Pagdating ng Manila ay agad siyang pumunta ng parking lot. Nandoon na ang kotse niya naka-park.Pagsakay niya ng kotse ay nakaramdam agad siya ng kakaibang enerhiya. Parang nanindig ang balahibo niya. Parang may kasama siya doon sa loob na hindi niya maintindihan. Sumulyap siya sa rear view mirror pero wala naman siyang nakita. Baka guni-guni niya lang. Dahilan na din siguro sa sobrang pagod kaya kung ano-ano na ang mga pumapasok sa utak niya.Iwinaksi niya ang mga nararamdaman. Tinatakot niya lang ang sarili niya. Baka sa sobrang tagal ng naka-park doon sa airport ay nanibago siya. Pinaandar niya ang kotse at pinatakbo na iyon. Pupuntahan niya si Olivia sa ospital.Tinawagan niya si Giorgiana habang nasa biyahe."Hello, boss?" Agad na sagot nito. Ito muna ang inatasan niyang alagaan si Olivia habang wala pa siya."Hello, Giorgiana. I'm already here in Manila. Papunta na ako diyan sa ospital.""Okay, boss. Baka pwedeng umalis na din ako, total padating ka na. Wala pa kasi akong tulog.
Nakatahimik silang dalawa sa loob ng kwarto. Si Olivia ay mahimbing pa rin ang tulog sa kama, habang si Mike ay nananatiling nakatayo sa gilid, tila may mabigat na iniisip. Napansin niya ang mga kamay nitong nakapamulsa at ang paglalim ng mga buntong-hininga nito.Hindi na niya mapigilan ang sariling tanungin ang binata."Ano bang iniisip mo, Mike?" tanong niya, bahagyang iritado ang tono.Saglit pa itong tumahimik bago sumagot. "Six months… Kung six months na ang tiyan niya, ibig sabihin... nangyari 'yun bago pa ang aksidente namin ni Tricia?...""Ano ang ibig mong sabihin? What are you trying to say?" May kaba sa dibdib niya na unti-unting umuusbong. Pakiramdam niya'y may sasabihin si Mike na importante.Humarap si Mike sa kanya, seryoso ang mga mata. "May nangyari sa amin ni Olivia bago ako naaksidente. Akala ko….. ako ang ama."Parang may sumabog na bomba sa loob ng utak niya. Hindi siya agad nakapagsalita. Hindi siya makapaniwala sa sinasabi ni Mike."You're lying! Andito ka na n
"Ihahatid na kita sa bahay niyo. Sabi ng doctor ay pwede ka nang umuwi anytime.""Pero ayaw kong umuwi sa bahay mag-isa. Natatakot ako at baka maaksidente na naman ako. Pwede bang doon muna ako sa inyo?""Hindi pwede!' Napalakas ang boses niya."Ikukuha na lang kitang makakasama sa bahay mo pero hindi ka titira sa akin. Wala tayong relasyon, Olivia. Tandaan mo ‘yan!""Ano pa ba ang ayaw mo sa akin, Hunter? Pag iniwan mo ulit ako, magpapakamatay ako!"Humugot siya ng malalim na hininga. Kahit na galit siya kay Olivia ay hindi niya naman ito pababayaan mag-isa. Baka totohanin nito ang banta na magpapakamatay. Saka wala pa siyang ebidensya na hindi na siya ang ama ng bata. Kaya habang hindi pa siya sigurado ay responsibilidad niya si Olivia."Sige… doon ka muna sa bahay ko." sambit niya.Mas maganda doon dahil andoon si Manang Josie, na kasambahay niya, na titingin-tingin kay Olivia sakaling wala siya. Kahit papaano ay may bantay ang dalaga doon.Nang nasa kotse na sila pauwi sa bahay ni
