Mayor Ishmael (SPG)

Mayor Ishmael (SPG)

last updateปรับปรุงล่าสุด : 2026-01-09
โดย:  JENEVIEVEอัปเดตเมื่อครู่นี้
ภาษา: Filipino
goodnovel18goodnovel
คะแนนไม่เพียงพอ
3บท
19views
อ่าน
เพิ่มลงในห้องสมุด

แชร์:  

รายงาน
ภาพรวม
แค็ตตาล็อก
สแกนรหัสเพื่ออ่านบนแอป

Anim na taong gulang si Jae-young nang magkahiwalay sila ng kakambal niya dahil sa paghihiwalay ng kanilang ama’t ina. Si Jae-young De Paz, kasi ang isinama ng Itay niya dahil pinili ng Inay niya ang kakambal niyang si Jelay. After seventeen years, muli silang nagkatagpo na magkapatid dahil lang pala may pakay ang kakambal ni Jae-young sa kaniya. “Okay ka lang, Jelay? Uutusan mo akong magpanggap na mag-ina kami ng anak mo sa ama ng pamangkin ko na si Ishmael Martinez, kahit na ni hindi ko nga kilala ang lalaking sinasabi mo? Akala ko pa naman kaya mo ako pinahanap dahil gusto mong makasama mo ako bilang kapatid at kakambal mo.” “Sige na Jae. Ilang ulit na akong nagpakilala sa kaniya ngunit hindi siya naniwala sa ‘kin. Wala raw siyang maalalang may nangyari sa ‘min kaya paano raw kami nagkaanak.” “Jelay, mag-da-dalawang taon na ang pamangkin ko pero ngayon mo lang naisip ito?” “Isang taon na lang mawawala na ako sa mundo. Gusto ko bago ako mawala, kilalanin muna ang anak ko ni Ishmael Martinez—” “M-may sakit ka?” “Oo Jae. Please? Pumayag ka na. Ayaw kong maiwan na mag-isa ang anak ko.” “S-saan ko ba matatagpuan si Mayor Ishmael Martinez?”

ดูเพิ่มเติม

บทที่ 1

Chapter 01

Jae-young

“Tay! Narito na po ako,” malakas kong sigaw kahit malayo pa ako sa bahay namin. Halos takbuhin ko na ang pinto namin sa pagmamadali makararing sa loob ng bahay namin.

“Jelay?!"

Nanlaki ang aking mata nang masilayan ko ang kakambal ko na ilang taon din hindi ko nakita. Nakaupo siya sa harapan ni Tatay, nasa sala sila at masaya silang nagkwe-kwentuhan ni Tatay.

“J-Jelay?” muli kong sabi, sabay pumiyok ang boses ko sa labis na galak, dahil muli ko s'yang nakita after seventeen years na magkahiwalay kaming magkapatid.

Limang taon lang kami ni Jelay, nang maghiwalay ang Nanay at Tatay namin. Siya ang sinama ni Nanay at nagtungo sila ng Maynila. Ako ang naiwan kay Tatay rito sa Mindanao. Noong una, tumatawag pa si Nanay sa ‘kin para kumustahin ang aking kalagayan. Halos linggo-linggo tinatawagan niya ako. Hanggang sa naging madalang ang mga tawag ni Nanay sabi busy sa trabaho, kaya sa mura kong edad maaga akong nag-matured at nauunawaan ko ang sitwasyon nila ni Tatay bakit sila nagkahiwalay.

Hanggang sumapit kami ng sampu taon ni Jelay, doon tuluyang naputol ang komunikasyon namin sa isa't isa. Wala akong alam kung saan sila nagpunta at kahit ang Tatay wala rin alam kung saan sila lumipat ng tirahan ni Nanay. At ngayon, sa wakas kahit na umabot kami ng twenty three years old bago ulit magkita, labis pa rin ang aking kasiyahan. Hindi ako makapaniwala naririto siya sa bahay namin. Ang kakambal ko na pinangarap ko na sana muli kaming magkita na magkapatid.

