Mag-log inSa edad na 19, gumuho ang mundo ni Eliana “Yana” Ledesma. Biglang namatay ang ama, at lahat ng ari-arian nila misteryosong napunta sa kanyang malupit na madrasta. Pinalayas siya at ilang araw syang nagpalabuy-laboy sa kalsada. Isang gabi, muntik na siyang mapahamak… Mabuti na lang ay nailigtas siya ng isang estranghero. Si Adrian Villaverde. Siya ang kasalukuyang CEO ng Villaverde Group. Isang bilyonaryong laging nasa front page ng dyaryo. Hindi lang dahil sa galing niya sa negosyo kundi dahil sa misteryong bumabalot sa pagkawala ng dati niyang asawa na si Leira. Habang nakikituloy si Yana sa puder ni Adrian, nagulat siya nang bigla itong nag-abot ng kontrata na kailangan nilang magpakasal. Hindi kailangan magkaroon ng seremonya, sex, o kahit damdamin man lang. Sa papel lang talaga. Pero habang tumatagal ang pananatili niya sa mansyon, mas dumarami ang tanong kaysa sagot: Pinili ba sya ni Adrian pakasalan dahil kamukha niya ang ex-wife nito? Ano ba talaga ang dahilan ng biglaan na pagkawala ni Leira? At bakit sa bawat kilos ni Adrian, parang may pinipigilan itong sabihin? Kasabay ng paglalapit ng loob nila ni Adrian, isang bagay ang hindi maikaila ni Yana… Mas dumadami ang mga tanong kaysa sagot. Kailangan niyang maging mapagmatyag kung gusto niyang makasiguro na ang lalaking pakakasalan niya ay hindi isang halimaw na nagpapanggap lang.
view moreYana
“LUMAYAS KA SA PAMAMAHAY KO! Magnanakaw!”
Iyan ang sigaw sa akin ng aking madrasta na si Cora habang kinakaladkad ako palabas ng bahay.
Ito na naman siya. Gumagawa ng eksena kakasikat pa lang ng araw.
Wala ako magawa kundi magbuntong-hininga na lang.
“Tiyang, wala akong alam sa sinasabi niyo,” ang malumanay kong paliwanag. “Ano ho ba ang tinutukoy niyo?
Lalong umasim ang mukha ni Cora. Kumunot ang kilay at may kasama pang pamewang. Parang minalas na naman sa sakla kaya ako ang napagbubuntunan.
“Wag ka magmaang-maangang bata ka!” sagot niya. “Ilabas mo ang ninakaw mong kwintas at singsing! Kakabili ko lang ng mga ‘yon sa Ongpin noong isang linggo.”
“Kwintas at singsing?” tanong ko. Hindi ko talaga alam kung ano itong binibintang sa akin ng aking madrasta. “Baka nailagay niyo lang po kung saan. Wala po sa akin kahit kapkapan niyo pa ako.”
Mas lalo niyang hinigpitan ang hawak niya sa aking braso. Napailing ako sa sakit.
“Aba sumasagot ka pa!” sigaw niya habang tinulak ako sa kalsada. “Ikaw lang naman ang makati ang kamay dito.”
Napatingin ako sa paligid… May mga nakadungaw na sa bintana nila. Habang ‘yung iba, pakunwari nagsasampay pero nakikichismis lang.
Ayan na nga at nagsisilabasan na ang mga Marites. Inaalam kung ano naman pinuputak ni Cora.
Nakakahiya!
“Hindi po ako pinalaki ni tatay na magnanakaw,” sambit ko. Pinipigilan ko pa rin ang sarili ko na sumigaw kahit nakakasagad na ang ginagawa ni Cora. “Tsaka lahat naman po ng tinatamasa niyo ngayon ay pinaghirapan ng tatay ko.”
Nakilala ni tatay si Cora dalawang taon na ang nakakalipas. Maganda, sexy, at maputi ang aking madrasta kahit magsisingkwenta na. Tila ba nabihag sa ganda ni Cora si tatay kaya agad silang nagpakasal.
Walang-wala noon si Cora. Guminhawa lang ang kanyang buhay ng tumira siya sa amin.
Napahalakhak nang malakas si Cora. “At kanino iniwan ng tatay mo lahat ng napundar niya noong namatay siya? Di ba sa akin? Hindi sa’yo.”
Nakuyom ko ang aking kamao. Totoo, wala man lang naiwan sa akin si Tatay, ni singkong duling.
Hanggang ngayon palaisipan pa rin sa akin ito. Lagi niya kasing sinasabi na ako raw ang prinsesa niya… pero bakit hindi man lang niya naibigay ang sapat na pera para makapagtapos ako ng kolehiyo?
“Tiyang, wala po sa akin ang hinahanap n’yo,” sabi ko. Gusto ko na tapusin ito. Nakaka-stress na masyado. “Maniwala po kayo.”
Papasok na sana ako uli ng bahay nang bigla niya ako hinarangan. “Hindi ka makakabalik ng bahay hanggat di mo binabalik ang mga ninakaw mo!”