“Is it Yassy?” wika ni Olivia sa likod niya. Di kaya alam nito na si Yassy ang kausap niya kaya sumigaw ito para marinig ni Yassy na andoon siya at magkasama sila? “Ano naman ngayon kung si Yassy 'yun, Olivia? Ilang beses ko bang sasabihin sa’yo na wala tayong relasyon, so stop pestering me!” “Akala ko ba hiwalay na kayo? Bakit naman siya tumawag sa’yo? Nagkita ba kayo? Saan? Kaya ka ba nawala ng ilang linggo dahil nakipagkita ka sa kanya?” sunod-sunod na sunud-sunod na sambit nito. “Bakit kasi hindi mo na lang siya tigilan? Alam naman niyang magkakaanak na tayo, ‘di ba? Wala ba siyang awa na sirain pa tayo?” Gusto niyang kutusan si Olivia sa pinagsasabi nito. Siya ang nagpupumilit na hanapin si Yassy kaya mali ang lahat ng binibintang nito. Saka ilang beses ba niyang sasabihin na wala silang relasyon, kaya kung ano man ang ginagawa nila ni Yassy ay wala silang tinatapakang relasyon. "Gusto ko lang ipaalala sayo Olivia na ikaw ang sumira sa relasyon namin ni Yassy!" "Me??? Ku
Pagdating ng condo ay dali-dali siyang pumasok. Hinanap niya ang charger. Mabuti na lang at compatible ang charger niya sa cellphone ni Tricia. “Sorry, Trich, kung pinakialaman ko ang gamit mo, pero I think ito ang gusto mo dahil lagi kang nagpaparamdam sa akin...” sambit niya. Nanginginig ang kamay niya habang binubuksan iyon. Madaming notification ang agad na pumasok simula nang buksan niya ito. Isa-isa niyang binasa iyon. Para siyang NBI na nag-iimbestiga. I had the feeling na may makukuha siyang impormasyon doon. Tiningnan niya ang messages. May natanggap doon na notification galing sa bangko na nakatanggap si Tricia ng isang million bank transfer. Hindi naman nakalagay kung saan galing ang pera. “Bakit may ganito kalaking pera si Tricia? Sino ang nag-transfer sa kanya?” Tiningnan niya na ang iba pang messages. Meron pang isang million na natangap mula sa ibang araw. Ang yaman naman ng nagpapadala kay Tricia. Dalawang million na ang pera na pinadala kya Tricia. Hindi niya a
Hindi siya agad nakasagot. Pinagmasdan niya si Olivia, na ngayon ay parang balisa at takot na takot. Totoo ba ang sinasabi nito? O isa na namang drama para makuha ang simpatiya niya?“Pwede ba, Olivia? Huwag mo akong paikutin. Ano pa ba ang kailangan mo? Pinatira na kita sa bahay ko, di ba?” malamig niyang tugon habang pinipilit kontrolin ang galit sa dibdib.“Umuwi ka na. I need my privacy!” dagdag pa niya. Kailangan pa niyang tingnan muli ang cellphone ni Tricia at baka may makikita pa siya doon na lead, pero paano niya magagawa iyon kung andoon din si Olivia? Akmang isasara na niya ang pinto nang biglang napahawak sa tiyan si Olivia.“Aray… ang sakit!...” Napaupo ito sa sahig na parang hirap na hirap.“Olivia? What happened?” Hinawakan niya ito at pilit na itinayo. Kahit na galit siya dito, hindi naman niya matiis na balewalain ito. Kawawa namang bata sa sinapupunan nito. “What do you feel?”“Parang naninigas ang tiyan ko... baka... baka may mangyari sa baby natin… ang sakit huhuhu
"I forgot to tell you, habang nasa ospital ka noong nalaglag ka sa hagdan, ay bumisita pala si Mike. And guess what.... buhay siya."Nanlaki ang mga mata nitong napatingin sa kanya.“B-buhay si Mike?”“Yes… at binisita ka niya. Hindi lang siya tumagal dahil may pupuntahan pa daw siya. Pero bibisitahin ka daw niya ulit.”“No!” Agad na sabi nito na nanginginig. Agad naman siyang naalarma sa pinapakitang reaksyon ni Olivia.“What is it, Olivia? Takot ka ba kay Mike? Bakit ganyan na lang ang reaksyon mo?”“Ah, eh wala… it’s just that I don’t want to see him anymore....”“May ginawa ba si Mike sa’yo? Tell me para matulungan kita…” Sandaling lumambot ang puso niya sa dalaga. Mukhang hindi ito nagda-drama lang sa takot nito. Parang nakonsensya siya tuloy na sinabi pa niya ang pagbisita ni Mike.“Ah, eh… wala.”Hindi na siya nakapagtanong ulit dahil dumating na sila sa bahay niya. Nauna na itong lumabas. Hindi man lang siya nito hinintay na alalayan niya.“Ahm, magpapahinga muna ako sa guest
