ng lalaki. Ibinuga ko rin ang usok sa kawalan bago dinampot at pinintahan ang barahang ibinigay sa akin.
“Sino’ng hitter ngayon?” tanong ko sa tatlong kalaban.
“Ako!” nakangiwing sagot ni Aling Barba, saka niya siniko ang asawang si Mang Isko na nasa tabi. “Lumayas ka nga sa tabi ko, Isko! Simula nang umupo ka rito, minalas na ‘ko.”
Napakamot na lang ng ulo si Mang Isko at tumayo. “Sinisi mo pa ‘ko. Ang sabihin mo malas ka lang talaga.”
“Gago!” bulyaw ni Aling Barba.
Napangisi ako at dinampot ang isa pang bote ng alak sa aking tabi at walang kahirap-hirap na nilagok iyon. Sa tuwing nagsusugal kami ni Aling Barba, kalaban ang dalawa pa niyang kapitbahay na sina Aling Pasing at Aling Metring, palagi ko silang natatalo. Katulad na lang ngayon. Halos nasa akin na ang lahat ng pera nila.
“Elyne, halos maubos mo na ‘yong isang kaha ng Marlboro Lights at nakakatatlong bote ka na rin ng Red Horse. Hindi ka pa ba uuwi sa inyo? Gabi na,” pabulong na sabi ng kaibigan kong si Roan.
Nilingon ko siya suot ang isang seryosong tingin. “Pinapauwi mo na ba ‘ko, Roseangela?”
Napailing siya. “Hindi naman sa ganoon. Naisip ko lang na baka nag-aalala na sa ‘yo sina Tito’t Tita.”
“Ano ba, Roan!” biglang bulyaw ni Aling Barba. “Hayaan mo nga siya!” Pinandilatan nito ng mga mata ang anak. “Hindi pa nga ako nakakabawi. Malaki-laki pa ang talo ko!”
Napayuko si Roan at walang nagawa kundi ang manahimik na lang sa isang tabi. Mas lalong gumuhit ang isang ngisi sa aking mga labi. “Narinig mo naman siguro,” sabi ko at nagtapon ng baraha.
Nakikipaglaro ako ng tong-its sa nanay ni Roan sa tuwing pupunta ako sa kanila. Nakakatawa nga lang dahil sa tuwing nalalaman ni Aling Barba na pupunta ako, naghahanda pa talaga siya ng perang pangsugal para lang makalaban ako. Kahit minsan ay galing pa sa utang iyon.
“Elyne!”
Isang pamilyar na boses ang umagaw ng atensyon ko. Nilingon ko ang pinanggaling nito at nakita ko ang paghinto ng mga mata niya sa baraha, bote ng alak, at sigarilyo na nagkalat sa ibabaw ng hanggang tuhod na lamesa. Matalim ang ibinato niyang titig sa akin, ngunit nanatili akong kalmado. Nakita kong nag-igting ang panga niya at para bang handa nang sumabog ano mang oras.
“E-Elyne… ang papa mo,” nauutal sa takot na sabi ni Roan.
Isang mapaglarong ngiti ang gumuhit sa aking mga labi. “Papa? Seryoso ka ba, Roan? Hindi ko siya Papa.”
Kitang-kita ko ang paggalaw ng panga ng “papa” ko raw na para bang may kung anong pinipigilan. “O, ano’ng ginagawa mo rito?” simpleng tanong ko.
“Hindi ba’t ako dapat ang nagtatanong sa ‘yo niyan?” Mas lalong umigting ang panga niya sa galit. “Uuwi na tayo,” maawtoridad na utos pa niya.
“Hindi ako uuwi,” mariing sabi ko nang hindi tinatanggal ang palaban na titig sa kan’ya.
Ano ang karapatan mo para utusan ako?
Biglang pumagitna sa amin si Aling Barba nang magsimulang tumaas ang tensyon. “Mr. Devera, hayaan na ninyo si Elyne kung ayaw niyang umuwi—”
“Uuwi na tayo sa ayaw at sa gusto mo!” malakas na sigaw ni Papa. Umugong sa apat na sulok ng maliit na bahay nina Roan ang malakas na boses niya, dahilan para mapaatras sa takot si Aling Barba.
Maging ako ay nanigas na lang sa kinauupuan ko. Sanay na ako sa masamang tingin na ipinupukol niya sa akin. Sanay na ako sa panenermon niya. Sanay na ako sa mga sigaw at bulyaw niya sa akin. Sanay na ako sa nakakatakot niyang presensya. Pero ngayon, kumalabog nang husto ang puso ko at muling nakaramdam ng takot sa pagtaas ng boses niya. Kung tingnan niya ako, parang gusto akong balatan nang buhay.