Kasabay nito ay may binato siyang plastic bag na may laman na mga damit. “Oh! Iyan na ang mga gamit mo. Wala ka talagang kwenta… Manang-mana ka sa nanay mong haliparot.”
Biglang nagdilim ako sa sinabi niya. Ni kailanman ay di ako pinagmalupitan ni nanay kahit maaga siyang namatay. Hindi n’ya deserve ang ganoong mga salita!
Dali-dali ko siya nilapitan. “Bawiin mo ‘yang sinabi mo! Insultuhin mo na ako, huwag lang si nanay!” mariing sambit ko. Marahan ko siyang naitulak ngunit tila ba ay buong pwersa ang ginamit ko sa reaksyon niya.
Napatili siya sabay nadapa patalikod. Sobrang OA!
Napaiyak pa siya na parang lalaban ng Best Actress sa FAMAS. “Mga kapitbahay! Tulong! Binubugbog ako ni Yana!”
Putangina. Gusto kong matawa sa kalokohan niya pero galit na galit na ako. “Sinungaling ka talaga kahit kailan!” aking sagot.
Kinuha niya ang kanyang cellphone at may tinawagan. Nanginginig-nginig pa ang kamay. “Police headquarters? Hello po. May gusto po ako ireport. ‘Yung stepdaughter may ninakaw at ngayon nagtangkang saktan ako…”
Bakit isusuplong ako ni Cora sa mga pulis? Wala naman akong ginagawang masama. Talagang nasisiraan na siya ng bait.
Kailangan ko na kumilos… Ayokong makulong. Kinuha ko ang plastic bag na may gamit ko at sabay kumaripas ng takbo.
Hindi man lang ako nakapagpaalam nang maayos sa lugar kung saan ako lumaki.
************************************************
(Makalipas Ang Tatllong Araw)
Hindi ko alam saang sulok na ng Metro Manila ito.
Tatlong araw na akong palakad-lakad nang hindi alam kung saan patutungo…
Wala pa rin ako ligo. Ang dumi-dumi ko na. Nag-aabang lang ako ng mga tira-tira sa mga basurahan ng mga restaurant. Hindi ko maisip na ganito na lang magiging buhay ko ngayon.
Sa sobrang pagod ko ay nakatulog ako sa isang bench ng terminal. Sobrang dilim at walang tao sa paligid. Siguro safe naman matulog dito ngayong gabi.
Ngunit sa aking pagkakahimbing ay may naramdaman akong kakaiba… May humihipo sa hita ko. Bigla namulat ang aking mga mata at ang bumungad sa aking ay dalawang sigbin na hindi ko alam kung saang inidoro nanggaling…
Pinagmamasdan nila ako at inaamoy-amoy. Dali-dali ako napatayo at lumayo sa kanila.
“Relax ka lang, Miss,” sabi ng isang sigbin na namumula-mula pa ang mata. “Hindi ka namin sasaktan.”
“Lumayo ka,” halos pabulong kong sabi, pero nanginginig ang boses ko.
Ngumisi yung isa, halos dila-dilaan ang labi. “Bakit ka nagmamadali, Miss? Amoy pagod ka na ha… pero sariwa.”
Hindi ko na hinintay ang susunod nilang sasabihin. Tumalikod ako at tumakbo palabas ng terminal. Halos sumemplang ako at dumulas na sahig.
“Hoy! Huwag ka nang tumakbo!” sigaw nila.
Mas lalo akong nagmadali, pero pagdating ko sa bukana ng terminal, puro dilim at maiitim na eskinita ang sumalubong. Wala na akong choice. Tumakbo na ako papunta sa pinakamaliwanag na parte ng kalsada.
Pero mabilis sila. Parang aso kung humabol.
“Ang bilis mo ah!” hagikgik ng isa. “Mas masarap ‘pag hinihingal!”
Lumiko ako sa kabilang street na walang tao, tanging kumukutitap na poste at tambak ng basurahan lang ang nandoon. Sa sobrang panic ko, hindi ko napansin na dead end pala.
“Naku, Miss…” sabi nung isa habang papalapit, kamay niyang naglalaway sa pawis. “Dito ka pala nagtago. Mukhang atabs ka pa…”
Idinikit nila ako sa pader, braso nila nakaharang, mga mata nilang mamula-mula at puno ng libog at gutom.
“Isang halik lang…” bulong nung nasa harapan ko, halos dumikit na ang ilong niya sa pisngi ko. “Ang sarap mo siguro —”
VRRROOOOM—SKRRRT!
Isang kotse ang biglang huminto sa bungad ng eskinita, headlights na parang kidlat ang tumama sa amin. Parang nabunutan ng sungay ang dalawang sigbin. Napaatras sila at napatigil.
Bumukas ang pinto ng kotse.
Isang lalaking naka-black jacket ang bumaba, hindi ko makita ang mukha dahil sa ilaw sa likod niya.
“Bitawan n’yo siya,” sabi ng misteryosong lalaki.
At doon, unti-unti nilang inangat ang kamay nila palayo sa akin.