Pumatak ang mga luha niya habang inaalala iyon. Ayaw na niyang balikan ang sitwasyong ‘yon. Nagkaroon siya ng depresyon dahil sa ginawa ni Mike, at ngayong bumalik na naman ito… ano na ang mangyayari sa kanya?Ang akala niya ay tapos na ang lahat. Malapit na niyang makuha si Hunter. Kaunti na lang ay mapapayag na niya itong magpakasal sa kanya.Mabilis na lang namang dayain ang hinihingi nitong DNA test kung ito nga talaga ang tunay na ama. Magagawan niya ng paraan 'yon. Pera lang ang katapat nun. Pero paano na ngayon kung buhay pala ang demonyong si Mike? Totoo nga ang kasabihan na "masamang damo ay matagal mamatay!"“Fuck! Sana namatay ka na lang, hayop ka!” sigaw niya.“Olivia!?.... Olivia!?”Napatalon siya sa gulat nang marinig si Hunter na kumakatok sa kanyang pinto. Agad niyang inayos ang sarili at dali-daling binuksan ang pinto.“Ahm, Hunter… may kailangan ka ba?” wika niyang pilit ang ngiti. Nababanaag pa rin sa mukha niya ang takot at pag-aalala.“I heard na sumigaw ka. May n
Kinabukasan ay maaga siyang nagising, wala na si Yassy sa tabi niya. Maaga itong pumunta sa school para asikasuhin ang ibang pang papeles sa pagka-graduate nila. Siya naman ay may pictorial mamaya sa agency bilang sa pagpa-part time model niya.Napapaisip siya... pagka-graduate nila ay mag-isa na lang siya doon dahil uuwi naman si Yassy sa Pilipinas. Binigyan ito ng trabaho ng dad niya. Hindi na rin siya pwedeng samahan doon ni Caleb palagi, may sarili din itong negosyo at career sa Pilipinas. Baka bisitahin nalang cya doon ng nobyo."Good morning…"Nagulat siya, biglang bumukas ang pinto niya at niluwa doon si Caleb."G-Good morning... What are you doing here? Baka makita ka ni Yassy..." pagdadahilan niya."Umalis na siya kanina pa." wika nito saka tuluyan nang pumasok sa kwarto niya. Umupo ito sa kama.Napahawak siya sa kumot… wala kasi siyang bra."Wala ba akong good morning kiss?" nakangiting wika ng nobyo niya."Ah, eh wala pa akong toothbrush eh…" bigla siyang na-conscious kaya
Magkahawak-kamay sila ni Caleb umuwi sa apartment nila. Pero pagpasok ng unit ay umaakto silang normal. Hindi nila pinapahalata kay Yassy na may relasyon na sila. Hindi pa siya handa na malaman ng kaibigan niya. Alam niya na may problema pa itong iniisip dahil kay Hunter. Ayaw niyang dumagdag sa iniisip ni Yassy."Hi bestie..." bati niya sa kaibigan nang pumasok sila. Nakaupo ito sa sofa at nanonood ng TV pero alam niyang wala naman sa pinapanood ang atensyon nito."Saan kayo galing? Bakit magkasama kayo?" Palipat-lipat ang tingin nito sa kanila."Ah eh... nagkita lang kami sa baba. Sabay na kaming umakyat." pagdadahilan niya saka tinabihan ito sa sofa."What are you watching?" pag-iiba niya ng usapan. Si Caleb naman ay dumiretso sa kitchen at inayos ang dala nilang pizza para sa dinner nila."I don't know...""Nagsasayang ka ng kuryente. Di mo naman pala alam ang pinapanood mo... may problema ka ba?"Bigla itong tumahimik at umiyak."Bestie... Wag kang gagaya sa akin ha... kasi masak
