“TRUE TO LIFE ba talaga, Friend?” gulat na tanong ng kaibigan niyang si Ruffa nang ikwento niya kung gaano kalaki ang problema niya ngayon sa kamay ng kanyang asawa. “Bakla, pang teleserye ang lovelife mo!”
Isang malalim na buntonghininga ang pinakawalan niya habang nakatingin sa mga nagsasayawan sa loob ng club na iyon. Inaya siya rito ng kaibigan para daw makalimot siya nang panandalian sa problemang pinagdadaanan. Ngunit kahit ano yatang ingay sa paligid niya, mas nanaig pa rin sa isipan ni Liberty ang mga bumubulong doon.
“Alam mo iyang asawa mo, seloso pero manloloko!” nanggigigil na komento pa rin nito. “Kahit nga ako na isa ring dyosa pinagseselosan. Tagal na tuloy nating walang ganap sa life, Friend! Gaga, ngayon na lang kita nakita, Bakla!”
“Alam mo kung teleserye ang life ko, ikaw ang patalastas. Okray ka, Friend!” naiinis na sagot ni Liberty. “Dati gustong-gusto ko pa kapag nagseselos siya—”
“Eh, ngayon?” nakataas ang kilay na sabi nito.
“Nakakasuka pala kung galing sa manloloko!”
“Iyang asawa mo may sira ang ulo. Kahit ako pinagseselosan. Tuloy hindi ako nakapunta sa kasal mo, Bakla. Ako dapat ang maid of honor doon eh!”
Natawa na lamang siya. Heto talaga ang dahilan kaya nagtatampo sa kanya ang kaibigan.
“But, don’t worry. Look at what happened to my maid of honor? Kabit na ngayon ng asawa ko—”
“Bakla!” gulat na bulalas at napainom pa ng alak sa rebelasyong ibinunyan niya. “You mean Merideth is the kabet?”
Mapakla siyang ngumiti rito. Kahit siya, ang taong naloko nito ay hindi rin makapaniwala. Pakiramdaman niya’y bangungot lang itong lahat at isang malaking biro sa buhay niya.
“Kaya pala rhyme! Bagay sa name ng ahas na ‘yon,” gigil pa rin sabi ni Ruffa. “Ano, gusto mo, umupa na ako ng kukulam sa dalawang ‘yon? Alam mo iyang asawa mo, gwapo lang ang meron! May pugad na sarilimg limliman, lilipat pa sa iba. Edi nabugok ang itlog niya!”
Bahagyang natawa si Liberty, “okray ka, Bakla!”
“True to life, Friend. Mabulok sana ang itlog niya—”
“Bakla!” pinanlakihan niya ito ng mata ikinatawa lang ng kaibigan.
“Bakla, anong plano mo ngayon?”
“Iinom?” hindi siguradong sagot niya rito.
Sa dalawampu’t limang taon niya sa mundo, ngayon lamang nakapasok si Liberty sa club. Kung dati ang rason niya’y wala siyang pera, nang magkaasawa naman ay ang pagiging istrikto ni Duncan ang problema niya.
“Look, Bakla…” nakangusong sabi ni Ruffa.
“Why?” Ganoon na lamang paglingon ni Liberty sa kanyang likuran kasabay ng pagbabalik ng tingin sa kaibigan.
“Sabi sa ‘yo, Bakla. Maganda ka. Pagagandahin pa kita. Tignan na lang natin kung hindi maglaway sa ‘yo ‘yang asawa mo! Magsisisi siya, kakaiba gumanti ang isang api ano!”
Umiling-iling na lamang si Liberty sa mga pang-telebisyon na linyahan ng kaibigan habang ang tingin niya ay nasa dance floor kung saan ang karamihan ay sumasabay sa indayog ng musika.
Ngayon niya lamang naintindihan ang ganitong uri ng lugar. Siguro karamihan ng mga naroon ay katulad niya. Nakikisiksik sa club. Hindi para mag-enjoy, kung hindi para panandaliang makalimot sa magulong buhay na mayroon sila.
