Share

Kabanata 5

Author: Youniqueen
last update Last Updated: 2020-07-30 12:24:35

KABANATA 4

“NAPAKASAMA mo talaga, Elyne. Hindi ko alam na magagawa mo ‘yon sa kapatid mo,” hindi makapaniwalang wika ni Chariol na sinabayan pa ng tawa. 

“Tama lang ‘yon sa kan’ya,” sabi ko habang pinaglalaruan ang kalalagay pa lang na piercing sa mga labi ko. “Isa pa, hindi kami magkapatid. Wala akong kapatid na tanga at uto-uto.” Isang tipid na ngiti ang gumuhit sa aking mga labi nang muling maalala ang nangyari kagabi. 

“Elyne, ito na ‘yong susi. Bilisan mo lang dahil baka magising si Papa,” halos pabulong na sabi ni Miana. 

Nakahalukipkip ako habang nakatitig sa kan’ya. Nakakabilib din ang isang ito. Kinuha talaga ang susi ng gate ng bahay. Hindi ko alam kung paano niya nagawa iyon gayong mahigpit itong itinatago ni Papa. Pero dahil nga magaling siya, ayokong palampasin ang masayang gabi na ito. 

“Sandali lang. Naiwan ko pala ‘yong selpon ko sa itaas,” sabi ko. “Pero buksan mo na ‘yong gate para makalabas ako kaagad.” Tumalikod na ako at muling bumalik sa kuwarto. Mabilis kong binura ang mga kolorete na nakalagay sa aking mukha at isinuot ulit ang pantulog kong damit. “Humanda ka sa ‘kin, Miana.” Isang nakakalokong ngisi ang kumawala sa mga labi ko. 

Kinuha ko ang basong nakapatong sa lamesita at lumabas ng kuwarto. Nakabibinging katahimikan ang sumalubong sa akin. Itinaas ko ang baso at walang alinlangang ibinato sa ibaba ng pinto ng kuwarto nina Papa. Umalingawngaw ang ingay ng pagkabasag niyon sa sahig at nagkalat doon ang mga bubog. Napangisi ako nang bumukas ang pinto. Tama ako. Sa lakas ng ingay na nilikha ng basong iyon, magigising sila.

“Ano’ng nangyayari rito? Bakit may basag na baso?” pagalit na tanong ni Papa na halatang naistorbo sa kasarapan ng tulog. Nasa likuran niya si Mama.

Humikab ako at pinapungay ang mga mata. Nagpanggap ako na inaantok pa. “Halata ba? E, ‘di nabitiwan ko.” 

“Tigil-tigilan mo ako sa pamimilosopo mong bata ka!” Mas tumaas ang boses ni Papa. “Bakit gising ka pa? Tatakas ka na naman, ano?”

“Tatakas? Saan ako pupunta?” maang-maangan ko pa at napailing. “Naalimpungatan ako nang marinig ko na parang may nagbubukas ng gate. Baka inaakyat bahay na tayo.”

Nanlaki ang mga mata ni Papa. “Ano?” Hindi na ako hinintay makasagot at dali-daling bumaba ng hagdan. Sumunod lang kami ni Mama. 

Napahinto si Papa. Rumehistro sa mukha niya ang matinding pagkagulat nang makitang binubuksan ni Miana ang gate. 

“Miana!” Nag-igting ang panga niya. 

Napalingon si Miana at nanlaki ang mga mata. Namuti ang mukha niya sa sobrang takot. Mas lalo akong napangisi. Nasasabik akong makita na pagalitan siya ng magaling niyang ama. Mukhang magandang panoorin ang eksena na ito. 

“P-papa, m-magpapaliwanag po ako,” nauutal na sabi ni Miana at napatingin sa akin na tila humihingi ng tulong. Tumingin ako sa ibang direksyon habang nakangisi. 

Tulong? Manigas ka riyan!

“Magpapaliwanag?” bulyaw ni Papa. “Ano sa tingin mo ang ginagawa mo? Dis-oras na ng gabi! Saan ka pupunta, ha? Marunong ka na ring tumakas, bata ka!” 

Pumagitna si Mama at sinenyasan si Papa. Niyakap niya nang mahigpit si Miana at pilit na pinapatahan dahil hindi matigil sa paghikbi ang kawawang bata. 

Buti nga sa ‘yo!

“Lumayas ka riyan, Erlinda! Huwag mong kampihan ‘yang anak mo!” sigaw ni Papa kay Mama. 

Mas lalong umiyak si Miana at nakita ko ang panginginig ng katawan niya. Biglang siyang napatingin sa akin habang umaagos ang luha sa mga mata. Humalukipkip ako at ngumisi para asarin siya. Matagal ko na kasing sinasabi na ayoko sa kan’ya. Ayokong maging kapatid siya. Ayokong dumidikit siya sa akin. Iyan tuloy ang napala niya.

“Simula ngayon, hindi ka na lalabas ng bahay! Hindi ka na rin puwedeng humawak ng computer o ano mang gadgets! Pagkatapos ng klase mo, uuwi ka kaagad at wala kang ibang gagawin kundi mag-aral!” pinal na sabi ni Papa, saka kami tinalikuran. 