Isang seryosong tingin ang isinagot ko. Ilang saglit pa, dinampot ko ang mga gamit ko at dali-daling lumabas ng bahay nina Roan. Naikuyom ko ang isang kamay ko sa sobrang inis. “Buwisit!”
Hindi ko inaakalang matutunton na naman niya ako. Na siya pa mismo ang susundo sa akin. Mas sanay akong wala siyang pakialam. Mas sanay akong wala kaming pakialamanan.
Nang matanaw ko ang pulang kotse niya sa hindi kalayuan, dumiretso ako roon at padabog na isinira ang pinto sa may likod. Kaagad din namang sumakay si Papa na nakasunod pala sa akin. Hindi pa man ako nakakaupo nang maayos ay napansin ko ang matalim niyang tingin sa salamin.
“Maaga kang umaalis sa bahay. Humihingi ng baon pero hindi ka naman pala pumapasok sa eskuwelahan! Bata ka!” Halos mabingi ako sa lakas ng boses niya. “Puro sugal, alak, at sigarilyo ang inaatupag mo! Iyan ba ang gawain ng matinong estudyante?” Mas tumaas ang boses niya pero nananatili lang akong seryoso. “Labingpitong taong gulang ka pa lang pero iyan na ang iniintindi mo!”
“Wow naman,” bulalas ko suot ang isang hilaw na ngisi. Hindi ko maiwasang mainis dahil kung magsalita siya, para bang may pakialam talaga siya sa akin. Napakagaling niyang magpanggap! “Kailan ka pa natutong magmalasakit sa ‘kin?”
Mas lalong umigting ang panga ni Papa. Naging sunod-sunod na ang paggalaw nito, tanda na malapit nang maubos ang pasensya niya. At iyon ang gusto kong mangyari ngayon.
“Huwag mo akong sinasagot nang gan’yan!” malakas na singhal niya. “Nagpapakahirap ako para lang may ipalamon sa ‘yo at mapag-aral ka sa magandang eskuwelahan, ‘tapos iyan lang ang gagawin mo? Kung ako lang, hindi na kita hahanapin! Tutal sakit ka lang naman ng ulo namin! Wala ka talagang kuwentang anak!”
Napahinto ako at biglang natahimik. Dapat ay sanay na akong marinig ang mga ganoong salitang galing sa lalaking itinuring kong papa. Totoo naman talagang wala akong kuwentang anak. Perwisyo lang ako sa buhay nila. Daig ko pa ang peste na pilit na sumisira sa buhay nila. Wala akong ginawa kundi ang bigyan sila ng kahihiyan. Dapat ay sanay na akong marinig iyon. Pero hindi, e. Parang patalim ang mga salita niya na kaagad na sumaksak sa puso ko.
Ang sakit. Ang sakit pa rin pala.
KABANATA 28ISA si Roan sa mga nagpamulat sa akin kung gaano kahalaga ang Panginoon.“Ginamit lang ako ng Panginoon para ituro sa iyo ang tamang daan. At kahit ano pa ang mangyari, mananatili ako sa tabi mo.” Pinisil-pisil ni Roan ang mga kamay ko. “Mamimiss man kita, malulungkot man ako dahil hindi na kita palaging makikita, pero magiging masaya ako ulit oras na maisip ko kung bakit ginawa mo iyon,” usal niya. “Gusto kong malaman mo na isang daang porsyento ang suporta na ibibigay ko sa ‘yo, Elyne.”Parang natunaw ang puso ko nang marinig ang mga iyon.“Susuportahan kita dahil alam kong iyan ang tunay na magpapasaya sa ‘yo. Susuportahan kita dahil alam kong sa gagawin mo na ‘yan, mas lalo kang mapapalapit sa Panginoon.”Hindi ko maiwasang mapangiti habang nangingilid ang mga luha ko. “Salamat, Roan.”Marami na akong
KABANATA 27KUNG mayroon man akong lubos na ipagpapasalamat kay Mama at Papa, iyon ay ang pinalaki nila si Luci nang may takot sa Diyos. Naalala kong isang taong gulang pa lamang siya’y puro kanta na sa simbahan ang kan'yang kabisado. Habang papalaki siya’y napansin namin na masaya siya tuwing nagsisimba kami ng sama sama. Kahit kaila’y hindi ko siya narinig na nagreklamo kahit ilang misa pa ang tinatapos nila. Ayaw din niyang inaabala siya kapag tahimik siyang nakikinig kay Father.Sa bahay kung minsa’y siya pa ang nagpapaalala sa ‘min na magdasal muna bago kumain. Siya rin ang madalas na nangunguna sa pagdarasal. Kasama rin namin siya nila Mama at Papa sa tuwing nagrorosaryo kami at araw araw namin iyong ginagawa.Isa si Luci sa mga dahilan kung bakit napatawad ko si Papa at muling tinanggap. Nang makalaya siya mula sa kulungan dahil sa kasong pagnanakaw, kaagad niya kaming pinuntahan ni Mama.