Nang gabing iyon, hindi na maalala ni Liberty kung gaano karaming alak ang dumaloy sa himaymay ng katawan niya. Gusto niyang panandaliang maging manhid at makalimot sa sakit na ibinigay sa kanya ng asawa ngunit wala yata talagang overnight sa heartbreak. Makakalimot lang saglit ngunit babalik pa rin ang sakit.
“Bakla, kaya mo pa ba?” nag-aalalang tanong pa rin ni Ruffa nang dalhin siya nito sa hotel.
“Wala tayo sa bahay?”
“Ayaw mong magpauwi sa inyo, Friend,” umiiling na sabi nito. “Bakit naman kase ang dami ng nainom mo? Ihahatid na kita sa kwarto mo—”
“I can manage, Friend,” nakangiti at pupungay-pungay na sabi ni Liberty. “Di ba may emergency ka sa boylet mo? Go na, Friend. I’m fine.”
“P-pero…”
“Just call me when you arrive, okay?” sabi niya pa rito nang ihatid siya hanggang elevator ni Ruffa.
Tumango na lamang ito kahit na bakas na ayaw pa ring pumayag na siya lamang itong pupunta mag-isa sa kanyang hotel room.
Kahit umiikot ang paningin, pilit na hinanap ni Liberty ang kwarto na tutuluyan. Natagalan din siya kaya naman ganoon na lamang kalapad ng kanyang ngiti nang makita iyon.
Ngunit hindi pa man tuluyang nakakapasok, ganoon na lamang ang gulat niya nang mapusok siyang halikan ng hindi kilalang lalaki. Matangkad ito sa kanya kaya bahagya itong nakayuko.
Nang una’y hindi siya nakagalaw dala ng matinding pagkabigla…
Nanghihina siya sa paraan ng paghalik nito lalo na nang lumalalim iyon at tangayin siya patungo ng kama. Nalanghap niya ang pamilyar na pabango rito ngunit hindi niya matandaan kung saan niya iyon naamoy.
Ibang-iba ang paraan ng paghalik nito. May kapusukan iyon at malalim na tila ba handang higupin ang bawat himaymay ng kanyang pagkatao.
Hinila siya ng lalaki sa madilim na kwarto. Inihiga siya nito sa kama at unti-unting hinuhubad ang suot niyang bestida. Nang mga sandaling iyon, doon lamang unti-unting nag-sink kay Liberty ang nangyayari. Pilit niya itong pinapaalis sa pagkakaibabaw niya. Gamit ang natitirang lakas, nagpupumiglas siya makawala lang rito.
“Let me go!” paulit-ulit niyang sambit. “I said, let me go!”
Unti-unti na siyang nakakaramdam ng takot. Maging ang paghikbi niya ay unti-unti ng lumalakas na naging dahilan upang matauhan ito sa ginagawa.
Doon niya naman aksidenteng napindot ang remote na naging dahilan ng pagliwanag sa buong kwarto.
Parehong bakas sa kanilang mukha nila ang labis na pagkabigla nang makilala ang isa’t isa. Naguguluhan din ito noong una, gustong ibuka ang bibig ngunit pinigilan ang sarili.
“U-uncle…” mahinang sambit ni Liberty kasabay ng pagtatakip niya sa kahubaran gamit ang kumot.
Sunod-sunod ang pagmumura nito nang tumalikod sa kanya at hindi alam ang gagawin.
Nang mga sandaling iyon, lalong nakaramdam ng matinding takot si Liberty.
Sa dinami-rami ng pwede niyang makahalikan, bakit ang pinakabunsong Salvantez pa? Bakit ang kapatid pa ng tatay ng kanyang asawa?
Takot at ilag siya kay King Baron Salvantez dahil sa mataas na pader na nakaharang sa pagkatao nito. Bakas din dito ang pagiging masungit at dominante kaya nga kahit minsan ay hindi niya pa ito nakakausap, Tapos ngayon? Makakahalikan niya pa! Mababaliw na yata siya…
“What are you doing here?” bakas ang galit sa tinig nito.
Akmang sasagot na si Liberty nang senyasan siya nito na huwag magsasalita habang nakatapat sa taynga ang cellphone.