“Jelay, paano mo kaming natagpuan?" muli kong sabi at mabilis akong lumapit sa kaniya.

Nakangiti naman s'yang nag-angat ng tingin sa akin. Nilahad ko ang kamay ko at hindi siya naman tumanggi, inabot niya iyon sabay tumayo siya at agad niya akong sinunggaban ng yakap.

“Jae,” masayang saad ni Jelay at sumayaw-sayaw kami habang yakap ang isa't isa.

Nang magsawa. Sabay kaming kumalas at nakangiti pareho pinagmamasdan ang mukha namin. Para akong nanalamin habang kaharap ko siya. Kung hindi lang ako mayroon maliit na nunal sa taas ng labi ko malilito kung hindi kami kilala.

“Kararating mo lang? Galing ka pa niyan ng Maynila? K-kumusta ka na?” garalgal na ang boses ko at sunod-sunod ang tanong ko sa kaniya.

Mahina s'yang tumawa. “Alas-singko ng hapon ako dumating,” tugon niya at pinagsawa n'ya ang mata nakatingin sa mukha ko. "Grabe, halos iisa ang mukha natin, pati kutis, height at haba ng buhok natin ay pareho," masaya niyang sabi.

“Jelay….” bulong ko naiiyak pa rin ako.

“Jae, anak. Magbihis ka na muna para kumain na muna tayo. Mamaya niyo na ituloy ang pag-uusap niyong magkapatid,” saad ng Tatay, halata sa kaniyang boses ang labis na tuwa habang pinanood kami magkapatid.

Tumango ako. Binalik ko ang atensyon ko kay Jelay. Hindi pa rin kasi ako makapaniwala naririto siya sa haparan ko at kasama namin siya ni Tatay. Kung alam ko lang na darating siya. Maaga sana akong nag-out sa trabaho. Alas-siyete kasi ang sarado ng grocery store na pinagta-trabahu-an ko. Tatlong taon na akong cashier doon. Pagkatapos kong makatapos ng two years course sa college. Sinubukan kong mag-apply roon. Swerte naman natanggap ako at ngayon ay regular na ako sa trabaho ko.

“Tay, mamaya na lang po ako magbibihis. Kumain na muna tayo,” sagot ko sa kaniya.

“Tayo na kung gano'n,” tugon ni Tatay at nauna siyang lumakad sa amin.

Hindi ko binitiwan ang kamay ni Jelay hanggang makarating kami sa luma naming kahoy na lamesa. Pinauna ko s'yang umupo bago ako umupo sa tabi niya. Ako na rin ang nagsandok ng kanin niya. Hinayaan niya lang akong nakangiti pinagmamasdan ako.

Nang mag-umpisa na kaming kumain. Naisip kong itanong sa kaniya si Nanay. Miss ko na rin si Nanay, kahit na pakiramdam ko noon mas gusto niyang kasama ang kambal kong si Jelay kaysa sa 'kin. Kasi ilang beses ako noon nakiusap na kunin niya kami ni Tatay. Laging hindi p'wede ang sagot niya. Maayos daw sila naghiwalay ni Tatay at 'wag ko na raw alamin kung anong dahilan bakit sila naghiwalay.

“Jelay, bakit pala hindi mo isinama si Nanay? Kumusta naman siya?” masaya kong tanong ngunit nalusaw ang ngiti ko ng gumuhit ang lungkot sa mata ni Jelay. “Bakit, may nasabi ba akong mali?” may pag-alala na tanong ko sa kaniya.

Umiling siya pagkatapos malalim na humugot ng hangin. Palitan niya kaming tiningnan ni Tatay. “Wala na siya,” halos bulong na saad niya.

“Saan nagpunta?” tinanong ko pa si Jelay, para masiguro na mali ako ng pagkarinig sa sinabi n'ya.