KABANATA 26NAPAPIKIT ang mga mata ko nang umihip ang malakas na hangin. Nang dumilat ako’y agad kong natanaw ang maliwanag na langit, na para bang hindi man lang nabahiran ng kahit konting dilim. Ang kombinasyon ng kulay asul na kalangitan at kulay puting mga ulap na nakapaligid dito’y nakakalmang pagmasdan. Para bang hindi ko na gugustuhin pang lumubog ang araw at dumilim nang husto ang magandang kalangitan.Dumapo naman ang aking tingin sa isang kulay kayumangging dahon na nahulog sa aking harapan. Nang muling umihip ang malakas na hangin, unti-unting itong gumalaw at sumamang lumipad sa himpapawid. Na para bang isa itong malaking problema na sa isang iglap ay tinangay na lang nang malakas na hangin.Bahagya akong nagulat nang makita ang isang batang babae sa gilid ko. Nakangiti siyng nakatingin sa akin.“Kanina ka pa ba riyan?”Unti-unti siyang umiling. “Hindi naman po.&rd
KABANATA 25“ELYNE, ngayong alam mo na, gusto ko lang ding ipaalam sa ‘yo kung gaano ka kamahal ng Mama mo.”Bumungad sa akin ang malungkot na ngiti sa mga labi ni Papa.“Saksi ako noong mga panahon na ipinagbubuntis ka pa lang niya. Pinipigilan niyang maging emosyonal dahil makakasama iyon sa kan’ya. Iniiwasan niyang magpalipas ng gutom dahil makakasama sa ‘yo. Palagi siyang umiinom ng gatas at mga bitamina para sa buntis dahil gusto niyang malusog kang lalabas. Palagi din siyang nagpapatingin sa doktor upang siguraduhin ang kalusugan mo.”Naramdaman ko ang mabilis na pagragasa ng mga panibagong luha ko sa mata. Gusto ko lang umiyak nang umiyak hanggang wala nang luha ang lumabas sa mata ko.Ano’ng silbi ng mga salitang ‘yon kung ngayon ko lang ito nalalaman? Bakit hanggang ngayon ayaw pa rin ipoproseso ng utak ko lahat ng aking natutuklasan?&l
KABANATA 24“TOTOO na walang awa siyang ginahasa ng totoo tatay mo.”Alam ko na ang sagot pero bakit ang sakit pa rin ng kumpirmasyong iyon? Bakit parang bininiyak ang puso ko?“Gusto kong patayin ang hayop na ‘yon noon dahil binaboy niya ang pinakamamahal kong babae!” Puno ng galit ang tinig ni Papa habang walang tigil sa pagpatak ang mga luha.Parang mas lalong piniga ang puso ko.“Sobrang sakit na malamang ganoon ang sinapit niya. Kaya ako nagsusumikap sa pagtatrabaho dahil gusto kong bigyan ng magandang buhay ang Mama mo. Gusto kong huwag na siyang alilahin ng pamilya niya. Gusto kong huwag na siyang maghirap pa.”Bawat salitang lumalabas sa kan’yang bibig ay tumutusok sa puso ko.Huminga nang malalim si Papa. “Tiniis ko ang lahat dahil gusto ko, pagbalik ko, ihahatid ko na lang siya sa altar. Lahat ng pangarap namin ay nagawan ko na ng para
KABANATA 23MASAKIT isipin na ngayon siya hihingi ng tawad kung kailan hindi pa rin nagigising si Mama. Masakit isipin na ngayon niya napapagtanto ang mga maling ginawa niya kung kailan huli na. Kung kailan hindi na maibabalik pa ang mga nangyari na. Masakit isipin na kailangan pang umabot sa ganito bago niya mapagtanto.“Nagsisisi na ‘ko. Sising-sisi ako.”Muli ko siyang hinarap kasabay nang mabilis na paglandas ng luha sa aking pisngi. Pakiramdam ko’y nabingi ako. Hindi ako makapaniwala sa aking narinig. Sa buong buhay ko’y ngayon ko lang narinig mula sa kan'ya ang mga salitang ‘yan. Sa buong buhay ko ngayon ko lang siya nakitang umiyak para kay Mama.“Nagsisisi na ‘ko sa lahat nang ginawa ko,” basag ang boses na usal niya. Sinubukan niyang abutin ang kamay ko pero maagap ko itong inilayo. “Maniwala ka man o hindi pero hindi ko sinasadyang gawin &lsquo
Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
Comments