LOGINHindi alam ni Amayah na ang dating pinapangarap niyang buhay kasama ang lalaking mahal niya na si Lorean ay makakamit niya sa loob lamang ng isang gabi. Pagkatapos niyang aksidenteng mahulog sa pool habang siya at ang mga kaibigan niya ay nagsasaya ay nagising na lamang siya sa loob ng ‘di pamilyar na silid. Ang masayang buhay estudyante niya sa edad na dise-otso ay naglaho at sa isang iglap lang ay napalitan ng buhay may asawa at anak. Pero ang inaasahan niyang masayang buhay kasama ang lalaking pinapangarap niya ay napalitan ng pagkadismaya. Takot sa kanya ang kambal at galit naman sa kanya si Lorean. Marahil ay naawa na sa mag-ama niya ang tadhana kaya naman, binigyan siya nito ng pangalawang pagkakataon. Gagawin niya ang lahat ng kanyang makakaya upang baguhin ang kanyang mga pagkakamali. Mapapatawad pa kaya siya ni Lorean at ng kambal? Makakamit pa kaya niya ang buhay na kanyang pinapangarap kung ang pagkatao at mga ala-ala niya ay mula sa kanyang dise-otso anyos na katauhan?
View MoreMasakit ang ulo na naalimpungatan si Amayah mula sa kanyang pagkakatulog. Habang nagkukusot ng mga mata gamit ang kanyang kamay ay unti-unti niyang inaalala ang mga nangyari kagabi. Nasa bahay sila ng kanilang class president upang mag-celebrate ng kanilang pagkapanalo bilang kampyonato sa naganap na patimpalak sa kanilang paaralan. Nakailang shot na siya ng tequilla nang mag-yaya ang matalik niyang kaibigan na si Donna sa may swimming pool. Nakipagsayaw silang dalawa sa mga kaklase nila na lango na rin sa alak at dahil sa kalikutan niya ay nahulog siya sa pool.
“Donna, ang sakit ng ulo ko,” aniya tsaka tamad na bumangon mula sa kanyang pagkakahiga. Dahan-dahan niyang minulat ang kanyang mga mata. Ilang saglit siyang natigilan nang makitang wala siya sa kwarto ni Donna. Napakunot din ang kanyang noo nang makita ang dalawang bata na tahimik lang na nakaupo sa may sofa na ilang hakbang lang ang layo mula sa kama. “N-Nasaan ako?” tanong niya. Tumayo ang batang babae mula sa pagkakaupo nito tsaka ito lumapit sa kanya. “Mommy, I’m sorry. Pangako, hindi na magiging pasaway si Syresse.” “M-Mommy?!” bulalas niya. “Bumalik ka rito, Syresse. Baka saktan ka nya ulit,” utos naman ng batang lalaki. Gulong-gulo si Amayah sa mga nangyayari. Hindi niya alam kung nasaan siya at hindi rin niya kilala ang dalawang bata na nasa harapan niya. Mas lumalim pa ang gatla sa kanyang noo nang bumukas ang pintuan at pumasok ang lalaking matagal na niyang gusto, si Lorean. “Kumusta ang pakiramdam mo?” tanong nito habang naglalakad papalapit sa kanya. “Ito na ang divorce paper. Pumapayag na ako.” Inabot naman sa kanya nito ang papeles na naglalaman ng divorce agreement. Nanlaki ang kanyang mga mata nang makita ang pangalan niya roon katabi ang pangalan ng binata. Kasal siya sa lalaking pinapangarap niya simula pa noong highschool. “K-Kasal tayo?!” gulat niyang anas. Tiningnan niya ang lalaki at ang dalawang bata. Magkakamukha ang mga ito na para bang mga pinag-biyak na bunga. Nasampal naman siya ng isa pang katotohanan ng mapagtanto niya na hindi lang siya kasal kay Lorean kun’di mayroon pa silang anak. Hindi lang iyon basta anak lang dahil kambal ang mga ito. Nasapo ni Amayah ang kanyang noo habang sinusubukang iproseso ang lahat. Hindi siya makapaniwala na mayroon na siyang anak at kasal pa siya sa pinaka-hot at mayaman na lalaki sa campus nila. “A-Anong nagyari? Wala akong maalala,” aniya habang minamasahe ang kanyang mga sintido. Napatikhim naman si Lorean. “You committed suicide again. Tumalon ka sa pool dahil ayaw kong pirmahan ang kontrata ng proposal ni Nolan.” “Nolan? Suicide?” naguguluhan niyang anas. Napapikit siya habang sinusubukang alalahanin ang lalaking binanggit ni Lorean. Ilang sandali naman ay isang payat at uhuging lalaki ang lumitaw sa kanyang isip. Nolan James Aureda, ang loner boy na kaklase niya na palaging napag-iiwanan sa klase. Bakit naman siya magsu-suicide nang