“Dalawang taon na s'yang pumanaw,”

Pareho kami ni Tatay nabitiwan ang hawak na kubyertos at sa kaniya napatitig. “Hindi ko agad naipalam sa inyo dahil hindi ko alam kung saan kayo hahanapin. Wala na kayo sa dating bahay. Mabuti nahanap ko kayo rito kaya hindi na ako nag-aksaya ng oras pumunta ako rito.”

Malungkot akong tumango. Masakit na malaman wala na si Nanay dahil matagal ko rin siyang inantay na sana maisip niyang may anak pa siyang naiwan at asawang nag-aantay.

Dahil sa binalita ni Jelay. Tahimik kami hanggang matapos kaming kumain. Ako ang naghugas ng mga plato. Nagpaalam na si Tatay papasok na sa silid n’ya dahil inaantok na raw siya. Kaya naiwan kami ni Jelay sa kusina. Tahimik siya habang pinanood niya ako naghuhugas ng plato.

“Maganda rin pala ang lugar na ito,” umpisa niya kaya nakangiti akong napalingon sa kaniya.

“Katiwala lang si Tatay nitong lupa. Nagtanim din siya ng mga gulay para hindi sayang. Malaking tulong sa amin kasi hindi lang kami libre ng ulam may kinikita rin si Tatay. Isa pa malapit lang sa trabaho ko,” saad ko sa kaniya.

“Saan ka pala nagta-trabaho?” tanong ni Jelay.

“Dito lang din sa plaza lang isang grocery store. Isa ako sa cashier roon, Kaya roon din ako nag-apply kasi tricycle lang ang biyahe at p'wede nga rin lakarin kung hindi ako nagmamadali,” tugon ko sa kaniya.

Tumango-tango si Jelay para s'yang may gustong sabihin ngunit naninimbang pa yata kasi nawalan siya ng umik. Saglit ko siyang nilingon pagkatapos muli akong nagpatuloy sa paghuhugas ng mga plato. “Jae, may sasabihin sana ako,” saad niya. Tinigil ko ang ginagawa ko pagkatapos ay humarap ako sa kaniya para makinig kung ano ang gusto n'yang ipagtapat sa ‘kin.

“May ipakikiusap ako sa iyo,” halos bulong lang niya.

“Basta ‘wag lang tungkol sa pera dahil wala ako noon,” biro ko sa kaniya.

“Wala ka naman boyfriend sabi ni Tatay. Jae, please tulungan mo ako para sa anak ko wala na akong ibang maisip na paraan ito lang talaga ang naisip ko.”

“Ano ang gagawin ko?” tanong ko ng nakakunot noo.

“Jae, nakikiusap ako sa ‘yo. Ikaw ang tumayo na mommy ng anak ko—”

“Ano?!” napalakas ang sabi ko. “May anak ka na?” hindi makapaniwala na tanong ko sa kaniya. Tumango si Jelay pagkatapos ay malungkot na yumuko. Napalunok ako ewan ko bakit pakiramdam ko binundol ng kaba ang dibdib ko dahil sa kaniyang sinabi.

"Dalawang taon na siya sa susunod na buwan," nakangiti sabi ni Jelay.

“Madali lang naman kung sasama ang anak mo sa akin. Pero bakit naman kailangan kong tumayo bilang ina ng anak mo? Mag-a-abroad ka ba? Nasaan pala siya, bakit hindi mo isinama? Ang asawa mo bakit pala hindi mo kasama?" sunod-sunod kong usisa sa kaniya.

“Nasa Maynila ang anak ko. W-wala akong asawa Jae, bunga ng one night stand ang anak ko," halos pabulong niyang sabi.

Napatda ako. "Sino ang pinag-iwanan mo roon? Ano ka ba naman Jelay! Sana isinama mo na lang dito kawawa naman ang bata—”

“Ilang taon na lang ang ilalagi ko rito,” saad niya kinalaki ng aking mata.

“M-may sakit ka?” nauutal kong tanong sa kaniya. Tumango siya nag-umpisa siyang sumibi, kaya nataranta akong nilapitan si Jelay at niyakap ko siya.