"Ganun ba ako kasama sa paningin mo, Belle? Hindi mo pa ba nakikita ang effort ko na magbago? Simula ng makilala kita ay ikaw na lang ang babae sa buhay ko. Hindi na ako tumingin sa iba. That's how I love you, Belle." Lihim siyang kinilig. "Pero paano si Yassy?" "Ako ang bahala sa kanya... sagutin mo lang ako..." Hindi na niya napigilan ang ngumiti... Ang totoo ay mahal naman niya talaga si Caleb... Ngayon niya lang naramdaman ang ganitong feeling sa isang lalaki. "S-sige... sinasagot na kita." nahihiyang wika niya saka yumuko. Sa edad niyang iyon ay ngayon pa lang siya nagkaroon ng nobyo at si Caleb ang first boyfriend niya. "Talaga, Belle?" tanong nito, tila hindi makapaniwala. "Y-yes, sinasagot na kita..." muling sabi niya. Ramdam niyang pulang-pula na ang pisngi niya sa hiya. Caleb cupped her face. "Look at me, Belle," utos nito. Agad naman siyang tumango ng tingin at nakipagtitigan dito. Parang matutunaw siya sa pamamaraan ng pagtitig ni Caleb sa kanya... "Tama ba ang
CALEB LEDESMA & BELLE LAUREL: BELLE POV: Kasalukuyan siyang nasa kwarto na inookupa niya sa mansion ng mga Ledesma. Tapos na ang kasal ng bestfriend niyang si Yassy, kaya pwede na siyang umuwi ng Manila o di kaya bumalik ng London. Hindi naman sa ayaw niya doon. God knows kung gaano siya na-in love sa lugar na 'yon pati sa mga kaibigan ng bestfriend niya. Everybody is so welcoming... feel niya na belong siya doon, parang matagal na silang magkakilala kahit pa ngayon niya lang na- meet ang mga ito. Ang totoo ay ayaw pa niyang umalis pero kailangan na dahil ayaw na niyang makasalamuha pa ulit si Caleb. Habang nakikita niya ang lalaki ay naaalala niya ang ginawa nitong pananakit ng damdamin niya. Napapaluha na lang siya habang naaalala... wala siyang pinagsabihan kahit na sino. Maging sa bestfriend niyang si Yassy. Okay naman sana sila ni Caleb noong nasa London sila. They had mutual feelings. Alam niyang gusto siya nito at gusto niya din ang lalaki. Kahit na ang paninira si Ya
**********HONEYMOON:"Put me down, Hunter!" natatawang wika niya nang binuhat siya ng asawa mula sa baba papunta sa kanilang kwarto."Ano ba... baka mahulog ako!...""I will not let you fall, babe... syempre iingatan kita, at saka ang anak natin."Nang buksan nito ang kwarto nila ay dahan-dahan siyang nilapag sa kama. Tinitigan siya nito ng maigi na tila sinasaulo ang kanyang mukha."I love you, Mrs. Rosales. I finally call you my wife."Ngumiti siya pabalik at kinawit ang dalawang bisig sa leeg ni Hunter. "I love you too, my hubby. Naabot mo rin ang pangarap mong pakasalan ako, huh?" biro niya."Hahahaha!" ang lakas ng tawa nito."Oo nga, noh? Ilang beses din kitang sinubukang pikutin...""And I'm so happy too, babe... Kung hindi ka pa muntik nang mawala sa akin ay hindi ko pa mare-realize kung gaano ka ka-importante sa akin." Naalala niya nang muntik nang mamatay ang asawa kaya napauwi siya galing sa London. Since then, ay pinangako na niya sa sarili na mabuhay lang si Hunter ay ib
***********YASMIN THERESE LEDESMA & HUNTER ROSALES GRAND WEDDING:Dumating na ang araw ng kasal. Maagang gumising si Yassy, kahit halos hindi siya nakatulog sa excitement.Sa malawak na hacienda ng mga Rosales idadaos ang kasal, doon sa harap ng batis kung saan nabuo ang kanilang pagmamahalan ni Hunter. Doon na din ang reception pagkatapos ng kasal. Sa sobrang lawak nun ay kayang ma-occupy kahit isang libong katao.Kasalukuyan silang nasa kwarto. Abala na sina Almira at Belle sa pag-aayos sa kanya. Nandoon din ang glam team, pero mas kampante siyang nasa paligid ang dalawang pinakamalapit sa puso niya.“Grabe, bestie... You’re glowing!” ani Belle habang inayos ang laylayan ng wedding gown niya.“Parang hindi ka kabado, ah.” dagdag ni Almira na naglalagay ng final touches sa buhok niya.“Kinakabahan ako... pero mas nangingibabaw yung saya.” sagot niya sabay ngiti.Lumingon siya sa salamin. Suot niya ang eleganteng off-shoulder na gown na bumagay sa kanyang maputi at makinis na balat.
