LOGIN“Gusto mo bang maligo?” tanong ni Elijah.“Sige, let’s go swimming. Pero dito lang sa loob, bukas doon naman tayo sa beach.”“Sige, magpalit ka na ng suot mo.”Siya’y tumayo at pumunta sa kanyang bag. Doon napansin niya ang kanyang dalang swimsuit. Pinili niya talaga iyon, ang pinakaseksi para maakit lalo si Elijah sa kanya.Pagkatapos niyang isuot ay bumalik siya sa kinaroroonan ng ng nobyo. Sandali itong natulala habang papalapit siya.“Damn, Paulette, is that you?”“Sino pa ba sa akala mo?” nakangising sabi niya. “Tayo lang naman ang andito.”“God, you’re so sexy, babe!”Lumapit ito at hinapit siya sa bewang. Diniikit nito ang sarili sa kanya. Naramdaman niya ang umbok ng pagkalalaki nito kaya agad siyang napangiti. Madali lang painitin si Elijah... parang switch lang ito ng ilaw na madaling i-on at off.“Ano ba... akala ko maliligo tayo?” aniya saka kumalas sa pagkakayakap nito. Napakamot ng ulo si Elijah.“I’ll be back. Magpapalit lang ako ng damit.” sagot naman nito saka pumasok
“Good evening, Mayor Elijah.”Nabaling ang atensyon nila sa isang staff na bumati sa kanila.“Good evening, Elisa. Nakahanda na ba ang tinawag ko sa’yo?”“Yes, Mayor. Nakahanda na po.”Nahihiyang ngumiti sa kanya ang babaeng staff.“This is your Ma’am Paulette, by the way...girlfriend ko.”“H-hi…” nahihiyang bati niya rin sa staff.Lalong lumaki ang ngiti ng babae. “Ang ganda naman ng girlfriend n’yo, Mayor. Bagay po kayo.”“Salamat, Elisa.” ang laki ng ngisi ni Elijah na parang proud na proud sa kanya.“Ikaw na ang bahala dito. Pupunta na kami sa room namin.”“Okay po, Mayor. Tumawag na lang po kayo kapag may kailangan kayo.”Tumango si Elijah saka hinatak na siya papunta sa isang villa. Iyon ang pinakamalaking kwarto doon. Para na iyong bahay. Medyo malayo iyon sa beach kaya may privacy silang dalawa at hindi maiistorbo ng mga guest.Pagpasok sa villa ay namangha siya sa ganda ng lugar. May swimming pool doon sa loob mismo at may jacuzzi pa. May nakahandang pagkain sa table at may
Pagkatapos nilang kumain ay isa-isang umalis ang mga kaibigan nila. Halatang pinagtabuyan na ito ni Elijah, parang gusto talagang mapag-isa kasama siya. Walang tumutol, alam ng lahat na hindi biro ang pinagdaanan nila ngayong araw.Kasalukuyan silang nasa kwarto. Nakahiga lang siya sa kama, nakapikit at pilit nagpapahinga. Ngunit kahit anong pilit niya, hindi pa rin tuluyang kumakalma ang kanyang dibdib.Maya-maya, tumabi si Elijah sa kanya at niyakap siya nang mahigpit, parang takot na takot itong mawala ulit siya.“Hindi mo lang alam kung gaano ako natakot kanina nang malaman na kinidnap ka ni William, babe,” mahina ngunit puno ng galit na sambit nito. “Parang gusto kong halughugin ang buong Quezon Province, makita ka lang agad.”Humigpit pa ang yakap nito. “Kung ako lang, ipapakulong ko ang lalaking ’yon. He will not mess with my woman. Nasa teritoryo ko siya, kaya dapat lang siyang matakot.”Marahan niyang hinawakan ang braso nito. “It’s okay, babe… kapag ginawa mo ’yon, lalo lang
Pagdating sa mansion ng mga Flores ay nagulat siya nang andoon sina Almira, Yassy, at Bhell, at mukhang naghihintay sa kanila.Nagliwanag ang mga mukha ng mga ito nang makita siyang bumaba ng kotse.“Oh God, thank you at ligtas ka… ano ang ginawa ng William na ’yon sa’yo?” sambit ng mga ito habang sinalubong siya.“I’m okay… wala naman siyang ginawa sa akin bukod sa tinali sa upuan. Pero hindi naman niya ako sinaktan.”“That’s good to hear, pero dapat pa rin siyang managot.”“It’s okay. Nakapag-usap na kami at humingi na siya ng pasensya sa akin. Nagawa lang naman niya ’yon sa sobrang pagmamahal kay Lilac.”“Bakit daw ba kasi sila naghiwalay?” tanong ni Yassy.“According to Lilac, binubugbog daw siya ni William. Pero ang sabi naman ni William sa akin, nagawa lang naman niya iyon dahil sa panlalaki ni Lilac. Marami pa siyang lalaki kahit pa kasal na sila ni William.”“That bitch! Wala na talagang ginawang maayos ang babaeng ’yon!”Bahagya siyang napabuntong-hininga bago muling nagsalit
“What about me, Elijah… delikado din ang buhay ko, ’di ba?” sabat ni Lilac.“Umuwi ka sa inyo, Lilac. Doon ka humingi ng tulong sa pamilya mo. Hindi ’yung ginugulo mo kami dito.”“Elijah, please. Wala ka na ba talagang awa sa akin? Nakalimutan mo na ba ang nakaraan natin?”“Hindi ko ’yon nakalimutan, Lilac. Kaya maiintindihan mo kung bakit ako galit sa ’yo… dahil hindi ko ’yon nakakalimutan.”“Pero andito na ako… bumalik na ako. Puwede na nating ituloy ang pagmamahalan natin. Kung galit ka sa akin dahil sa pag-iwan ko sayo noon, let me make it up to you. I Promise I will be good this time. Just take me back Elijah...”Nagdilim ang paningin niya sa narinig mula kay Lilac. Agad na umangat ang kanyang kamay at binigyan ito ng isang malakas na sampal.“How dare you hit me, Paulette?” nanlilisik ang mata nito habang hawak ang pisngi na sinampal niya.“Wala ka ba talagang hiya, ha, Lilac? Pagkatapos mong sirain ang buhay ni Elijah? Kung kailan maayos na siya sa relasyon namin, babalik ka at
Tumango siya, pilit pinipigilan ang panginginig ng katawan. Parang ngayon lang nagsi-sink in sa kanya ang lahat… kung paano niya na-convince si William na pakawalan siya nito. William is not bad after all. Nagmahal lang ito at nasaktan.Nakita niya itong yumuko, tila ayaw salubungin ang tingin ng lahat dahil sa pagkapahiya. Agad na lumapit si Elijah at niyakap siya nang mahigpit, halos hindi siya makahinga sa lakas ng kapit nito.“Are you okay, babe? Nasaktan ka ba? Sinaktan ka ba ni William?” nag-aalalang tanong nito sabay inspeksyon kung may sugat siya sa katawan. Ang tanging sugat lang naman niya ay ang kanyang kamay dahil sa pagkakatali kanina, pero hindi na niya iyon ininda. Mas importante ang nakaligtas na siya.Umiling siya at umiyak nang malakas. Tila doon niya binuhos ang takot na nararamdaman. She is glad that Elijah is here. “Okay lang ako… ligtas na ako.”Huminga nang maluwag si Gov. Felix, habang ang mga kaibigan ni Elijah ay awang-awa din sa kanya. Sa di-kalayuan, nakata







