Share

Chapter Two: Walking Time Bombs (Part Two)

There is a long silence between the three of us.

"Your claims are hard to believe. How could you - " Bago ko pa matapos ang sasabihin ko, nilabas niya ang phone niya at pinakita sa akin ang video.

Low-angle shot iyon kaya kitang-kita ang lahat. Sa tingin ko nasa pinakatuktok siya ng ferris wheel nang magsimula siyang mag record ng video. Rinig sa video ang malakas na patugtog mula sa baba at ang mga hiyawan ng mga tao.

Kung sa normal na okasyon, aakalain ng iba na masasayang hiyaw lamang ito ng mga excited na tao pero ang totoo niyan naghihiyawan na sila dahil sa takot. Nandito rin ako at hindi ko inakalang nagmumukha na pala kaming mga langgam na nagtutulakan at takbuhan sa iba't ibang direksyon kanina.

Nag-zoom in ang video sa stage. Inagaw ko ang phone sa kaniya at napatutok lalo dahil nakita ko na naman 'yung babaeng mukhang office worker na nagbigay ng babala kanina. Nangingisay siya sa platform kaya lalong na-stress ang mga kapulisang nakapalibot sa kaniya.

Agad na kumilos ang isang pulis, tumalon siya pababa ng stage at may hinilang babae mula sa grupo ng mga taong nagtatakbuhan. Inagaw niya ang malaking teddy bear nito at saka ito pinakawalan. Dali-dali niya itong hinagis sa isa niyang kasamahan. Linagay ng kasamahan niya sa uluhan ng babaeng nangingisay ang teddy bear para magsilbing malambot na unan. Inayos nila patagilid ang pagkakahiga nito.

Mayamaya tumigil na ang seizures ng office worker at umupo na parang walang nangyari.

Lumapit pa ang ibang kapulisan sa kanila. Hinawakan ng pinakamalapit na pulis ang balikat nito. Mukhang tinatanong niya kung okay lang ba siya. Tiningnan ng babae ang kamay na nasa balikat niya at hinawakan din ito. Pwersahan niya itong tinanggal at saka iyon kinagat.

Nagtakbuhan ang lahat papunta sa kanilang dalawa. Pilit silang pinaghiwalay pero masyadong malakas ang pagkakakapit ng bibig ng duguang babae sa kamay ng pulis.

Sinubukan ulit nilang paghiwalayin ang dalawa. Tumilapon silang lahat palayo sa babae, ngunit naiwan sa bibig nito ang mga daliri ng pulis. Sumirit tuloy ang napakaraming dugo sa stage.

Naputol at napunta sa next clip 'yung video. Nasa baba na ng ferris wheel si Caite. Kasalukuyan siyang tumatakbo kaya shaky 'yung video. Lumingon siya sa iba't ibang direksyon na para bang may hinahanap. Makapal na hamog lamang ang nakikita kong pumapalibot sa madilim na kalangitan.

Hindi na nakakapagtaka na natalisod si Caite sa dinadaan niya. May night vision 'yung camera ng phone niya kaya nakita ko ang katawan na nadaanan niya.

Lumapit si Caite sa nakadapang katawan. Hiniga niya iyon ng maayos. Napangiwi ako nang makita ang sunog nitong katawan. Pinulsuhan ni Caite ang kamay niyon. Mayamaya lalo pa siyang lumapit para i-check siguro kung humihinga pa ba ito.

Nakarinig ako ng mahinang ungol. Hindi ko man masyadong nakikita ang mga pangyayari pero alam kong nagsisimula na rin itong mag-transition.

Natapos ang video na nakatulala ako. Kinuha na ni Caite sa akin ang phone niya.

“The person I stumbled upon was already dead. There is no heart pulse, and he is not responsive, but there is a groaning sound coming from his mouth. He’s one of them.”

“So that’s what it takes to become one of those creeps? Die first, then transition later.”

"Creeps?" puna ni Vino. "Hindi pa rin ba sapat ang ebidensya na zombies nga sila?"

"Nah, I'm just too lazy to say zombies. Plus, they remind me of those green walking time bombs from Minecraft, so creeps suit them better."

"Minecraft? Ano 'yun?"

"My God, Vino! Didn't your grandparents tell you about that classic game?"

"Aba, malay ko ba! 'Di naman ata gamer mga lolo't lola ko noon."

"I get it now," mahinang sambit ni Caite sa likuran. Naputol ang usapan naming dalawa nang mapunta sa kan'ya atensyon namin. “They’re basically creepers ‘cause they only act for their instinct and explode figuratively when they see any living things.”

"Exactly! The only thing that's bothering me now is how the hell they transformed into walking time bombs?"

"We could only theorize for now, but I'm guessing toxins that could affect the neurological responses of a human body have been released on air. It may be accidentally or on purpose."

Nagkatinginan muna kami ni Vino. Nagkibit-balikat lamang siya. Samantalang sumandal na lang ulit ako.

Hinimas ko ang kumikirot kong kaliwang braso. Namumula na ito dahil sa pagkakahila ni Trixie kanina. Ang kan'yang hikbi ay nagsimula na namang umalingawngaw sa utak ko. Muling sumiklab sa aking isipan ang sunod-sunod ngunit malinaw na mga imahe ng mga pangyayari kanina. Mula sa biglaang paglisan ng mga ibon hanggang sa panghahabol sa akin ng binatang lalaking may purong puti na mga mata.

Naalala ko rin kung paano naging agresibo ang bawat galaw ni Trixie at ang mga dugong biglaan na lang tumilamsik mula sa bibig niya bago ko siya iwanan. Ang kulay ng kan'yang dugo ay hindi gaano katingkad, nagmumukha na itong itim na likido.

Tama nga ba si Caite?

Is the air really toxic, which could poison our minds, triggering us to act harshly and aggressively?

That sounds ridiculously absurd, yet logical at the same time.

"If that is the scenario, then that only means we're all doomed. It's too early to conclude, pero malamang sa malamang, exposed na tayong lahat. Especially those people who have wounds . . . whether if it's just a scrape."

Huli na nang mapansin kong naibulalas ko pala ang mga iniisip ko kanina. Huminto ang sasakyan kaya lahat kami napaabante. Nasa gilid na kami ng madilim na kalye. Wala masyadong bahayan rito dahil literal na nasa tabi lang kami ng gubat ngayon. Medyo malayo pa kami sa highlands.

Nagsalita muli si Vino, "Bakit ba kasi nangyayari sa atin ito ngayon? May mga terorista ba’ng umaatake? May away pulitika na naman ba?"

"I don't know, but if there is a war, the enemies are using radiobiological warfare to their advantage, which could wipe us all," sagot ko na ikinatahimik na naman ng lahat.

Geez, I know I sounded so intellectual for the first time, but that's just the gamer in me who's talking.

"Jane," tawag sa akin ni Caite. Lumingon ako sa kanya, nagtataka. "We should go to your dad. I think we would be safer at the Town Hall."

"Huwag ka mag-alala. Doon naman talaga punta natin," Vino side-commented, making me heave out a sigh.

They got it right. After all, papa is the vice mayor of Oaken Ridge. I'm pretty sure the police are protecting him well.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status