Share

Chapter 7

Nagsimula akong magtaka sa mga nagaganap lalo pa hindi namin kayang alamin ang pagkakaiba ng mga nilalang dito at mga tao na pinadala sa mundong ito. Wala man lang akong naramdamang espesyal o sensyales gayong ilang beses na kami nagkikita.

" Ibig bang sabihin nito ay hindi lang kami ang taga earth na narito? "

Maaari sa limang taon ko sa mundong ito ay matagal ko na silang nakasalubong o nakaharap pero hindi ko man lang ito napansin. Siguro may kinalaman ito sa tadhanang binigay saakin. Kung sa bagay hindi nga pala ako ang itinakda ng dyosa sa mahalagang bagay at kung matatandaan ko may bayani sa roletang ipinaikot ko.

Pinapunta lang pala ako dito para sa wala kaya bakit pa ako magtataka kung wala akong kakayahan na makilala kung sino sino ang mga itinakda.

" Marahil ganun na nga, kumbaga sa isang kwento sa mga palabas ay hamak na extra lang ako at walang espesyal na gagampanan. Napaka unfair na dyosa na iyon."

Dahil sa pagbulong ko sa hangin ay narinig ako ng dalagang nasa harap k
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status