Share

Chapter 5

 

Napangiwi na lang ako lalo na yung ipakita nito ang pagmamaldita nito sa harap ko habang binabanggit na saakin na hindi na raw nya problema kung paano ko didiskartehan iyon basta may gawin akong paraan na tila ba ipinapasa saakin ang mga problema nya.

Hindi nya naisip na kung may kakayahan akong lumaban sa malalakas eh di sana kahit itong nakakairitang kadenang ito ay kanina ko pa natanggal sa katawan ko para tumakas sa lugar na ito. Walang kwenta ang pisikal na lakas ko dahil pinapahina ito ng spell na bumabalot sa kanyang ginawang sealing spell.

Habang nagpapaliwanag ay nabanggit nya na kailangan matapos ang itinakda ng dyosa upang makalaya na sya sa tadhana nya na kagaya ko ay naitakda dahil sa pagpapaikot lang ng roleta. Kung iisipin ay pareho lang kaming minalas sa roleta ng dyosa pero kahit naman papaano ay sampung beses na mas ok pa yung kinalalagyan nya kesa saakin.

 

Dito tuloy tuloy syang nagdadabog at nagrereklamo dahil nga raw halos limang taon na mula nung napadpad sya dito hanggang ngayon ay hindi pa nakakaakyat ang bayani na itinakda at masyado na syang naiinip mag isa sa tuktok ng tore kaya desperado na syang lisanin ang mundong ito. Well, Sino bang hindi mababagot mabuhay mag isa at wala kang choice kundi gampanan ang iyong misyon kahit hindi mo gusto?

 

" Nauunawaan ko ang problema mo at nakikisimpatya ako sa kalungkutan mo ng ilang taon dahil taga Earth din ako pero wala naman ganyanan. bakit ako pa? " Sagot ko.

 

" Ang arte mo naman , ang sabi mo kanina gagawin mo ang ano mang iuutos ko tapos ngayon hindi ka pa nagsisimula ay umaayaw ka na?" Sambit nito.

" Oo sinabi ko yun syempre para mabuhay pero hindi ko naman inexpect na uutusan mo pala akong pumasok sa tore at doon magpakamatay." 

" Eh, Kung utusan mo na lang kaya akong tumalon sa bangin doon sa bundok.  Eh di, hindi ko na kailangan magnakaw pa ng divine item sa ibang tao at magpagod tutal tila pareho lang naman din na kamatayan ang naghihintay saakin kung tatangapin ko ang hinihiling mo.." Dagdag ko.

Hindi ito nagpatalo saakin at lalong ipinilit ang pagmamaldita. Kaagad nya akong kwinelyuhan at pinagbataan na hindi ko na kailangan gawin ang pagtalon sa bangin dahil sya mismo ang papaslang saakin sa mismong kinalalagyan ko sa oras na tumanggi ako.

Biruin mo yun talagang pinagbabantaan nya ako kahit na humihingi sya ng tulong pero kung iisipin parang pareho lang naman ang sasapitin ko. Malas ko lang dahil isa akong halimaw sa mundong ito kaya kahit na isa ako sa mga ipinadala ng dyosa kaya kapag namatay ako ay makukulong ang kaluluwa ko sa isang cristal.

At isa sa hindi ko ma gets sa kanya ay yung gusto nya na labanan at matalo sya sa labanan. Sino bang may matinong pag iisip na mag uutos sa iba na patayin sya?. 

 

" Ah, basta buo na ang isip ko at handa ako sa mangyayari. Sasama ka at tutulungan ako sa ayaw o gusto mo." Pag mamaldita nito

" Pwede ba, pag planuhan mo muna ulit mga gusto mo sa buhay? Pala desisyon ka masyado tapos mandadamay ka ng kung sinong masasalubong mo na tila ba responsibilidad ng kung sino ang problema mo.." Tugon ko rito.

 "May problema rin ako at limang taon narin ako nilulumot mag isa sa lugar na ito pero hindi ako nandadamay ng ibang tao." Sambit nito.

