공유

CHAPTER 27

작가: dyowanabi
last update 최신 업데이트: 2025-02-11 23:46:14

"Good morning, cousin!" Bati ni Almira nang nauna itong nagising sa kanya. Hindi pa siya nagmulat ng mata, iniisip pa niya kung nananaginip ba siya o hindi. Bakit siya may kasama sa kwarto niya? Bakit andito si Ate Almira?

Naalala niyang dito pala natulog ang pinsan kagabi. Nagmulat siya ng mata at humikab.

"Ano ka ba... ang aga pa nga... bakit ka nanggigising? Wala naman tayong pasok sa eskwela para gumising ng maaga," reklamo niya.

"Eh sorry, cous. Nasanay kasi akong magising ng maaga. Nagsasaing pa kasi ako sa bahay. Nakalimutan kong andito pala ako sa bahay niyo." kinagat pa nito ang daliri na tila nagpapa cute.

Napasimangot siya saka nagtakip ng unan sa mukha. Gusto pa niyang matulog.

"Gising ka na diyan! Mag-jogging na lang tayo. Isuot natin ang binili nating jogging outfit, hihihi!"

"Magjo-jogging ka ba o magpapa-impress sa mga boys sa park?" nakasimangot na wika niya.

"Both! Hihihi... sige na, suportahan mo na lang ako. Baka may mga mayaman na boys doon at liligawan ako."

Hind
이 책을 계속 무료로 읽어보세요.
QR 코드를 스캔하여 앱을 다운로드하세요
잠긴 챕터
댓글 (2)
goodnovel comment avatar
AJ523
Sige nga te Almira push mo si Hunter para walang makasingit hahahaha
goodnovel comment avatar
Anita Valde
naku pagmalaman ni hunter bonggang Selos ang mangyayari
댓글 모두 보기

최신 챕터

  • LET ME BE THE ONE (TITIBO-TIBO) SPG   CHAPTER 566

    “H-hindi po... inalala ko lang kayo. Baka makasira sa pangalan niyo kapag may makaalam na nag-hire ka ng girlfriend for a night noon...”“Hahaha... You’re so funny, Paulette. Nakakatawa ka pa din kausap tulad ng dati. I miss you, you know.”Namula si Paulette sa sinabi nya, parang gusto nya itong halikan ulit... he missed her lips. “Usap pa tayo mamaya, ha? Magpapakita lang ako doon sa kasal, baka hanapin ako ng pinsan ko.”“O-opo...” nahihiyang sagot ni Paulette. Dapat sanayin na nya ang sarili na tawagin itong Paulette at hindi Red. “I’m really happy na nakita kita dito, Red... or should I say, Paulette.” Natawa ito sa pagtawag niyang “Red.”Kinurot niya ito sa pisngi saka tumalikod na. Kung pwede nga lang doon na lang siya buong gabi at makipag-usap kay Paulette ay gagawin niya, pero may trabaho pa ito at ayaw niya ding sirain ang gabi ng pinsan niya. Kailangan niyang mag-participate sa party dahil siya ang best man.Di bale, madami pa silang oras ni Paulette. This time ay hindi

  • LET ME BE THE ONE (TITIBO-TIBO) SPG   CHAPTER 565

    PAULETTE’S POV:Gusto niyang maiyak doon sa kasal. Hindi dahil natutuwa siya, dahil ang pinakagusto niyang lalaki ay ikakasal na.Nakatingin lang siya mula sa malayo. Pero kahit may kalayuan ang pwesto niya ay siguradong-sigurado siya na si Mayor Elijah ang nasa harap ng altar. May kasama itong lalaki na malamang ay best man nito.“Bakit ka umiiyak diyan?” saway ni Tanya sa kanya.“Ikakasal na siya, sis huhuhu... Di ko akalain na dito pa kami magkikita ulit... sa kasal niya.”“Tumahimik ka nga, baka may makakita sa’yo! Isipin nilang kabit ka ng groom dahil nag-iiyak ka diyan.”Kung pwede nga lang siyang maging kabit, maranasan niya lang ulit ang atensyon na binigay ni Mayor Elijah sa kanya noon.Nag-umpisa na ang tugtog, ibig sabihin ay mag-uumpisa na ang kasalan. Dumating na din ang bride. Nakita na niya ang bride, kahit malayo ay alam niyang maganda ito. Napakaganda ng gown nito na parang prinsesa. Kaya di nakapagtataka na pinakasalan ito ni Mayor Elijah.Tumalikod siya para hindi n

  • LET ME BE THE ONE (TITIBO-TIBO) SPG   CHAPTER 564

    ALMIRA’S POV:Araw ng kasal nila ni Liam. Sa mansion nina Elijah idadaos ang kasal. Mas malaki kasi doon kesa sa garden ni Liam. Hindi naman siya kumontra pa dahil madami silang bisita. Isang councilor ang asawa niya, si Elijah ay mayor at si Tito Felix ay gobernador. Expected na madaming dadalong mga prominenteng tao. Isang kasalan ng taon iyon para sa kanilang lungsod.Lihim siyang napangiti. Sabi ng iba ay napakaswerte daw niya dahil siya ang pinakasalan ni Liam. Muntik na sanang ikakasal si Liam noon kay Celeste. Mabuti na lang at nalaman nilang hindi pala si Liam ang tatay ng ipinagbubuntis nito bago pa man kinasal ang dalawa. Simula nang bumalik siya sa Quezon ay wala na din siyang balita kay Celeste.And now... she and Liam are getting married. Yes, napakabilis lang ng kanilang pagdesisyon. Three months pa lang simula nang bumalik sila galing Italy at eto ngayon ay ikakasal na sila.Bakit pa nila papatagalin? Parehas sila ni Liam na naniniwala na doon din sila papunta kaya baki

