“NASAAN KA KAGABI? Alam mo ba kung anong oras na? Uwi pa ba ito ng matinong babae?” sunod-sunod na tanong ng kanyang asawa noong makapasok siya ng kanilang bahay. “Sumagot ka, Liberty!”
Blangko siyang tumingin kay Duncan at bahagyang natawa sa itsura nito. Nanlalalim na ang mga mata ng asawa. Magulo ang buhok at mukhang nakailang bote na rin ng alak dahil sa dami ng basyo na nakakalat sa lapag.
“Congratulations! Alam mo na ang pakiramdam ng ginawa mo sa ‘kin.”
“Nasaan ka kagabi, Liberty—”
“Bakit, kailangan bang lahat ipapaalam ko sa ‘yo? Hindi pwedeng ikaw lang ang nag-eenjoy sa pamamahay na ‘to?”
“Liberty, Love, nag-aalala lang naman ako—”
“Don’t touch me!” tila bombang sumabog ang galit na kanina niya pa pinipigil. “Huwag mo akong hahawakan. Nandidiri ako sa ‘yo, Duncan!”
“Huwag namang ganyan, Love.”
“Love?” natawa siya. “Iyan ang salitang inakala kong mayroon tayo pero sinayang mo!”
“She seduced me, Liberty!”
“That's the most idiot reason I've ever heard from you, Duncan,” sumusuko niyang sabi rito. “Walang gamot sa pagiging tanga pero pwede kang makaiwas sa kakatihan!”
“Liberty…”
“Ano, sasabihin mo na namang ayusin ko ang pananalita ko? May asawa kang tao, Duncan, inilagay mo rin sana ang sarili mo sa ayos!”
Napapagod na siya. Gusto niya na lang na matapos ang araw na ito upang makalayo siya sa asawa.
“Maaayos pa naman natin ‘to hindi ba?” bakas sa tinig ng asawa ang pakikiusap.
Natawa si Liberty,, “ano ako t*nga?” tanong niya rito. “Naumpog na ako, hahanap pa ako ulit ng bato na iuumpog ko sa sarili ko?”
“Ayusin natin ‘to—”
“Ang relasyon natin, parang basag na bagay, Duncan. Pwede mong buuin, pero hindi na matatanggal ang lamat na ginawa ng kataksilan mo. Lolokohin lang natin pareho ang sarili natin kung magpapatuloy pa tayo. Sa dinami-rami, sa kaibigan ko pa talaga?”
“Liberty, naging mahina ako…”
“Ibig sabihin, ganyang lang din kababaw ang pagmamahal mo sa ‘kin. Hindi mo ako mahal, Duncan. Kase hindi mo na hahanapin ang pagmamahal sa iba kung ako lang talaga.”
“Heto na nga. Nanghihingi ako ng tawad!” sumusukong sabi nito.
Gusto niyang murahin at magalit pa sa asawa ngunit luha ang tumulo sa kanyang mga mata.
“You don’t want me, you should have told me. Mahirap ba iyon?”
“I’m sorry, Love!”
Ganoon na lamang ang panlalaki ng mga mata ni Liberty nang desperadong lumuhod ang asawa niya habang tulo nang tulo ang luha nito. Mahal niya ito, oo. Pero hindi kasama sa bokabularyo niya ang pagiging martir.
“Alam mo, gusto kitang murahin! Pagsalitaan ng masasakit na salita pero hindi mo deserve ang atensyon at galit ko. Sasayangin ko lang ang oras ko—”
“Ikaw lang ang mahal ko!”
“Ako lang?” may diin niyang hinigit ang damit na kinakapitan ng asawa na naging dahilan upang mawalan ito ng balanse.
“Bakit? Iba ba ang paraan ng pagpapaligaya niya? Ano ba ang paraan ng pagkamot niya at nakalimutan mo kaagad na may asawa kang tao? Hindi mo man lang ako nirespeto, Duncan!”
“Iyon lang ‘yon!” katwiran nito. “Nothing special about it.”
Hindi niya naiwasang huwag matawa at mapaklang tumitig dito.
“In that case, I can also go with someone else just because the warmth they give me is different from you. Why did I didn’t think about it? Dapat pala—”
“Subukan mo!”