“Tahan na, baka makasama pa sa iyo. Sige payag na ako. Pero sana dinala mo na ang pamangkin ko rito,” saad ko sa kaniya bigla rin akong naging excited. Kahit paano marunong naman akong mag-alaga ng bata. Noon nga kapitbahay namin noong wala pa akong trabaho. Iniiwan ang baby sa akin kapag papasok sa trabaho. Gusto ko rin dahil bukod sa nag-e-enjoy akong may alaga. May income pa ako.

“Jae, gusto ko rin magpakilala kayo ng anak ko sa ama niya,”

“Ano?!”

“Jelay, saglit nga lang. Okay sa akin ang tumayong Ina ng pamangkin ko, pero ang utusan mo akong magpakilala pa sa ama ng anak mo? No, ang sagot ko r’yan,” matigas na sagot ko sa kaniya.

Tumango siya ngunit patuloy na umiiyak si, Jelay. Kaya mahigpit ko siyang niyakap. Ang hirap naman kasi ng pangalawa n'yang hiling. Okay lang alagaan ko ang anak niya pero may dagdag pa pala at uutusan pa akong magpanggap na mommy ng anak niya sa ama ng pamangkin ko.

“J-Jae, gusto ko lang naman masiguro na maayos ang buhay ng anak ko bago siya iwanan sa mundo. Ayaw ko maranasan n'ya ang hirap. Plese…nakikiusap ako sa ‘yo, para na lang sa kinabukasan ng pamangkin mo. Ang bata pa niyang naranasan ang hirap. Pero ang ama n'ya sobrang sarap ng buhay,” pautal-utal na sabi ni Jelay habang nagkwe-kwento.

Mariin akong napapikit. Mahirap kasi itong gusto niyang ipagawa sa akin. Pero naawa naman ako sa pamangkin ko. Kung magpakilala lang naman pagbibigyan ko na para sa pamangkin ko sige gora ako. Para sa kinabukasan ng pamangkin ko.

“I-Ilang ulit na a-akong nagpakilala sa kaniya ngunit hindi siya naniniwala sa ‘kin. Wala raw siyang maalalang may nangyari sa ‘min kaya paano raw kami nagkaanak. Isa lang daw ako sa mga babaeng naghahabol sa kaniya dahil mayaman siya. Kung alam mo lang ilang beses na niya akong pinagtabuyan dahil hindi siya naniniwala na anak niya ang pamangkin mo.”

“Walanghiya pala iyon pagkatapos n'yang magpasarap itatanggi n'yang nabuntisan ka niya. Gago pala ang lalaking iyon. Saan iyon nakatira at akong bahala magbigay ng leksyon sa kaniya.”

“Gusto ko lang naman kilalanin niya ang anak ko. Para panatag akong lilisanin ang mundo,”

“Ano ka ba Jelay. Gagaling ka kailangan mong gumaling para sa anak mo,” tugon ko. Subalit umiling-iling lang si Jelay.

“Mangako ka sa 'kin, Jae. Hindi mo pababayaan ang anak ko. Mangako ka sa akin na kikilalanin ni Ishmael Martinez, ang anak ko. Please, Jae. Ayaw kong maging kawawa siya kagaya sa akin,” haguggol niya.

Napasinghap ako. Kahit na walang kasiguraduhan na matutupad ko ang hiling niya. Natagpuan ko ang sarili ko nakangiti tumatango sa kaniya.

Ishmael Martinez? Siguro ubod ito ng playboy pati kambal ko hindi naalala naanakan niya sa daming babae nito.

“Pangako,” saad ko kahit hindi ako sigurado kung kaya ko bang ibigay ang hiling niya.

Hinawakan ni Jelay ang kamay ko. Nakangiti siya habang puno ng luha ang kaniyang mata. “Salamat Jae, ngayon masaya akong iiwan sa iyo ang anak ko.”