dahil lang kay Nolan? Napahiga siyang muli dahil parang sasakit ang ulo niya dahil sa lahat ng bagong impormasyon na nalaman niya. Hindi niya alam kung ano at paano nangyari ang lahat. Masaya lang siyang nakikipag-inuman sa mga kaklase niya kagabi pagkatapos ay nang dahil lang sa pagkahulog niya sa swimming pool ay nagulo na ang lahat. “Mommy, okay lang po ba kayo?” tanong ng batang babae. “It’s just her another act, Syresse. H’wag kang magpapaloko,” anas naman ng kakambal nito. Napailing siya habang minamasahe pa rin ang kanyang sintido at noo. Hindi na niya alam kung ano ang nangyayari. “I don’t want you to keep hurting yourself. Kaya naman, heto at pinirmahan ko na. Pumapayag na ako na makipag-divorce sa’yo,” malumanay na saad ni Lorean. Napabangon naman siya kaagad. “No!” Dahil sa pasigaw na pagtutol niya ay gulat at taka namang napatingin sa kanya ang lalaki. Mabilis naman siyang nag-iwas ng tingin tsaka muling humiga. Hindi niya maintindihan kung bakit mayroong divorce paper. Ilang taon niyang pilit na nagpapapansin kay Lorean. Inayos niya ang kanyang mga grado, pinilit na maging isa sa mga role model ng school, at sinikap na maging consistent honor para lang mahabol ang mala-perpektong imahe ng binata. Kaya naman, bakit niya pakakawalan si Lorean? “H-Hindi tayo magdi-divorce. I need some rest. Iwanan nyo muna ako,” pahina nang pahina niyang sambit. Hinila niya ang kumot tsaka iyon tinaklob sa kanyang mukha. Narinig pa niya ang malalim na buntong-hininga ni Lorean na para bang may gusto pang sabihin. Pero wala naman siyang natanggap na tugon bagkus ay narinig niya ang papalayo nilang mga yabag at ang pagsarado ng pintuan. Nang makasigurado naman siya na wala na ang mga ito ay inalis na niya ang kumot. Bumangon siya mula sa kanyan pagkakahiga at naglakad papunta sa malapit na vanity mirror. Naupo siya sa silya at tiningnan ang sarili sa salamin. “Bakit parang may nagbago sa akin?” anang niya sa sarili. Mabilis siyang tumayo at tumakbo sa banyo. Hinubad niya ang kanyang night gown tsaka niya maingat na sinuri ang kanyang buong katawan. Hindi pa siya nakuntento dahil pinagmasdan pa niya ang sarili mula sa salamin na nasa may sink. Mas nag-matured na ang kanyang katawan at maging ang kanyang mukha. Ibig sabihin ay nasa katawan sya ngayon ng future self niya. “Nananaginip ba ako?!” naguguluhan niyang saad. Ilang beses niyang sinampal ang kanyang mga pisngi hanggang sa makaramdam na siya ng kirot. Naghilamos siya ng mukha at ilang minuto ring tumayo sa ilalim ng shower. Hindi siya nananaginip. Mas napatunayan pa niya iyon nang buksan niya ang walk-in closet at nakita ang magkasama nilang gamit ni Lorean. Napahinga na lang din siya ng malalim nang matitigan niya ang malaki nilang wedding photo na nasa pinaka-sulok ng silid. “I am really in the future, married to the man of my dream with two lovely children,” bulong niya. Iyon ang matagal na niyang pangarap. Pero bakit tila komplikado ang lahat? Ano ang nagawa ng future self niya para kamuhian siya ng anak at pakawalan siya ni Lorean? Kailangan niya ng kasagutan at ang tanging tao lang na malalapitan niya ay ang matalik niyang kaibigan. Kaya naman, pagkatapos niyang magbihis ay kinuha na niya kaagad ang kanyang cellphone upang tawagan ang kaibigan. Pero lahat ng tawag niya rito ay hindi nito sinagot. Tatawagan na sana niya itong muli nang makatanggap siya ng mensahe mula rito. “Akala ko ba ay hindi mo kailangan ng kaibigan? What’s with this miscalls?” pagbasa niya sa message ng kaibigan. Napakunot naman ang noo niya nang mabasa iyon. Bakit pati ang matalik niyang kaibigan ay galit sa kanya? Ano bang nagawa niya? Kaya naman, upang malinawan na siya sa mga nanyayari ay nagpadala rin siya ng mensahe. Makikipagkita siya rito upang makipag-usap at alamin ang lahat. “Kailangan kong ayusin ang gulong ito,” sambit niya.Naabala si Arthuro sa ginagawa nang biglang may lumapit na isang staff sa kanya. Kasalukuyan niyang