Hindi na napigilan ni Liberty na pumalakpak. Deserve ng asawa niya ng medalya dahil sa pagiging t*nga.
“You're a hypocrite, Duncan!” sabi niya rito. “Ayaw mong ginagawa sa ‘yo, pero ang kapal mong gag*hin ako!”
Pointless na para kay Liberty ang pakikipagtalo sa asawa ngunit hindi niya pa rin alam kung bakit nananatili siya sa harapan nito.
Siguro, hanggang sa mga sandaling iyon ay may hinihintay pa rin siyang marinig mula rito. Gusto niyang humingi ito ng kapatawaran sa sakit na ibinigay sa kanya kahit alam niya sa sariling hindi niya ito mapapatawad.
“Naalala mo ba ang araw na hingin mo ang kamay ko?”
Napaangat ng tingin ang asawa niya bago mabilis na tumayo mula sa pagkakaluhod nito. Sasagot sana kaagad ito nang magsalita siya.
“Sinabi ko sa ‘yo na sa oras na pagbuhatan mo ako ng kamay, o saktan mo ako sa pinakamakasakit na paraan, tapos na tayo, Duncan.”
Bumalatay dito ang matinding takot na masaya niyang makita nang sandaling iyon. Sa ganoong paraan man lang ay makaganti siya sa asawa.
Hindi na nagsayang pa ng oras. Natagpuan na lamang ni Liberty ang sarili na nagsisimulang mag-alsabalutan. Ipinasok niya sa maleta ang mga damit nang wala sa ayos. Natatakot siya na makasama pa ang asawa sa iisang bubong. Sa kabila ng bangungot na ibinigay nito, baka bumigay rin siya kapag humingi ito ng tawad sa kanya.
Nang matapos sa pag-iimpake, kaagad na lumabas ng kwarto si Liberty ngunit hindi niya inaasahan na maaabutan pa rin doon ang asawa.
“D-duncan.”
Hindi niya maiwasan na huwag makaramdam ng takot sa paraan ng pagtingin nito. Blangko iyon at tila wala sa sarili.
“You will not leave me, Liberty,” may diin nitong sabi habang papalapit sa kanya.
Wala namang magawa si Liberty kung hindi ang umatras dala ng matinding takot.
“A-anong ginagawa mo, Duncan?”
“Matagal mo ng gustong magkaanak hindi ba?” tanong nito sa kanya. “I can give it to you—”
“No!” mabilis niyang sagot habang pilit na umiiwas dito. “Hindi na! Hindi ko gugustuhing magkaanak sa lalaking walang pagdadalawang-isip na sumira sa pamilyang matagal naming binuo. Hindi ko kayang makita ang magiging anak ko na makikihati ng atensyon sa kabit ng asawa ko kaya layuan mo ako—”
“Ang arte-arte mo!”
Habol ni Liberty ang kanyang paghinga nang pwersahan siyang pahigain sa sofa ng asawa. Pilit siya nitong hinahalikan habang tinatanggal ang suot niyang damit.
“D-duncan!” paulit-ulit niyang tawag dito ngunit bigo siya na pabalikin ito sa sa tamang katinuan.
“T-tatanggalan ako ng mana nila grandpa kaya hindi mo ako pwedeng iwan. I need to be the president of that company. Iyon lang ang tanging paraan! And you’re going to help me!” mariin pa rin nitong sabi.
Patuloy ang pagluha niya nang mga sandaling iyon habang lumalaban na huwag matanggal ng asawa ang suot niyang bestida ngunit mas malakas ito kumpara sa kanya. Walang kakayahang lumaban ang mahina niyang katawan sa galit nito.
Dama niya ang pandidiri sa asawa nang tuluyan nitong matanggal ang suot niyang damit.
Nang mga sandaling iyon, si Duncan, gulat na nakatingin sa kanyang kahubaran lalong-lalo na sa kanyang dibdib. Para itong binuhusan ng malamig na tubig at bakas ang kalituhan sa mga mata.
“Liberty, who gave you these kiss marks?”