“Papa!” Mas lalong bumuhos ang luha ni Miana. 

Napatingin sa akin si Mama. May isinenyas siyang hindi ko maintindihan. Inirapan ko lang siya. Inilingan niya ako bago naglakad papasok ng bahay kasama si Miana na seryosong nakatingin sa akin. 

NARAMDAMAN kong nag-vibrate ang selpon ko sa bulsa ng suot kong palda. Tiningnan ko kung sino ang nagpadala ng mensahe. Si Randolf. 

Pupunta ka ba rito o ako ang pupunta sa room ninyo? Mamili ka. 

“Pota naman!” bulalas ko na ikinagulat ni Chariol na nasa tabi ko.

“Anyare?” tanong niya at hinithit ang hawak na black bat. Walang guro kaya malaya naming ginagawa ang mga gusto naming gawin.

Huminga ako nang malalim at napailing. “Nagtatampo si Randolf, e. Hindi lang ako nakasipot kagabi.” 

Nagtatampo siya dahil pinaghintay ko raw siya sa wala. Nakalimutan kong sabihin kay Randolf ang mga nangyari kaya hindi ko nagawang tumakas. Isa pa, wala rin akong ganang maghanap ng panibagong bar na magpapasok ng menor de edad na kagaya namin. 

Pagkatapos pa niyon, sa bahay nina Randolf ako matutulog. Ganoon lagi ang ginagawa namin at alam ko na ang gusto niyang mangyari. Kung anu-anong kabastusan ang ituturo sa akin. Medyo bastos si Randolf at may kalikutang taglay ang mga kamay. Hindi nahihiya kahit nasa pampublikong lugar kami. Basta ginusto niya, kailangang sundin. Pero kahit na ganoon, mahal na mahal ko siya at ayokong mawala siya sa akin. Kaya naman madalas ay napagbibigyan ko. 

“Kaya naman pala. E, ‘di pagbigyan mo na,” nakangising sabi ni Chariol. Binugahan pa ako ng usok sa mukha. 

Pesteng babae na ‘to. Amoy tsokolate ang  hininga.

Umiling ako. “Ano pa nga ba?” 

“Tangina. Umaatikabong bakbakan na naman ‘yan!” Napahagalpak sa pagtawa si Chariol na animo ay wala nang bukas. “Kung kailangan ninyo ng taga-video, nandito lang ako. Libre lang serbisyo ko.”

“Ulol!” 

Ibinato ko sa kan’ya ang notebook na hawak ko. Natawa na lang ako nang tumama iyon sa mukha ni Chariol. Isang malutong na mura ang kumawala mula sa bibig niya. Nagmadali akong lumabas para dumiretso sa lumang Faculty Room. Sinabi kanina ni Randolf sa akin kung saan kami magkikita. 

Nang makarating ako, nakita ko si Randolf na nakasandal sa may pader ng lumang gusali nang mag-isa. Para bang may hinihintay talaga. Isang malawak na ngisi ang kumurba sa mga labi niya nang makita ako. 

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Kapag Naniwala Ka (Filipino/Tagalog)   Kabanata 28

    KABANATA 28ISA si Roan sa mga nagpamulat sa akin kung gaano kahalaga ang Panginoon.“Ginamit lang ako ng Panginoon para ituro sa iyo ang tamang daan. At kahit ano pa ang mangyari, mananatili ako sa tabi mo.” Pinisil-pisil ni Roan ang mga kamay ko. “Mamimiss man kita, malulungkot man ako dahil hindi na kita palaging makikita, pero magiging masaya ako ulit oras na maisip ko kung bakit ginawa mo iyon,” usal niya. “Gusto kong malaman mo na isang daang porsyento ang suporta na ibibigay ko sa ‘yo, Elyne.”Parang natunaw ang puso ko nang marinig ang mga iyon.“Susuportahan kita dahil alam kong iyan ang tunay na magpapasaya sa ‘yo. Susuportahan kita dahil alam kong sa gagawin mo na ‘yan, mas lalo kang mapapalapit sa Panginoon.”Hindi ko maiwasang mapangiti habang nangingilid ang mga luha ko. “Salamat, Roan.”Marami na akong

  • Kapag Naniwala Ka (Filipino/Tagalog)   Kabanata 27

    KABANATA 27KUNG mayroon man akong lubos na ipagpapasalamat kay Mama at Papa, iyon ay ang pinalaki nila si Luci nang may takot sa Diyos. Naalala kong isang taong gulang pa lamang siya’y puro kanta na sa simbahan ang kan'yang kabisado. Habang papalaki siya’y napansin namin na masaya siya tuwing nagsisimba kami ng sama sama. Kahit kaila’y hindi ko siya narinig na nagreklamo kahit ilang misa pa ang tinatapos nila. Ayaw din niyang inaabala siya kapag tahimik siyang nakikinig kay Father.Sa bahay kung minsa’y siya pa ang nagpapaalala sa ‘min na magdasal muna bago kumain. Siya rin ang madalas na nangunguna sa pagdarasal. Kasama rin namin siya nila Mama at Papa sa tuwing nagrorosaryo kami at araw araw namin iyong ginagawa.Isa si Luci sa mga dahilan kung bakit napatawad ko si Papa at muling tinanggap. Nang makalaya siya mula sa kulungan dahil sa kasong pagnanakaw, kaagad niya kaming pinuntahan ni Mama.