kausap sa telepono si Lorean at pinag-uusapan ang mga papeles tungkol sa binigay nitong property at dalawang projects. "Boss, si Ma'am Elyse! May napag-initan na naman po si Mrs. Torres at sa kasamaang palad ay si Ma'am Elyse po iyon," anang empleyado. Natigilan naman siya nang marinig iyon. "Ano?!" "What happened to my wife?!" anang boses naman ni Lorean mula sa cellphone na hawak niya. "M-Mr. Bismonte, Mrs. Torres is a crazy woman. Ma'am Elyse is in trouble. I-I will handle this," tugon naman niya. Hindi naman na tumugon pa sa kanya si Lorean dahil binaba na nito ang tawag. Kakaibang kaba naman ang bumalot kay Arthuro. Hindi na siya nagdalawang isip pa na tumakbo pabalik sa kanyang opisina kung saan niya iniwanan si Amayah kanina. Kapag may nangyaring masama ay baka siya pa ang mapag-initan ni Lorean. Natatakot siya para sa kanyang kompanya. Samantalang kaharap pa rin ni A
Hindi pa na-start ni Amayah ang kotse nang tumunog ang kanyang cellphone. Kinuha niya iyon mula sa loob ng kanyang bag at walang pag-aalinlangan na sinagot. "Miss. Semera, are you still somewhere here in the perimeter?" anang boses mula sa kabilang linya. "Yes, I am," tugon naman niya. "That's good. Pwede bang bumalik ka rito sa loob? Let's meet inside my office again," anito. Napakunot naman ang noo niya. "May problema ba?" "You are hired," tugon nito. "Okay. I'll be there in a minute," mabilis niyang saad. Pagkababa ng tawag ay mabilis na lumabas si Amayah ng sasakyan at muling pumasok sa loob ng kompanya. Nagpunta siya sa top floor kung saan nandodoon ang opisina ni Arthuro Mendoza, ang may-ari ng Mendoza Enterprise. At dahil wala pa roon ang kausap ay naupo muna siya sa may couch at uminom ng tubig mula sa may water dispenser. Sa kabilang banda naman ay abala si Arthuro sa pakikipag-usap sa asawa nito. Matapos sabihin na walang pakialam at nasa kanya ang desisyon a
Kinabukasan ay magkasunod lang na umalis ng mansion sina Amayah at Lorean. Kailangan niyang humanap ng trabaho para makapag-ipon at mabuhay ang sarili kapag naghiwalay na sila ng asawa. "I already told my friend na may ire-recommend ako na tao. Punta ka na lang doon and take the interview," anang boses ng kaibigan mula sa kabilang linya. Napangiti namn siya. "Thank you, Donna." Kahit saang bagay ay maaasahan talaga ang kanyang matalik na kaibigan. Wala itong pinapalampas na kahit na ano at halos lahat ng pabor na hingin niya rito ay walang pagdadalawang isip na ibibigay nito. Kaya naman, kapag nakaangat na siya at tapos na ang lahat ng problema na kanyang hinaharap ay sisiguraduhin niya na makakabawi siya rito. Suot ng kanyang puting formal dress ay nagpunta nga si Amayah sa kompanya na sinabi ni Donna. Hindi iyon kalakihan at wala rin sa listahan ng mga matatagumpay sa industriya pero, kukuhanin pa rin niya ang pagkakataon na iyon. Sa ngayon ay pera ang mas mahalaga sa kanya.
Makalipas ng dalawang araw ay nakatanggap si Amayah ng mensahe mula kay Nolan. Pinapapunta siya nito sa condo dahil may mahalaga raw itong sasabihin sa kanya. Isang ngiti naman ang kumawala sa kanyang mga labi. Alam na niya kung bakit. Katulad ng dati ay ganoon pa rin ang routine niya para makapunta sa Greenhills condo. Magta-taxi, magre-rent ng VIP room sa Sunrise Cafe, at magpapalit ng damit, bago tuluyang pumunta sa kanyang destinasyon. Pagdating naman niya sa unit ni Nolan ay nadatnan niya ito na masayang nagbibilang ng limpak-limpak na pera habang nakaupo sa may sofa. "Saan naman galing iyan? Ang dami, ahh," aniya. Tumango naman sa kanya ang lalaki. "Binantayan ko ang paggalaw ng mga stocks. Bumagsak kagabi pero bumawi naman habang nag-uumaga na." "Ibig sabihin ay matagumpay ang pag-i-invest mo. Doble ba ang nakuha mo?" patay malisyang tanong niya. Pinakita naman sa kanya ng lalaki ang tatlo nitong daliri. "Triple." Napapalakpak naman siya. "Magandang balita iyan. An












Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
reviews