Ramdam ni Liberty ang pag-ihip ng aircon at matinding katahimikan sa pagitan nila…
Sa dinami-rami ng sagot. Pagngisi lang ang kanyang nagawa.
Tumayo siya nang may tapang sa kinahihigaan kasabay ng pagpupunas ng luha. Tinignan niya ang asawa mula ulo hanggang paa bago magsalita.
“Sa tingin mo ba ikaw lang ang pwedeng humanap ng ligaya sa iba?” tanong niya rito. “I can do that too, Duncan…”
Walang sabi-sabi, taas-noong naglakad si Liberty palabas ng kanilang bahay habang hila ang kanyang maleta.
Nang makarating sa kanyang sasakyan, saka niya lamang nadama ang matinding panginginig ng kamay. Heto na ang pangalawang beses na may nagtangka sa kanya, at sa parehong Salvantez pa naranasan…
“D-DIYOS KO NAMAN…” mahinang bulong ni Cole. “Ang yaman-yaman mo, gusto mo magnakaw tayo?” Ilang beses na nahilamos ni King ang palad niya sa kanyang mukha. May magagawa ba siya kung ito ang gusto ng asawa niya?“Huwag kang tumawa riyan, Charles! Kasama ka ring magnanakaw!” pagbabanta ni Cole sa kaibigan.Ganoon na lamang ang pagsibangot ni Charles. Hindi rin ito nakaligtas sa paglilihi ni Liberty. Ngayon tuloy magkakasama silang apat para lamang gawin ang isang bagay na kailanman ay hindi nila akalaing magagawa.“Secretary lang naman ako, bakit kailangan kong masali rito?” tanong din ni James.“All for one, one for all! Kapag nakulong naman tayo magkakasama rin.” Umiiling na sambit ni Charles habang todo pa rin ang pagyuko sa pagpasok nila sa bakuran nang may bakuran.“Paano ba nalaman ng asawa mo na may kambal na saging dito, King?” problemadong tanong ni Cole.“I don’t know,” sagot ni King na pulang-pula na ang mukha dahil sa kahihiyan. “Malamang niyan kasama niya na naman si Ruff
DAMA NI KING ang pagbagal ng kanyang mundo. Kung maaari lamang din ay gusto niya ng pahintuin ang pag-ikot nito. Si Liberty lamang ang kanyang nakikita. Ang babaeng dati’y pinangarap niya lamang ay narito sa kanyang harapan at ikakasal sa kanya. Tinanggap niyang hindi na ito mapapasakanya dahil may nagmamay-ari ng iba rito. Iyon ang isa sa mga dahilan kung bakit hindi siya nakikita sa pagtitipon ng Salvantez. Ikinakatakot niya na mas magustuhan pa ito at maging dahilan ng kanyang pagkabigo.Maraming pagkakataon na parati siyang kalmado. Kailanman ay hindi niya nailabas ang emosyon sa maraming tao. Ngunit iba ang araw na iyon. Napakaespesyal sa kanya na hindi siya magtatangka na masira. Halo-halong emosyon ang nararamdaman ni King habang papalapit ang babae na makakasama niya sa panghabangbuhay. Para sa kanya, ang salitang iyon ay isa lamang malaking pantasya ngunit narito na ito at binago kung paano niya tignan ang mundo. Habang patungo sa altar si Liberty, muli niyang naalala ang u
“KILALA NIYO BA ako? Isa akong Romanova! Romanova ako!” “Walang kahit na sinong makakatapak sa akin!” “Kilalanin niyo ang binabangga niyo!”“King, King, come here! Be with me! We should be together—hindi kayo bagay ni Liberty!”Iyon ang mga paulit-ulit na sinasabi ni Olga nang dumalaw sila sa pasilidad kung saan matutukan ito ng mga doktor. Ganito ang sitwasyon nito sa oras na sumpungin ng kanyang sakit. Hindi nila alam kung paano nangyari, ngunit isang araw ay nagiging kaaway na nito ang mga inmate sa kulungan dahil bigla na lamang nagwawala, umiiyak, o kaya naman nagsisigaw.Hindi alam ni Liberty kung anong mararamdaman niya mula sa sitwasyon sinapit nito nang mabaliw. Ang alam niya’y nagmahal lang ito nang totoo. Ngunit ang pagmamahal na iyon ay sobra. At lahat ng labis na nakasasama.Naniniwala din siya na sa oras na ipilit ang sarili sa mga bagay na hindi naman para sa atin, lalo lamang ipamumukha sa atin ng tadhana na hindi ito ibibigay.Humigpit ang hawak ni Lenard sa kamay n