  • Kapag Naniwala Ka (Filipino/Tagalog)   Kabanata 26

    KABANATA 26NAPAPIKIT ang mga mata ko nang umihip ang malakas na hangin. Nang dumilat ako’y agad kong natanaw ang maliwanag na langit, na para bang hindi man lang nabahiran ng kahit konting dilim. Ang kombinasyon ng kulay asul na kalangitan at kulay puting mga ulap na nakapaligid dito’y nakakalmang pagmasdan. Para bang hindi ko na gugustuhin pang lumubog ang araw at dumilim nang husto ang magandang kalangitan.Dumapo naman ang aking tingin sa isang kulay kayumangging dahon na nahulog sa aking harapan. Nang muling umihip ang malakas na hangin, unti-unting itong gumalaw at sumamang lumipad sa himpapawid. Na para bang isa itong malaking problema na sa isang iglap ay tinangay na lang nang malakas na hangin.Bahagya akong nagulat nang makita ang isang batang babae sa gilid ko. Nakangiti siyng nakatingin sa akin.“Kanina ka pa ba riyan?”Unti-unti siyang umiling. “Hindi naman po.&rd

  • Kapag Naniwala Ka (Filipino/Tagalog)   Kabanata 25

    KABANATA 25“ELYNE, ngayong alam mo na, gusto ko lang ding ipaalam sa ‘yo kung gaano ka kamahal ng Mama mo.”Bumungad sa akin ang malungkot na ngiti sa mga labi ni Papa.“Saksi ako noong mga panahon na ipinagbubuntis ka pa lang niya. Pinipigilan niyang maging emosyonal dahil makakasama iyon sa kan’ya. Iniiwasan niyang magpalipas ng gutom dahil makakasama sa ‘yo. Palagi siyang umiinom ng gatas at mga bitamina para sa buntis dahil gusto niyang malusog kang lalabas. Palagi din siyang nagpapatingin sa doktor upang siguraduhin ang kalusugan mo.”Naramdaman ko ang mabilis na pagragasa ng mga panibagong luha ko sa mata. Gusto ko lang umiyak nang umiyak hanggang wala nang luha ang lumabas sa mata ko.Ano’ng silbi ng mga salitang ‘yon kung ngayon ko lang ito nalalaman? Bakit hanggang ngayon ayaw pa rin ipoproseso ng utak ko lahat ng aking natutuklasan?&l

  • Kapag Naniwala Ka (Filipino/Tagalog)   Kabanata 24

    KABANATA 24“TOTOO na walang awa siyang ginahasa ng totoo tatay mo.”Alam ko na ang sagot pero bakit ang sakit pa rin ng kumpirmasyong iyon? Bakit parang bininiyak ang puso ko?“Gusto kong patayin ang hayop na ‘yon noon dahil binaboy niya ang pinakamamahal kong babae!” Puno ng galit ang tinig ni Papa habang walang tigil sa pagpatak ang mga luha.Parang mas lalong piniga ang puso ko.“Sobrang sakit na malamang ganoon ang sinapit niya. Kaya ako nagsusumikap sa pagtatrabaho dahil gusto kong bigyan ng magandang buhay ang Mama mo. Gusto kong huwag na siyang alilahin ng pamilya niya. Gusto kong huwag na siyang maghirap pa.”Bawat salitang lumalabas sa kan’yang bibig ay tumutusok sa puso ko.Huminga nang malalim si Papa. “Tiniis ko ang lahat dahil gusto ko, pagbalik ko, ihahatid ko na lang siya sa altar. Lahat ng pangarap namin ay nagawan ko na ng para

  • Kapag Naniwala Ka (Filipino/Tagalog)   Kabanata 23

    KABANATA 23MASAKIT isipin na ngayon siya hihingi ng tawad kung kailan hindi pa rin nagigising si Mama. Masakit isipin na ngayon niya napapagtanto ang mga maling ginawa niya kung kailan huli na. Kung kailan hindi na maibabalik pa ang mga nangyari na. Masakit isipin na kailangan pang umabot sa ganito bago niya mapagtanto.“Nagsisisi na ‘ko. Sising-sisi ako.”Muli ko siyang hinarap kasabay nang mabilis na paglandas ng luha sa aking pisngi. Pakiramdam ko’y nabingi ako. Hindi ako makapaniwala sa aking narinig. Sa buong buhay ko’y ngayon ko lang narinig mula sa kan'ya ang mga salitang ‘yan. Sa buong buhay ko ngayon ko lang siya nakitang umiyak para kay Mama.“Nagsisisi na ‘ko sa lahat nang ginawa ko,” basag ang boses na usal niya. Sinubukan niyang abutin ang kamay ko pero maagap ko itong inilayo. “Maniwala ka man o hindi pero hindi ko sinasadyang gawin &lsquo

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status