 

Dito ay bigla nya akong itinulak at tumayo ng deretso habang nagbubuntong hininga. Nabanggit nya na malakas ang mga heneral nya pero posibleng mapatay. Pero sa palagay ko nasabi nya iyon base sa pagtingin àt kakayahan nya dahil mas malakas sya sa mga heneral nya. Gayumpaman ay may inalok sya saakin bilang gantimpala sa oras na magawa ko ang utos nya. 

Inalok ako nito ng kabuoan ng kayamanan ng tore sa oras na magawa ko ang iuutos nya. Ang tore ay naglalaman ng mga magagandang lupain at milyon milyong ginto at dyamante bawat palapag.

Gayumpaman, Hindi naman ang gantimpala ang problema ko kaya nais ko itong tangihan kundi kung paano mismo gagawin ang imposibleng bagay na iniuutos nya.

" *Sigh* Ang hina ng loob mo, dapat nga ay excited ka dahil mas magiging exciting ang buhay mo sa pananatili sa mundong ito kesa manatili sa lungga mo." Sàmbit nito.

" Isipin mo na lang para ito sa kinabukasan mo. Ayaw mo bang maging makabuluhan ang muli mong pagkabuhay? " Dagdag nito.

 

At iyon na nga nagsalita na sya ng pangangaral saakin pero mismong sya ay hindi kayang pangaralan ang sarili at unawain na may mga limitasyon ang mga bagay bagay. Magkaiba ang kahibangan sa pagiging dakila.

 

Paano nya nasasabi na maaayos ang kinabukasan ko sa kanyang mga plano eh sa simula palang pagnanakawin nya na ako ng divine item sa isang bayani na inaasahan ng milyon milyong tao. 

" Ok, kung ayaw mo sa plano ko ay may iba pa naman paraan para matulungan mo ako. " Sambit nito habang tumatalikod saakin.

" Kahit ano susundin ko basta hindi buwis buhay? Tugon ko.

 

Pumayag ito at pinagmalaki na sinabi na wala na ang parte kung saan may nakawan at labanan pa na magaganap at nagmamalaki na mas simple pa ito at tila gantimpala ng kalangitan sa oras na tangapin ko . 

 

Laking tuwa ko sa narinig ko at parang nabunutan ako ng tinik sa dibdib dahil may iba syang ipapagawa maliban sa naisip nyang kabaliwan na puno ng panganib..

Napahawak ito sa kanyang mga kamay habang we tila nagdadalawang isip na magsalita. Hindi ko alam kung ano ang trip nyang sabihin pero dahil pwersahan narin nya akong uutusan ay wala na rin akong pagpipilian kundi pilitin syàng sabihin ang nasa isip nya. 

" Sige na sabihin mo na, pakiramdaman ko hindi naman kasi ako pwedeng humindi sa mga iuutos mo. Tama ba? " Pagpipilit ko.

 

Nagbuntong hininga ito at muling humarap saakin na may pagmamaldita pero sa pagkakataon na yun bakas ang pamumula ng pisngi nya kasabay ang malikot na mata na halos hindi makatingin ng deretso.

 

" Ok, makinig ka ! gusto kong sumama ka saakin pabalik ng tore at pagkatapos manatili ka doon upang gumawa ng masayang pamilya kasama ako." Sambit nito.

" Kung ayaw mo talaga sa una kong plano ay Gusto kong ialay mo na lang ang buhay mo saakin bilang partner ko." 

" Huh?". Muling pagkabigla ko.

 

Sa pagkakataon na iyon ay halos hindi ko na alam ang sasabihin ko. Mas naguluhan ako kung pwede ulit akong tumawa sa mga nasabi nya .

Biro ba ito o seryoso sya sa mga sinasabi nya sa isang dwendeng kagaya ko. Kung iisipin mo isa akong halimaw na maliit, maitim at may nakakatakot na itsura kaya bakit nya ako gustong maging asawa

Dahil sa hindi ko alam kung nagkamali ako ng dinig ay pinapaulit ko ito sa kanya

" A-ay-ayaw ko na ulitin pa iyon. Alam kong narinig mo ng malinaw ang sinabi ko." Sigaw nito.

 

" Ngayon mamili ka, papatayin mo ako o mamahalin na lang ng lubos." Dagdag nito habang dinuduro ako at nagsusungit.

 

Bab terkait

Bab terbaru

DMCA.com Protection Status