“KAMI NA ANG bahala rito,” sabi ni Jude na kadarating lamang sa pinangyarihan ng insidente. “Huwag niyong hayaan na pagpyestahan ng media si Benjamin,” sabi ni Cole. “Sa kabila ng mga nagawa ng kapatid niya, naging mabait pa rin sa akin ang tatay nila King.”“I know what I am doing,” sagot naman ni Jude.Dumating ang mga pulis sa pinangyarihan ng insidente habang si King ay tulala pa rin. Kinailangan pa siyang tulungan ng kaibigan para lamang makatayo mula sa pagkakasalampak.“L-let’s go to the hospital…” iyon kaagad ang sinabi niya rito.Hindi niya na nagawa pang intindihin ang mga naging tanong sa kanya ng pulis at tanging ang nasa isipan lamang ay ang asawa na maaaring nahihirapan ngayon sa panganganak.Nagpatiuna rin si Cole sa kanya upang ito na ang magmaneho ng sasakyan.Habang nasa biyahe sila ay mas tumitindi ang kaba na kanyang nararamdaman. Matindi pa rin ang pagkakapisil niya sa braso na may sugat. Siya na mismo ang kumontra na magpagamot at gawin na lamang iyon sa hospital
HINDI SI KING ang uri ng tao na gagawa pa ng pagsisihan niya sa huli. Nakalimutan ng mga ito na kung ang kalaban niya ay tuso, mas nagiging tuso rin siya at hindi mapagpatawad. Kaya naman nang makita niya ang ngisi ng kapatid noong mahuli ito ng mga pulis, kaagad ang naging pagdedesisyon niya. Plinano niya ang mga hakbang na gagawin nang walang makakapansin sa kanya.Kaagad ang naging pagtawag niya kay Cole at sinabi na sikretong magpadala ng mga tauhan sa kanilang bahay. Malaki ang koneksyon nito, mabilis na nakakuha ito ng bilang na kakailanganin. Hindi rin gumawa ang mga ito ng hakbang nang patayin ang tauhan niya na nagbabantay sa tarangkahan. Iyon lamang ang nakitang paraan nito upang mailigtas pa ang mas maraming buhay na nasa looban.Habang nasa byahe ang sinasakyan niya kasama ng mga tauhan ni Benjamin ay nagsisimula namang magdis-arma ng bomba ang mga eksperto sa panig ni Cole. Kinailangan niyang makakuha ng maraming oras para gawin iyon.Nang mga sandaling iyon din ay nahuli
“A-ANO?” NAPABALIKWAS NG tayo si Liberty nang marinig ang naging pag-uusap ni Benjamin at King.Hindi niya alam kung dahil din sa kaba kaya ganoon na lamang ang pagguhit ng sakit sa kanyang tiyan pababa sa kanyang hita.“B-bomba?” hindi niya makapaniwalang sambit habang hawak pa rin ang kanyang tiyan. “Ang bahay napapalibutan ng bomba?” Mali ba na umuwi sila? Dahil sa pagpupumilit niya na sa sariling bansa makapanganak ito ang sasapitin nila. Kung nanahimik na lang sana siya sa ibang bansa kung saan malayo sa lahat, maaaring hindi niya pa nailagay sa panganib ang buhay ng kapatid at ng mga taong isinama niya sa pag-uwi.“Why are you crying?” kalmadong tanong sa kanya ni King. “Don’t cry, Mi Raina. I am here. Walang mangyayari sa inyo ng anak natin.”Dahil sa sinabi ni King, lalong bumagsak ang kanyang luha.Paano nito nakuhang maging kalmado sa kabila ng sitwasyon? Kailan ba sila lulubayan ng mga problemang hindi matapos-tapos?Sa matinding kaba at takot na nararamdaman, hindi na nak