YanaBinuksan ko ang pinto nang dahan-dahan.Nandoon si Adrian. Mukhang kakatapos niya lang maligo. Basa pa yung buhok sa may bangs. Fresh na fresh. At doon nagsimulang magwala ang sikmura ko.Hindi ko alam kung gutom ako o siya yung dahilan. Kasi tangina… bakit parang ang hirap huminga bigla?Inabot niya sa akin ang dalawang paper bags.“Good morning,” sabi niya. “Damit. Sakto sa size mo. Mag-ready ka ha. Sabay tayo mag-breakfast.”Hindi siya nakatingin diretso sa mukha ko. Ako rin.“Ah… sige,” sagot ko.Sinara ko ulit ang pinto at umupo sa kama, hawak ang mga paper bags.Pagkabukas ko nung una, ang bumungad sa akin ay mga designer clothes. Isang cream-colored na blouse, high-waist jeans, at isang set ng underwear.Wala akong idea magkano ’to pero malamang hindi bababa ng isang daang libong piso.Nilapag ko muna. Hinawakan ko yung second paper bag.Pagbukas ko, napahawak ako sa bibig ko.iPhone. Yung latest model.“...putang ina,” bulong ko, napapikit ako sa guilt.Sugar baby, bigl
YanaSino ba naman ako para tumanggi sa steak?Umupo ako sabay kumuha ng plato. Pagharap ko sa pagkain, parang nawala lahat ng pride ko sa buhay.Dinamihan ko ang sandok. Mashed potatoes, konting gravy, tapos sinunod ko yung steak, halos kalahati agad ng slice.Tapos… Bigla na lang ako nakonsensya. Mukha akong patay-gutom. Asan ang manners ko?Binalik ko ang serving spoon.“Sige lang,” sabi niya, hindi tumitingin nang direkta sa akin. “Alam kong gutom ka.”Hindi naman pala siya judgmental. Kinuha ko ulit ang kutsilyo. Wala na akong arte this time.Kinuha ko ulit ang kutsilyo. Wala na akong arte this time.Pagkagat ko sa steak, napa-igtad ako nang konti sa sarap.Malambot. Juicy. Perfect ang timpla.Bumilis ang kain ko na para bang may humabol sa’kin. Napatingin ako kay Adrian."Iyan ang paborito ko,” sabi niya. “Mukhang nagustuhan mo.”Tumango ako habang ngumunguya. Kasi sobrang sarap nga.“Anong pangalan mo?” tanong niya.Halos nabilaukan ako sa mashed potatoes.Napatingin ako sa ka
YanaHindi ko alam gaano katagal yung byahe namin. Pero nang bumagal ang kotse, iba na ang itsura ng paligid. Para akong na-transport sa ibang planeta… Sa mundo ng mga alta. Ni wala akong makitang jeepney, kariton, o sari-sari store man lang. Sa halip, puro matatayog na building at magagarang sasakyan ang napapansin ko.Pamilyar ang lugar. Dito kami minsan pumapasyal ni Papa noong buhay pa siya. Minsan naitanong niya noon: “Anak, gusto mo ba balang araw dito ka tumira?”Siyempre, excited akong tumango. Sino ba namang ayaw tumira sa ganito kagandang lugar?Nandito kami sa BGC.Huminto kami sa harap ng isang high-end na residential tower. May naka-engrave sa harapan: Greentown Estate Makati. Parang nanliit ako bigla sa kinauupuan ko. Bumukas ang gate nang hindi man lang siya nag-roll down ng bintana. Kilala na siya ng security, so dito siya talaga nakatira.Pumasok kami sa basement parking. Pinatay niya ang makina. “Baba na,” utos niya.Dahan-dahan akong bumaba.Nanaginip lang ba ako
Yana“Boss, wag kang makisawsaw. Wala kang alam dito.” sabi ng isang sigbin. “Syota ko ‘to. Naglalaro lang kami.”Halos masuka ako sa narinig ko. Sinubukan niyang umakbay sa akin pero tinulak ko ang kamay niya. “Wala akong jowang panget!” sigaw ko.Lord, please sana lubayan na ako ng dalawang adik na ‘to, bulong ko sa aking sarili.Inambaan ako ng sigbin. “Aba! Matapang ka. Gusto mong masapak?”Napapikit ako at naghandang masuntok. Pero may humarang sa kamay niya.“Hindi ba tinuro sa iyo na wag manakit ng babae?” sabi ng misteryosong lalaki. “Tsk. Sa bagay ano pa bang aasahan ko sa mga bobong kagaya niyo?”“Ang yabang mo! Porket may kotse ka lang.” sabi ng isa. Tinuon nila ang pansin sa lalaki. “Baka gusto mong turuan ka namin ng leksyon…”Nag-unat-unat ang dalawa na parang nag-wa-warm up sa inter-barangay basketball game. Yung isa ay naka-fighting stance pa. Boxer yarn? Kung hindi lang nanginginig buong katauhan ko, baka natawa ako.Sumugod ‘yung unang sigbin. Diretso suntok papunt
Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.