“You know who I am,” may lalim ang boses na bungad nito. “Delete all the footage from this floor. Yes, all of it,” pagkatapos magsalita, kaagad din nitong pinatay ang tawag.
“Uncle—”
“You want me to forget all of this?” tanong nito sa kanya. “This never happen. Nothing happened between us if that’s what you want,” mabilis at pinal nitong sabi bago magtuloy-tuloy sa paglabas ng kwarto.
Naiwan naman si Liberty na tulala at hindi pa rin makapaniwala sa aksidenteng nagawa. Ang napasukan niyang kwarto ay mali. Pagbali-baliktarin man ang kanyang rason, siya ang nagkamali…
“D-DIYOS KO NAMAN…” mahinang bulong ni Cole. “Ang yaman-yaman mo, gusto mo magnakaw tayo?” Ilang beses na nahilamos ni King ang palad niya sa kanyang mukha. May magagawa ba siya kung ito ang gusto ng asawa niya?“Huwag kang tumawa riyan, Charles! Kasama ka ring magnanakaw!” pagbabanta ni Cole sa kaibigan.Ganoon na lamang ang pagsibangot ni Charles. Hindi rin ito nakaligtas sa paglilihi ni Liberty. Ngayon tuloy magkakasama silang apat para lamang gawin ang isang bagay na kailanman ay hindi nila akalaing magagawa.“Secretary lang naman ako, bakit kailangan kong masali rito?” tanong din ni James.“All for one, one for all! Kapag nakulong naman tayo magkakasama rin.” Umiiling na sambit ni Charles habang todo pa rin ang pagyuko sa pagpasok nila sa bakuran nang may bakuran.“Paano ba nalaman ng asawa mo na may kambal na saging dito, King?” problemadong tanong ni Cole.“I don’t know,” sagot ni King na pulang-pula na ang mukha dahil sa kahihiyan. “Malamang niyan kasama niya na naman si Ruff
DAMA NI KING ang pagbagal ng kanyang mundo. Kung maaari lamang din ay gusto niya ng pahintuin ang pag-ikot nito. Si Liberty lamang ang kanyang nakikita. Ang babaeng dati’y pinangarap niya lamang ay narito sa kanyang harapan at ikakasal sa kanya. Tinanggap niyang hindi na ito mapapasakanya dahil may nagmamay-ari ng iba rito. Iyon ang isa sa mga dahilan kung bakit hindi siya nakikita sa pagtitipon ng Salvantez. Ikinakatakot niya na mas magustuhan pa ito at maging dahilan ng kanyang pagkabigo.Maraming pagkakataon na parati siyang kalmado. Kailanman ay hindi niya nailabas ang emosyon sa maraming tao. Ngunit iba ang araw na iyon. Napakaespesyal sa kanya na hindi siya magtatangka na masira. Halo-halong emosyon ang nararamdaman ni King habang papalapit ang babae na makakasama niya sa panghabangbuhay. Para sa kanya, ang salitang iyon ay isa lamang malaking pantasya ngunit narito na ito at binago kung paano niya tignan ang mundo. Habang patungo sa altar si Liberty, muli niyang naalala ang u
“KILALA NIYO BA ako? Isa akong Romanova! Romanova ako!” “Walang kahit na sinong makakatapak sa akin!” “Kilalanin niyo ang binabangga niyo!”“King, King, come here! Be with me! We should be together—hindi kayo bagay ni Liberty!”Iyon ang mga paulit-ulit na sinasabi ni Olga nang dumalaw sila sa pasilidad kung saan matutukan ito ng mga doktor. Ganito ang sitwasyon nito sa oras na sumpungin ng kanyang sakit. Hindi nila alam kung paano nangyari, ngunit isang araw ay nagiging kaaway na nito ang mga inmate sa kulungan dahil bigla na lamang nagwawala, umiiyak, o kaya naman nagsisigaw.Hindi alam ni Liberty kung anong mararamdaman niya mula sa sitwasyon sinapit nito nang mabaliw. Ang alam niya’y nagmahal lang ito nang totoo. Ngunit ang pagmamahal na iyon ay sobra. At lahat ng labis na nakasasama.Naniniwala din siya na sa oras na ipilit ang sarili sa mga bagay na hindi naman para sa atin, lalo lamang ipamumukha sa atin ng tadhana na hindi ito ibibigay.Humigpit ang hawak ni Lenard sa kamay n