  • LET ME BE THE ONE (TITIBO-TIBO) SPG   CHAPTER 563

    "O, ayan na si Mayor! Ayusin n’yo na ang nakakalat." agad na sabi ni Irene nang makita ang papasok na magarang sasakyan.Shit, confirmed! Yan ang kotse ni Elijah na gamit noong unang pagkikita namin at nang makita ko siya sa school na may inaabangan! sigaw ng utak nyaAgad siyang tumalikod at nagtago. Ayaw niyang makita siya ni Elijah. Gustong tumulo ng luha niya. Hindi niya akalain na ang kasal na pupuntahan nila ay ang lalaking pinagkakahumalingan niya.Hindi man siya umaasang magiging sila ni Elijah, pero masakit pa din ang malamang ikakasal na ito sa iba."Dito lang kayo, pupuntahan ko muna si Mayor," sabi ni Irene. Agad itong umalis.Hindi na niya alam ang mga nangyayari dahil nakatalikod siya. Ayaw niyang sumilip kahit pa kating-kati na ang ulo niyang lingunin ang lalaking matagal na niyang nami-miss at sa mga magazine na lang nakikita."O, bakit parang nanigas ka d’yan sa kinatatayuan mo, sis?" tanong ni Tanya."Tanya... si Mayor ang ka-date ko noong birthday ni Gov..." halos p

  • LET ME BE THE ONE (TITIBO-TIBO) SPG   CHAPTER 562

    "Ano naman ang pinaasa mo dun kay Johan, bakit ganun yun?" tanong ni Tanya nang nakalayo na sila."Ewan ko ba dun. Wala naman akong sinabi.""Feeling ko umaasa siyang sasagutin mo.""Huh... wala akong sinabing ganun ha. Porket sinabihan ko lang na maghanap siya ng trabaho.""Mukhang lakas ng tama ni Johan sa’yo eh. Saan na yung pagkain na pinadala ni Mama Elise? Akin na, gutom na ako eh.""Paano ka kakain kung nagda-drive ka?""Subuan mo na lang ako." nakangising sabi ni Tanya"Bakit kasi di ka kumain bago ka umalis sa inyo?""Nagmamadali na kasi ako, saka wala naman ang alaga sa akin tulad ng mama mo."‘Yun na nga ang ginawa nila, sinusubuan niya ito habang nagda-drive. "Saan nga pala ang raket natin ngayon?""Sa Quezon Province.""Huh? Ang layo naman!" Bigla niyang naalala na taga doon si Mayor Elijah."Kaya nga 3 days tayo. Sa biyahe pa lang pagod na eh. Kaya after ng kasal, mag-unwind muna tayo bago umuwi sa Manila.""Sino ba ang ikakasal?""Hindi ko alam, pero prominenteng tao da

  • LET ME BE THE ONE (TITIBO-TIBO) SPG   CHAPTER 561

    Kinabukasan ay maaga siyang nagising. Sabi ni Tanya ay alas otso ng umaga susunduin na siya nito. Nakaready na din naman ang kanyang mga gamit kaya okay na siya.Naligo agad siya. Malaking t-shirt at pants na butas-butas ang suot niya. Nag suot din siya ng mamahaling sneakers pero sa ukay-ukay niya lang iyon nabili. Nakakasuot lang naman siya ng branded kapag mag-u-ukay-ukay siya."Ate, aalis ka na? Pasalubong ha..." sabi ng bunso nilang si Asserette."Sige, ano ang gusto mo?""Kahit ano ate.""Uy, uy... ‘wag n’yo na hingan ng kung ano-ano ang ate n’yo. Alam n’yo namang nagtatrabaho iyon doon, hindi gagala." Napakamot ng ulo si Asserette."Kumain ka na muna bago ka umalis, Paulette, para hindi ka gutumin sa daan. Pinagbalot ko din kayo ng makakain ni Tanya para may makain kayo sa biyahe.""Salamat, Ma..." sabi niya saka umupo na sa hapag-kainan. Maya-maya’y tumawag na si Tanya."Hello?""Hello sis, ready ka na? Sa kanto ka na lang mag-abang sa akin ha. Magpapa-gas lang ako tapos dadaa

더보기
좋은 소설을 무료로 찾아 읽어보세요
GoodNovel 앱에서 수많은 인기 소설을 무료로 즐기세요! 마음에 드는 책을 다운로드하고, 언제 어디서나 편하게 읽을 수 있습니다
앱에서 책을 무료로 읽어보세요
앱에서 읽으려면 QR 코드를 스캔하세요.
DMCA.com Protection Status