“Mommy,”

Napakurap ako dahil kinuhit ako sa braso ng pamangkin ko. Naalala ko ang pag-uusap namin ng kambal. Tumikhim ako at tipid ko s'yang nginitian. Hinaplos ko ang pisngi nya. Nasa tapat na kami sa address ng bahay na binigay ni Jelay sa 'kin. Pinara ko ang taxi na sinasakyan namin ng pamangkin na kalong ko, pagkatapos kumuha ako ng pera sa bulsa ng sling bag ko at inabot ko sa taxi driver ang bayad ko.

“Seven, narito na tayo sa bahay ng daddy mo,” bulong ko sa pamangkin ko busy tumingin sa mga nakikita niyang nagagandahang mga bahay.

“Daddy?” tugon niya tumingala sa akin. Nakangiti akong tumango sa kaniya sabay sinuklay ko gamit ng daliri ko ang buhok niyang tumabing sa noo niya.

“Yes, daddy mo,” tugon ko sa kaniya at tinuro ang mansyon na nasa harapan namin.

Nanlaki ang kaniyang mata sa pagkamangha sa nakikita niyang maganda mansyon. Kahit nga ako napanganga nang dumating kami sa tapat ng malaking gate sa mansyon ng mga Martinez. Pamangkin ko pa kaya na bata pa hindi humanga.

Hinaplos ko ang buhok niya. "Mommy, hindi mo na po ako iiwan diba? Lagi ako palo sa kapitbahay po,” sumbong niya sabay pakita sa braso niyang may naiwan na bakas hindi pa magaling. Kaya napasinghap ako. Iyon pala ang mga napansin kong pasa sa braso niya. Tinanong ko siya sabi dahil daw sa likot niyang maglaro. Iyon naman pala bakat sa palo ng kapitbahay.

Tumango ako sa kaniya at hinalikan siya sa buhok niya. “Promise! Hindi ka iiwan ni mommy kahit na anong mangyari,” sagot ko sa kaniya pinilit na maging deretso ang boses ko dahil naging garalgal iyon naawa ako sa kaniya.

Niyakap niya ako ng mahigpit. Kahit mahigit isang buwan ko pa siyang nakasama. Mahal ko na siya na parang totoo ko s'yang anak. Ngayon pa lang mahihirapan na akong malayo sa kaniya. Kapag dumating ang araw na natuklasan ng mga Martinez ang pagpapanggap ko. Ako ang unang masasaktan dahil napamahal na si Seven sa 'kin.

“Mahal po kita, mommy,” saad n'ya halos maiyak ako sa labis na tuwa. Wala siyang kaalam-alam hindi ako ang mommy niya at pamangkin ko lang siya.

“Hindi ka na po magagalit sa akin?” bigla niyang tanong na s'yang kinagitla ko. Hindi ko na lamang pinahalata sa kaniya nagulat ako.

“Of course dahil love ka ni mommy,” tugon ko pinisil ko pa ang ilong niya at nagustuhan niya iyon kaya humagikhik siya.

“I love you po mommy ko,” saad niya yumakap pa sa baywang ko labis ang kasiyahan sa kaniyang mata. Lihim akong napalunok dahil ang bata pa niya para lokohin ko lang. Ako ang nasasaktan para sa pamangkin ko at natatakot naman sa pamilya Martinez. Ngunit naririto na ako kailangan ko ng panindigan at galingan umarte. Para ito sa kambal at kapatid ko kaya ginagawa ko ito.

แสดง
บทถัดไป
ดาวน์โหลด

บทล่าสุด

บทอื่นๆ

ถึงผู้อ่าน

Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang  manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.

ไม่มีความคิดเห็น
3
สำรวจและอ่านนวนิยายดีๆ ได้ฟรี
เข้าถึงนวนิยายดีๆ จำนวนมากได้ฟรีบนแอป GoodNovel ดาวน์โหลดหนังสือที่คุณชอบและอ่านได้ทุกที่ทุกเวลา
อ่านหนังสือฟรีบนแอป
สแกนรหัสเพื่ออ่านบนแอป
DMCA.com Protection Status