Agad na namula ang mukha ni Elijah. Halatang hindi nito alam ang gagawin. Inabot nito ang camera sa kanya."Ikaw na ang kumuha, Doc... baka manginig ang kamay ko."Napailing na lang si Yassy habang tinanggap ang cellphone. “Grabe ka naman, parang hindi ka sanay sa babaeng maganda!” parinig niya kay Elijah na pulang-pula na.Napangiti si Lilac, halatang naaliw din sa pangyayari.“Pasensya ka na sa mga kaibigan kong baliw, Lilac ha. Ang lakas ng mga toyo ng mga 'yan,” wika ni Elijah na hiyang-hiya sa pinaggagawa nila."It's okay po, Sir Elijah. Picture lang naman," nahihiyang sabi ni Lilac. Tumabi ito kay Elijah, medyo nahihiyang ngumiti."Okay... Smile!" wika ni Yassy habang tinutok ang camera.Pagkatapos ng ilang shots, ay agad niyang tiningnan ang mga litrato. “Hmm, bagay kayo. Ipo-post ko ‘to sa group chat natin!”"Yassy naman!" sabay na reklamo ni Elijah. Namumulang wika ni Elijah... saka sila nagtawanan.“Mga anak...” tawag-pansin ni Mayor sa kanila. “Halina kayo sa bahay at may i
"Are you both ready? Let's go?""Sige, tara!" sambit niya saka inalalayan siya ni Hunter na makatayo sa upuan. Nauna silang lumabas ng kwarto, nasa likod naman nila si Belle.Muntik pa siyang napatalon sa gulat ng makitang andoon pala ang kuya Caleb niya sa labas at mukhang hinihintay sila."What the heck, kuya! Bakit ka nanggugulat?""Hindi ako nanggugulat... Nakatayo lang ako dito eh!""Bakit di ka nagsabi na andyan ka?"Sumimangot ito. Sasagutin pa sana siya ni Caleb nang makita si Belle sa likod niya."H-hi Belle... you look beautiful in that dress." Nauutal na wika ni Caleb sa kaibigan niya."Thank you..." tipid na sagot lang ni Belle. Mukhang hindi pa okay ang dalawa. Ang akala pa naman niya ay nagkabati na ang mga ito. Mukhang malalim ang tampo ni Belle sa kapatid niya."Kuya, ikaw na ang bahala kay Belle. Mauuna na kami ni Hunter sa kotse."Naka-abresyete siya asawa habang nakasunod na ang dalawa sa likod nila.Simula nang nanalo siya noon sa lungsod nila ng Miss Quezon, palag
"Meron..." wika nito sabay tingin sa kanya."Don't you dare, Elijah! Kahit magiging mayor ka na, ay babasagin ko ang mukha mo. Umayos ka ng sagot!" banta ni Hunter"Hahaha... what? Masyado ka namang war freak! Meron akong nagugustuhang babae pero secret muna...""Walang secret-secret dito! Kaya nga truth eh.""Ah.. ehh.. pero promise guys, wag niyong ipagkalat ha?""Damn.. ano akala mo sa amin, chismosa? We are all professionals here!" Sabat ni Liam.Natawa siya. Tama naman na professionals na silang lahat doon. Siya ay doctor, si Hunter ay engineer, si Almira ay school teacher, si Belle ay model, si Liam ay city councilor, at si Elijah ay incoming city mayor.Pero kung maka-asta sila kapag magkakasama ay parang mga bata pa din. And that's what she liked about their friendship."Sino na? Ang tagal naman sumagot!" nairitang wika ni Almira."...Yung isang candidate sa pageant bukas...""Gotcha! Hahaha... sabi ko na nga ba!" sigaw ni Liam."What?!""Halata ka, cuz!" natatawang wika ni Li