“KAMI NA ANG bahala rito,” sabi ni Jude na kadarating lamang sa pinangyarihan ng insidente. “Huwag niyong hayaan na pagpyestahan ng media si Benjamin,” sabi ni Cole. “Sa kabila ng mga nagawa ng kapatid niya, naging mabait pa rin sa akin ang tatay nila King.”“I know what I am doing,” sagot naman ni Jude.Dumating ang mga pulis sa pinangyarihan ng insidente habang si King ay tulala pa rin. Kinailangan pa siyang tulungan ng kaibigan para lamang makatayo mula sa pagkakasalampak.“L-let’s go to the hospital…” iyon kaagad ang sinabi niya rito.Hindi niya na nagawa pang intindihin ang mga naging tanong sa kanya ng pulis at tanging ang nasa isipan lamang ay ang asawa na maaaring nahihirapan ngayon sa panganganak.Nagpatiuna rin si Cole sa kanya upang ito na ang magmaneho ng sasakyan.Habang nasa biyahe sila ay mas tumitindi ang kaba na kanyang nararamdaman. Matindi pa rin ang pagkakapisil niya sa braso na may sugat. Siya na mismo ang kumontra na magpagamot at gawin na lamang iyon sa hospital
HINDI SI KING ang uri ng tao na gagawa pa ng pagsisihan niya sa huli. Nakalimutan ng mga ito na kung ang kalaban niya ay tuso, mas nagiging tuso rin siya at hindi mapagpatawad. Kaya naman nang makita niya ang ngisi ng kapatid noong mahuli ito ng mga pulis, kaagad ang naging pagdedesisyon niya. Plinano niya ang mga hakbang na gagawin nang walang makakapansin sa kanya.Kaagad ang naging pagtawag niya kay Cole at sinabi na sikretong magpadala ng mga tauhan sa kanilang bahay. Malaki ang koneksyon nito, mabilis na nakakuha ito ng bilang na kakailanganin. Hindi rin gumawa ang mga ito ng hakbang nang patayin ang tauhan niya na nagbabantay sa tarangkahan. Iyon lamang ang nakitang paraan nito upang mailigtas pa ang mas maraming buhay na nasa looban.Habang nasa byahe ang sinasakyan niya kasama ng mga tauhan ni Benjamin ay nagsisimula namang magdis-arma ng bomba ang mga eksperto sa panig ni Cole. Kinailangan niyang makakuha ng maraming oras para gawin iyon.Nang mga sandaling iyon din ay nahuli
“A-ANO?” NAPABALIKWAS NG tayo si Liberty nang marinig ang naging pag-uusap ni Benjamin at King.Hindi niya alam kung dahil din sa kaba kaya ganoon na lamang ang pagguhit ng sakit sa kanyang tiyan pababa sa kanyang hita.“B-bomba?” hindi niya makapaniwalang sambit habang hawak pa rin ang kanyang tiyan. “Ang bahay napapalibutan ng bomba?” Mali ba na umuwi sila? Dahil sa pagpupumilit niya na sa sariling bansa makapanganak ito ang sasapitin nila. Kung nanahimik na lang sana siya sa ibang bansa kung saan malayo sa lahat, maaaring hindi niya pa nailagay sa panganib ang buhay ng kapatid at ng mga taong isinama niya sa pag-uwi.“Why are you crying?” kalmadong tanong sa kanya ni King. “Don’t cry, Mi Raina. I am here. Walang mangyayari sa inyo ng anak natin.”Dahil sa sinabi ni King, lalong bumagsak ang kanyang luha.Paano nito nakuhang maging kalmado sa kabila ng sitwasyon? Kailan ba sila lulubayan ng mga problemang hindi matapos-tapos?Sa matinding kaba at takot na nararamdaman, hindi na nak